Quantcast
Channel: Showbiz
Viewing all 248 articles
Browse latest View live

Cristy Per Minute • Hulyo 1-15, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 1 – 15, 2015

  Liza Soberano
 
Liza Soberano
  alonzo.nino.nanay.cristy
 
Alonzo Mulach
  Lea Salonga
 
Lea Salonga
    Pauleen Luna
 
Pauleen Luna
  Coco Martin
 
Coco Martin

Liza Soberano – Magandang modelo ng kagandahang-asal

Ang ganda-ganda ng imahe ni Liza Soberano. Bibihira ang personalidad na tulad niya na wala kang maririnig na nagsasabing lumaki na ang kaniyang ulo, nag-iinarte na siya, maangas na.

Kahit saan kami magpunta ay siya ang iniidolo lalo na ng mga lola at nanay. At kapag ganoon, ibig sabihi’y isang magandang modelo-halimbawa si Liza para sa kanilang mga anak at apo, napakalaking bentahe noon para sa dalaga.

Nanganganak kasi nang nanganganak ang mga kuwento tungkol sa mga artista. Ang kaangasan ay kumakalat agad-agad, lalo na ang pag-iinarte, ang mga mismong nakaranas noon ang nagpapakalat ng mga kuwento.

Kung tutuusin ay si Liza pa nga ang puwedeng masilipan ng ibang ugali dahil ipinanganak at lumaki siya sa Amerika. Sampung taong-gulang na siya nang magdesisyong dito manirahan kasama ang kaniyang ama.

Pero hindi binago ng Amerika ang ugali ni Liza, Pilipinong-Pilipino siya, kitang-kita iyon sa pakikitungo niya sa ating mga kababayan kahit saan siya magpunta.

Ang pagiging marespeto ng young actress sa kaniyang mga magulang ang unang pinupuri ng publiko. Laging itinataas ng ating mga kababayan ang anak na marunong tumanaw ng utang na loob at magbigay-pagpapahalaga sa kaniyang mga magulang.

Ang walang respeto sa magulang ay tinatatakan ng publiko, hindi sinusuportahan ang career, kahit pa sabihing maganda at magaling namang umarte ang artista.

Ugali pa rin ang susi sa tagumpay ng mga artista. Pangalawa na lang ang itsura at talento. Kapag maganda ang ugali ng artista ay madali nang ayusin ang pakete ng kaniyang karera.

Alonzo Muhlach – Child wonder din ang anak ni Niño Muhlach

Napakasarap pisil-pisilin sa sobrang panggigigil ang junior ni Niño Muhlach na si Alonzo. Parang pinagbiyak na bunga ang mag-ama, para naming nakikita si Onin noong bata pa siya kay Alonzo, wala silang pinagkaiba.

Nagkita kami sa bonggang birthday party ng anak nina Zaldy Aquino at Thesa noong Sabado nang gabi. Nandoon din si Ryzza Mae Dizon, isang gabi iyon na napakaordinaryong bata nina Alonzo at Ryzza Mae, dahil nakikipaglaro sila sa kanilang mga kapuwa bata na parang hindi sila mga sikat na artista.

Bibong-bibo si Alonzo. Siya ang palaging sumasagot at nagbibigay ng tamang sagot sa mga tanong na ibinabato ng isang magician, nasa kaniya ang tutok ng mga bisita sa party.

Nang makita kami ni Niño ay agad nitong pinuntahan ang kaniyang anak, hinila nito sandali, saka pinagbeso sa amin. Napakabibong bata, kaliwa’t kanan ang nagpaparetrato sa tabi niya, pero walang reklamo si Alonzo.

Sabi ng aming anak na si Rebo, “Nakakakilabot ang itsura nilang mag-ama, plakadung-plakado! Kahit hindi mo alam na anak siya ni Niño, e, hindi ka maliligaw, talagang magkamukha sila!”

Noong kasagsagan ng kasikatan ng child wonder na si Niño Muhlach ay ganyang-ganyan din kay Alonzo ang kaniyang kabibuhan. Mapapagod ka sa pagsagot sa kaniyang mga tanong, hindi mo mapaiikot ang matalinong si Niño, eksaktong ganyan kay Alonzo na kahit saan mo dalhin ay panalung-panalo.

At marespeto ang child actor, bago siya tumalikod sa kaniyang kausap ay marunong siyang magpaalam, “Excuse me, I’ll just join the kids again. Thank you.”

Tawa nang tawa si Onin kapag binibiro namin na isa na itong stage father ngayon, hindi na kasi nito panahon, ang mayhawak na ng kaniyang dating trono bilang child wonder ay si Alonzo na.

Napakabibong bata.

Lea Salonga – Walang habas mag-comment sa social media

Isa si Lea Salonga sa mga Pilipinong nagbigay ng magandang imahe sa ating bayan. Tulad ng Pambansang Kamao ay isinulat din ni Lea Salonga ang pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo.

Ang kopohin niya nang maraming taon ang pagbibida bilang Kim sa Miss Saigon ay hindi biro. Napakaraming nangangarap sa kaniyang posisyon, pero wala silang magagawa, isang Pilipina ang pinalakpakan nang patayo ng iba-ibang lahi sa sikat na dulang-pang-entablado.

Pero ang imaheng iyon ay medyo umaasim dahil sa madalas na pagpapakawala ng mga komento ni Lea na hindi pinapaboran ng mga kababayan natin. Ang pinakahuli ay ang pangunguwestiyon niya sa selebrasyon Araw Ng Kalayaan na kung tutuusin daw naman ay walang dahilan para ipagdiwang dahil sa mga ibinigay niyang dahilan.

Iyon ang kaniyang opinyon. Pero ang takbo ng kaniyang argumento ay pinutakti ng mga bashers. Maraming nanglait at kumontra kay Lea Salonga na para bang nababalewala na tuloy ang magandang imaheng ibinigay niya para sa ating bayan.

Ibang klase talaga ang social media, maraming sikat na personalidad na ang nalagay sa alanganin dahil sa pagiging bukas ng bibig at kalooban tungkol sa maraming paksa, dumadaan din sa ganyang senaryo si Sharon Cuneta.

Ang payo ng ating mga kababayan kay Lea, kung sa kaniyang palagay ay hindi karapat-dapat ipagmalaki ang Pilipinas ay napakalawak ng pintuan para sa kaniyang pangingibang-bansa, lumayas siya sa bansang ito at mamuhay sa banyagang lupain.

Nakapanghihinayang ang alaala ng Miss Saigon. Sa isang iglap lang ay nabura agad ang napakalaking ambag ni Lea Salonga sa bansang itinuturing niyang tahanan.

John Lloyd Cruz – Hindi boto kay Angelica ang mga fans

Bakit kaya maraming kababayan natin ang hindi boto kay Angelica Panganiban para kay John Lloyd Cruz? Dapat sana’y maging maligaya na ang mga ito dahil maligaya rin ngayon ang aktres bilang karelasyon ni JLC pero bakit maraming nangdadaot kay Angelica?

Sabi ng isang kausap namin, “Napakapalengkera ni Angelica, hindi sila bagay ni John Lloyd na napakapormal na lalaki. Hihilahin niya lang si John Lloyd pababa, hahawahin niya sa pagkapalengkera niya, hindi sila bagay!”

Napakasakit noon para kay Angelica, pati ang mga personal niyang buhay ay pinanghihimasukan na ng mga kababayan natin, bakit nga ba?

Sabi ng isang source, “Conceited kasi si Angelica. Sobra ang believe ng babaeng iyon sa sarili niya. kung makaasta siya, e, para bang napakatalino niya, na alam na niya ang lahat, samantalang bobita rin naman siya!”

Balitang binabagyo ang relasyon ngayon nina Angelica at John Lloyd. May lumulutang pang kuwento na mismong mga nag-aalaga ng career ng aktor ang nagpapahiwalay sa kaniya sa dalaga.

Kumakagat ang paliwanag ng isang source tungkol doon, “Kasi nga, nararamdaman na siguro ng mga concerned kay John Lloyd na bumaba ang premium niya bilang actor mula noong maging sila na ni Angelica, kaya ganoon.

“Mag-produce sila ng movie para kina Angelica at John Lloyd, sila mismo ang makapagpapatunay, flop ang pelikula. Ganoon kaayaw ng mga kababayan natin si Angelica para kay John Lloyd,” madiin nitong komento.

Pauleen Luna – Hindi pera lang ang habol kay Bossing Vic

Nakakuwentuhan namin ang actress-TV host na si Pauleen Luna sa bonggang birthday party ni Sam, anak ng mga kaibigan-anak-anakan naming sina Zaldy at Thesa Aquino, isa si Pauleen sa mga nagbigay ng regalo sa stage sa seventh birthday ng aming apo.

Ang ganda-ganda pa rin ni Pauleen, hindi na niya kailangan pang sabihin na maligayang-maligaya siya sa piling ni Bossing Vic Sotto, ang mismong aura na niya ang sisigaw tungkol doon.

Nasubaybayan namin ang kaniyang paglaki dahil kaibigan namin ang kaniyang Lola Lita Luna, nakaririwasang pamilya sa Valenzuela ang kaniyang angkan, sila ang may-ari ng mga gasolinahan sa aming siyudad.

Iyon ang dahilan kung bakit nalulungkot kami kapag may mga bashers na nagsasabing pera lang ni Vic Sotto ang habol ni Pauleen, huwag naman sana nilang saktan ang dalaga, dahil sanggol pa lang siya ay naka-aircon na.

Kung may pera si Vic at mayroon din ang pamilya ni Pauleen. Magkakatalo na lang iyon sa kung sino ang higit na mas may pera sa kanila, kaya huwag palalabasing mukhang pera ang aktres.

Hindi lang siya kumikibo pero siyempre’y napakasakit ng ganoong bintang sa kaniya. Kundi nga niya minahal nang todo si Bossing Vic Sotto, siguro nga ay sumuko na rin si Pauleen sa mga patutsadang walang basehan na ibinabato laban sa kaniya.

Julia Barretto – Bistado ang ugali kaya malagihay ang career

Maraming nag-oopinyon na gaano man kaganda si Julia Barretto ay hindi sapat ang panlabas niyang katangian para marating ng dalaga ang kaniyang pangarap na matagumpay na makalusot sa labanan.

May pruweba na tungkol doon. Malagihay lang ang pagtanggap ng publiko sa kaniyang mga pelikula. May kulang na elemento sa pakikipagsabayan ni Julia sa kaniyang mga kapuwa kabataang artista ngayon.

Makahulugang komento ng isang nakausap namin, “Nasa Pilipinas si Julia, hindi siya nagbubuo ng career sa ibang bansa, nasa Pilipinas siya kung saan napakahalaga ng ginagampanang papel ng pagrespeto ng anak sa kaniyang mga magulang.

“Noong magdesisyon si Julia na iapela sa korte ang pagpapaalis ng apelyido ng daddy niya sa pangalan niya, e, siya mismo ang pumukpok ng pako para selyuhan ang kabaong ng career niya.

“Maling decision ang ginawa niya, hindi tanggap sa bansa natin ang ganoon, kawalan ng utang na loob kay Dennis Padilla na tatay niya ang gustong mangyari ni Julia,” komento ng aming source.

At nagkakatotoo ang opinyon ng ating mas nakararaming kababayan, ayaw umigtad ng karera ni Julia, napag-iiwanan na nga siya ng kaniyang mga kasabayan.

Iba talaga ang nagagawa ng imahe sa isang personalidad, iyon ang nag-aangat sa kaniya, iyon ang pinagbabasihan ng suporta at paghanga na gustong ibigay ng publiko sa isang artista.

Kris Aquino – Umalma sa akusasyong becki si Bimby

Galit na galit si Kris Aquino noong minsang may nagkomento sa social media na mukhang becki si Bimby. Lumutang ang pagiging nanay ni Kris, karapatan niya naman iyon, bakit nga naman sasabihing baka lumaking bading ang kaniyang bunso?

Natural, masakit iyon para sa isang nanay, sino nga naman ang basher na iyon na inuunahan na ang magiging kapalaran ni Bimby? Teka lang naman muna, sabi ni Kris, hindi siya makapapayag na basta laitin na lang ang kaniyang mahal na si Bimby.

Minsan, sa isang umpukan ng mga berdaderong becki, ay naging sentro ng paksa si Bimby. Nauwi ang kuwentuhan sa pagkagalit ni Kris noong may magsabing mukhang lalaki ngang bading ang nakababatang kapatid ni Josh.

Nagpakatotoo ang mga nandoon, may nagbigay ng kanilang hindi hinihinging payo kay Kris, ganito ang komento ng isang becking nandoon.

“Ang becki, ipinanganganak na becki. Hindi iyon ginagawa lang dahil sa influence. Becki kang ipanganganak, becki ka ring mawawala sa mundo,” mataray na opinyon ng unang becki.

Kinontra naman iyon ng isa, mas madiin ang kaniyang opinyon, “Tama! Pero marami ring insidenteng dapat, eh, hindi pansinin ang pagiging becki, pero dahil puro nga bading ang nakakasama niya, naiimpluwensiyahan na siyang magladlad!”

Isang becking may parehas na pananaw ang bumangka sa usapan, “Kung ako kay Kris, since nagagalit nga siya kapag may nagsasabing baka lumaking becki ang anak niya, siya na mismo dapat ang gumawa ng paraan para hindi nasasabi iyon ng ibang tao.

“Huwag niyang isinasamang mag-shopping si Bimby na ang nakikitang binibili niya, eh, bra, underwear, make-up at iba pang stuff na pambabae.

“Siya na rin ang mag-iwas sa anak niya sa mga becki. Hindi naman kailangang hindi respetuhin ng bata ang mga becki, pero kailangang ilayo ni Kris si Bimby sa balwarte ng mga becki.

“Isama niya sa mga kapuwa batang lalaki si Bimby, paturuan niya ng basketball, tutal naman, eh, nasa dugo ng bata iyon dahil sa tatay niyang magaling na basketball player.

“Kaso, iba ang nakikita ng mga tao kay Kris. Tuwang-tuwa siya dahil bibung-bibo si Bimby, ang galing-galing na rin daw sumagot sa mga interview at mahusay nang mag-interview!

“Natural, ano ang iisipin ng mga nakakapanood sa kaniya na ganoon ang ina-appreciate niya sa anak niya? Di ba, ang gusto niya, eh, sumunod sa mga yapak niya si Bimby? Kung ayaw niyang may nagdududa sa anak niya sa napakaagang age, ibahin niya ang linya ng interest ng bata,” balanseng pananaw ng huling source.

Pero mukhang ganoon naman ang ginagawa ngayon ni Kris sa kaniyang anak. Pinatuturuan niya ng football si Bimby. Pero sa halip na ang pag-aaral nito ng football ang lumutang ay mas pinag-uusapan ang pag-uugnay kay Kris sa football player at miyembro ng Azkals na si James Younghusband.

Napakabata pa ni Bimby para pagdudahan ang kasarian nito. Pero kung sa pagdating nang araw ay maging becki nga ang child actor ay siguradong matatanggap iyon nang buong-puso ni Kris.

Una, anak niya si Bimby, nanay ang unang-unang dapat makaunawa sa sitwasyon ng kaniyang anak. Ikalawa, ikatutuwa iyon ni Kris, dahil malapit ang kaniyang puso sa mga becki.

At ang panghuli pero pinakamahalaga—hindi krimen ang maging becki.

Toni Gonzaga at Direk Paul – Bagsak ang rating ng wedding special

Bagsak ang rating ng wedding special nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga. Hindi naman iyon sayad na sayad, pero kumpara sa ratings ng dalawang programang sinundan ng kanilang special, napakababa ng numero ng kanilang palabas.

Maraming nagkokomento na kaya raw walang gaanong nanood ng kanilang wedding coverage ay dahil hindi alam ng ating mga kababayan na mayroon palang ganoon.

Itinago kasi nila ang petsa ng kanilang kasal, nabunyag na lang iyon noong mismong araw na ng pagharap nila sa altar, kaya siguro laglag ang kanilang wedding coverage.

Hindi rin namin alam kung ano talaga ang dahilan ng pagtatago sa kanilang kasal nina Direk Paul at Toni. Puwedeng gusto kasi nilang namnamin ang kanilang kapribaduhan, isang pangarap na mahirap maangkin ng mga kilalang pampublikong personalidad.

Sa halip tuloy na makisaya sa kanila ang publiko dahil natupad na ang kanilang pangarap na makapagbuo ng pamilya ay naging negatibo pa ang dating nila sa ating mga kababayan. Nakapanghihinayang na okasyon.

Isang source na nagpakilalang mula sa loob ang nagpadala sa amin ng ganitong text tungkol sa katatapos lang na pagpapakasal nina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga.

Ang kumpletong nilalaman ng text message, “Hindi pinipirmahan nina Mommy Pinty at Toni Gonzaga ang contract nila sa ABS-CBN hanggang noong malapit na ang kasal.

“Gusto kasi nilang pataasin pa ang royalty rights ng wedding nila. 1.5M nila ibenenta ang wedding rights, pero gusto pa nilang padagdagan, marami raw kasing hindi tinupad ang Dos sa kasunduan nila.

“Pero ang totoo, malapit na malapit na ang wedding nila, eh, namomroblema pa rin ang ABS-CBN Marketing, kokonti lang kasi ang pumapasok na ads. Kahit ang mga product endorsement ni Toni, hindi naman lahat, eh, nag-place ng ads.

“Puro hype lang naman pala ang pagiging multi-media star ni Toni. Pati ang ibang boss ng Dos, eh, nainis, dahil nagkakilanlan sila nang dahil lang sa pera.

“Kaya ayun, mababa ang rating ng wedding special nila, naging nega kasi sa publiko, ang dami-daming nainis sa pagtatago nila sa date ng kasal nila,” kumpletong mensaheng tinanggap namin mula sa isang source na nagpakilalang taga-loob daw.

Hindi namin oopinyunan ang senaryo. Wala kaming alam tungkol sa pangyayari. At kapag wala kaming alam ay hindi kami nakikisawsaw.

Isabelle Diaz-Daza – Nag-apologize sa mga taga-Siquijor

Mabuti naman at humingi na ng dispensa si Isabelle Diaz-Daza sa mga taga-Siquijor sa kawalan nito ng respetong pagpo-post ng #siquiWhores sa kaniyang Instagram account.

Kundi pa nagbigay ng opisyal na pahayag si Vice-Governor Dingdong Avanzado na nagmamalasakit sa kaniyang mga nasasakupan ay mananatili na lang palang “for fun” ang pagdudugtong nito ng salitang “whore” sa probinsiya ng Siquijor.

Napakawalang respetong paglalaro. Kahit nga ang mga babaeng literal nang nagbebenta ng puri ay aangal sa pagtawag sa kanila ng whore, ang mga taga-Siquijor pa kayang nananahimik ang magkakagustong tawagin silang ganoon, dapat lang namang humingi ng dispensa si Isabelle Daza sa mga Siquijodnon.

Ang paggamit ng social media ay walang ipinagkaiba sa pagpapaputok ng baril. Bago pindutin ang gatilyo, dapat ay pinag-iisipan muna nang libong beses iyon, tulad din sa social media na ibayong disiplina at pag-iisip ang kailangan bago ang pagpo-post ng kahit ano.

Sinasaluduhan namin si Vice-Governor Dingdong Avanzado sa matindi niyang malasakit at pagmamahal sa mga Siquijodnon. Bilang pangalawang ama ng kanilang probinsiya ay hinding-hindi siya makapapayag na yurakan ng sinuman ang integridad at reputasyon ng kaniyang mga kababayan.

Isang matinding leksiyon ang matututunan nating lahat sa inasal ni Isabelle Daza. Hindi ginagawang biro ang pagkakambal ng opensibong salita sa kahit kanino at sa kahit anong lugar.

Utak ang una munang dapat pairalin bago ang pagpitik ng mga daliri.

KC Concepcion – Nananahimik sa mga social media rants ng ina

Puro ngiti lang ang isinasagot ni KC Concepcion kapag tinatanong siya tungkol sa hidwaan nilang mag-ina. Walang napapala ang mga reporters sa pakikipag-usap sa dalaga. Puro matatamis na ngiti lang kasi ang iginaganti ni KC tungkol sa mga tanong kay Sharon Cuneta.

Mas maganda na ang ganoon. Walang sabit si KC. Dahil kapag pinatulan niya ang mga patutsada ng kaniyang ina sa social media ay siya pa rin ang lalabas na ingrata.

Makabuluhan ang tanong sa amin ng marami, wala ba kasing mga kaibigan si Sharon kung saan nito mailalabas ang kaniyang mga sama ng loob, wala bang balikat ng mga kaibigan ang Megastar para doon mag-iiyak nang mag-iiyak?

Payo naman ng kaibigan naming propesor na tutok na tutok sa mga usaping-showbiz, “Kapag bagsak ang emotion ni Sharon, she should avoid social media. Isarado muna niya ang mga accounts niya. Gamutin niya muna ang emosyon niya.

“Nakakapanghinayang kasi ang estado niya. Megastar na siya, sangkatutak na ang napatunayan niya, pero dahil lang sa pag-eemowt niya sa FB, parang nababalewala tuloy ang lahat ng pinaghirapan niya.

“Mag-try naman siyang kumain ng talong, ng upo, ng iba’t ibang klase ng mga gulay. Hindi iyong ganyan na puro patola ang kinakain niya! Patol siya nang patol sa mga bashers, patol siya nang patol sa emotions niya, di ba?” punto ng aming kaibigan.

Napakalaking depresyon daw kasi ang hatid kay Sharon Cuneta ng kaniyang sobrang timbang. Ginawa na nito ang lahat ng paraan para pumayat pero wala pa ring pagbabago ang sobrang laki ng kaniyang katawan.

Madiing komento ng isang source, “iyon ang proof that money can’t buy everything.”

Natiyempuhan ng dalawa naming kasama sa hanapbuhay na magkasamang nagdi-dinner ang mag-amang Gabby ay KC Concepcion.

Father’s Day kasi, inilabas ni KC ang kaniyang daddy, mula nang maging close ang mag-ama ay hindi na nakalimot ang dalaga sa kaniyang tatay.

Pero duda ng aming mga kaibigan ay pinagkukuwentuhan din ng mag-ama si Sharon Cuneta. Kay Gabby raw siguro nagsumbong-umiyak ang young actress noong kasagsagan ng tampo ng Megastar na ipinaabot pa nito sa publiko, wala nga namang ibang balikat na iiyakan si KC kundi ang kaniyang ama lang.

Pero hanggang doon na lang iyon. Kahit anong pilit ang gawin ng mga reporters ay walang sinasabing anuman si KC laban sa kaniyang ina. Doon kapuri-puri ang dalaga.

At siguradong tagapakinig lang ang papel ni Gabby at hindi ito nagkakarga sa sama ng loob ng kaniyang anak. Hindi iyon gagawin ng aktor dahil kapag nalaman iyon ni Sharon ay mas malaking bulkan ang sasabog sa social media.

Si Sharon lang ang nagsakripisyong magpalaki kay KC, wala si Gabby noong mga panahong kailangang-kailangan ni KC ng ama, hindi gugustuhin ni Gabby ang malagay ito sa alanganin kapag inungkat ni Sharon ang nakaraan.

Coco Martin – Magarbo ang bahay, may gay benefactor daw ba?

Isang malaking atraksiyon sa pinili niyang subdivision ang magarbong bahay ni Coco Martin. Tabing-tabi pa naman iyon ng main road ng subdivision, kaya kapag may mga dumadaan ay kapansin-pansin ang kanilang pagmemenor, sabay silip sa bahay ng magaling na aktor.

Kapag wala siyang trabaho ay magsasaka si Coco. Hiniram niya sa subdivision ang katabing bakanteng lote ng kaniyang mansiyon para pagtaniman ng iba’t ibang klase ng gulay.

Makikita siyang naggagambol at nagdidilig ng mga alaga niyang halaman, napakasimple ng magaling na aktor, naka-shorts lang siya at puting t-shirt habang nagpapakamagsasaka sa may kalakihan ding lote.

Sa nasabing subdivision din nakatira ang magaling na komedyanteng si Jose Manalo, ang pulitikong si dating Isabela Governor Grace Padaca, at ang aming anak-anakang si Zaldy Aquino.

Lumawak na nang lumawak ang bahay ni Coco. Nabili na niya halos ang mga katabing lote ng kaniyang bahay, dugtong na lang siya nang dugtong, kaya mansiyon na mansiyon na ang kaniyang propyedad.

Siyempre’y kakambal noon ang mga intriga. Paano raw kaya nakapagpatayo ng ganoon kagarbong mansiyon si Coco? Parang ang bilis-bilis daw kasi ng kaniyang pagyaman. May gay benefactor ba ang magaling na aktor?

Sa pag-unlad ng kabuhayan ng mga pampublikong pigura ay natural na lang ang mga ganoong pagpuna. Hindi kasi nila nasasaksihan ang mga pagpupuyat at pagpapagod nang halos maghapon at magdamag ng artista, ang nakikita na lang nila ay ang mismong bahay na, sana’y pahalagahan din nila ang katotohanan na ang bawat poste ng bahay na iyon ay produkto ng pagpapagod-pagsisikap-pangangarap ng may-ari ng mansiyon.

Mahirap daw maging pogi. Pero mas mahirap maging mayaman.

Jinkee Pacquiao – Pamilya na muna, tapos na ang politika

Isinarado na nang tuluyan ni Vice-Governor Jinkee Pacquiao ang pintuan ng mundo ng pulitika para sa kaniya. Sa darating na halalan ay hindi na siya kakandidato, magiging simpleng maybahay na lang siya ng Pambansang Kamao, wala nang makapagpapabago pa sa kaniyang desisyon.

Ayon sa misis ni Congressman Manny Pacquiao ay napakarami niyang dapat punan, unang-una na ang kaniyang mga anak na kahit pa sabihing nabibigyan niya naman ng quality time ay kulang at kulang pa rin ang kaniyang pagseserbisyo bilang ina ng mga ito, iyon ang kaniyang uunahin kapag wala na siya sa serbisyo-publiko.

Nakikita na lang niya na lumalaki ang kaniyang mga anak, parang hindi man lang niya naramdaman ang pagiging sanggol ng mga ito, kasi nga ay marami siyang obligasyong dapat gampanan sa kaniyang mga nasasakupan.

“Feeling ko kasi, e, marami akong dapat punuan sa mga anak ko. Ayoko silang lumaki na kulang sa pagmamahal. Aanhin naman natin ang pera kung failure naman tayo sa pamilya?” makahulugan pang komento ng misis ni Pacman.

Hindi pa niya sineselyuhan ang posibilidad ng pagtakbo ng kaniyang mister bilang senador, pero ang maipapangako lang ni VG Jinkee, “Sa kung anumang makapagpapasaya sa kaniya, nakasuporta lang kami ng mga bata.”

Kapuri-puri si Jinkee Pacquiao sa pagpapahalaga sa kaniyang mga anak, sa kaniyang pamilya, sa kaniyang mga prayoridad.

Siya nga ang malakas na hangin sa ilalim ng mga pakpak ng Pambansang Kamao.

Natural ang ganda – Alma, Zsa Zsa, Claudine, Izza at Angelica

Kung natural na ganda ang pag-uusapan ay hindi ipatatalo ng mga kaibigan naming nagtatrabaho sa NAIA si Angelica Panganiban. Lahat ng mga personalidad na mangingibang-bansa ay dumadaan sa kanila, kitang-kita nila ang itsura ng mga artista, kaya marunong silang maghiwalay ng gandang natural sa gandang salamat po, doktor lang.

Kuwento ng isang kaibigan namin, “Kapag walang make-up si Kris Aquino, hindi mo siya makikilala. Parang isang Chinese trader lang siya na mamamakyaw ng mga paninda sa Hong Kong para maibenta dito sa atin.”

Kuwento naman ng isa pa naming kaibigan, “Maganda at sopistikada si Gretchen Barretto, pero matigas ang ganda niya. Parang lahat-lahat sa mukha niya, e, dinaanan na ng heringgilya.”

“Lalo naman si Regine Velasquez! Kapag wala siyang make-up, e, napakaordinaryo lang niya. Pero kapag naka-make-up na, halimaw ang dating niya. Biglang ganda!”

Pinakagusto nila ang natural na ganda nina Alma Moreno, Zsa Zsa Padilla, Claudine Barretto, Izza Calzado at Angelica Panganiban na kahit lumang t-shirt lang daw ang suot at walang kolorete ay napakaganda talaga.

“Bumibiyahe siya nang naka-shorts lang at ordinary white t-shirt. Naka-rubber shoes lang siya. Ang ganda-ganda ni Angelica Panganiban. Hindi siya dependent sa make-up, natural na natural ang ganda niya,” nagkakaisang sabi ng aming mga kaibigan sa NAIA.

Sa mga male personalities naman ay gustung-gusto nila si Derek Ramsay dahil palabati raw ang aktor at mabait sa mga fans. Nagtataka naman sila kung bakit palaging may kausap sa telepono si Piolo Pascual.

Tanong ng aming mga kausap, “Drama lang ba iyon ni Piolo para walang magpa-picture sa kaniya? Hindi kaya sumasakit ang mga tenga niya sa haba ng pakikipag-usap niya sa telepono?

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Hulyo 16-31, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 16 – 31, 2015

    Jiro Manio
 
Jiro Manio
  Angelica Panganiban
 
Angelica Panganiban
  Piolo Pascual
 
Piolo Pascual
  Claudine Barretto
 
Claudine Barretto
 
  Noni, Julia & Sharmaine Buencamino 
 
Noni, Julia & Sharmaine Buencamino

Nora Aunor – No show sa kasal ng anak na si Ian De Leon

Linggo ng hapon ay hindi masyadong nagtagal sa PNP Custodial Center si Tita Malou Fagar. Konting kuwentuhan lang pagkatapos ng aming pananghalian ay nagpaalam na ito.

Makalulusot ba iyon kay Senador Jinggoy Estrada na alam na alam ang galaw ng mga nasa paligid? May magandang dahilan ang pag-alis agad ni Tita Malou Fagar, magnininang kasi siya sa kasal ni Ian de Leon, kaya ang tanungan ng mga nandoon ay kung dadalo kaya ang ina ng groom?

Tulad ng inaasahan ng mas nakararami ay hindi dumalo sa kasal ng kaniyang tunay na anak ang Superstar. May sakit daw ito. Masakit daw ang kaniyang likod.

Noong huli naming makakuwentuha si Ian de Leon sa birthday ni Maribel Aunor ay inamin niya na hindi pa sila nagkakausap ng kaniyang ina. Puro iling lang ang isinasagot ng aktor sa mga tanong namin.

Hanggang bahagi pa ng buhay ni Nora Aunor si John Rendez, palagay nami’y hindi pa magkukrus ang landas nilang mag-ina, lantaran ang pag-ayaw ni Ian sa lalaki.

May business si Ian, nagpaparenta siya ng mga sound system at iba pang technical rider sa mga concert. Maayos ang kanilang relasyon ng kaniyang amang si Christopher de Leon pati ng kaniyang madrastang si Sandy Andolong.

Regular din siyang napapanood sa Baker King ng TV5. Magaling umarte si Ian de Leon, anak talaga siya ng kaniyang mga magulang, mata pa lang ng aktor ay umaarte na at nagdedeliber ng dayalog.

Daniel Padilla – Sobrang in demand, pinakasikat pa rin

Walang kahit sinong makakokontra sa kasikatan ng isang personalidad. Mayroon mang mga labis at kulang ang artista ay nababalewala. Panahon niya kasi. Kaniya ang mundo.

Isang grupo ng mga show promoters ang nakausap namin kailan lang. Si Daniel Padilla ang palaging hinihiling sa kanila kahit saan. Napakamahal ng talent fee ng sikat na heartthrob, napakahirap pang kumuha ng schedule sa mga namamahala sa kaniyang career. Pero walang pamimilian ang mga promoter kundi ang maghintay.

Komento pa ng isa, “Ang dami-daming magagaling na singers ngayon, pero si Daniel pa rin ang request ng mga kababayan natin. E, hindi naman siya singer talaga, nakakakanta lang. Nagkataon lang kasing sikat talaga siya ngayon, kaya carry na rin.”

Nang makausap namin ang road manager ni DJ ay nagulantang kami sa kaniyang schedule. Punumpuno. Halos wala nang pahinga ang young singer-actor.

Kaya kapag wala siyang trabaho ay sinasamantala ni Daniel ang pagkakataon. Pagkatapos niyang regaluhan ng masarap na pahinga at tulog ang kaniyang sarili ay bike siya ang bike sa kanilang subdivision.

Tumitigil lang siya sa pag-iikot kapag rumepeke nang parang kampana ang bibig na kaniyang inang si Karla Estrada na alalang-alala sa mukha ng kaniyang mina ng ginto.

Kapag binabawal na nito sa pagbibisikleta ang sikat na heartthrob pero sige pa rin nang sige ay pasigaw na sasabihin ni Karla, “Sige, sirain mo ang mukha mo! Sige, galusan mo ang katawan mo!

“Kapag nawasak ang mukha mo sa kabibisiklita, babalik na naman tayo sa pagtira sa ilalim ng tulay! Gusto mo iyon!”

Jiro Manio – Nagpapagaling na, sana’y tuloy-tuloy na

Napakabusilak ng puso ni AiAi delas Alas. Ang pagmamahal at malasakit na ibinibigay ng Comedy Concert Queen sa kaniyang sariling pamilya ay dinugtungan niya ng ekstensiyon para kay Jiro Manio.

Hindi sila magkadugo ni Jiro, pero isinabuhay ng komedyana ang ilang ulit nilang pagsasama sa pelikula. Siya ang tumatayong dakila at tanging ina ngayon ng batang aktor.

Nagbigay-respeto muna si AiAi kay Mang Andrew, ang kinikilalang ama ni Jiro, nagkasundo sila agad dahil magkapareho lang ang kanilang layunin para kay Jiro. Ang maisalba sa bisyo ang batang aktor, ang magkaroon ito ng magandang kinabukasan, ang makapagtrabaho kapag maayos na ang kaniyang sitwasyon.

Nasa isang maayos na kapaligiran na ngayon ang batang actor. Nakaprograma na ang lahat ng kaniyang gagawin sa pakikipagkomunikasyon ni AiAi sa mga namamahala sa rehabilitation center, maraming tumutulong sa komedyana sa pinagdesisyunan niyang hakbang para kay Jiro Manio.

Tumulong si Lorna Tolentino, nakaabang na ang trabahong ibibigay ni Marvin Agustin sa young actor kapag kapaki-pakinabang na. Hindi lang ang kasalukuyang sitwasyon ni Jiro ang pinagmamalasakitan ni AiAi kundi pati na ang kinabukasan nito.

Hindi na namin ikinagulat ang pinagpipistahang kuwento ngayon tungkol sa magaling na batang aktor na si Jiro Manio. Maraming beses na kasi siyang nag-iikot sa kaniyang mga kaibigan at kakilala para manghingi ng pinansiyal na tulong.

Minsan ay binulabog niya pa nga ang mahimbing na tulog ng isang aktor, katok siya nang katok sa gate ng bahay nito, pati ang mga kapitbahay ng ginigising niyang personalidad ay nainis sa kaniyang pang-aabala.

Nagulat naman ang isang kasamahan niyang artista nang magsadya siya sa bahay nito, karga ni Jiro ang kaniyang anak, kailangan daw niya ng pambili ng gatas.

Ipina-rehab na noon ni Direk Maryo J. delos Reyes at ng iba pang mga nagmamalasakit sa kaniya ang batang aktor. Nag-aral pa nga siya at nakapagtapos ng isang mabilisang kurso, kaya ang akala ng mga taga-showbiz ay maayos na siya, pero hindi pa rin naman pala.

Nakapanghihinayang si Jiro Manio. Lumipas man ang maraming taon ay hindi pa rin mawawala sa kamalayan ng mga Pinoy ang pelikula niyang Magnifico. Nag-akyat-baba siya sa entablado ng mga award-giving bodies dahil sa napakahusay niyang pagganap sa nasabing pelikula.

Maawa man ang buong mundo kay Jiro Manio ay walang pagbabagong magaganap hanggang hindi siya mismo ang magmamahal at magmamalasakit sa kaniyang sarili.

Tayo ang gumuguhit-nagdidisenyo ng ating buhay at kinabukasan. Tayo ang arkitekto ng ating kapalaran. Walang ibang makapgbibigay ng milagro sa ating buhay kundi tayo mismong may katawan.

Ai Ai Delas Alas – Bigay-todo kung tumulong at makipagkaibigan

Kung mayroon mang higit na nakakakilala sa Comedy Concert Queen Ai Ai Delas Alas bukod sa kaniyang pamilya ay si Arnell Ignacio ang nangunguna sa listahan. Makabuluhan ang kanilang pagkakaibigan dahil nagsimula at umusbong iyon noong mga panahong wala pa silang pera at nangangarap pa lang.

Sabi ni Arnelli, “Kulang ang libro sa mga pinagdaanan ni Martina. Lahat na yata ng pagsubok, eh, natikman niya. Sa pamilya, sa lovelife, sa showbiz, nalundagan niyang lahat iyon!

“Lagi ko siyang hahangaan. Maganda ang puso ng babaeng iyon! Kung minsan nga, eh, niloloko na siya, pero tulong pa rin siya nang sige. Ang katwiran niya, eh, hindi naman siya ang magdadala noon kundi ang nanloloko sa kaniya.

“Napaka-pure ng puso niya, walang masamang tinapay kay Martina. Saka marunong siyang magpahalaga at tumanaw ng utang na loob. Bibihira na lang ang tulad niya.

“Bigay-todo siya kung tumulong at makipagkaibigan, kaya matindi rin siyang masaktan kapag may gumagawa ng hindi maganda sa kaniya,” sinserong komento ng magaling na komedyante-TV host na pinagdudahang ama ng panganay ni AiAi na si Sancho Vito.

Naalala lang namin. Magsisimula na noon ang Movie Magazine nang humahangos na dumating ang kasamahan naming reporter na si Alex Marcelino. May karay-karay itong baguhang stand-up comedian.

Igine-guest ni Alex ang naka-make-up nang pagkakapal-kapal at nakaayos ng taras bulbang babae. “Kahit ilang tanong lang, magaling siya, nakakaaliw!” papuri pa ni Alex Marcelino sa kaniyang kasama.

“Sino ba ‘yan?” sarkastikong tanong ng isang nasa studio. “Si AiAi delas Alas siya, stand-up comedian, nagse-set sa Music Box!” mabilis na sagot ni Alex.

Ipinasok si AiAi noong bandang huli na, pumapasok na ang closing credits, nagmamagandang hapon pa lang siya at nag-imbitang panoorin siya sa Music Box.

Ang kumontra sa maagang pag-upo ni AiAi sa talk show ay nabalagoong na sa kaniyang posisyon, samantalang si AiAi delas Alas ay sinuwerte, sumikat nang sikat na sikat.

Toni Gonzaga – Nabigla ang sistema dahil sa pag-aasawa

Mukhang sobrang nabigla si Toni Gonzaga sa bagong sitwasyon niya ngayon kaya humina ang sistema ng kaniyang katawan. Kuwento ng mga kasamahan naming reporters ay ubo siya nang ubo at matindi ang kaniyang sipon na kundi naagapan ay siguradong mauuwi sa trangkaso.

Bakit nga naman hindi? Si Toni na mismo ang nagsasabi na makapagmamalaki si Direk Paul Soriano na ito ang nakauna sa kaniya? Ang direktor lang ang tanging lalaking nakasabay niyang lumipad-umakyat sa langit-langitan ng kaligayahan.

Natural, dahil iyon ang unang karanasan ng aktres ay nagulantang siya, maaaring nakadagdag iyon sa paghina ng kaniyang sistema bukod pa sa stress na inabot niya sa paghahanda sa itinago nilang pagpapakasal ni Direk Paul.

At walang pamimilian si Toni, sa ganoong sitwasyon ay kailangan pa rin niyang magtrabaho, kaya sa unang salang niya sa mga camera ay abut-abot pa rin ang kaniyang pag-ubo.

Madaling intindihin ang lungkot na nararamdaman ngayon ni Toni. Lumaki kasi sila ni Alex na ang kanilang mga magulang lang ang kasama nila. Mayroon silang mga pinsan na nakakasama nila paminsan-minsan pero ang kinagisnan nilang mundo ay aapat na tao lang sila.

Bigla siyang kumawala sa mundong kinasanayan na niya, sila na ni Direk Paul ang magkasama ngayon, matatagalan pa talaga bago matutuhang yakapin ni Toni ang buhay na malayo na sa kaniyang pamilya.

Cesar Montano – Comparing notes ang mga ex na sina Shine at Tong

Sa unang pagkakataon pagkatapos silang maging bahagi ng buhay ni Cesar Montano ay nagkita na nang personal sina Sunshine Cruz at Teresa Loyzaga. Sina Shine at Tong.

Mas naunang naging karelasyon ni Teresa si Cesar, si Diego ang naging anak nila, pero si Sunshine ang pinakasalan ng aktor.

Isinama ni Tong si Diego sa Australia, lumaki itong kasama si Sephie, anak ni Teresa kay Arnold na pinakasalan niya. Nang lumaki si Diego ay hiniling nito sa kaniyang mommy ang pagbalik sa Pilipinas, kinausap niya muna si Cesar, pumayag naman ang aktor pagkatapos nilang mag-usap ni Sunshine.

Noon pa man ay nagkakatawagan na at nagtetekstan sina Tong at Sunshine. Lalo na nang magkaroon ng problema sa pagitan ng mag-ama, kailangang makibalita si Tong tungkol sa pangyayari, kinakausap niya sina Cesar at Shine.

Pero ibang-iba na ang senaryo ngayon dahil hiwalay na sina Cesar at Sunshine, nagdedemandahan pa, kaya pakiramdam ng marami ay nakakita ng kakampi si Sunshine kay Tong.

Ano nga kaya ang naging takbo ng kanilang usapan lalo na nang masayaran na ng alkohol ang kanilang mga lalamunan? Napakadiretso pa naman ng dila ni Teresa, tamaan na ang tatamaan, pero talagang sasabihin niya kung ano ang kaniyang nararamdaman.

Nag-exchange notes kaya ang dalawang babae? Pinagkuwentuhan kaya nila ang kani-kaniyang nakaraang karanasan sa piling ni Cesar?

Matagal nang nakapag-move on si Tong, si Sunshine ay nakapagitna pa sa labanan, kung kilala nga namin si Teresa ay siguradong pinagpayuhan niya si Sunshine.

Napaka-smart ni Tong, malawak ang naaabot ng kaniyang utak, kapag nagkakaroon sila ng argumento ni Cesar ay palaging talo ang aktor at iyon nga siguro ang isa sa mga dahilan kung bakit hindi sila nagtagal.

Isa sa pinakamasisipag na babaeng nakilala namin si Teresa Loyzaga. Mabubuhay siya nang walang kasambahay. Siya ang nagluluto (napakasarap niyang magluto) at naglilinis ng maluwang nilang bakuran sa Antipolo na wala kang maririnig na anumang reklamo sa kaniya.

At mayroon siyang paninindigan. Kung ano ang sinabi niya ay tinatayuan niya, daig pa niyang magdesisyon ang lalaki, maraming nakaimbak na Christmas balls sa kaniyang katawan si Teresa Loyzaga.

Angelica Panganiban – Walang takot ang ginawang rebelasyon

Siguradong ipatatawag ng mga tagapamuno ng ABS-CBN si Angelica Panganiban dahil sa pinakahuling post niya tungkol sa maling kalakarang nangyayari sa set ng ginagawa niyang tele-serye sa network.

Ang reklamo ni Angelica ay siguradong sasang-ayunan ng mga kapuwa niya artista, hindi nga lang nagsasalita ang mga ito, dahil may punto ang hinaing ng magandang aktres.

Dumarating siya sa set nang walang script. Ikinukuwento na lang daw sa kanila ng assistant director kung ano ang mangyayari sa mga eksenang gagawin ng mga artista, pati ang mga dialogue ay doon na lang nila nalalaman, gulatan ang dating noon para kay Angelica.

Maraming nagulantang sa rebelasyon ng aktres, napakalaking network nga naman ng ABS-CBN, pero ganoon ang nangyayari? Ano ang ginagawa ng kanilang mga scriptwriters, bakit pinagteteyping nila ang kanilang mga artista nang walang script, ganoon na ba talaga ang kalakaran ngayon sa Dos?

Kung ang mga datihan na ngang artista ay nagrereklamo sa ganoong sistema, ano pa ang nangyayari sa mga baguhang artista na may script na nga ay hindi pa makaarte nang tama, di lalong mangangamote sa pag-arte at pagdadayalog ang mga bagitong personalidad?

Hindi dapat magalit ang network kay Angelica, sa halip ay dapat nilang kalampagin ang mga pool of writers nila na nagpapabaya, nagpapakapropesyonal ang kanilang mga artista pero paano sila makapagtatrabaho nang walang script?

Kung ayaw nilang nagrereklamo ang mga artista ng network, dapat ding gawin ng ibang departamento ang kanilang trabaho, sa ganoong paraan lang mareresolbahan ang problema.

Ayon sa mga miron ay umariba na naman daw ang pagkataklesa ni Angelica Panganiban. Dapat daw ay hindi na niya ipinost pa ang malaking kahihiyang aabutin ng kaniyang istasyon.

Pero kontra-opinyon naman ng mas nakararami, kung ginagawa ng ibang departamento ng network ang kanilang trabaho, di sana’y wala ring reklamong nanggagaling sa mga artista?

Piolo Pascual – Halata nang nagkaka-edad ang guwapong aktor

Hindi man kasinglaki ng kinita ng mga pelikula ni Sarah Geronimo kapag si John Lloyd Cruz ang katambal niya ay magandang balita na rin na nagtagumpay ang pagpapareha nila ni Piolo Pascual.

Ang mahalaga ay nakalusot ang tambalan nila ni Piolo, kumita ang kanilang pelikula, minsan pang pinatunayan ng young singer-actress na kapag siya ang bumibidang babae sa proyekto ay sigurado na iyon sa takilya.

Napanood ng mga kaibigan namin ang proyekto nina Piolo at Sarah. Walang dudang napakaguwapo pa rin ni Piolo, komento ng mga nanood, pero bilang na bilang na ang panahon ng mga ganoong role para sa aktor.

“Wala siyang pinipiling anggulo, sobrang guwapo pa rin ni Piolo, pero sa mga close-up shots niya, e, mahahalata mo na rin ang pagkakaedad niya. Kailangan nang ingatan iyon dahil anumang milagro ang gawin ng director, e, halatado na,” sabi ng mga kaibigan namin.

Ang edad ng tao, gaano man kagagaling ang mga doktor at mga produktong anti-aging, ay hindi maipagkakaila. Sumasabay ang itsura ng tao sa kaniyang edad. Magparetoke man ay alam mong hindi na natural ang kaniyang itsura.

May isang kilalang aktor na mas may edad lang nang konti kesa kay Piolo ang nanghingi na ng tulong sa siyensiya. Nagpa-botox na ito para maitago ang mga pileges sa kaniyang mukha.

Nagtagumpay naman ang aktor sa gusto nitong mangyari pero sa mga eksenang galit na galit ito at kailangang maglabas ng emosyon ay hindi na gumagalaw ang kaniyang noo.

Para nang wax ang itsura ng kilalang aktor, hindi na natural ang kaniyang pag-arte, sa pag-iwas nitong tumanda ay nangingislap naman ang kaniyang noo dahil sa madalas na pagpapa-botox.

Claudine Barretto – Sana’y magtagumpay sa pagbabalik-pelikula

Malaking timbang na ang nawawala ngayon kay Claudine Barretto. Pero hindi pa masaya doon ang nagbabalik-pelikulang aktres, kailangan pa raw niyang mag-diet, ayaw raw niyang mapahiya sa publiko sa muli niyang pagsalang sa harap ng mga camera.

Masayang-masaya naman ang mga tagasuporta ni Claudine na hindi bumitiw ng katapatan sa kaniya dahil may bago na siyang pagkakaabalahan ngayon. Hindi na puro hearing lang sa mga kasong isinampa niya laban kay Raymart Santiago.

Sabi ng isang kausap naming propesor, “Sabi na nga ba, isang araw, e, magigising din si Claudine, maiisip din niya ang importance ng mga sinasayang niyang panahon. Ito na iyon!

“Sayang na sayang ang career niya, hindi naman siya basta-basta artista, naging successful siya. Kundi pa niya maiisip ngayon ang pagbabalik sa trabahong minahal niya, e, kailan pa mangyayari iyon?” tanong-opinyon ng aming kaibigan.

Malaking-malaki ang nawala kay Claudine mula nang masira ang kanilang relasyon ni Raymart Santiago. Sa kinikita na lang niya noon sa paggawa ng mga TV commercial ay puwede na siyang magbuhay-reyna.

Kumawala sa kaniyang mga palad ang oportunidad dahil sa digmaan nila sa korte ni Raymart, nabahiran ang kaniyang imahe, hanggang sa tuluyan nang malugmok ang kaniyang pinaghirapang career.

Pero ang mahalaga ay nandito na siya uli, binalikan na niya ang mundong mahal na mahal niya, na sana’y mahalin niya pabalik dahil binigyan pa uli siya ng ikalawang pagkakataon.

Markadong linya ng isa naming kaibigan, “Ito na ang huling baraha ni Claudine, pag-ingatan na sana niya, sayang na sayang ang chance na ito kapag pinabayaan pa niya.”

Kris Aquino – Madulas ang dila kaya nauupakan sa social media

Nagbigay na ng maigsing pahayag si Kris Aquino tungkol sa pinagpistahang isyu na sinabi diumano niya na huwag nang iugnay sa kaniyang kapatid na pangulo ang Japanese porn star na si Maria Ozawa dahil marami nang lalaki ang gumamit sa babae.

Dahil kilala nga sa pagiging taklesa si Kris ay maraming naniwala sa lumabas, kani-kaniyang wagwagan na naman ang dila ng mga netizens, binalikan ng mga ito ang aktres-TV host sa pagkokomentong, “Look, who’s talking!”

Sabi ni Kris, bilang depensa sa kaniyang sarili, kung gustong mapag-usapan ng mga naglabas ng kuwento ay huwag naman sana siya ang gamitin. Wala siyang sinasabing anuman tungkol sa Haponesang porn star, wala ring nakakainterbyu sa kaniya, kaya wala siyang kinalaman tungkol sa isyu.

Doon lang kung minsan natatalo si Kris. Kahit hindi niya naman sinasabi ang mga bagay-bagay na makasisira sa ibang tao ay maraming naniniwala na kaya niyang magsalita nang ganoon.

Ang imahe nga niya kasi ay sobrang dulas ng kaniyang dila, taklesa siya, mabilis siyang humusga sa kahit sino. Tuloy ay nauupakan siya sa social media, mas masasakit na salita pa ang natitikman niya, samantalang wala naman siyang kinalaman sa kontrobersiyang ipinaaako at ibinabato laban sa kaniya.

Doon lang madalas na napupuruhan si Kris Aquino. iyon na kasi ang imahe niya, doon na siya nakilala ng publiko, kaya nalalagay siya sa indulto.

Boots Anson Roa – High-tech at modernong Lola Basyang sa TV5

Sinadya naming abangan ang unang sultada ng Lola Basyang.com, ang bagong Fanta-serye ng TV5, mula sa magkahawak-kamay na pagtatrabaho nina Direk Jun Lana at Perci M. Intalan ang palabas.

Sa mga teaser pa lang kasi ng Lola Basyang.com ay nang-iimbita nang manood ang mga eksena, gusto naming ipanood iyon sa aming mga anak at apo, kaya inilaan namin ang Sabado nang gabi para sa programa.

Modernong Lola Basyang si Boots Anson Roa, kakontemporary niya ang panahon, techie ang lolang nagkukuwento dahil tutok na tutok siya sa social media.

Sa mga unang eksena pa lang ng Lola Basyang.com tungkol sa modernong pagtatawid ng klasikong alamat ni Maryang Makiling ay nakanganga na ang aming mga apo. Bakit nga hindi? Bukod sa napaka-glossy nitong kulay ay makaagaw-pansin ang kanilang mga visual effects.

Sa pag-uusap pa lang ng malaking ahas at ni Rodjun Cruz, hanggang sa ang ahas ay biglang naging si Jasmine Curtis na, ay hawak na sa leeg ng palabas ang mga bata.

Nang sunugin si Tomas (ginampanan ni Carlos Agassi) dahil sa pagnanakaw nito ng libro ay kitang-kita namin ang pagpapalakpakan ng mga bata, buhay na rin sa kanilang kamalayan ang paghihiganti, dapat talagang pinarurusahan ang mga gumagawa ng mali at iniaangat ang mga nagpapalaganap ng tama.

Bitin ang palabas. Gusto pa ng mga bata ay tapos na ang klasikong kuwento ni Maryang Makiling na may modernong atake. Pero maganda ang aming narinig, may mga susunod pang kuwento si Lola Basyang, tututok daw sila uli.

Isang mahigpit na yakap ng pagbati kina Direk Jun Lana, Sir PMI, sa anak-anakan naming si Omar Sortijas na matagal naming naging EP sa mga programa ng TV5, at sa bumubuo ng The IdeaFirst Company sa pamumuno nina Direk Jun at Sir Perci. Mabuhay kayo!

Julia Buencamino – Hindi mapigilang mapag-usapan sa social media

Sa kabila ng mga pakiusap nina Noni at Sharmaine Buencamino na maging pribado ang pagkawala ng nagpatiwakal nilang bunso na si Julia ay napakarami pa ring naglabasang detalye tungkol doon sa social media.

Hindi kayang pigilan iyon ng mag-asawa, may sarili nang komunidad ngayon ang social media, sa ayaw at sa gusto ng mga taong sangkot gaano man sila kapribado ay lulutang at lulutang pa rin ang maraming kuwento.

Lumabas ang mga kakatwang imahe sa mga huling paintings ni Julia, nakakatakot ang itsura ng kaniyang mga iginuhit, mayroon pang isang nagpatiwakal na may imahe ng parang demonyo sa kaniyang likuran.

Mayroon ding imahe ng isang babaeng naglalakad na ang nakalagay na caption, humigit-kumulang, ay dead girl walking.

May isang barkadahan pala sina Julia na puro mga batang pintor sila. Minsan ay mamamasyal sila sa mall, kapag nakakita sila ng isang lugar na puwede nilang gamitin, mauupo silang lahat doon at magpe-painting sila.

Isang pari ang nakausap namin tungkol kay Julia. Tinanong namin ang alagad ng Diyos kung totoo ba ang kapaniwalaan na hindi tinatanggap sa langit ang mga nagpapakamatay?

Wala raw katotohanan iyon. Kasabihan at kapaniwalaan lang daw ng matatanda ang ganoon. Lahat tayo, ayon sa nakakuwentuhan naming pari, ay dalawang kamay na pagbubuksan ng langit sa kahit anong dahilan pa ng pagkawala ng ating lupang katawan.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Agosto 1-15, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 1 – 15, 2015

  Daniel Padilla
 
Daniel Padilla
  Yaya Dub
 
Yaya Dub
  Alden Richards & Yaya Dub
 
Alden Richards & Yaya Dub
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  James Yap
 
James Yap
  Ai Ai delas Alas
 
Ai Ai delas Alas
  Gladys Reyes
 
Gladys Reyes
  Tirso Cruz
 
Tirso Cruz

Daniel Padilla – Hindi ordinaryong teenager lang, kailangang mag-ingat

Mabuti naman at inagapan agad-agad ni Daniel Padilla ang pagkakasangkot ng kaniyang pangalan sa makasaysayang pambubuga ng usok sa kaniyang ka-loveteam na si Kathryn Bernardo.

Hindi raw siya nagsisigarilyo, wala raw siyang bisyo, pekeng yosi lang daw ang pinanggalingan ng usok (vapor) ng e-cigarette na ibinuga niya kay Kathryn na parang sasabunging manok.

Kailangan nang mag-ingat ang sikat na heartthrob sa kaniyang mga kilos at pananalita. Sa kaniya nakasentro ang atensiyon ng publiko bilang pinakasikat na bagets actor. Anumang gawin at sabihin niya ngayon ay malaking balita, lalo na kung negatibo iyon na makasisira sa kaniyang imahe.

Tama, tao lang si Daniel Padilla na gustong makaranas ng mga ginagawa ng kaniyang kaedad. Teenager si Daniel at ngayon ang kasagsagan ng pagiging pasaway ng bawat lalaking gustong madiskubre ang mundo.

Naiiba lang ang kaniyang sitwasyon dahil sikat siya, iniidolo ng mga kabataan, itinuturing na modelo ng mga magulang para tularan ng kanilang mga anak.

Sunud-sunod na ang kinasasangkutang hindi kagandahang isyu ni Daniel Padilla. Kailangang triple na ang gawin niyang pag-iingat ngayon. Kundi siya sigurado sa kaniyang sarili ay dapat siyang mas hindi sigurado at kampante sa mga taong nakakasama niya.

Isang araw ay magsasawa na ang ating mga kababayan sa kaniyang mga dahilan at katwiran. Kung isa-dalawa lang ang nagpapayo sa kaniya ay kailangang madagdagan. Mas maraming bibig na nagpapaalala sa kaniya ay mas makabubuti, dahil ang mga teenager ngayon na tulad ni Daniel ay maraming gustong madiskubre.

Walang kasiguruhan ang pag-aartista. Isang maling hakbang lang na maling-mali ay mauuwi na sa katapusan ng kanilang career. Nakapanghihinayang na ang oportunidad na ipinagkatiwala sa kanila ay balik pa sa dati ang kanilang buhay.

Ang kasutilan ay namimili ng panahon at lugar. Si Daniel Padilla mismo ang nag-iimbita ng kanegahan sa kaniyang karera.

Kapag lumamlam na ang kinang ng kaniyang bituin at kapag bumitiw na ang ating mga kababayan sa pag-idolo sa kaniya ay saka lang siya magigising.

Madalas naming napapasok ang personal na buhay ng mga artista, nakakausap namin ang kanilang pamilya at mga kamag-anak, gusto naming isipin na katangi-tangi si Daniel Padilla sa masarap na respeto at pagmamahal na kusang-loob niyang ibinabahagi sa kaniyang ama, ina at mga kapatid.

Yaya Dub – Bagong paborito ng bayan

May lagnat ang bayan ngayon kay Yaya Dub, alalay ni Wally Bayola bilang si Lola Nidora ng Juan For All…All For Juan ng Eat Bulaga, ultimo mga batang paslit ay nakakakilala na ngayon sa kaniya.

Barometro namin ang mga bata tungkol sa popularidad ng mga artista. Kapag kilala ng mga batang paslit ay panalo, pero kapag nakakunot ang kanilang noo at nagtatanong ang tingin, waley!

Eh, kilalang-kilala na si Yaya Dub ng mga bata, ginagaya-gaya pa nga ng mga ito ang kaniyang pagsayaw, pati ang paggamit niya ng abaniko-pamaypay at pag-irap-irap ay pinaplakado na ngayon ng mga bata.

Natututukan din namin si Yaya Dub. Aliw na aliw kami sa kaniya kapag pinasasayaw siya nang walang humpay, gusto na niyang magpahinga ay hindi niya magawa dahil tuluy-tuloy pa rin ang tugtog.

At magaling siyang mag-dubsmash, sabay na sabay ang buka ng kaniyang bibig sa materyal na ipinagagawa sa kaniya, markado ang pag-irap-irap ni Yaya Dub.

Nakakaaliw rin ang kunwari’y pagkontra ni Lola Nidora sa pagkagusto ni Yaya Dub kay Alden Richards, tanong nga ng mga apo namin, “Asawa ba niya si Alden?”

Si Yaya Dub ay isang propesyonal, nagtapos siya ng Culinary Arts sa College of St. Benilde, nag-OJT siya sa Paris at tubong-Sta. Maria, Bulacan.

Sabihin mang uso lang ngayon si Yaya Dub ay gusto pa rin naming bigyan ng kredito ang Eat Bulaga sa pagdidiskubre ng mga talentong kinaaaliwan ng manonood.

Willie Revillame – Pansamantalang itinigil muna ang Wowowin

Kumpirmado! Huling episode na ng Wowowin ang ipinalabas noong Linggo (July 26) nang hapon. Wala nang kasunod iyon. Pero bago pa malungkot ang mga tagasuporta ni Willie Revillame sa panandaliang kaligayahang ibinigay ng kanilang idolo ay kailangang malaman muna nila ang kabuuang kuwento kung bakit.

Hindi tinanggal ng network si Willie. Bilang prodyuser ng kaniyang sariling show na minsan sa isang linggo lang sumasahimpapawid ay gumagastos nang walong milyong piso buwan-buwan si Willie.

Isang oras lang ang kaniyang programa, alas tres y medya ng hapon pa umeere, hindi iyon tamang oras para sa isang game-variety show. Hindi papasukin ng mga sponsors ang isang programang nasa isang patay na oras kung tutuusin.

Hindi basta host lang ng Wowowin si Willie, siya rin ang prodyuser ng kaniyang programa, nagbabayad siya para sa airtime bilang blocktimer at siya rin ang nagpapasuweldo sa kaniyang staff at crew.

Kung ang GMA-7 ang masusunod ay binibigyan siya ng network ng kalayaang ituloy ang Wowowin, pero bilang producer-host ay nagdesisyon si Willie, maghihintay siya ng takdang panahon para mabigyan siya ng schedule para sa isang daily show. Isang pang-araw-araw na programa na mapapanood sa tamang oras, iyon ang inuupuan nila ngayon ng mga ehekutibo ng GMA-7. May transaksiyong nagaganap ngayon sa pagitan nila ng istasyon.

Kaya huwag munang malungkot ang mga tagasuporta ni Willie Revillame. Hindi pa katapusan ng mundo. Mula noong May 10 nang magsimula ang Wowowin ay palaging panalo ang show sa ratings. Patunay lamang na mula noon hanggang ngayon ay nandiyan pa rin ang mga kababayan nating hindi bumibitiw ng pagtutok at pagmamahal kay Willie Revillame.

Phillip Salvador – Aminadong hindi kayang suportahan si Josh

Sa kahit anong interbyu ni Phillip Salvador ay hindi niya minsan man sinabi na nakapagbibigay siya ng suportang pampinansiyal kay Joshua. Aminado naman si Kuya Ipe na wala siya sa sitwasyong dapat gawin ng isang ama sa kaniyang anak.

Panay-panay nga ang papuri ng action star kay Kris Aquino dahil mag-isa lang na itinataguyod ng actress-TV host ang mga espesyal na pangangailangan ng kanilang anak. Walang kuwestiyon doon.

Hindi ikasasama ng loob ng aktor ang katotohanan. Siya pa nga ang umaamin sa kaniyang mga pagkukulang sa dapat sana’y mga obligasyong ibinibigay niya kay Josh.

Si Kuya Ipe ay aminadong kapos, pero si James Yap ay kumikita nang milyones bilang star player ng kaniyang team sa PBA, ano kaya ang naging problema at sinasabi ngayon ni Kris na walang tinatanggap na sustento si Bimby mula sa kaniyang ama?

Noong kasagsagan ng kanilang pagkakasuhan, sa pagkakaalam ng marami ay inayos na rin nila ang magiging sustento buwan-buwan ni James para sa kanilang anak. Hindi kaya sinunod ni James ang pinirmahan nilang kasunduan sa korte?

Ang obligasyon ay obligasyon. Kumikita man nang milyones si Kris Aquino at kaya man nitong pakainin nang walong beses sa maghapon ang kaniyang mga anak ay dapat suportahan ng kanilang mga ama ang magkapatid.

Samantala, suhestiyon ng kaibigan naming propesor na tutok na tutok sa showbiz ay dapat sigurong ipahiram ni Kris Aquino nang kahit dalawang buwan lang si Bimby kay James Yap.

Napanood daw kasi nito ang mga episodes ng programa ni Kris kung saan nag-co-host si Bimby, nakakaaliw daw naman ang child star dahil bibung-bibo, pero mas makabubuting makasama ng child star ang kaniyang ama.

“Sobrang exposed na si Bimby sa showbiz, sa mga palaging nakakasama ni Kris na karamihan, e, beki, kailangan na niyang ipahiram si Bimby kay James para mabago naman ang mundo ng bata.

“Kuhang-kuha na ni Bimby ang mga galaw ni Kris, pati ang pag-roll-roll ng eyes ng mommy niya, plakado na ng bata. Kapag palaging ganoon, e, mahahawa na ang bagets sa katitili ng mga taong nakapaligid sa nanay niya,” pagpansin ng aming source.

Kapag si James Yap daw kasi ang makakasama ni Bimby ay maiiba naman ang punto ng interes ng child star. Puro malalaking tao sa hardcourt ang kaniyang makikita, tuturuan itong magdribol at mag-shoot ng kaniyang ama, madadagdagan ang kaalaman ni Bimby.

Sabi nami’y hindi madaling mangyari iyon, maganda nga sana kung halinhinang makakasama ni Bimby ang kaniyang mga magulang, pero hindi pa siguro ngayon magaganap ang lahat dahil hindi pa maayos na maayos ang samahan nina James at Kris.

James Yap – Umasim na ang relasyon kay Michaela Cazzola

Bulung-bulungan ngayon sa mundo ng basketball ang pag-asim ng relasyon nina James Yap at Michaela Cazzola. Kapansin-pansin na noong mga huling laro ng Star Hotshots (Purefoods) sa huling conference ng PBA ay hindi na nakikitang nanonood ang Italyana sa kaniyang boyfriend.

Dati, basta nakaka-three points si James Yap ay maagap ang mga cameramen, agad na nilang tututukan si Michaela, palakpak nang palakpak ang girlfriend ni James sa magaganda niyang ginagawa sa bawat laro ng kaniyang team. Proud na proud si Michaela sa kaniyang boyfriend.

Ang kuwento tungkol sa kanilang relasyon ay nadagdagan pa nang mag-post si James ng mga patagilid na emosyon, tungkol sa paghihiwalay ng isang magkarelasyon ang tinutumbok ng basketbolista sa kaniyang post, pero wala siyang binanggit na pangalan.

Sabi ng isang miron, “Pustahan tayo, kapag na-confirm nang hiwalay na nga sina James at Michaela, may isang babaeng eepal na naman. Makikisahog na naman siya sa issue. Pustahan tayo?”

Sino pa nga ba ang tinutukoy nito kundi si Kris Aquino? Kahit ayaw nang magsalita pa ng aktres-TV host tungkol sa senaryo ay hindi pa rin ito makalulusot, siguradong hihingan ito ng komento, at magbibigay naman si Kris.

Sayang naman, kasalan na ang pinag-uusapan noon nina James at Michaela, pero mukhang mabubulilyaso pa yata ang kanilang planong pagharap sa altar.

Sana’y isang ordinaryong problema lang ang pinagdadaanan nila ngayon na maihahanap pa nila ng solusyon. Harinawa.

Ai Ai delas Alas – Dakila kung tumulong sa mga nangangailangan

Huling baraha. Ganoon kung ilarawan ng mga taga-showbiz ang ginawang pagtulong-pagkupkop ni Ai Ai delas Alas kay Jiro Manio. Huling baraha na ito ng batang aktor, kapag umulit pa siya at hindi nag-ingat sa kaniyang sarili, wala nang magtitiwala pa uli sa kaniya.

Ang bawat tao ay dapat regaluhan ng pangalawang pagkakataon, iyon ang sabi, pero ibang usapan na kung ang ibinibigay na pagkakataon sa kaniya ay hindi niya naman pinahahalagahan.

Apat na beses nang ipinare-rehab ng kaniyang pamilya at mga kaibigan si Jiro, pero nanghihinayang ang mga taong nagmamahal at nagmamalasakit sa batang aktor, dahil sa wala rin naman nauuwi ang pagpapa-rehab sa kaniya.

Balik pa rin siya sa panghihingi ng lakas ng loob sa bisyo, naglalayas siya palagi, tinatamad na siya sa pagtatrabaho at mas gusto niyang nagpapakalat-kalat sa kalye.

Pasalamat si Jiro Manio dahil may isang kaluluwang nagsalba sa kaniya. Hindi niya kadugo si AiAi, hanggang sa harap lang ng mga camera ang pagnananay nila, pero tinulungan siya nang buong puso ng Comedy Concert Queen.

At hindi lang para kay Jiro ang malasakit ni AiAi, ang kapatid niyang si Anjo ay waiter na ngayon sa Zirkoh Comedy Bar, magpagawa man ng damit ngayon si Jiro Manio ay walang makakasukat-makakapantay ang busilak na kalooban ni AiAi.

Ang huling baraha ay iniingatan. Hindi itinatapon. Hindi sinasayang. Ganoong importansiya sana ang ibigay ni Jiro Manio sa kaniyang huling baraha.

Gladys Reyes – Pinapayuhan ang mga kapatid sa INC na magkaisa

Hiningi sa amin ni Gladys Reyes ang cellphone number ng magaling na news anchor-komentatristang si Ted Failon. Gusto lang magpasalamat ng aktres kay Ted dahil napakinggan niya ang napakaparehas na opinyon ng news anchor sa kaniyang programa sa radyo sa matinding isyung kinapapalooban ngayon ng Iglesia Ni Cristo.

Simple lang ang sinabi ni Gladys bilang isang tapat at aktibong miyembro ng INC, “Gusto ko lang pong pasalamatan si Sir Ted dahil napakinggan ko ang stand niya kanina tungkol sa INC.

“Napakaparehas po niya, hindi siya mapanghusga, napakamarespeto po ni Sir Ted,” papuri ni Gladys kay Ted Failon.

Ang relihiyon at pag-ibig ang pinakametikulosong paksa para pagtalunan. Walang nananalo at natatalo pagdating sa argumento ng pananampalataya at pagmamahalan.

Sinasaluduhan namin si Gladys Reyes bilang tao at miyembro ng INC. Tama ang kaniyang payo sa kanilang mga kapatid na huwag manglupaypay, mas kailangan nilang magkaisa at magkapatatag ngayon, sa mga panahong ito masusubok ang malalalim na pundasyon ng kanilang pananampalataya.

Tirso Cruz III – Nagpapasalamat dahil ligtas na sa lung cancer

Isang napakagandang balita ang tinanggap namin mula sa mag-asawang Tirso Cruz III at Lyn Cruz. Dati na silang mapagpahalaga at marunong magpasalamat sa mga biyayang ipinagkakaloob sa kanila ng Panginoon pero tripleng pasasalamat pa ang inuusal-usal nila ngayon.

Mahabang proseso ng gamutan ang pinagdaanan ni Pip pero idineklara na siyang ligtas sa lung cancer noong July 16 sa quarterly check-up.

Pero tutok pa rin ang actor-singer sa kaniyang pagpapa-check-up tuwing ikatlong buwan at sa pinakahuli nga niyang check-up ay ganoon na lang ang kanilang pasasalamat ni Lyn at ng kanilang mga anak.

Ang resulta ng kaniyang PET at CT Scan, “No recurrence of cancer. No traces of cancer cells.” Masayang komento ng aming forever idol, “God is always good, really good. Praise the Lord!”

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Agosto 16-31, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 16 – 31, 2015

  aldub
 
Alden Richards & Yaya Dub (Maine Mendoza)
  sharon
 
Sharon Cuneta
  robin mariel
 
Robin Padilla & Mariel Rodriguez
  ozawa
 
Maria Ozawa
  grace poe
 
Sen. Grace Poe
  vilma
 
Gov. Vilma Santos
  alma
 
Alma Moreno

Yaya Dub at Alden – Kinikilig ng bayan dahil sa Aldub loveteam!

Wala na talagang makapipigil pa sa lagnat ng bayan na ibinibigay ng AlDub. Mula Apari hanggang Jolo ay kinakikiligan ngayon ang tambalan nina Yaya Dub (Maine Mendoza) at Alden Richards.

Natural, kilalang-kilala rin sina Lola Nidora at Frankie Arenolli ng ginagampanan sa Kalyeserye nina Wally Bayola at Jose Manalo, marami tuloy naaawa sa kanilang katapatang programa habang buhay na buhay ang Kalyeserye ng Eat…Bulaga ay parang nangangailangan nang tone-toneladang suwero para mabuhay ang kanilang palabas.

Walang bukambibig ngayon ang mga paslit kundi AlDub. Ang matatanda namang nagtatrabaho sa labas ay pinipilit na makauwi agad sa tanghalian para matutukan ang Kalyeserye.

Sa ningning ngayon ng All For Juan, Juan For All ay kailangan na talagang mag-meeting de avance ang mga taga-It’s Showtime para kahit kalahati lang ng rating ng Eat…Bulaga ay makaambos sila.

Komento ng isang kaibigan naming mapagpuna sa mga palabas sa telebisyon, “Bagong putahe kasi ang AlDub. Nakuha nila ang pulso ng bayan, nakopo nila ang kilig, masang-masa ang atake ng loveteam.

“Walang makakukuwestiyon sa kilig ng bayan kina Alden at Yaya Dub. Saan ka naman nakakita ng ganoong kuwento na sa TV lang sila nagkakakitaan, sa screen lang, pero kapag ipinakikita na sila via split screen, eh, parang hihimatayin na ang mga fans nila?

“At sina Jose at Wally, panahon talaga nila ngayon, kahit ano’ng gawin nila, bumebenta sa televiewers. Napakanatural kasi nila, walang script-script, very spontaneous ang style nila.

“Sorry to say, sawa na ang manonood sa mga pinaggagagawa ni Vice Ganda. He had his time, pero ang mga ganoon kasing birada, eh, hindi naman magtatagal talaga. Maghahanap ng bago ang manonood, iyong bagung-bago talaga at hindi paulit-ulit lang,” kumpletong pahayag ng aming kaibigan.

May ipinakitang pigura sa amin ang isang kasamahan sa hanapbuhay, nasa mahigit na treinta porsiyento ang rating ng Eat…Bulaga, onse lang ang rating ng It’s Showtime.

Isang malaking senyal na ito na kailangan nang ligisin-katasin ng mga think tank ng Dos ang laman ng kanilang creative juices. Gawin na dapat nila ang lahat-lahat para kahit kalahati man lang ng rating ng Eat…Bulaga ay makaamot sila.

Kapag hindi pa sila kumilos agad ay alam na natin ang kanilang kauuwian. Ang ipinagmamalaki nilang palabas ay makikita na lang nating lumalangoy sa kangkungan.

Opinyon naman ng mga nakakausap namin, kung si Willie Revillame pa rin daw ang pambato hanggang ngayon ng ABS-CBN ay hindi lalamang nang milya-milya ang Eat…Bulaga, bibigyan daw ng magandang laban ni Willie ang programang naghahari-harian na sa loob nang mahigit na tatlong dekada.

Pero si Willie Revillame ay nasa GMA-7 na rin ngayon, kaalyado na ng mga taga-Eat…Bulaga, para ring malakas na bagyo ngayon na nananalasa ang Wowowin sa kaniyang mga ka-time slot sa Dos.

Ganoon nga naman ang buhay. Ang kangkong na itinapon ay mabubuhay pa rin kahit saan. At ang magkakalaban noon ay magkakakampi na ngayon. At grabe silang magpabagsak ng mga kalaban.

Sharon Cuneta – Sinisingil na ang kalusugan dahil sa tigas ng ulo

Sinisingil na si Sharon Cuneta sa katigasan ng kaniyang ulo kapag may nararamdaman siyang hindi maganda sa kaniyang katawan. Madiing sinabi ng isang kaibigan ng Megastar na mahilig siyang mag-self medicate.

Tamad siyang magpa-check-up, lalong ayaw na ayaw niyang magpaospital, maraming bawal sa kaniya pero dahil sa katigasan ng ulo ay palagi pa ring ginagawa iyon ni Mega.

Kuwento ng isang source, “Ang lakas-lakas niyang kumain ng lechon. Kahit pa may iniinom siyang gamot na pangontra, hindi pa rin makagaganda para sa health niya ang madalas at malakas na pagkonsumo ng paborito niyang lechon. Cholesterol iyon.

“Sobra rin siyang kumain ng banana cue. Grabe, nakakailang tuhog siya, times two ang isang tuhog, sobra-sobrang potassium naman iyon!”

Hindi nawawala ang kaniyang ubo, kapag umaariba iyon ay parang ayaw nang tumigil, inom lang siya nang inom ng maligamgam na tubig. Pero tuloy pa rin ang kaniyang pagyoyosi.

Mabuti naman at nakinig na ngayon si Sharon sa kaniyang mga doktor. Napapayag na siyang magpaospital. Malaki ang pagkakaiba nila ni Kris Aquino na bahagyang kibot lang ay nagpapa-confine na.

Noon ay puwedeng umiwas sa pagpapa-check-up si Sharon dahil bata pa siya. Habang nagkakaedad ang tao ay maraming nagbabago, maraming bahagi ng katawan ang humihina, kaya kailangang-kailangan ang paggabay ng mga doktor.

Harinawang magpaalam na ang matindi niyang pag-ubo. Kailangang gumaling agad si Sharon para hindi makaapekto iyon sa kaniyang unang pag-ibig – ang pagkanta.

Sabi nga ng mga kaibigan namin, “Kung sino pa ang may pera, iyon pa ang ayaw magpa-check-up. Kung ako si Sharon, kung ako ang tulad niya na nahihiga sa salapi, sa ospital na ako titira!”

Rico J. Puno – Foul ang pamimintas kay Sharon at Rey Valera

May mga kaibigan kaming nanood ng nakaraang matagumpay na concert ni Rey Valera sa Solaire Casino. Mahal ang tickets pero punumpuno ang venue. Poste na ng mundo ng musika ang isang Rey Valera.

Dalawa sa mga special guests ni Rey sina Rico J. Puno at Sharon Cuneta. Dalawang unang piyesa ni Sharon ang sumikat na si Rey ang kompositor, Mr. DJ at Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, kaya hindi matatanggihan ng Megastar ang nagbinyag sa kaniya bilang singer.

Na-off lang ang aming mga kaibigan sa ginawang panunudyo ni Rico J. Puno kay Sharon. Pinansin daw ng Megastar ang toupee ng singer, kalbo kasi ito ngayon, dahil sa pinagdaanang heart operation.

“Ginantihan niya si Sharon. I can’t say exactly kung ano ang sinabi ni Rico, pero more or less, sinabi niya na ang taba-taba raw ni Sharon. Hindi raw niya alam kung nakaharap o nakatalikod si Sharon dahil sa sobrang katabaan.

“Hindi naman napikon si Sharon, pero she said something like, ‘Binigyan ka na ng second chance na mabuhay, magbago ka na sana.’ Sinabihan din ni Rico si Rey Valera na mukhang bangkay.

“Nakaka-off lang dahil sa isang babae, pansinin mo na ang lahat sa kaniya, huwag lang ang kaniyang weight. Kung very sensitive ang babae sa kaniyang age, much more sa weight niya. It’s not politically right to say na ang taba-taba ng babae.

“Foul! Lalo na kay Sharon na talagang pinoproblema ang weight niya. Hindi na nga malaman noong tao kung paano siya magbabawas ng timbang, ididiin pa ni Rico na ang taba-taba niya? Too foul!” kuwento ng aming source.

Iyon kasi ang tatak ni Rico J. Puno. Hindi siya ang nasa entablado kung wala siyang nilalait, kung wala siyang pinipintasan, iyon na siya talaga.

Hindi tagahanga ni Sharon ang aming kaibigan, pero nasaktan pa rin ito, kaya ano kaya ang magiging damdamin ng mga tagahanga ng Megastar sa ginawang pamimintas ni Rico J. Puno?

Robin at Mariel – Balot ng lungkot dahil sa pagkawala ng triplets

Balot na balot ng kalungkutan ngayon ang mag-asawang Robin Padilla at Mariel Rodriguez. Ang triplets na pumipintig sa sinapupunan ni Mariel ay nakalulungkot na isa-isa-sunud-sunod na nawala.

Todo na ang kanilang pagkasabik, may mga pangalan na nga ang mga binhing dinadala ng TV host, pero noong idineklarang nakunan si Mariel ay maraming nalungkot talaga.

Para sa tulad nilang mag-asawang may katagalan na ring ikinakasal at naghihintay ng magiging produkto ng kanilang pagmamahalan ay napakasakit ng pangyayaring ito.

Noong unang mawala ang dinadala ni Mariel ay para na siyang pinagsukluban ng langit at lupa sa matinding kalungkutan. Matagal bago siya nakausad mula sa malungkot na kaganapan.

Napakasipag mag-post ni Robin ng mga impormasyon tungkol sa pagdadalantao ni Mariel. Una ay twins, pero naging triplets na, sobra-sobrang kaligayahan ang hatid sa mag-asawa ng maselang pagdadalantao ni misis.

Parang nakikinita na namin ang matinding lungkot ng mag-asawa ngayon, inilaan pa naman nang buung-buo ni Robin ang kaniyang panahon at atensiyon sa pagdadalantao ng kaniyang misis, pero hindi sila pinalad.

Kunsabagay ay marami pa namang panahong nakalaan para kina Robin at Mariel para magkaroon ng anak. Hindi pa ngayon ang panahon para magkaroon sila ng supling, lahat ng pangyayari ay may takdang panahon ng pagdating, hindi pa katapusan ng mundo para sa mag-asawa.

Maria Ozawa – Patol nang patol sa mga bashers

Patola rin ang Maria Ozawa na ito. Patol siya nang patol sa mga nangba-bash sa kaniya dahil sa nangyari kay Mariel Rodriguez. Nakikipagpalitan talaga nang maaanghang na salita ang Japanese porn star sa kaniyang mga bashers.

Walang preno ang kaniyang bibig, mas matitinding salita pa nga ang ibinabalik niya sa mga tagasuporta nina Mariel at Robin Padilla, akala yata ng hubaderang ito ay nasa Japan siya at wala sa Pilipinas.

Siya kasi ang sinisisi ng kampo ng mag-asawa sa pagkawala ng triplets, kundi raw siya nagsalita laban kay Robin dahil sa marespeto nitong pag-urong sa pagtatambalan nilang pelikula ay hindi sana nangyari ang nakalulungkot sa senaryo, galit na galit si Aling Maria!

Ano’ng akala n’yo, sabi niya, na gustung-gusto ko ang nangyari kay Mariel? Mga sira-ulo kayo! Wala kayong pakiramdam, mga hayup kayo! Parang ganoon ang isinagot ng porn star sa mga tagasuporta nina Robin at Mariel.

Lalo tuloy nagalit sa kaniya ang mga tagahanga ng mag-asawa, kung anu-anong masasakit na salita ang ibinato laban sa kaniya, iyon ang napala ni Aling Maria.

Sa totoo lang ay walang direktang kinalaman ang Haponesa sa nangyari sa triplets, aminado naman si Mariel na mahina ang kapit ng punla sa kaniyang sinapupunan, hindi si Maria Ozawa ang dapat sisihin doon.

Napagdiskitahan na lang siya ng mga nagmamahal sa mag-asawa dahil kuda pa rin kasi siya nang kuda, marami siyang sinasabi laban sa aktor, kaya ang akala ng mga fans nina Robin at Mariel ay isa siya sa mga dahilan kung bakit nalaglag ang triplets na dinadala ni Mariel.

Senadora Grace Poe – Hindi pinapatulan ang mga naninira

May katwiran ang komento ng mga kausap namin na kung sila raw si Senadora Grace Poe Llamanzares ay hindi na lang nila bibigyan ng panahon ang mga ibinabatong pagtuligsa ng kaniyang mga kalaban.

“Siya rin kasi ang magsusubo sa bibig ng mga kalaban niya ng iba pang puwedeng ipangbanat sa kaniya. Parang siya pa ang magbibigay ng idea sa mga iyon ng mga impormasyong ikasisira niya,” komento ng kaibigan naming propesor.

Ang mahalaga, ayon sa aming mga kakuwentuhan, ay ang mga dokumentong makapagpapatunay na mali ang mga paghusgang ibinabato laban sa kaniya. Kailangang mapatunayan niya sa pamamagitan ng mga hawak niyang dokumento na isa siyang tunay na Pilipino at hindi makatwiran ang sinasabi ng kaniyang mga kalaban sa pulitika na bawal siyang lumahok sa susunod na halalan.

“Ang pananahimik niya ang magiging alas niya. Don’t pay attention na lang sa mga nagpaplanong wasakin siya dahil she’s a big threat. They will not see anything good in her eyes, kalaban siya, kailangang ilaglag siya,” madiin pang sabi ng aming kausap.

Pero ang paulit-ulit na kasinungalingan ay nagiging totoo na para sa mga nakamasid kapag madalas nilang naririnig. Kailangan ding tumayo ni Senadora Grace Poe para magpaliwanag at ipagtanggol naman ang kaniyang sarili.

Kailangang maging parehas ang laban, hindi puwedeng isang kampo lang ang ating naririnig, kung may boses ang iba ay hindi puwedeng habambuhay na lang na maging pipi ang kanilang hinuhusgahan.

Gov. Vilma Santos-Recto – Walang interes maging running mate ni Kuya Mar

Nagsalita na nang tapos si Governor Vilma Santos-Recto. Walang kahit anong makapagpapabago sa kaniyang desisyon na hindi maging runningmate ni DILG Secretary Mar Roxas sa darating na eleksiyon.

Sarado na ang kaniyang isip, wala nang makapagpapabago pa sa kaniyang desisyon, lahat ng mga kuwentong naglalabasan ngayon tungkol sa kaniyang pagtakbo bilang vice-president ay puro press release lang.

Hindi siya interesado, sabi ng magaling na aktres-pulitiko, mahal niya ang probinsiya ng Batangas at wala namang pormal na nakikipag-usap sa kaniya tungkol sa mga plano.

Kunsabagay ay wala ni sa hinagap ni Governor Vilma ang pagtakbo sa mas mataas na posisyon sa ating pamahalaan. Ni hindi nga niya pinlano ang pagtakbong mayor ng Lipa City, kahit ang pagiging gobernador ng Batangas ay wala naman sa kaniyang plantilya, nasa kapalaran lang talaga niya ang lumaban at magtagumpay.

Wala siyang kinalaman sa mga naglalabasang balita na siya ang magiging katuwang ni Secretary Mar sa darating na halalan. Kahit ang kaniyang pulitikong mister na si Senator Ralph Recto ay wala ring alam tungkol doon.

Sarado na ang posibilidad. Nagsalita na nang tapos ang Star For All Seasons. Alisin na dapat ang kaniyang pangalan sa mga pinamimiliang tumakbo sa pagka-bise-presidente sa 2016.

Alma Moreno – Tatakbo bang Senador sa ticket ni Binay?

Inuupakan na sa social media si Alma Moreno. Nang lumutang ang balita na tatakbo siya sa pagka-senador sa partido ni Vice-President Jejomar Binay ay naging aktibo na ang kaniyang mga bashers.

Kung anu-ano nang pangmamaliit-panglalait sa maganda pa ring aktres sa kabila ng kaniyang paglusog ang ibinabato laban sa kaniya. Ano raw naman ang gagawin ng isang Alma Moreno sa Senado na pinamumugaran ng matatalinong mambabatas?

Kung pagandahan daw ang labanan ay kakabugin niya sina Senadora Grace Poe, Senadora Pia Cayetano at Senadora Miriam Santiago pero pagdating sa usapin ng katalinuhan ay nasa Row 4 ang aktres katabi ang mabahong basurahan.

Kahit kailan naman ay hindi nagpanggap na matalino si Alma Moreno. Tanggap niya ang katotohanan na kapos siya sa kaalaman dahil maaga siyang inagaw ng pag-aartista at hindi na nakapagpatuloy ng pag-aaral.

Pero sa pagpasok sa mundo ng pulitika ay hindi lang naman katalinuhan ang puhunan, marami pang ibang katangian ang dapat isaalang-alang, maaaring mayroon noon si Alma Moreno na wala ang ibang pulitiko.

Nasaksihan namin ang sinserong paglilingkod ni Ness sa mga nasasakupan ni Mayor Joey Marquez noon. Hindi nga siya ang nakaupong punong-lunsod pero may mga proyektong pinamunuan si Alma na nakadagdag sa pagbango ng pangalan ni Mayor Joey.

At bilang konsehal nang tatlong termino at naging pangulo pa ng samahan ng mga konsehal sa buong Pilipinas ay walang kapagud-pagod niyang ginampanan ang kaniyang tungkulin kahit pa mayroon na siyang dinaramdam na pisikal.

Hindi namin sinasabing si Alma Moreno na ang magiging sagot sa mga problema ng ating bayan, hindi rin namin isinusubo ang kaniyang pangalan sa mga botante, pero bago siya laitin ay tingnan din naman muna sana ng iba ang magaganda niyang nagawa bilang serbisyo-publiko.

Hindi nabibili ang sinseridad sa paglilingkod. Kahit saang mall o palengke ay hindi ibinebenta ang pangarap na makapaglingkod nang mula sa puso sa ating mga kababayan.

Walang dapat katapat na presyo ang pusong sinsero. At kung kami ang papipiliin ay doon kami sa pusong handang maglingkod kesa sa matalino nga pero palagi namang napapako ang mga binibitiwang pangako.

Kris Aquino – Dedma kung susuportahan ba o hindi si Kuya Mar?

Ngayon pa lang ay nang-aagaw na ng atensiyon si Kris Aquino sa pagtataas ng kamay ni DILG Secretary Mar Roxas bilang opisyal na kandidato sa panguluhan ng Liberal Party.

Ayon kay Kris sa kaniyang panayam noong August 1 sa pag-alala sa ikaanim na taong kamatayan ni dating Pangulong Cory Aquino ay ganoon naman daw talaga sa bawat pamilya, may mga pagkakataong hindi nagkakasundu-sundo ang magkakaptid sa isang bagay, parang gusto niyang sabihin na hindi siya kaisa ni P-Noy sa pagpili kay Secretary Mar para maging ulo ng partido sa darating na halalan.

At nang may magtanong na reporter kung susuportahan ba niya ang kandidatura ng mister ni Korina Sanchez ay nagbigay siya nang blangkong tingin. Ewan kung sadyang pinutol ang footage sa ganoong akto ni Kris, pero wala siyang sagot, basta makahulugang ngiti lang.

Sa kaparehong interbyu ay sinabi ni Kris na nag-usap na raw sila ng kaniyang kapatid na pangulo. Nirerespeto raw niya ang kanilang pinag-usapan kaya sana’y irespeto rin iyon ng mga mamamahayag.

Kung mayroon mang ibang minamanok si Kris sa panguluhan ay hindi krimen iyon. Kaniya iyon, ibibigay natin sa kaniya iyon, siya na rin ang nagsabi na sa kanilang pamilya ay walang pilitan ng kung ano at sino ang kanilang gusto.

Pero sana’y hindi na niya ipinararamdam sa publiko ang kaniyang disgusto. Sana’y sarilinin na lang niya iyon bilang pagbibigay-respeto sa isang taong nagbigay-daan sa kaniyang kapatid para kumandidatong pangulo noong 2010.

Kasadung-kasado na noon ang pagtakbo sa panguluhan ni Secretary Mar, pero pumanaw ang kanilang ina noong August 1, sa kaniyang pahayag sa Manila Cathedral bago inilibing si Tita Cory ay nagpahimakas na si Kris na sila ng kaniyang kuya Noy ang inaasahan ng kanilang pamilya na susunod sa yapak ng kanilang mga magulang.

At isang araw nga ay nagtipun-tipon na ang mga magkakaalyado sa partido Liberal. Nagulantang ang buong bayan dahil ang kaniyang kuya na ang tatakbong pangulo at si Secretary Mar Roxas naman ay dumausdos bilang kandidato sa pagka-bise presidente na lang.

Hindi nga sila lumaking magkakapatid na ipinipilit sa kanila ang isang tao o bagay na ayaw nila pero sigurado kaming hindi rin sila tinuruang maging manhid sa pagrespeto at pagpapahalaga sa mga taong nagsakripisyo para sa pagbuo ng kanilang mga pangarap.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Setyembre 1-15, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminSetyembre 1 – 15, 2015

  alden yaya
 
Alden Richards & Maine "Yaya Dub" Mendoza
  lola.nidora
 
Wally, Jose & Paolo as Lola Nidora, Lola Tinidora & Lola Tidora
  Sarah Geronimo
 
Sarah Geronimo
  rufa.mae
 
Rufa Mae Quinto

AlDub – Sikat na sa buong mundo si Yaya Dub!

Interesado pala ang international TV host na si Ellen DeGeneres na maging panauhin sa kaniyang programa si Maine Mendoza na mas kilala na ngayong bilang si Yaya Dub. Malapit ang puso ng TV host sa mga Pinoy, saludo ito sa talento ng ating mga kababayan, maraming sikat na singers at artista na ngayon ang dumaan sa page-guest sa kaniyang show.

Pero hindi iyon mangyayari sa ngayon dahil sa napakahigpit na schedule ni Yaya Dub. Araw-araw siyang napapanood sa Eat…Bulaga. Ang araw ng Linggo na dapat sana’y puwede na niyang angkinin ay nagagamit pa rin sa kaniyang mga meeting. May gagawin pa siyang pelikula bilang guest sa pinagbibidahang proyekto nina Bossing Vic Sotto at Ai Ai delas Alas para sa MMFF.

Ano pa ang natitirang panahon ngayon para kay Yaya Dub? Wala na nga, kaya ang kaniyang pamilya na ang dumadalaw sa kaniya sa set ng kalyeserye ng Juan For All, All For Juan ng Eat…Bulaga.

Ayon sa mga nakakausap namin ay aliw na aliw sila sa tambalan na hindi pa nagkikita nang personal. Hanggang sa split screen pa lang ang kanilang pagmamahalan.

Ayaw nilang mauwi si Yaya Dub kay Frankie Arenolli gaano man ito kagusto ni Lola Nidora, dahil si Alden lang ang minamanok nila para sa dalaga.

Komento pa ng isang kaibigan naming nagtatrabaho sa Belgium, “I can sense something different now. Parang nako-conscious na si Maine, parang tinatablan na siya kay Alden. Parang she’s more conscious on how she looks now, unlike before na wala siyang pakialam sa itsura niya.

“May kutob na kami ng mga officemates ko na mangyayari ang ganito. Kahit pa may distance between them, mangyayari ang mangyayari, sabi nga ni Lola Nidora. Feel na feel na namin iyon ngayon,” komento pa ni kaibigang Arlene Andes.

Malakas ang AlDub, napakalakas din ng panghila nina Jose Manalo at Wally Bayola, idagdag pa si Paolo Ballesteros na gumaganap na ring si Lola Tidora ngayon na kakambal ni Lola Nidora.

Dahil din sa sobrang kasikatan ngayon ng AlDub ay maraming kababayan nating negosyante ang nabibiyayaan. Sa isang kilalang lugar na bilihan ng mga halaman at ibon ay may nakasulat, “Murang-mura lang, #Al-Dove,” mga kalapati ang kanilang ibinebenta.

Isang airline company ang nakisakay na rin sa kasikatan ng tambalan, sa kanilang promo sale ng tickets ay ito ang kanilang gimik, “#AlDubest seats.”

Ibang klase talaga ang mga Pinoy. Kung ano at sino ang malakas, kung sino ang sikat, ride lang nang ride pag may time!

Wally Bayola – Naka-recover na – salamat kay Lola Nidora

Maiaangkop sa sitwasyon ni Wally Bayola (Lola Nidora) ang kasabihang “You can’t put a good man down.” Tao lang siyang marupok at mapusok, nilatigo siya ng suspensiyon ng TAPE, Inc. para mabigyan siya ng leksiyon, pero ang tunay na talento kailanman ay hindi mawawala.

Malaki ang pagkakaiba ng ugali nina Wally at Jose Manalo na nang magsabog ng talento ang langit ay nakasambot din nang limpak-limpak, kung kiti-kiti si Jose ay tahimik naman si Wally, palagi lang siyang tahimik na nakaupo sa isang sulok.

Seryoso si Wally, masyadong mahiyain, kundi mo siya kakausapin ay hindi siya magkukuwento. Pero kapag nasa entablado na si Wally ay isa siyang halimaw. Pareho sila ni Jose Manalo na pasan-pasan mo man ang mundo ay siguradong gagaan ang pakiramdam mo sa kanilang pagkokomedya.

Nakakaaliw sila, nagpapatawa man sina Jose at Wally ay may kakambal iyon na respeto sa kanilang manonood, nasa bokabularyo nila ang paggalang at pagpapasintabi para wala silang nasasaktang kalooban.

Panahon ngayon nina Jose Manalo at Wally Bayola. Mina sila ng ginto ngayon ng Eat…Bulaga.

Vice Ganda – Kahit ano’ng gawin, talo pa rin sa rating ang It’s Showtime!

May ipinakitang rating sheet sa amin ang isang kaibigan, nandoon ang rating ng Eat…Bulaga at ng It’s Showtime, nakaramdam kami ng awa kay Vice Ganda at sa mga kasamahan nitong hosts dahil parang wala nang nanonood sa kanila sa sobrang baba ng rating ng kanilang programa.

Tumambling-tambling na si Vice Ganda, nag-alis na ito ng kolorete sa mukha sa ere, naglitanya na rin ito nang milya-milya pero ang paghahalikan lang pala sa split screen nina Alden Richards at Yaya Dub ang bobokya sa komedyante-TV host.

Naiintindihan namin ang komento ng isang taga-ABS-CBN mismo na nanglulupaypay raw ang mga taga-It’s Showtime ngayon dahil araw-araw silang pinag-iiwanan sa rating ng Eat…Bulaga.

“Meeting sila nang meeting ngayon. Hinahanap nila ang reason kung bakit. Kailangan pa ba namang hanapin ‘yun, e, pinagpipistahan na ng buong bayan ang AlDub?” sabi ng taga-Dos na nakausap namin.

Pana-panahon lang naman ‘yan, sabi namin, dahil noong kasagsagan naman ng pagkaaliw ng mga kababayan natin kay Vice Ganda ay binigyan din nito ng magandang laban ang katapatan nilang programa.

Kaso ay nand’yan na ngayon ang AlDub nina Yaya Dub at Alden Richards na magdikit lang ang mga pisngi sa split frame ay naglululundag na ang mga tagahanga nila sa sobrang kakiligan.

Kris Aquino – Lampas 40 na, dapat nang alagaan ang sarili

Nagtataka-nagtatanong ang mga kaibigan namin kung bakit napakabilis magkasakit ni Kris Aquino samantalang ang dami-dami niyang inirerekomendang gamot at food supplement na ginagamit daw niya?

Kapag nanonood daw sila ng mga programa ni Kris ay palagi niyang sinasabi sa kaniyang mga guests na maganda sa katawan ang ganito at ganyang produkto pero bakit parang hindi naman iyon epektibo sa kaniyang katawan?

“Nakakapagtaka lang. Ang dami-dami niyang sinasabing brand at products kapag nag-iinterbyu siya, pero bakit palagi siyang naka-confine? Magka-allergy lang siya, nasa hospital na siya, nasaan na ang mga food supplement na sinasabi niya?” pang-uusisa ng isang kaibigan namin.

May punto naman ang isang nakausap namin sa pagsasabi na kaya raw ganyan kasensitibo ang katawan ni Kris ay dahil wala siyang anti-bodies. Wala siyang panlaban sa mga mikrobyo dahil super-linis siya sa katawan.

“Ni hindi yata siya nakapaglakad sa putikan, wala siyang karanasan sa maruruming lugar, kaya ganyan siya ka-sensitive. Kung may anti-bodies siya, e, di hindi siya ganyan kamasakitin?” sabi nito.

Pero ang pinakamatindi ay ang pagtaas ng presyon ng kaniyang dugo, 200/100, hindi birong sitwasyon ang kaniyang pinagdaanan.

Hindi na bumabata si Kris, lampas kuwarenta na ang kaniyang edad, mararamdaman niya na hindi tulad nang dati ang kapasidad ng kaniyang katawan.

Sobrang sipag kasi ni Kris. Kinakarir talaga niya ang kaniyang career. Sa punto ng propesyonalismo ay wala pa kaming naririnig na reklamo laban kay Kris. Maaga siyang dumarating sa studio, naghahanda na agad para sa kaniyang hosting, propesyonal siya.

Mahal niya ang kaniyang trabaho dahil masaya si Kris sa kaniyang ginagawa. Hindi iyon dahil sa kikitain niya, ano pa ba naman ang kailangan ng isang herederang tulad niya na nakapag-ipon na rin para sa kinabukasan ng kaniyang mga anak mula sa sarili niyang pagsisikap, mayroon pa ba?

Pero ang hindi natin alam, pagkatapos pala ng kaniyang shooting at taping ay hindi pa rin nagpapahinga si Kris. Nakatutok siya sa social media, inaalam niya ang mga nangyayari sa kaniyang paligid, sinasagot niya ang mga followers niya sa Fb at Twitter.

Sa halip na ipagpahinga niya na lang ang mga natitira pa niyang oras na libre ay sige pa rin siya sa katu-tweet. Positibo at negatibong komento ay pinapatulan niya.

Punumpuno ng stress ang buhay ni Kris. Wala kasi siyang pinalalampas, mahilig siyang pumatol sa mga netizens, Patola Queen tuloy ang tawag sa kaniya ngayon ng marami.

KathNiel – Bakit nai-insecure si Mommy Min sa JaDine?

Tagasuporta ng KathNiel loveteam ang nakausap namin. May asim ang kaniyang pananalita dahil mukhang nasira raw ang imahe ng loveteam na ipinakikipagpatayan nito dahil sa ina ni Kathryn Bernardo.

Hindi raw ito bibitiw ng paghanga sa KathNiel, para sa kaniya ay nangunguna pa rin ang tambalan nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo, pero sana raw ay tigilan na ng ina ng dalaga ang pagpo-post ng kung anu-anong salita na makasisira sa kaniyang anak.

“Nakakainis kasi. Double-bladed ang post ng mommy ni Kathryn. Gusto niyang ipagtanggol ang anak niya, pero ano’ng nangyari? Nakasira pa!

“Si Nadine (Lustre) naman kasi talaga ang pinariringgan niyang nanggagaya, kundi man ang JaDine, bakit kailangan pa kasing pansinin ang mga ganoon?

“Instead na palambutin niya ang damdamin ng mga fans ng KathNiel, eh, kinargahan pa niya, siya pa mismo ang nagdiin sa panggagaya sa KathNiel ng JaDine, napasama pa tuloy ang motibo niya!

“Huwag na kasing nakikisali sa laban ang mga magulang, away-bata, patulan ba?” inis na litanya ng nakausap naming tagasuporta ng KathNiel.

Ayon sa mga kuwento ay kumilos na ang mga ehekutibo ng Dos tungkol sa pangyayari. Pinagsabihan-pinaalalahanan na ng mga ito ang Mommy Min ni Kathryn na huwag nang mauulit pa ang pagpo-post ng mga salitang nag-iimbita ng gulo.

Susan Roces – Kailan pa naging kasalanan ang maging ampon?

Tumatagos sa puso ang mga binitiwang salita ng Reyna Ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces bilang pagdedepensa sa kaniyang anak na nilalapa ngayon ang pagkatao ng mga kalaban nitong ambisyosong pulitiko.

Hindi na kinaya ng dakilang nanay ang mga salitang ipinakakain sa kaniyang anak, hindi na siya basta mauupo lang para tanawin ang mga pulitikong kung anu-anong pangalan ang itinatawag kay Senadora Grace Poe, panahon na para humarang sa daan si Manang Inday.

Habang pinakikinggan-pinanonood naming magkakaibigan ang footage ng paglalabas ng sama ng loob ni Manang Inday ay parang may nagdaang pari. Walang kumikibo, pigil ang aming paghinga, pagkatapos ng kaniyang pagsasalita ay pare-pareho kaming pinangingiliran ng luha.

Isandaang porsiyentong makikisimpatya kay Manang Inday ang kaniyang mga kapuwa nanay, ang mga inang namuhunan ng atensiyon, pagkalinga at pagmamahal sa mga batang hindi nila kadugo, maiintindihan ng ating mga kababayan ang sentimyento ng isang nanay na sinasaklolohan ang kaniyang anak sa mga kamay ng mga halimaw.

Wala nga namang karapatang maliitin ng kahit sino si Senadora Grace Poe. Puwedeng kalampagin ng kaniyang mga kalaban ang kaniyang pagseserbisyo-publiko, pero ang personal na pagkatao ng senadora ay hindi dapat maliitin at alipustahin, dahil iyon ang hinihingi sa isang makatao at edukadong lipunan.

Ang hindi pagiging purong Pilipino ng senadora ay isang maling sigaw, pero puwede na rin kahit para man lang sa usapin ng argumento, pero sana naman ay isinaalang-alang at nirespeto ng mga kalaban nito ang kaniyang pagkatao.

Krimen ang pagiging ampon? Kasalanan ng sanggol ang pag-iwan sa kaniya ng babaeng nagsipot sa kaniya sa mundo? Napakasakit sa damdamin ng isang ina ang tawaging ampon lang ang kaniyang anak ng mga taong kahit ilang segundo lang ay ni hindi naghirap sa pagpapadodo at sa pagpapalit ng lampin ng anak niya.

Ewan kung paano nakakatulog nang mahimbing ang mga taong para lang matupad ang ambisyon ay kinakailangan pang managasa ng kanilang kapuwa. Nakakatulog pa kaya sila habang may sinasaktan silang kasamahan sa paglilingkod sa pamahalaan?

Ang pinakamasarap na unan sa pagtulog ay ang kunsensiyang malinis. Hindi iyon nabibili at naipagagawa kahit saan.

Sen Grace Poe – Suportado ni Erap!

Ayon sa mga kuwentong lumalabas ay hindi pa sigurado ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada kung sino ang kaniyang susuportahan sa panguluhan sa darating na halalan.

Kung sino sa pagitan nina VP Jejomar Binay at Senadora Grace Poe Llamanzares ang gusto niyang ikampanya sa pagiging pangulo ay wala pa raw siyang tiyak na maisasagot.

Kaibigang-matalik kasi ni Mayor Erap ang Hari Ng Pelikulang Pilipino na si Fernando Poe, Jr. na ama ni Senadora Grace, kaibigan niya naman at kapartidong maituturing si VP Binay, nakapagitna raw siya ngayon sa dalawang nag-uumpugang bato.

Pero kamakailan lamag, sa isang misang ginanap sa harapan mismo ng puntod ng nagdiwang ng kaarawang si Da King, ay nadulas ang dila ng aktor-pulitiko.

Sa kaniyang maigsing mensahe para sa pumanaw niyang bestfriend ay binati ni Mayor Erap ang lahat ng mga nakaalala sa kaniyang kaibigan, pero pagdating sa pagpapakilala niya kay Senadora Poe ay binitiwan niya ang salitang, “Ang susunod na…”

Hindi niya iyon itinuloy, sa halip ay itinutok niya ang mikropono sa mga nandoon, kaya ang isinagot sa kaniya ng mga ito, “Ang susunod na pangulo ng ating bayan!”

Dahil doon ay kumalat na agad ang mga ispekulasyon na ang anak ng kaniyang kaibigang-matalik na si Da King ang susuportahan niya sa susunod na eleksiyon.

Hindi si VP Binay. Lalo namang hindi si DILG Secretary Mar Roxas na minamanok ng partido Liberal. Si Senadora Grace Poe Llamanzares.

Gov. Vilma Santos – Walang balak maging VP ni Kuya Mar

Talagang nagsarado na ng pintuan si Governor Vilma Santos sa posibilidad na tumakbong vice-president katuwang si DILG Secretary Mar Roxas. Wala siyang kinalaman sa mga balitang naglalabasan tungkol sa pag-asinta sa mas mataas na posisyon.

Madaling intindihin ang mga sinasabi ng aktres-pulitiko, dapat lang naman talaga niyang linawin na wala siyang interes sa pangnasyonal na posisyon, mananatili pa rin siya sa probinsiya ng Batangas na nagsimula at nagbigay sa kaniya ng tagumpay sa mundo ng pulitika.

Sabi kasi nang sabi ang mga taga-Liberal Party na sinusuyo siya ng partido para tumakbong vice-president sa kanilang tiket, pero wala namang pormal na nakikipag-usap sa kaniya tungkol doon, ano nga ba naman iyon?

Para siyang nilalawitan ng pamingwit na kung kakagatin niya’y salamat, pero kapag hindi, maraming salamat pa rin. Walang pormalidad. Puro lang kuda ang mga taga-Liberal Party.

Hanggang ngayon ay wala pa ring runningmate si Secretary Roxas, kapag wala na raw talaga silang maitambal sa mister ni Korina Sanchez ay si Kris Aquino na lang ang patatakbuhin ng kaniyang kuya, naloko na!

Sarah Geronimo – Bina-bash dahil sa favouritism sa The Voice Kids

Hindi namin pinag-interesang pansinin ang mga mensahe noon sa amin ni SOS tungkol sa isang young male singer na diumano’y nadaya dahil mas pinaboran ni Sarah Geronimo ang batang lalaking kalahok na kababayan (at kamag-anak pa nga raw) ng kaniyang boyfriend na si Matteo Guidicelli.

Ang pangalan ng batang taga-Caloocan City ay Francis Lim, ang pinaboran naman daw ni Sarah ay si Kyle Echarri ng Cebu, pero ayon sa mga netizens ay pinakain ng alikabok ni Francis si Kyle sa galing niyang kumanta at bumirit.

Mensahe sa amin ni SOS dalawang linggo na ang nakararaan, “Asar na asar po kami kay Sarah dahil mas pinili niya si Kyle Echarri kesa kay Francis Lim na mas deserving po talaga dahil magaling kumanta.

“Halatang-halata pong mas pinaboran niya si Kyle dahil Cebuano, kababayan ni Matteo. Marami pong namba-bash kay Sarah, maraming nagalit sa kaniya pati mga officemates namin, dahil sa pagiging unfair niya.

“Sobrang sayang na sayang po si Francis Lim na napakahusay pong kumanta kumpara kay Kyle na walang kabuhay-buhay kumanta. Favoritism po ang pinairal niya kesa sa excellence. Nakakahiya po si Sarah na magaling na singer pero wala naman palang tenga.

“Feeling po namin, eh, na-bully ni Sarah ang isang batang sobrang deserving manalo. Parang sinira ni Sarah ang pangarap ng bata. Please watch po sa You Tube iyong piece ni Francis na I’ll Be There. Pati po iyong When You Believe. Napakahusay po ng bata!

“Ang galing-galing po niyang mag-whistle na napakahirap gawin. Gaga talaga ang Sarah na ‘yan!” naiinis na kumpletong mensahe sa amin ni SOS.

Hindi kami maka-relate! Pasintabi po dahil hindi kami nanonood ng The Voice Kids. Nababasa lang namin ang mga kuwento tungkol sa labanan pero hindi namin iyon natututukan.

Ngayong nagwawala ang mga tagahanga ni Sarah dahil natalo ang kaniyang mga manok sa labanan ay nag-text uli sa amin si SOS. Lalong lumutang ang kaniyang paniniwala na kung si Francis Lim ang pinili ni Sarah bilang coach ay malakas sana ang laban ng kaniyang team.

“Ayun po, atungal ang mga bets niya noong semi-finals dahil nganga ang mga manok niya. Kung pinili niya po si Francis, eh, siguradong pasok ang manok niya sa grand finals.

“Makikita n’yo rin po ang pamba-bash ng mga netizens ngayon kay Sarah dahil sa pagiging unfair niya. At ang kapal ng mga Popsters sa sinasabi nilang justice for Team Sarah daw! Haler! Justice For Francis Lim dapat, noh!

“Wala siyang kagana-ganang panoorin, kaya nga kulelat siya sa botohan, di po ba? Kaya vindicated po si Francis Lim, nakakapanghinayang lang ang chance niya sa grand finals.

“As a singing contest coach, mga tenga po dapat ang ginagamit, hindi mga mata. Echusera ang Sarah Geronimo na ‘yan!” hindi pa nakaka-move on sa pagkainis na litanya ni SOS.

Naintriga kami. Si Japs Gersin ang susi namin sa mga ganitong istorya dahil wala kaming alam sa social media. Pinanood namin sa You Tube ang salpukan nina Francis Lim at Kyle Echarri.

Tama si SOS, mas magaling ngang kumanta ang batang-Caloocan kesa sa batang-Cebu, mukhang nabingi nga si Sarah Geronimo noong mismong pagkakataong iyon.

Sabi nga ni SOS, “Sa isang singing contest, dapat dyina-judge ang isang contestant based sa performance niya right that time, at that particular moment, hindi sa potential kuno ng contestant in the future.

“Based po dapat sa present performance, hindi sa future, dahil ngayon ang labanan, hindi sa future! Naku, palitan na ‘yang Sarah na ‘yan sa The Voice! Walang puwang sa show ang isang coach na unfair at may favoritism!” maasim pang komento ni SOS.

April Boy Regino – Maglalabas ng bagong Christian album

Kapipirma lang ng recording contract ng Jukebox King na si April “Boy” Regino sa GMA Records noong nakaraang Biyernes. Puro Christian songs ang lalamanin ng kaniyang album sa pagkakataong ito.

Noong minsang dumalaw sa aming gallery ang mag-asawang April Boy at Madel ay narinig na namin ang isang piyesang ginawa ng Idol Ng Bayan.

Nagkasakit si April “Boy” Regino. Prostate cancer. Nabingit siya sa kamatayan. Ipinakita sa amin ni Madel ang retrato ng isang payat na payat na April Boy habang nasa ospital. Matagal na gamutan dito at sa Amerika ang kaniyang pinagdaanan.

Hanggang sa isang araw ay nagdeklara ang kaniyang mga doctor. Cancer-free na ang Idol Ng Bayan. Ligtas na siya sa kapahamakan. Pero hindi doon nagtatapos ang pakikipaglaban ni April Boy.

Nagdugo ang kaniyang mga mata. Nawalan siya ng paningin. Matagal na panahon niyang kinailangang matulog nang nakadapa para maampat ang pagdudugo ng kaniyang mga mata.

Maraming beses siyang nagpabalik-balik sa isang espesyalista, nagpaospital siya uli, hanggang sa huminto na ang pagdugo ng kaniyang mga mata pero naapektuhan naman ang kaniyang bisyon.

Malabo ang kaliwang mata niya at ang kanan naman ay talagang halos hindi na nakakakita. Nakakabanaag pa ang isa niyang mata pero ang isa ay milagro na lang kung maisasalba pa.

Walang ibang sinisisi ang singer-composer kundi ang kaniyang sarili lang. Inabuso niya ang kaniyang katawan, nagka-diabetes siya, at ang kaniyang mga mata ang unang-unang inatake ng kaniyang sakit.

Sa pinagdadaanan ni April Boy ay hindi nagpabaya ang kaniyang misis na si Madel at ang kaniyang mga anak na sina JC at Charmaine. Napakasuwerte niya sa pagkakaroon ng pamilyang mapagmalasakit at mapagmahal.

Hindi rin niya makakalimutan ang tatlong malalaking pangalan sa pakikipaggiyera niya sa buhay – Willie Revillame, Congressman Manny Pacquiao, Mayor Rodrigo Duterte.

Rufa Mae Quinto – Masyado yatang KSP ngayon

May mga kaibigan kaming nanood ng concert ng manager-record producer ng mga sikat na international singers na si David Foster kamakailan.

Okey raw naman ang attendance, halos puno rin ang Araneta Coliseum, siyempre’y pinupuri ng aming mga kaibigan ang mga performers na kinabibilangan ng sariling atin na si Charice Pempengco.

Pero nakaagaw ng kanilang pansin ay ang ginawang pagpapapansin ng sexy star na si Rufa Mae Quinto. Habang nagpo-production number daw kasi ang pamosong grupong Boyz II Men ay hinawakan ni Rufa Mae ang microphone ng isang miyembro at saka nagsisigaw ng, “Go, go, go!”

Nalokah siyempre ang mga nandoon, lalo na ang mga kausap namin, bakit daw gumagawa ng ganoong eksena si Rufa Mae?

Komento ng aming kausap, “Dahil ba sa parang nawawala na siya sa eksena ngayon? Look, pati ang pagpapaospital niya lately, naka-Instagram din. May mga ipinakikita siyang pasa sa katawan niya, pero hindi niya naman sinabi kung saan niya iyon nakuha?

“Maganda pa rin naman siya at flawless, in fairness, pero halata nang tumatanda siya. Hindi kagandahan ang balat niya, hindi na firm, may laylay factor na,” kuwento ng aming source. Papansin na ba ngayon si Rufa Mae Quinto?

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Setyembre 16-30, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminSetyembre 16 – 30, 2015

   AlDub
 
Kayakap ni Alden Richards ang photo ni "Yaya Dub"
  Julia Barretto
 
Julia Barretto
  Enrique Gil
 
Enrique Gil
  Pauleen Luna & Vic Sotto
 
Pauleen Luna & Vic Sotto
  Rufa Mae Quinto
 
Rufa Mae Quinto
  Claudine Barretto & Raymart Santiago
 
Claudine Barretto & Raymart Santiago

AlDub – Walang tatalo sa kasikatan ng loveteam ni Alden at Yaya Dub

Kung dati’y paulit-ulit na ibino-broadcast ng Eat…Bulaga kung nasaan ang tropa ng All For Juan, Juan For All, ngayon ay baligtad na ang kalakaran, hanggang maitatago nila kung nasaan ang grupo ay ginagawa ng mga hosts.

Sa segment din kasing iyon ipinapasok ang kalyeserye na talaga namang kinalalagnatan na ng buong bayan dahil sa sikat na loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub.

Akala nami’y may giyera-mundial na noong Sabado (Sept. 12) ng tanghali dahil sa mga sigawang naririnig namin. Grabe! Parang kinakatay na baboy ang ingay sa paligid. Nagpapalakpakan na ay tili pa nang tili ang mga kasambahay namin, pati ang aming mga kapitbahay.

Pakiramdam nami’y sa iisang programa lang nakatutok noon ang buong bayan, sa Eat…Bulaga lang, dahil sa magneto ng AlDub. Harap-harapan na kasing nagkita sina Alden Richards at Maine Mendoza. Wala silang piring sa mga mata. Magkatabi lang ang sinasakyan nilang van.

Ibang-iba ang titig ni Alden, kinikilig din si Yaya Dub, kaya nga lang ay nagmahadera si Duhries (ang magaling na si Wally Bayola) na may itinatagong pagkagusto kay Alden kaya sila ipinadukot nito.

Halos magkakiskisan na ng katawan sina Alden at Yaya Dub habang may piring sila sa mga mata, pero pagkalakas-lakas na tili pa rin ang isinukli doon ng kanilang mga tagahanga, wala talagang makakakabog sa AlDub ngayon.

Paano pa sina Wally Bayola, Jose Manalo at Paolo Ballesteros? May kani-kaniyang grupo ng tagahanga rin ang tatlong komedyante-hosts.

Kahit siguro ang pamunuan ng TAPE, Incorporated ay hindi nag-akala na ganito katindi ang aabutin ng AlDub loveteam. Pero ganoon talaga ang suwerte, dumarating iyon sa iba’t ibang porma, senaryo at hugis. Sino nga ba ang mag-aakala na magkakalat ng epidemya sa buong bansa ang kanilang kalyeserye?

Magagaling ang writers ng kalyeserye. Namaster na nila ang pagpapakilig, ibinibigay nila sa manonood ang tamang timpla at nagagawan nila ng paraang magkita ang dalawa.

Hindi madaling gawan ng senaryo ang AlDub. Siguradong humahagok na rin sa pagod ang utak ng mga sumusulat ng kuwento, pero palagi pa ring matagumpay ang elemento ng sorpresang ihinahain nila sa publiko.

Ganoon ang gusto ng ating mga kababayan, pansamantalang kasiyahan ang kanilang hanap sa hirap ng buhay ngayon, at iyon ang ibinibigay sa kanila tuwing tanghali ng Eat…Bulaga.

Kinikilig ang mga fans nina Alden at Yaya Dub, naghahalakhakan naman ang mga tagasuporta nina Wally at Jose. Balanseng-balanse ang noontime show kaya maghahanap ka pa ba ng ibang panonoorin? Waley na!

Jovit Baldovino – Nakatagpo ng katapat kay Wency Cornejo

Nakatagpo ng katapat si Jovit Baldivino kay Wency Cornejo. Kung pinalalampas lang ng iba niyang kasamahan ang kaangasan ni Jovit, kay Wency ay nabuyangyang ang kawalan niya ng respeto, kinampihan nito si Rene Alon na nagpasikat at kumanta ang Pusong Bato.

Naganap ang insidente sa Barangay Labangal, General Santos City noong September 7. Inimbitahan ni Kagawad Bobby Pacquiao sina Wency, Jovit at Rene Alon para sa kanilang fiesta.

Nakiusap si Rene Alon na sana, kahit pa ni-revive ni Jovit ang pinasikat niyang kantang Pusong Bato ay siya na lang ang kakanta noon, pero hindi pumayag si Jovit.

Ayon sa singer ay kasama raw iyon sa kaniyang line-up. Hindi raw puwedeng hindi nito kantahin ang Pusong Bato, kaya wala nang nagawa si Rene Alon.

Siya ang sumulat, kumanta at nagpasikat ng nasabing kanta, pero hindi siya pinagbigyan ni Jovit Baldivino. Narinig ni Wency ang ipinasabi ni Jovit sa coordinator ng show sa orihinal na kumanta ng Pusong Bato. Hindi nagustuhan ni Wency ang kayabangan at kawalan ng respeto ni Jovit sa mga musikerong mas nauna kesa sa kaniya. Nag-post ng saloobin si Wency, pinagpistahan sa social media ang pagmamaangas ni Jovit.

Ayon sa aming kausap ay magkasunod lang na kumanta sina Jovit at Rene Alon. Nakasampung kanta raw si Jovit, kasama sa kaniyang line-up ang Pusong Bato.

“Ang isa pang hindi magandang ginawa ni Jovit, eh, hindi man lang niya binigyan ng credit si Rene Alon noong kantahin niya ang Pusong Bato. Alangan namang hindi niya alam na si Alon ang kumanta noon?

“Magkausap pa sila sa backstage bago nagsimula ang show. Ano ba namang sinabi man lang niya na si Alon ang original na kumanta ng Pusong Bato at ni-revive lang niya?

“Tama lang ang sinabi ni Wency, walang respeto si Jovit sa mga kapuwa niya singers. May mga sarili naman siyang kanta sa album niya, di pinabayaan na lang sana niyang si Alon ang kumanta ng piyesang siya naman ang sumulat, kumanta at nagpasikat?” pahayag ng aming source.

Halos lahat ng mga singers ay nagbibigagay ng kredito sa tunay na kumanta ng piyesa kapag ginagamit nila, kaya kailangang ibigay ang kredito sa tunay na may-ari, isang bagay na nakalimutang gawin ni Jovit Baldivino.

Kinabukasan ay agad na nag-text kay Alon si Jovit, humihingi ng dispensa, dahil bukod sa kinanta na niya ang Pusong Bato ay ni hindi man lang niya in-acknowledge ang musikerong nag-compose, kumanta at nagpasikat ng naturang piyesa.

Marami nang hindi kagandahang kuwentong kinasasangkutan si Jovit Baldivino. Ang pagiging maangas niya, bait-baitan daw sa harap ng mga camera, pero kabaligtaran naman iyon ng kaniyang totoong ugali.

May matinding punto si Wency Cornejo sa ipinost nitong pagpansin.  Wala ngang respeto sa mga singers na mas nauna kesa sa kaniya si Jovit Baldivino. Hindi lang pagbirit ang kailangan niyang masterin kundi pati tamang paggalang at pagbibigay-pugay sa mga musikerong papunta pa lang siya ay pauwi na.

Sabi nga, aanhin mo ang singer na mahilig bumirit, kung wala naman sa tamang lugar ang mga hirit?

Julia Barretto – Nag-maldita sa mga fans sa London

Dalawang artista ang naging biktima ng pagpunta sa London ng tropa ng A.S.A.P. 20 ng ABS-CBN. Dalawang personalidad na ngayon ay pinakakain ng apdo ng mga netizens.

Ang nagmalditang si Julia Barretto at ang sinasabing pagwawala sa eroplano ni Enrique Gil, na sa sobrang kalasingan ay malapit nang makaduwelo si Luis Manzano.

Magaling sa damage control ang kanilang network, pero mukhang mahirap takpan ang ginawa ng dalawang pesonalidad. Nag-viral ang video ng pagmamaldita ni Julia nang sabik na sabik pa namang batiin siya ng mga Pinoy na matagal nang naninirahan sa London.

Hindi na bago ang kuwento ng pagmamaldita ni Julia, kapag nagkatabi nga sila ng mga simangutera ring sina Erich Gonzales at Kim Chiu ay kumpleto na ang banda, dati nang may mga nagrereklamo sa kasupladahan ng dalaga.

Hindi rin maikakaila ang kawalan ng disiplina sa pag-inom ni Enrique Gil. Maraming naging saksi sa kaniyang pagwawala, mayroon na itong nabastos ay parang naghamon pa sa mga artistang sumuheto sa kaniya.

Hindi namin sinasabing kapos sa pangaral ang mga kabataang artista ng ABS-CBN pero sa pagkakasangkot palagi ng kanilang mga artista sa mga kuwentong hindi kagandahan ay mukhang mayroon nga silang pagkukulang.

Enrique Gil – Dahil sa alak, siya ang “lalaking Melissa Mendez” ngayon

Nakakapanghinayang ang popularidad ni Enrique Gil. Ang ganda-ganda pa naman ng markang mayroon ang kanilang tambalan ni Liza Soberano. Tinangkilik ng ating mga kababayan ang kanilang serye, umangat ang kaniyang popularidad, pero sisirain lang pala iyon ng kawalan niya ng disiplina sa pag-inom.

Siya ang tinatawag na “lalaking Melissa Mendez” ngayon dahil sa eroplano rin nangyari ang kaniyang pagwawala, ang pambabastos niya sa kaniyang mga kasamahan, ang malapit nang paghuli sa kaniya ng airport police ng London dahil sa kaniyang kalanguan.

Ayun nga, nangulit nang nangulit si Enrique, minura sina Liza Soberano at Jessy Mendiola habang galit pa kay Luis Manzano nang sawayin siya nito sa kakulitan

At ganoong siya na nga ang nagkamali ay binibira pa ng mga tagahanga nila ni Liza si Jessy Mendiola. Ang nabastos pa ang binabastos ngayon ng mga tagasuporta ng aktor, kaya nagbanta na ang ina ng dalaga na idedemanda si Enrique kapag patuloy pa ring sinaktan ng kaniyang mga tagahanga si Jessy.

Tama na kasi ang pamba-bash. Umamin na nga si Enrique na nagkamali siya, may aral na siyang napulot sa karanasang ito. Huwag na uli siyang maglalasing dahil hindi naman pala niya kayang kontrolin ang kaniyang sarili kapag nakainom na siya.

Manghingi man ng paumanhin ngayon si Enrique Gil ay naganap na ang naganap. Siguradong tatakpan ng damage control ng mga nag-aalaga sa kaniyang career ang kuwento. Pero sayang dahil hindi lang naman silang magkakaibigang artista ang sakay ng eroplano, maraming pasaherong kababayan din natin ang nakasaksi sa kaniyang pagmamarakulyo.

Election 2016 – Maiipit sa dalawang nag-uumpugang bato ang mga taga-showbiz

 Nahahati-hati ang showbiz kapag panahon ng eleksiyon. Paksiyon-paksiyon ang labanan sa kampanya. Puwedeng malalim na pagkakaibigan ang kunsiderasyon, puwede rin namang pera-pera lang ang dahilan. Isa sa itinuturing na pinakamalaking raket ng mga artista at singers ang panahon ng halalan.

Pero ang susunod na eleksiyon ang mas magmamarka sa kasaysayan. Maraming senaryong konektado sa lokal na aliwan ang sangkot. Tatakbo sa panguluhan si DILG Secretary Mar Roxas, misis nito ang news anchor na si Korina Sanchez, at kaalyado nito ang kapatid ni Kris Aquino na si P-Noy.

Sa kabilang ibayo naman ay tatakbo rin sa panguluhan si Senadora Grace Poe Llamanzares, sa kanilang nakatakdang pag-aanunsiyo kundi magbabago ang petsang September 14 ay si Senador Chiz Escudero ang kaniyang runningmate, konektado rin sa showbiz ang magkatambal.

Mister ni Heart Evangelista si Senador Chiz, anak naman ng yumaong Hari Ng Pelikula at Reyna ng Pelikulang Pilipino si Senadora Grace. Napakalalim ng pakikisama-pagkakaibigang matagal nang naitanim ni FPJ at ni Manang Inday (Susan Roces) sa buong industriya ng pelikula at telebisyon.

Magkakasukatan at magmamarkahan na sa darating na kampanya kung sino ang para kanino. Siguradong maraming personalidad ang maiipit sa dalawang nag-uumpugang bato kapag nagkataon.

Huwag ding kalimutan ang partido ni Vice-President Jejomar Binay. Natural lang na kumuha rin ang kaniyang partido ng mga tagapag-endorsong artista, kaya talagang maghahati-hati ang showbiz sa nalalapit nang kampanya.

Kaabang-abang kung sinu-sino ang magsusulong sa kandidatura ni Senadora Grace Poe at kung sinu-sino rin ang sasama sa kampo ni Secretary Mar Roxas na direktang may kaugnayan sa showbiz ang mga pangalan.

Wowowin – Malapit nang mag-international tour si Kuya Wil

Masayang-masaya ngayon si Willie Revillame, pero ang dahilan ng kaniyang kaligayahan ay ayaw pa muna niyang ilabas, natawa kami sa kaniyang sinabi na baka raw kasi mausog pa.

Pero ang nararamdaman niya ngayon ay siguradong ikaliligaya rin ng kaniyang mga tagasuporta dahil wala nang dudang magiging mahabang-mahaba na ang panahong pagsasamahan nila sa himpapawid.

Isang araw ay si Willie rin mismo ang magbabalita noon sa kaniyang mga tagapanood. Hayaan nating sa kaniya mismo manggaling ang pag-aanunsiyo, para mas kumpleto at sigurado.

Nakatakda nang mag-show si Willie sa iba’t ibang bansa. Nakalinya ngayon para sa Wowowin ang USA, Europe, UAE at sana’y mapasama rin sa kaniyang pupuntahan ang Canada dahil napakarami niyang tagahanga doon.

Pauleen at Bossing – Tunay na nagmamahalan, tuloy na ang kasalan

Kaibigan namin ang lola ni Pauleen Luna. Tubong-Valenzuela City ang pamilya ng kaniyang amang si Eugene. Nandoon din ang kanilang kabuhayan, kaya batambata pa ang actress-TV host ay palagi na namin siyang nakikita dahil sa kaniyang Lola Lita Luna.

Mga dose anyos si Pauleen nang mag-Reyna Elena sa Isla, isang lugar sa Valenzuela, gandang-ganda ang lahat sa kaniya habang umaandar ang santacruzan.

Pagkatapos noon ay naging artista na siya, sa ABS-CBN muna siya naging contract star, hanggang sa lumipat na nga siya sa GMA-7 at napansin bilang co-host ng Eat…Bulaga.

Doon sila nagkalapit ng kalooban ni Bossing Vic Sotto, isang relasyong tinutulan ng kaniyang pamilya, pero dahil mahal ni Pauleen ang aktor-TV host ay wala na ring nagawa ang mga kumokontra sa kanilang relasyon.

Ramdam na ang nalalapit na pagpapakasal nina Pauleen at Bossing Vic. Ang pag-alis noong isang araw ng dalaga kasama ang kaniyang ina ay pinagdududahan ng marami na bukod sa pag-aabay niya sa kasal ng kaniyang pinsan ay panahon na rin iyon ng pamimili niya ng wedding gown.

Maligaya kami para kay Poleng dahil hindi simple ang pinagdaanan niyang pakikipaglaban para sa pagmamahalan nila ni Bossing Vic.

Maganda ang naging resulta ng kaniyang pakikipaglaban. Sa altar na iyon mauuwi isang araw. Suut-suot na niya ang singsing na regalo ni Bossing Vic bilang tanda ng kanilang nalalapit na pagpapakasal.

Isang simpleng kasalan lang ang kanilang plano. Para sa mga pamilya lang nila at mga piling-piling kaibigan at kasamahan sa trabaho.

Malaking pamilya ang mga Sotto. Malaki rin ang pamilya ng Angeles-Luna. Sa kanilang mga pamilya pa lang ay magiging malaking selebrasyon pa rin ang kasalang Vic Sotto-Pauleen Luna.

Ruffa May Quinto – Palpak na retoke, sino ba ang doctor?

Panay-panay ang pagpo-post sa social media ni Rufa Mae Quinto tungkol sa kaniyang mga pasa-pasa sa katawan. Kung anu-anong ideya tuloy ang nabubuo sa isip ng mga nakakakita.

Nabugbog ba siya? Nahulog ba siya sa hagdan? Napaaway ba ang sexy comedienne? Noong bandang huli ay luminaw na ang dahilan. Kaya pala may video pa siya na iyak siya nang iyak ay nasira ng isang doktor ang ilang bahagi ng kaniyang katawan.

Iyon pala ang dahilan ng kaniyang mga pasa, may pinagdaanan siyang proseso, pero hindi responsableng doktor ang humawak sa kaniya. Pero gaano katotoo na kaya hindi pinapangalanan ni RMQ ang doktor ay dahil may umaayos na sa kanilang problema?

Ano ang interpretasyon ng kuwento? Nagkasundo kaya sila sa malaking halagang kabayaran para sa nasirang katawan ni Rufa Mae?

Kung totoo ang istorya ay magkano kaya siningil-hinalagahan ng komedyana ang kaniyang pagdurusa? Puro pa-blind item pa ang ipino-post ngayon ni Rufa Mae, wala pa siyang binabanggit na pangalan ng doktor, pero kung totoo ngang nagkabayaran na sila ay magiging pitik-bulag na lang ang kuwentong ito habampanahon.

Claudine Barretto – “Rebound” lang daw kaya pinakasalan si Raymart

Maraming nainis sa naging pahayag ni Claudine Barretto na love on the rebound lang ang nangyari sa relasyon nila ni Raymart Santiago.

Iyon daw kasi ang panahong nawala ang kaniyang boyfriend na si Rico Yan. Sobrang lungkot at depresyon daw ang naramdaman niya, kaya nang magkalapit ang kalooban nila ni Raymart ay nakipagrelasyon na siya sa aktor.

Parang mali ang pagbabalik-tanaw ng aktres dahil noong namayapa si Rico ay matagal na silang may pagkakaunawaan ni Raymart. Siya mismo ang nagsabi na nasa Subic sila ni Raymart nang matanggap niya ang balita.

Hindi nagtutugma ang mga sinasabi ni Claudine sa totoong nangyari nang mamatay si Rico, taliwas iyon sa naaalala naming senaryo, sa totoo lang.

Saka sa mga interbyu niya noong malapit na silang ikasal ni Raymart ay wala naman siyang sinasabing ganoon. Panay-panay pa nga ang pagmamalaki niya, dahil isang tulad daw ni Raymart ang ibinigay sa kaniya ng kapalaran.

Nagkabuhul-buhol na yata ang pag-alala ni Claudine sa kasaysayan ng kaniyang lovelife. Iba ang mga sinasabi niya ngayon kesa sa mga ipinahayag niya noong kasagsagan ng pagmamahalan nila ni Raymart, malayo sa katotohanan.

Bata pa naman si Claudine, malayo pa siya sa pag-uulyanin, pero bakit biglang ganyan na ang mga inililitanya niya?

Liz Alindogan – Maganda pa rin ang dating Dolphy’s Angel

Natatandaan pa ba ninyo ang dating miyembro ng Dolphy’s Angels na si Liz Alindogan? Maganda pa rin siya sa paglipas nang mahabang panahon.

Nagkakuwentuhan kami ni Liz sa PNP Custodial Center. May anak si Liz sa kaniyang dating karelasyong si Jess Lapid, Jr. Kapatid niya si Naty na misis naman ng action star na si Dante Varona. Maganda ang buhay ni Liz na nakapangasawa ng isang businessman.

Hindi lang ang pagdalaw kina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla ang dahilan ng pagpunta ng aktres sa Camp Crame, mayroon din siyang appointment kay General Razon, mahigit na siyam na milyong piso kasi ang naloko sa kaniya ng isang negosyanteng nagpakilalang malapit sa pamilya Estrada.

At hindi lang siya ang na-scam nito, pati ang dating prodyuser na si Jerry Talavera ay nakunan din nito nang mahigit na dalawang milyong piso, kaya gumagawa na sila ngayon ng legal na hakbang para masakote ang businessman kuno.

“Magaling siyang magsalita, paniniwalaan mo ang mga sinasabi niya. May mga ipinakikita siyang dokumento ng maraming projects na puwede mong pasukin.

“Name dropper siya, kilala rin namin ang mga pangalang binabanggit niya, ang pagkakamali lang namin, e, hindi muna kami nag-double check,” pag-amin ni Liz.

Nagkaharap-harap na sila ng negosyanteng nangako ng mga proyekto sa kanila, naka-video ang kanilang pag-uusap. Nangako itong magbabayad pagkatapos nang isang buwan.

Kapag hindi ito tumupad ay may legal nang aksiyong gagawin si Liz at ang iba pang niloko ng negosyante. Hindi birong halaga ang naloko sa kaniya, mahabang panahong pinagtrabahuhan iyon ng kaniyang mister na businessman, hindi siya makapapayag na mauwi lang iyon sa wala.

Bago kami naghiwalay ay natawa kami sa huling komento ng maganda pa ring si Liz Alindogan, “Haaay, naku! Ang syunga-syunga ko talaga!”

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Oktubre 1-15, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminOktubre 1 – 15, 2015

  James Reid & Nadine Lustre
 
James Reid & Nadine Lustre
  Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
 
Daniel Padilla & Kathryn Bernardo
  Ryzza Mae
 
Ryzza Mae Dizon
  Lea Salonga
 
Lea Salonga
  Maine Mendoza
 
 Maine Mendoza
  Alden Richard & Maine "Yaya Dub" Mendoza
 
Alden Richard & Maine "Yaya Dub" Mendoza
  wally.jose.loa
 
Lola Nidora, Jose Manalo & Wally Bayola
  Sheryl Cruz
 
Sheryl Cruz

JaDine love team – Higit na mas mainit kumpara sa KathNiel at LizQuen

Napakalaki talaga ng nagagawa ng imahe sa mga personalidad. One false move, sabi nga, ay sapat na para mabawasan ang ningning ng kanilang bituin.

Ang unang napagitna sa kontrobesiya ay si Daniel Padilla. Ang paninigarilyo ng binata kahit pa makina lang naman iyon at hindi tunay na sigarilyo.

Sumunod ay ang paglalasing-pagwawala ni Enrique Gil sa eroplano. Kung anu-anong dahilan na ang sinabi ng young actor at nanghingi na nga ng paumanhin, pero sa panlasa ng ating mga kababayan, ang kaniyang inasal ay hindi hinihingi ng pagkakataon.

Sumunod ay si Kathryn Bernardo at ang makasaysayang pang-iisnab ng dalaga sa kaniyang mentor na si Direk Bobot Mortiz. Minarkahan si Kathryn bilang maldita at walang utang na loob, maraming hindi nagkagusto sa kaniyang ginawa, napakahalaga pa naman ng pagtanaw ng utang na loob para sa ating lahi.

Bakit sa tatlong loveteams na pambato ngayon ng ABS-CBN ay mas lumalakas ang hatak ng loveteam nina James Reid at Nadine Lustre? Bakit ang kanilang tambalan ang pinananabikan at tinitilian ngayon?

Bakit ang JaDine ang may mas malakas na magneto ngayon sa manonood? Hindi kasi sila nasasangkot sa mga isyung nakapagpapatabang sa paghanga ng publiko.

Kailangang himigpit ang hawak ngayon ng KathNiel at LizQuen sa publiko dahil maraming beses nang napatunayan na ang JaDine loveteam ang pinakamainit ngayon.

Kathryn Bernardo – Nag-apologize kay Direk Bobot Mortiz

Ano ba ang nangyari kay Kathryn Bernardo at Direk Bobot Mortiz?

Kung mamalasin ka nga naman. Iyon siguro ang naglalaro ngayon sa utak ni Kathryn.

Napakaganda pa naman niyang dumating sa Star Magic Ball. Pinaghandaan niya ang gabing iyon, pero masasangkot lang pala siya sa isang matinding kontrobersiya.

Sadya man o hindi ay inulan siya ng mga bira sa hindi man lang niya paglapit sa direktor na napakalaki ng tulong na nagawa sa kung anumang popularidad na hawak niya ngayon.

Masyadong nalungkot si Direk Edgar Mortiz sa nangyari. Nagtayuan ang mga bagets stars ng ABS-CBN at bumeso sa kaniya, pero si Kathryn ay parang walang nakita sa laki ng bultong iyon na mayroon si Direk Bobot.

Napakalaki ng naitulong sa kaniya ni Direk Bobot. Sa pangkabataang show pa lang na Goin Bulilit ay artista na siya nito, kaya nang magpakita siya ng pambabalewala ay nasaktan ang actor-singer-director.

Pero kailan lang ay tumawag na pala ang young actress kay Direk Bobot para manghingi ng paumanhin. Katanggap-tanggap man o hindi, totoo man o ano ang ibinigay niyang dahilan ng hindi niya pagbibigay-pugay sa direktor, ang mahalaga ay nakapag-sorry na siya.

Na dapat lang naman. Kailangang marunong tumanggap ng pagkakamali ang nagkulang. Ginagawa pa naman siyang role model ng mga kabataan, pagkatapos ay mabubutasan siya sa usapin ng paggalang. Maraming babaklas ng paghanga sa kaniya.

Respeto at pagtanaw ng utang na loob ang tawag sa ganoon. Walang labis, walang kulang. Hindi natin binabalewala ang mga taong nakatulong nang malaki sa pagtupad ng ating mga pangarap.

Ryzza Mae Dizon – Hindi pinababayaan ng Eat Bulaga si Aling Maliit

Bukod sa kalyeserye ng Eat…Bulaga noong nakaraang Sabado na tunay namang tinutukan ng buong bayan ni Juan ay markado rin para sa amin ang ginawang pagpupugay ng noontime show kay Ryzza Mae Dizon.

Binigyan ng magandang oras ng TAPE, Inc. ang Aleng Maliit para sa kaniyang seryeng nagsimula na ngayon, ang Princess in The Palace, bago ang Eat…Bulaga.

Sa pagsulpot at pagkapanganak ng AlDub ay tanggapin natin ang katotohanan na nabawasan ang ningning ng child star. Kung siya ang dating pinagpipistahan sa noontime show ay napunta na iyon sa AlDub nina Alden Richards at Yaya Dub.

Pero hindi pinabayaan ng produksiyon si Ryzza Mae. Binigyan pa rin siya ng proyektong siya ang bumibida ng TAPE, Incorporated, hindi ngayon at pinakinabangan na nila ang bata ay basta maeetsa-puwera na lang.

Kahit nga si Aiza Seguerra na tulad ni Ryzza Mae ay produkto rin ng Little Miss Philippines ay hinding-hindi pinababayaan ng TAPE, Inc. Magiging regular na rin ito ng Eat…Bulaga sa pansamantala nitong pagbabakasyon sa isang variety show ng Dos na taon na rin ang binibilang ng kaniyang partisipasyon.

Kinantahan pa ng Tito, Vic and Joey si Ryzza Mae. Bibihira na lang gawin ng matagumpay na trio ang ganoon, pero dahil naging malaking bahagi ng Eat…Bulaga ang Aleng Maliit ay nag-effort ang mga poste ng noontime show.

Ganoon ang marespetong pagbibigay-halaga sa mga personalidad. Hindi basta-basta itinatapon na lang kapag ang popularidad ay nababawasan na.

At doon markadung-markado ang produksiyon ni Tony Tuviera.

Lea Salonga – Dapat mag-ingat sa pagtu-tweet

Nakatutok ang buong bayan ngayon sa kahihinatnan ng pagpapalitan ng tweet nina Joey de Leon at Lea Salonga. Nag-tweet kasi ang international performer na okey lang sa kaniya ang kababawan, pero hanggang doon na lang daw ba iyon? Nagtatanong lang daw naman ang singer-actress.

Natural, nabulabog ang mga tagasuporta ng AlDub, sila raw ang pinariringgan ni Aling Lea, kaya nang mga sumunod pang minuto ay kumakain na ng apdo mula sa mga bashers ang bida ng Miss Saigon.

Nag-tweet din si Joey de Leon. Humihingi ng paliwanag ang henyong aktor-komedyante-TV host sa tweet ni Lea, “Bigyan ako nang dalawampu’t limang milyon at anim na raang libong dahilan kung bakit may ‘kababawan’ ang kalyeserye. Baka KABEBEWAN.”

Dumepensa agad si Lea. Wala raw naman siyang pinatatamaan sa kaniyang tweet, hindi nga raw niya alam kung ano ang nangyayari dahil hindi naman siya nanonood ng kalyeserye.

Sa kahit anong ginagawa-sinasabi ng isang tao ay siguradong may kakambal na motibo. Siguradong mayroon. Kaya lang ay hindi iyon direktang tinukoy ni Lea.

Ingat-ingat kasi sa pagtu-tweet. Nandiyan ang makasaysayang kuwento ng pako na nakatago ang katawan pero nakalitaw naman ang ulo.

Maine Mendoza – Nananatiling mabait at madaling lapitan si Yaya Dub

Marami kaming nalamang kuwento tungkol kay Maine Mendoza na mas kilala na ngayon kahit ng mga musmos na bata bilang si Yaya Dub. Ang mga unang kuwento ay mula sa kaniyang mga nakatrabaho sa paggawa ng mga commercials.

Ayon kay Ogie Narvaez Rodriguez na kaibigan mismo ng mga nag-ayos kay Yaya Dub sa paggawa ng TVC, “Ang akala kasi nila, e, katulad si Yaya Dub ng ibang mga artista na nale-late sa calltime. Pero hindi. Mas nauna pa siyang dumating kesa sa ibang staff.

“Wala raw siyang kahirap-hirap ayusan dahil wala siyang arte sa katawan. At isa pang talagang hanggang ngayon, e, inuulit-ulit nila, napaka-flawless daw ni Yaya Dub.

“Wala raw siyang dumi sa buong katawan, kung mayroon man pero hindi nila nakita, e, nunal lang. Saka napaka-generous pala niya sa time. Talagang pinagbibigyan niya ang mga nagpapa-picture taking, nakikipag-selfie, number one si Maine ngayon sa listahan ng mga personalities na nakakatrabaho nila,” kuwento ni Ogie.

Sa All For Juan, Juan For All ng Eat…Bulaga ay ganoon din ang mga kuwentong nakararating sa amin. Nakikiusap si Yaya Dub sa kaniyang mga security na kung puwede, kapag may mga gustong magparetrato sa tabi niya ay pabayaan lang iyon ng mga nag-aalaga sa kaniyang seguridad, bibihira ang mga personalidad na mapagbigay sa kanilang mga tagahanga.

Ang mga ganoong kuwento ay mas nagpapataas pa sa kasikatang hawak na niya ngayon. Lumilipat-lipat sa iba’t ibang tenga ang kaniyang kabutihan at kabaitan sa mga taong naging dahilan ng kaniyang katanyagan ngayon.

“And to think na anak-mayaman siya, ha? Wala siyang kaere-ere, mabait siya, maganda ang breeding ni Yaya Dub,” pahabol pang papuri ni Ogie Narvaez Rodriguez.

Alden Richards – Nakatanggap ng Gold Record award mula sa Universal Records

Napakaraming nakiluha kay Alden Richards nang tumanggap siya ng Gold Record award mula sa Universal Records. Bakit nga naman hindi maiiyak ang tinaguriang Pambansang Bae, dalawang taon na niyang ginagawa ang nasabing album, pero ngayon lang bumenta at tinangkilik ng ating mga kababayan?

Napakalaki talaga ng milagrong nagawa sa kaniyang career ang tambalan nila ni Maine Mendoza, dahil sa AlDub ay nagising ang interes sa kaniya ng publiko, marami talagang dapat ipagpasalamat si Alden sa magagandang oportunidad na dumarating sa kaniya ngayon.

Kuwento ng kaibigan naming si Tita Nene Ulanday, “Ako talaga, noong una ko pa lang siyang napanood, si John Lloyd Cruz ang nakikita ko sa kaniya. Eh, hindi pa naman siya sikat noon, nasisilip ko lang siya sa Ilustrado, sino ba ang mag-aakalang sisikat siya nang ganito katindi?”

Isang pelikulang pipilahan sa takilya na lang ang kulang ngayon kay Alden para masabing nandoon na nga siya.

May dagdag na kuwento si Mama Ana Llaguno para sa mga tagahanga ni Alden.

Sabi ni Mama Ana, “Kapitbahay ng anak kong si Rowena si Alden, pareho pa ang depository bank nila sa Sta. Rosa, Laguna.

“Hindi pa raw sumisikat, eh, valued depositor na nila si Alden. Wala raw siyang ipinagbago, kahit sikat na sikat na siya ngayon, eh, siya pa rin ang dating Alden na napakasimple, mabait, saka palaging may nakahandang smile sa mga bumabati sa kaniya.

“Kahit daw ngayong Pambansang Bae na siya, eh, ganoon pa rin si Alden, tahimik lang na nakaupo, patiently waiting for his turn to be called.

“At kapag may mga nagre-request sa kaniya for picture taking, wala siyang binibigo, pumapayag siya, puring-puri si Alden ng mga taga-BDO,” nakakatuwang kuwento ni Mama Ana Llaguno.

Napakaraming maligaya sa pagsikat ni Alden Richards, siya lang yata ang sikat na artistang hindi nasasangkot ang pangalan sa mga negatibong kuwento, lahat ay nagsasabing nakaguhit talaga sa kaniyang palad ang pagtatagumpay dahil sa mabuti niyang puso at magandang ugali.

Panalung-panalo kay Alden Richards ang AlDub World!

Jose Manalo – Kailangan ding magpahinga si Lola Nidora

Sumama ang katawan ni Jose Manalo noong isang araw. Iyon ang dahilan kung bakit wala siya sa isang episode ng kalyeserye. Ginawan na lang ng paraan sa kuwento na kunwari ay nagpunta siya sa Embassy para ayusin ang kaniyang mga dokumento.

Hindi simple ang ginagawa nila ni Wally Bayola araw-araw. Isang katawang yari sa bakal ang kailangan nila dahil sumasampa na sila sa entablado ng Zirkoh sa gabi ay halos wala pa silang tulog na nagre-report na agad sa location ng All For Juan, Juan For All ng Eat…Bulaga.

Kundi nila aalagaan ang kanilang sarili ay talagang magkakasakit silang dalawa. Inagapan agad ng mga namamahala ng TAPE Incorporated ang sitwasyon ni Jose, hindi na muna siya pinag-report sa kalyeserye, para makabawi siya ng lakas.

Bukod sa kilig ng AlDub ay napakahalaga ng papel na ginagampanan nina Jose at Wally sa kalyeserye, idagdag pa si Paolo Ballesteros, sila ang bumubuhay sa parte ng pagkokomedya sa matagumpay na segment ng Eat…Bulaga.

Sabi nga ni Lola Nidora, “Lahat ay nangyayari sa tamang panahon…” At ito na iyon.

Sheryl Cruz – Naiinggit ba kay Sen. Grace Poe?

Negang-nega ang imahe ngayon ni Sheryl Cruz. Habang nagkakaisa ang mga taga-lokal na aliwan sa pagsuporta kay Senadora Grace Poe sa papasukin nitong laban sa pagkapangulo ay heto naman si Sheryl Cruz, nasa kabilang bakod, siya pa mismo ang nagsasabing hilaw pa ang senadora sa pagkandidato sa panguluhan.

Kung ibang artista lang sana ang nagsabi ng ganoon ay mas madaling maunawaan, pero si Sheryl Cruz ito, pamangking buo ni Susan Roces na kinikilalang ina ng senadora.

May kuwentong lumabas na mana raw ang dahilan ng inggit ni Sheryl sa kaniyang Manang Grace. Hindi namin pinaniniwalaan iyon, kahit sa labanang legal ay walang dahilan si Sheryl na mainggit sa mana, dahil hindi naman siya anak ng namayapang Hari Ng Pelikula at ni Manang Inday.

Kung may kuwestiyon man siya sa mana ay direkta niyang dapat kuwestiyunin ang kaniyang ina, hindi si Manang Inday, dahil hindi naman siya anak nito at pamangkin lang.

Natutulog sa nakaraan si Sheryl. Pakiramdam niya ay ginagamit sa kandidatura ni Senadora Grace Poe ang kaniyang inang si Rosemarie Sonora.

Nananahimik na nga raw ang mommy niya sa Amerika, pero nakakaladkad pa ang pangalan nito, wala man lang daw nagtanggol sa kaniyang ina sa mga isyung may kinalaman sa pagiging mag-ina nito at ni Senadora Grace.

At ipinakadiin-diin pa ni Sheryl na hindi siya papayag na magpa-DNA test, hindi raw niya kapatid si Senadora Grace, magkaiba raw ang kanilang ina.

Nineteen kopong-kopong na ang inaariba ni Sheryl, iyon ang kuwentong kumalat noon na si Senadora Grace daw ay anak ng namayapang Pangulong Ferdinand Marcos sa kaniyang inang si Rosemarie, isang urban legend na ginagawa na lang na joke ngayon nina Senadora Grace at Senador Bongbong Marcos.

Hindi maganda sa panlasa na si Sheryl pa ang nagpapakawala ngayon ng mga salitang kontra sa kaniyang Manang Grace. Iba na lang sana, huwag na siya, dahil hindi man sila direktang magkadugo ay nandiyan si Manang Inday na dapat niyang irespeto.

Ano ba ang nangyayari kay Sheryl? Naiinggit ba siya kay Senadora Grace dahil sa tagumpay nito sa larangan ng pulitika? Naiinggit ba siya dahil nakikita niyang mahal na mahal ni Manang Inday ang senadora kahit wala ni isang patak na dugong nag-uugnay sa kanila?

Kunsabagay, kung matatandaan, nang sumakabilang-buhay ang kaniyang amang si Ricky Belmonte ay hindi umuwi si Sheryl para masilip man lang ang bangkay ng taong naging dahilan kung bakit siya ipinanganak sa mundo.

Maysakit daw ang kaniyang anak, isang dahilang hindi binili ng partido ng kaniyang ama, dekada muna ang lumipas bago sila nagkaayos ng kaniyang mga pinsan sa ama.

Tatay na niya ang sangkot sa kuwento, sariling dugo at laman na niya, pero kinaya ni Sheryl na hindi man lang masilip sa pinakahuling pagkakataon.

Sino ba naman si Senadora Grace Poe para paglaanan niya ng respeto? Kaanu-ano ba niya ang senadora? May dugo bang nag-uugnay sa kanila?

May nakakalimutan si Sheryl Cruz sa ginagawa niyang pagkontra sa pangarap ni Senadora Grace Poe. Tama, opinyon niya iyon, karapatan niyang ilantad ang kaniyang saloobin dahil may sarili siyang paninindigan.

Pero nandiyan si Susan Roces na kapatid ng kaniyang nanay. Sa pananakit niya sa kalooban ni Senadora Grace Poe ay doble ang sakit noon sa tiyahin niyang nagmahal at nagturing na tunay na anak sa taong kaniyang kinakalaban.

Doon na papasok ang respeto, ang delicadeza, ang pagtanaw ng utang na loob sa isang taong nagturing din sa kaniya na hindi na iba.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Oktubre 16-31, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminOktubre 16 – 31, 2015

  Maine Mendoza
 
Maine Mendoza
  Alden Richards
 
Alden Richards
  lola.tidora
 
Paolo Ballesteros "Lola Tidora"
  lola.yaya
 
Wally Bayola a.k.a. Lola Nidora & Maine Mendoza a.k.a. Yaya Dub
  sunday.wowowin

Eat…Bulaga! – Pinarangalan ng CBCP Catholic Social Media

Isang malaking sampal sa katapat nilang programa sa pananghalian ang mga parangal na tinanggap noong isang araw ng Eat…Bulaga!, TAPE, Inc., at nina Alden Richards, Maine Mendoza at Wally Bayola.

Habang kinakalampag ng isang samahan ng mga kababaihan ang It’s Showtime ay ginawaran naman ng parangal ng CBCP sa kanilang unang Catholic Social Media ang pagpapahalaga ng kalyeserye sa kabutihang-asal.

Ayon sa CBCP ay nagsilbing huwarang modelo sa mga kabataan ang kabuuan ng kalyeserye. Binibigyan nila ng importansiya ang kaugaliang Pilipino na dapat pa ring pinaiiral at pinahahalagahan ng mga kabataan ngayon. Pinuri ng CBCP ang mga litanyang binibitiwan ni Lola Nidora (Wally Bayola) sa kinahihibangang palabas ngayon ng ating mga kababayan.

Napakalaking puntos noon para sa TAPE, Inc., patunay iyon na makabuluhan at hindi mababaw lang ang kalyeserye at ang kilig na ibinibigay ng nangungunang loveteam ngayon nina Alden Richards at Yaya Dub, napakasarap na premyo ang kanilang tinanggap mula sa kung tutuusi’y konserbatibo pa ngang grupo.

Sa kaniyang pangtanggap sa parangal ng CBCP ay umalingawngaw ang mga sigawan at tilian nang magsalita na si Maine Mendoza. Ganoon siya katindi. Bubuka pa lang ang kaniyang bibig ay hindi na magkamayaw ang mga tao sa auditorium.

Puwedeng angkinin ni Yaya Dub ang entablado. Panahon niya ngayon. Walang puwedeng kumuwestiyon sa tagumpay. Panahon ngayon ng AlDub sa ayaw at sa gusto ng iba d’yan.

Yaya Dub – Kinailangang mag-disguise upang huwag magkagulo ang fans

Nag-disguise si Maine Mendoza (Yaya Dub) nang manood siya ng concert ng Lifehouse. Gustong manood ni Yaya Dub nang hindi na niya kailangan pang magbago ng itsura, pero ang mga taong nagmamalasakit sa kaniya ang nagsabing huwag, dahil baka siya masaktan.

Pumayag si Yaya Dub. Nanood siya ng concert na naka-disguise, tatlong security ang kasama niya. Pero kahit malayo na sa kaniyang itsura sa telebisyon ang gayak niya noong gabing iyon ay may mga nakakilala pa rin sa kaniya. May mga lumapit para makipag-selfie. Mabilis na siyang inialis sa venue ng kaniyang mga security.

May mga nagkokomento na ilusyunada raw si Maine Mendoza. Bakit daw kailangan pa niyang mag-disguise? Ano raw ang akala ni Yaya Dub sa kaniyang sarili? Sikat na sikat na siya para pagkaguluhan?

Alam kaya ng mga taong iyon ang kanilang sinasabi? Kaya ba nilang panagutan kung sakaling kuyugin si Yaya Dub ng mga kababayan nating nahihibang sa kanilang tambalan ni Alden Richards?

Kung hindi nag-disguise si Yaya Dub nang manood siya ng concert ay siguradong magkakagulo. Maagaw niya ang atensiyon ng publiko. Nakakahiya sa mga performers.

At kung ganoon nga ang ginawa ni Maine Mendoza ay siguradong may magagalit-mamimintas pa rin sa kaniya. Ang ipupukol namang komento laban sa kaniya ay wala siyang respeto sa mga nasa entablado. Alam na nga niyang pagkakaguluhan siya ay hindi pa nakaisip si Yaya Dub na itago ang kaniyang identity.

Di ba naman? Kumanan siya at kumaliwa ay tiyak na may masasabi pa rin sa kaniya. Pero iyon ang presyo ng kasikatang hawak niya ngayon na kailangan niyang pagbayaran.

Alden Richards – Hindi kumpleto ang AlDub kung wala ang pambansang bae

Matinding sakripisyo ang kailangang harapin ni Alden Richards sa mga darating na araw. Puwede pa rin siyang tumanggap ng mga shows sa malalayong probinsiya pero kailangang sa hapon na ang kaniyang pagbiyahe at kailangan din niyang bumalik nang maaga kinabukasan.

Kailangang magkita sa gitna ang GMA Artist Center at ang TAPE, Inc., kailangan nilang resolbahan ang hindi pagliban ni Alden sa Eat…Bulaga! kalyeserye, dahil hinahanap siya ng mga tagasuprota nila ni Yaya Dub.

Hindi nga naman kumpleto ang AlDub kapag wala ang Pambansang Bae, kailangang pareho silang nasa kalyeserye ni Maine Mendoza, para kumpleto ang kaligayahan ng kanilang mga fans.

At kailangang tanggapin natin ang katotohanan na sumikat si Alden sa Eat…Bulaga! dahil sa kalyeserye. Tinanggap ng mga kababayan natin ang tambalan nila ni Yaya Dub, nagningning ang pangalan ni Alden dahil sa loveteam nila ni Maine Mendoza.

Kailangan nila ang isa’t isa, hindi puwedeng si Alden o si Yaya Dub lang, ang kanilang loveteam ang minamahal ng publiko. Hindi puwedeng paghiwalayin.

Kahit pagsama-samahin pa ang maraming tambalan d’yan ay nagsasalita ang katotohanan na ang AlDub ang number one. Sila talaga. Hindi iba.

Kris Aquino – Mayor Bistek ba ang dahilan ng pag-back out?

Masamang-masama ang loob ngayon ng mga ehekutibo ng Star Cinema kay Kris Aquino. Sinira ni Kris ang kalendaryo ng produksiyon. Plantsado na ang lahat ng aspeto, pero biglang tinalikuran ng aktres-TV host ang proyekto.

Nakarating sa amin ang impormasyon na nagdesisyon si Kris na huwag nang ituloy ang pelikula nila ni Mayor Herbert Bautista para sa MMFF nang malaman niya ang nakalulungkot na resulta sa boxoffice ng pelikulang Etiquette For Mistresses. Mababang-mababa kesa sa pinalulutang nila ang kinita ng pelikula.

Kung anu-anong kiyeme pang katwiran ang ibinigay ni Kris noon. Kesyo hindi raw nito makakasama ang isang cinematographer sa pelikula, kesyo ito raw kasi ang nag-aalaga sa kaniyang mga anggulo, kaya dahil hindi puwede ang cinematographer ay basta na lang tinalikuran ng aktres-TV host ang pelikula.

Nabulabog ang Star Cinema. Nagtangka si Kris na kausapin ang mga ehekutibo ng produksiyon kasama ang kaniyang mga kapatid, pero nakatanggap sila ng abiso na huwag nang tumuloy dahil hindi na nila kailangan pang mag-meeting para resolbahan ang kanilang problema.

Pero biglang nagbago na naman ng dahilan si Kris, si Mayor Herbert naman ang isinangkalan nito sa pagtalikod sa proyekto, hindi pa rin ito handang makasama ang aktor-pulitiko sa pelikula.

Siguradong ikinawindang ng mayor ng Kyusi ang mga bagong sigaw ni Kris. Naman! Noong nakaraang taon pa pinagpistahan ang kanilang naudlot na relasyon pero hanggang ngayon pala’y isyu pa rin iyon para kay Kris?

Ano naman ang kasalanan ni Mayor Herbert, pinipilit ba ang pakikipagrelasyon, kung sa ayaw ng tao ay may magagawa ba si Kris? Isang malaking hamon para sa aktres-TV host si Mayor Herbert.

Parang usaping-pulitika na ito. Hindi man niya direktang sinabing manggagamit ang aktor-pulitiko ay eksaktong ganoon na rin ang gusto niyang sabihin.

Matindi ang saloobin ni Kris kay Mayor Bistek dahil sa unang pagkakataon ay nakatagpo siya ng lalaking hindi atat na atat sa kaniyang kasikatan at kayamanan.

Sa pagkakasabi pa lang ni Kris na, “He has never given value to my feelings nor my thoughts,” ay nasagot na ng linyang iyon ang lahat-lahat ng kaniyang mga ipinagsisintir ngayon.

Nasanay na kasi si Kris Aquino sa mga lalaking nangyuyupa sa kaniyang kasikatan at kayamanan. Pero heto ang isang Mayor Herbert na hindi ganoon, deadma, kaya inis na inis si Kris!

Kung mahina lang ang loob at maigsi lang ang pasensiya ni Mayor Herbert ay baka dinadalaw na ito ngayon sa basement ng isang ospital ni Mayora Tates Gana at ng kanilang mga anak na sina Athena at Harvey.

Sa totoo lang.

April Boy Regino – Walang pag-asang makakitang muli

Binalot na naman nang matinding depresyon kamakailan si April “Boy” Regino. Ayaw na naman niyang kumain, iyak na naman siya nang iyak, awang-awa ang Jukebox King sa kaniyang sarili.

Nangyari iyon pagkatapos ng pinakahuli niyang check-up. Sinabihan siya ng kaniyang eye specialist na mahihirapan nang magbalik ang dati niyang paningin, naging matindi pala ang pagkasira ng mga ugat sa magkabila niyang mata.

Pag-amin ng magaling na singer, “Kinuwestiyon ko na naman po ang Diyos. Nanghina na naman po ang faith ko. Tao lang naman po kasi ako na kapag pinanghinaan ng loob, e, inaatake talaga ng depresyon.

“Pagkatapos ko pong tanungin ang Diyos, nagsisisi po ako. Magdarasal naman po ako para humingi ng tawad sa Kaniya. Sabi ko, pakiunawa Niya na lang sana na tao lang akong marupok,” sabi ni April Boy.

Napakadakila ng kaniyang misis na si Madel. Ito ang tagatanggap ng mga reklamo at hinaing ni April Boy. Ito ang nasisigawan kapag dumarating na ang kaniyang mister sa puntong nawawalan na ng pag-asang makakitang muli.

Naaawa na si April Boy sa kaniyang misis, kailanman daw ay hindi siya pinabayaan ni Madel, pero ganoon pa ang kaniyang isinusukli. Napakahaba ng pasensiya ng kaniyang misis. Naiintindihan ni Madel ang pinagdadaanan ng kaniyang mister, hindi iyon simpleng tanggapin ng kahit sino.

May pag-asa pa, sabi ni Madel kay April Boy, basta huwag lang siyang bibitiw sa kaniyang pananampalataya na tanging Diyos lang ang makapagpapagaling sa kaniya.

Harap-harapan pang payo ni Madel sa kaniyang mister, “Akala mo lang, sa amin ka humuhugot ng lakas ng loob, pero baligtad. Kami ang humuhugot ng pag-asa sa iyo. Makita ka lang naming hindi umiiyak, masaya na kami ng mga anak mo.

“Kapag nakikita ka naming umiiyak at pinanghihinaan ng loob, mas nanghihina kami. Tulungan tayo, walang ibang magdadamayan kundi tayu-tayo lang,” mahinahong sabi ng misis ng Jukebox King.

Paolo Ballesteros – Malayo na ang nararating ni Lola Tidora

Napaka-resourceful ni Paolo Ballesteros. Mahal na mahal niya ang kaniyang trabaho, hindi siya napapagod magsaliksik ng mga paraan para mapaunlad pa ang kaniyang propesyon, nag-aaral ang magaling na komedyante-TV host.

Palibhasa’y apo siya ng pambansang alagad ng sining na si Fernando Amorsolo ng sining na biswal, biniyayaan din si Paolo ng mga kamay na mapagmilagyo, tulad ng ginagawa niyang make-up transformation na plakadung-plakado ang mga ginagaya niyang banyagang pesonalidad.

At muling pinatunayan ni Paolo Ballesteros kamakailan lamang na hindi siya natutuyuan ng mga ideya sa mga sinasalihan niyang labanan.

Ang ginawa niyang pag-a-acrobat sa ere nang walang harness ay hindi simple. Kahit mga propesyonal na sirkero ay nagsisiguro, pero buung-buo ang loob ni Paolo habang nagpe-perform sa entablado ng Eat…Bulaga.

Siya ang unang nag-perform. Siya ang nagbukas sa labanan. Doon pa lang ay sinabi na agad ng manonood na wala nang aagaw pa sa kaniya ng kampeonato.

Hindi lang siya basta nagsirku-sirko, hindi napabayaan ni Paolo ang kaniyang galaw, kumikilos siya ayon sa tugtog at tiyempo.

“Nakaka-proud si Paolo. Buwis-buhay ang ginawa niya. Sa suot pa lang niya, e, alam mo nang pinaghandaan niya ang contest. Ang make-up niya, grabe, hindi mo siya makikilala,” papuri ng kaibigan naming tahimik niyang tagahanga.

Napakalayo na nga ng narating ng aming kababayan, si Lola Tidora, ang bonggang lola ni Yaya Dub.

Sunday PinaSaya at Wowowin – Super-panalo sa Sunday ratings!

Nagbubunyi naman ang mga staff ng magka-back-to-back na shows ng GMA-7 tuwing Linggo, ang Sunday PinaSaya at Wowowin, dahil super-panalo na naman ang kanilang rating.

Nasubaybayan namin ang pag-uumpisa at pagtatapos ng Sunday PinaSaya at Wowowin. Sa sobrang pagkalibang ay hindi namin namalayan ang oras, aliw na aliw kami sa mga comedy attack nina Ai Ai delas Alas, Wally Bayola at Jose Manalo, idagdag pa ang pagpapa-cute ni Alden Richards bilang isang chef.

At ang Wowowin, gusto naming papurihan si Willie Revillame sa pagbibigay ng puwang sa mga talentadong kabataan para maipakita ang kanilang kahusayan sa pagsayaw at pagkanta.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Si Willie na lang at ang Eat…Bulaga! Ang nagbibigay ng improtansiya sa mga kababayan nating may talento.

“Hindi sila maramot, hindi nila inaangkin ang stage, palagi silang may time para i-showcase ang talent ng mga kabataang galing pa naman sa mahihirap na pamilya.

“Iyon ang reason kung bakit lalo silang minahala ng manonood, iyon ang malinaw na dahilan kung bakit sila number one,” may pagmamalaking sabi ni prop.

Willie Revillame – Co-producer na ang GMA7 sa Wowowin

Ang Wowowin ay co-production na ngayon ng WBR Productions ni Willie Revillame sa GMA-7.

Malaking kagaanan iyon para sa aktor-TV host dahil hindi na niya sinosolo ang lahat ng gastusin sa bawat episode ng kaniyang programa. May kahati na siya sa gastos at sa kita na rin ng show.

Maraming nakapansin sa punumpuno niyang commercials, halos konti na lang daw ang talking time ni Willie, pero ikinaliligaya iyon ng kaniyang mga tagahanga na alam na alam ang katotohanan na kapag walang patalastas o sponsors ang isang show ay nalalagay iyon sa sangkalan ng network para patayin na.

Maganda ang tiyempo ng pagbabalik ni Willie pagkatapos nang mahigit na isang taon ng pamamahinga. Natiyempo siya sa kasiglahan ng network, sa isang panahong mataas ang pagsuporta ng publiko sa mga programa ng istasyon, maganda ang kaniyang pagbabalik sa himpapawid.

Wala pang AlDub noon, wala pa rin ang Sunday PinaSaya, pero mula noong May 10 nang magbalik siya ay palagi nang nananalo sa rating ang kaniyang Wowowin.

Kapag hindi nagbago ang mga plano, sa mga unang buwan ng susunod na taon ay makakasama na si Willie araw-araw ng kaniyang mga tagasuporta, magde-daily na ang Wowowin na matagal nang hinihiling ng kaniyang mga tagahanga.

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Nobyembre 1-15, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminNobyembre 1 – 15, 2015

   aldub2
 
Maine Mendoza & Alden Richards
  TVJ
 
Tito Sotto, Vic Sotto & Joey de Leon
  kris
 
Kris Aquino
  grace.susan
 
Grace Poe & Susan Roces
  vina
 
 Vina Morales

Alden at Maine – Mas matindi ang kilig ng fans nang magsalita na

Sinadya naming hindi palampasin ang unang episode ng kalyeserye ngayong nagsasalita na si Maine Mendoza, ngayong pinayagan na silang magyakapan ni Alden Richards, ngayong hindi na nila pinadadaan ang kanilang emosyon sa fan sign.

May mga nagkokomento kasi, lalo na ang mga kumakalaban sa AlDub, na hihina na ang karisma sa publiko ng loveteam dahil wala na raw aabangan pa sa kanila.

Pero maling-mali sila. Parang mas tumindi pa nga ang kilig at pagkagusto sa kanila ng manonood dahil malinaw na ang kanilang kumunikasyon. Nasasabi na nina Alden at Maine Mendoza nang lantaran at diretso ang kanilang nararamdaman.

Halatang-halata na nahihiya pa noong una si Yaya Dub sa pagho-host, tawa siya nang tawa, idinadaan na lang niya sa katatawa ang paninibago niya ngayong isa na siya sa mga co-hosts ng Eat…Bulaga.

Ang dami-daming kinikilig sa kanila ngayon ni Alden, isang kaibigan naming becki ang huminto muna sa pananghalian para lang magkomento, “Mas nakakakilig pa sila ngayon dahil nagsasalita na si Yaya Dub! Dati kasi, puro dubsmash at fan sign lang sila. Ngayon, deretsahan na!”

Sabi nga ni Lola Nidora ay hindi matitigil ang kalyeserye, tuluy-tuloy lang ang palabas na minahal nang todo ng ating mga kababayan, isa pa ay kailangan pa munang makita ni Lola Nidora ang kaniyang apo kina Alden at Maine.

Alden Richards – Nakabili na ng sariling bahay at sasakyan

Nakakalula pala ang halaga ng talent fee nina Alden Richards at Maine Mendoza sa kanilang mga TV commercials. Puro malalaking kumpanya ang kumukuha sa kanilang serbisyo, may multi-national pa nga, kaya hindi na nakapagtataka kung bakit may nabiling bahay sa Nuvali (Sta. Rosa) si Alden at maginhawa na rin siyang nagbibiyahe ngayon dahil sa bagung-bago niyang Road Trek.

Maraming maligaya sa magandang kapalaran ni Alden Richards, sino nga ba ang mag-aakala na kakabugin niya ang lahat ng mga artista ngayon, isang Yaya Dub lang pala ang sagot sa napakatagal niyang paghihintay.

Sabi nga ni Mama Ana Llaguno na nakasubaybay sa buhay at career ni Alden Richards, “It really pays to be good and humble.”

Ihinatid si Alden Richards sa matinding tagumpay ng kaniyang magandang imahe, ng pagiging masikap at pagiging mapagkumbaba. Lahat ay maligaya sa magandang suwerteng dumating sa kaniyang karera.

Sayang lang talaga dahil nang dumating sa kaniya ang napakagandang suwerteng ito ay hindi na masasaksihan ng kaniyang ina ang katuparan ng isang pangarap.

Pero ganoon talaga. Hindi ibinibigay ng Diyos ang lahat-lahat sa isang tao lang.

Vice Ganda – Dapat tanggapin na hindi niya kayang itaob ang AlDub

Sa sobrang kanegahang pinagdadaanan ngayon ni Vice Ganda ay isang kaibigan ang nagpaalala sa amin tungkol sa libro-nobelang sinulat ng sikat na si Sidney Sheldon.

“Naalala mo iyon? Iyong novel niyang The Sun Shines Down? Bagay na bagay iyon ngayon sa mga nangyayari kay Vice Ganda,” tanong-opinyon ng isang kaibigan naming tiyahin ng isang nagkokontrabidang aktres.

Kung paanong sumisikat nang matindi ang araw na halos nakapapaso na lalo sa tanghalian ay lumalamlam ang kaniyang liwanag kapag malapit na ang dapit-hapon. Hanggang sa magtago na sa likod ng mga ulap sa magdamag at muling magsasabog ng kinang kinabukasan.

May isang dating produktong si Vice Ganda ang nag-eendorso, pero ngayon ay pinag-uusapan na ng ahensiya at ng GMA Artist Center na si Alden Richards na ang gagawa ng TVC, siguradong magiging malaking isyu na naman iyon.

Sasabihin na naman ng mga maka-Vice na tagapagmana lang si Alden, na pinagsawaan na iyon ng kanilang idolo. Hindi nila iisipin na kaya si Alden na ang mag-eendorso ng produkto ay dahil siya ang sikat at may magandang imahe.

Isang malakas na pagtapik hindi lang kay Vice kundi sa lahat ng personalidad ang mga nangyayari ngayon. Totoong-totoo na hindi ipinangangako ang bukas para sa mga artista.

Nakakontrata lang sa publiko ang kanilang popularidad. Habang gusto sila ng tao ay nand’yan lang sila, pero kapag bumitiw na sa pagsuporta ang publiko, anumang pagmamakaawa at pagpapakumbaba ang kanilang gawin ay pinagsasaraduhan na sila ng pintuan.

Iba ang naging pagtanggap ng marami sa pagbababa ng boses ng komedyante sa pagsasabing kailanman ay hindi nila naging layunin ang talunin ang Eat…Bulaga.

Nakalimutan ni Vice na walang amnesia ang ating mga kababayan, pinagsama-sama nila ang mga komento at banat na ginawa noon ni Vice Ganda sa GMA-7, sa Eat…Bulaga, kay Jessica Soho, pati na sa AlDub, na siya ang nagpasimunong tawaging AlDog.

Ayun, bumalik sa mukha ni Vice ang mga basurang itinapon niya, tinawag siyang plastik at nagpapakumbaba lang dahil nakangudngod na siya sa lupa.

AlDub – Sobrang sikat, ang daming naninira!

Asahan na natin na isang araw ay sina Alden Richards at Maine Mendoza na ang pagbibintangang pumatay kay Dr. Jose Rizal. Kakambal iyon ng kasikatan, bahagi iyon ng katanyagan.

May mga tao talagang hindi marunong tumanggap ng katotohanan. Kung anu-anong masasakit na salita ang ibinabato sa loveteam, kung anu-anong senaryo ang kanilang iniimbento para lang wasakin ang pinakasikat na tambalan. Wala pa rin silang kasawa-sawa sa paninira sa AlDub.

May mga kumakalat na ring photoshopped na retrato ngayon ni Alden Richards. Palibhasa’y wala silang naamoy na kung anong malansa sa pagkatao ng Pambansang Bae ay hayun, may mga dinoktor nang larawan niya ngayon na ang insinwasyon ay becki siya.

At dahil din sa kaniyang kasikatan ngayon na walang pinipiling estado sa lipunan ay kung anu-anong kuwento na ang pinalulutang ngayon laban kay Maine Mendoza. Sikat na sikat na nga si Yaya Dub kaya maraming inimbentong kuwento na ang ikinakapit sa kaniya ngayon.

Kesyo adik daw siya sa pakikipag-party, marami na raw siyang nakarelasyon noong hindi pa siya nag-aartsita, kaya hindi na bagay sa kaniya ang pagpapabebe kay Alden Richards.

Benite anyos lang ngayon si Maine Mendoza (March 3, 1995 nang ipanganak siya), kaya ang pagdalo sa mga party ng isang dalagang tulad niya ay napakanatural lang. Hindi naman siguro ipinanganak noong kopong-kopong si Yaya Dub para hindi makipag-party. At ano naman ang masama sa pakikipag-party? Ang hindi magandang pakikipag-party ay kapag hinaluan na ng paggamit ng droga, kapag nagwawala na ang mga gumagamit, isang bagay na hinding-hindi naman ginawa ni Maine.

Inggit lang ang maliwanag na dahilan noon.

Tito, Vic and Joey – Nadadamay sa mga paninira ng inggit sa AlDub

Inggit pa rin ang namamayani sa paghahanap nang maibabato laban sa sikat na AlDub. Pati mga kuwentong nakalibing nang parang bangkay tungkol kina Senator Tito Sotto, Bossing Vic at Joey de Leon ay kinakalkal na rin ngayon. Napakadesperado naman ng mga nagpapasimuno sa negatibong makinaryang ito laban sa mga hosts ng Eat…Bulaga.

Napakasimple lang naman ng dapat nilang gawin, bibili lang sila ng puting tela, sabay wagayway bilang pagsuko. Mahirap bang gawin iyon?

Walang masama sa pagkatalo. Ang bawat labanan naman ay binubuo ng pananalo at pagkatalo, pero hindi ngayon at natalo ka ay wala nang pagkakataon para sa muling pagbangon.

Paulit-ulit na naming sinasabi, panahon ngayon ng AlDub, kalyeserye at Eat…Bulaga, kaya sinumang tumapat sa kanila ay siguradong knockout. Anumang programa ang magtangkang magpataob sa kanila ngayon ay siguradong titihaya.

Sen. Tito Sotto – Kay Tito Sen susuporta ang AlDub sa kampanya

Pati ang mundo ng pulitika ay binubulabog na rin ngayon ng sikat na tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Gamit na gamit ang kanilang pangalan. Nagpapabebe na rin ang mga pulitikong mataas na posisyon ang inaasinta sa darating na eleksiyon, lahat ng linya ay napasok na ng AlDub.

Maraming partido ang siyempre pa’y may hangad na makakasama sa kampanya ang AlDub. Sa totoo lang, at magpakatotoo na tayo, sa mga panahong ito ay bulag at bingi na lang ang hindi nakakakilala kina Alden at Yaya Dub.

Ganoon sila kasikat ngayon, pati sa mga banyagang programa ay binibigyan na sila ng espasyo, ang tawag sa AlDub ay social media phenomenon.

May lumutang na kuwento na inoperan nang isandaang milyong pisong kontrata ang AlDub para sa kampanya ng Liberal Party. Idenenay agad iyon ng partido. Puro libre lang daw ang mga artistang umaakyat sa kanilang entablado.

Isa pa, siyempre raw naman ay sa partidong kinaaaniban ni Senador Tito Sotto aakyat sa pambansang entablado ang AlDub, ang ikalawang katwiran lang ng partido Liberal ang aming pinaniniwalaan.

Sa ngalan ng delicadeza, na siyempre’y mayroon ang AlDub, ay totoong susuportahan nila si Senador Tito Sotto. Kaya kung saang partido nandoon ang kanilang Tito Sen (sa partido ni Senadora Grace Poe guest candidate ang aktor-pulitiko-TV host) ay doon din sila susuporta.

Pero malaking kasinungalingan ang sinabi ng tagapagsalita ng Liberal Party na libre lang ang mga artistang nakakasama nila sa kampanya. Totoong maraming naiimbitahang performers si Kris Aquino nang libre lang, pero hindi lahat ay pro bono lang kumbaga sa abogado, malaking magbayad ang Liberal Party.

Personal naming mapaninindigan ang kuwentong ito dahil maraming artista at singers silang isinasama sa pag-iikot sa buong Pilipinas na sa amin pa nga idinadaan ng partido ang kanilang imbitasyon.

Sa amin nila pinakukuha ang singer o ang banda, pero sila na ang direkta naming pinag-uusap, hindi namin linya ang pangongomisyon sa kahit anong transaksiyon.

Ang totoo ay hindi kasi nila makukuha ang serbisyo ng AlDub. Alam nila na napakalaki ng utang na loob ng sikat na tambalan sa kalyerserye ng Eat…Bulaga kaya alangan namang ang mga kalaban pa ni Senador Tito Sotto ang kanilang ikampanya, kalokohan naman iyon.

Sa mga lokal na kandidato ay puwedeng sumuporta sina Alden at Maine, pero sa pangnasyonal ay sa partido siyempre ni Tito Sen sila aakyat, kaya talagang malabong makasama nila sa kampanyahan ang Liberal Party.

At mismong si Alden Richards ay nagdenay na tungkol sa lumabas na balita, walang taga-Liberal Party na nag-alok sa kanila ni Maine nang isandaang milyong piso para lang mag-endorso ng mga kandidato ng partido, kuryente ang balita.

Kris Aquino – Nagbago ang isip, balik na sa movie para sa MMFF

May lumabas na namang bagong kuwento si Kris Aquino sa social media.

Nagkalinawan na raw sila ng Star Cinema. Nagkaintindihan na raw sila, kaya tuloy na tuloy na uli ang pelikulang pinagbibidahan niya para sa darating na MMFF.

Ang tanong – makakasama na kaya uli ni Kris sa proyekto ang cinematographer na isinangkalan niyang dahilan kaya ayaw na niyang ituloy ang pelikula? Nagtagpo na kaya ang kanilang schedule?

Isa pang tanong – makakasama pa rin kaya niya sa pelikula si Mayor Herbert Bautista na isa pa ring dahilang ibinigay niya nang magmarakulyo siya’t basta na lang iniwanan nang walang kaabug-abog ang proyekto ng Star Cinema?

Paano na ngayon sina Jodi Sta. Maria at Richard Yap na sana’y magiging salbabida sa tinalikurang proyekto ni Kris? Kasama pa rin kaya sila sa pelikula?

At isa pang tanong – tinablan kaya si Kris sa opinyon ng marami nating kababayan na kaya siya umurong ay dahil natatakot siyang pasemplangin ng pelikulang pinagsasamahan nina Bossing Vic Sotto, Ai Ai delas Alas at ng sikat na sikat ngayong tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub?

Kung anuman ang totoong dahilan ay tanging si Kris Aquino lang ang nakakaalam. Pero ang pagbabagu-bago ng kaniyang desisyon ay hindi na ikinagugulat ng marami. Sanay na ang publiko sa kaniyang mga pangakong karamihan ay napapako, si Kris Aquino nga siya! E, di wow!

Sen. Grace Poe – Nangunguna pa rin sa mga survey

Kailangang sementuhan ni Senadora Grace Poe ang paligid ng kaniyang puso ngayon dahil sa dami na ng nag-file ng asunto para sa kaniyang disqualification sa pagtakbong pangulo sa darating na halalan.

Talagang siya ang pinupuruhan at tinututukan ngayon ng kaniyang mga katunggali sa posisyon. Bakit nga naman hindi, siya ang palaging number one sa survey, mabangung-mabango ang kaniyang imahe at mayroon na siyang napatunayan bilang senador.

Manginginig nga sa nerbiyos ang mga makakaagawan niya sa posisyon. Idagdag pa na anak siya ng mga sikat na pigura sa lokal na aliwan. Hindi maihihiwalay ang pangalan ni Senadora Grace Poe sa namayapang Action King na si Fernando Poe, Jr. at sa Reyna Ng Pelikulang Pilipino na si Susan Roces.

Maraming nagpapa-disqualify kay Senadora Grace, kung ano’ng motibo ng mga kumukuwistiyon sa kaniyang pagiging tunay na Pilipino ay siguradong mayroon, kaya nga lang ay hindi pa lumulutang ngayon.

Pero mabilis bumasa ng motibo ang ating mga kababayan. Mulat na mulat na ang mga botante ngayon. Lagyan man ng piring ang kanilang mga mata at sumpalan man ang kanilang mga bibig ng pera ay susundin pa rin nila ang dikta ng kanilang puso.

Gasgas na linya, pero totoong-totoo, tanggapin ang pera kung kusang ibinibigay pero utak at puso pa rin ang mas pairalin sa pamimili ng kung sinong kandidato ang sa pakiramdam nati’y makapagbibigay ng pagbabago sa kahirapang dinaranas ngayon ng mas nakararaming Pinoy.

Sa tanong kung sinong kandidato ang magiging pinakaepektibong tagapamuno ng ating bayan sa darating na eleksiyon ay isang batang nakangiti ang sumagot, “Ako po.”

Vina Morales – Walang suwerte sa pakikipagrelasyon sa lalaki

Sana’y magkita na lang isang araw nang personal si Vina Morales at si Avi Siwa na kaagawan niya sa isang lalaki. Mas maganda siguro kung magpapalitan sila ng opinyon nang harap-harapan kesa naman sa itinitinda pa nila ang kanilang mga baho sa publiko.

At ang nakakahiya pa ay isang lalaki lang ang pinag-aawayan nila. Para silang mauubusan ng lalaki sa mundo sa paglalabas nila ng mga ebidensiya kung sino sa kanilang dalawa ang mas nakilala ng Marc Lambert na pinag-aawayan nila.

Pagkatapos ng kanilang relasyon ni Cedric Lee na ama ng kaniyang anak ay matagal na nanahimik si Vina. Pero nang lumantad siya sa pagsasabing mayroon na siyang bagong karelasyon ay ito naman ang kaniyang inabot, ang guluhin-sira-siraan ng isang babaeng naanakan pala ng French guy na karelasyon niya, at sa social media pa sila nag-aaway ngayon.

Ipinipilit ni Vina na matagal na silang magkakilala ng lalaki. Ayon naman sa kaniyang kaagawan ay mas nauna raw ito. Nakakahiyang pagtatalo dahil buong mundo pa ang nakakasaksi sa pag-aagawan nila sa isang lalaki lang.

Wala ring suwerte sa pakikipagrelasyon si Vina Morales. Sa isang panahong akala niya’y heto na ang tunay na pagmamahal ay may kahati naman pala siya.

Sana’y maging busy na lang sa kaniyang career si Vina Morales para hindi na niya bigyan ng panahon ang pakikipagtaltalan sa social media na nakasisira lang sa imahe niya.

Sa pagdadala ng relasyon, naturingan mang mas bata si Shaina Magdayao, ay mas maganda itong humawak. Malaki ang milagrong nagagawa ng pananahimik lang.

Toni at Direk Paul – Suportado ang ninong na si Sen. Bongbong Marcos

Siguradong magkakabanggaan ang paniniwala at prinsipyo ng maraming personalidad habang papalapit ang eleksiyon. Magkakaroon ng kampi-kampihan, ng pagpapaksiyun-paksiyon, pipili sila ng mamanukin lalo na sa matataas na posisyon.

Inalok si Chito Miranda ng Parokya Ni Edgar nang milyones para suportahan ang isang tumatakbo sa mahalagang puwesto sa ating gobyerno. Prinsipyo ang kaniyang pinaiiral, hindi nito tinanggap ang alok, mayroon na kasing minamanok sa darating na eleksiyon ang bokalista.

Mas gusto nitong suportahan sina Mayor Rodrigo Duterte at Senador Miriam Santiago kahit pa libre. Napakagandang paninindigan.

Binabanatan naman ngayon sa social media sina Direk Paul Soriano at Toni Gonzaga dahil sa ibinibigay nilang suporta kay Senador Bongbong Marcos na ninong nila sa kasal.

Wala raw bang sense of history ang mag-asawa? Limot na raw ba nila kung paano pinahirapan ng rehimeng Marcos ang ating mga kababayan noong naglulunoy pa sila sa kapangyarihan?

Mas maganda sigurong saliksikin natin kung bakit kinuhang ninong sa kasal nina Direk Paul at Toni si Senador Bongbong Marcos. Siguradong may malalim na dahilan iyon. Mahirap at maselan ang pagpili ng ninong at ninang, kailangang malaman natin kung bakit nila pinagkakatiwalaan ang kanilang ninong na tumatakbo bilang bise-presidente.

Si Kris Aquino, kahit pabagu-bago pa ang takbo ng kaniyang isip, ay siguradong hindi pababayaan ang manok ng kaniyang kuya sa halalan.

Lahat ng ito ay katanggap-tanggap. Ang mahirap unawain ay kung bakit may isang Sheryl Cruz na hindi lang basta kumampi sa iba, minaliit pa nito ang kapasidad ni Senadora Grace Poe, na hindi na iba sa kaniya kung tutuusin.

Hindi naman ang senadorang tatakbong pangulo ang direktang sinaktan ni Sheryl Cruz. Mas matindi ang tama noon sa kaniyang mismong tiyahin, kay Susan Roces, na dugo at laman ng kaniyang sariling ina.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Nobyembre 16-30, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminNobyembre 16 – 30, 2015

   AlDub
 
Alden Richards at Maine Mendoza (AlDub)
  Marion Aunor
 
Marion Aunor
  aiai.babah
 
L-r: Don Eduardo Rockefeller (Eddie Garcia), Lola Babah (Ai Ai Delas Alas), Lola Tidora (Palo Ballesteros, at Lola Midora (Wally Bayola) 
  Mahal
 
 Mahal at Jobbie Herbio. Photo by www.abante.com.ph

AlDub sa Canada? – Tatawid kaya mula US ang Eat…Bulaga?

Binigyan kami nang matinding positibong problema ng mga anak-anakan naming sina Lala Aunor at Rey-Ar Reyes ng Winnipeg. Ayon sa kanila’y may mga gustong mag-produce para sa AlDub kung mabibigyan sila ng pagkakataong madala sina Alden Richards at Maine Mendoza sa Canada. Puwedeng-puwedeng i-linya na ang kanilang mga shows sa Winnipeg, Toronto, Edmonton, Calgary at Saskatoon.

Grabe na raw ang AlDub fever sa Canada, ayon sa art director ng Pilipino Express News Magazine na si Rey-Ar Reyes. Sobrang excited at talagang inaabangan na ng mga kababayan natin doon ang pinakasikat na tambalan ngayon.

Kapag naganap iyon ay siguradong magiging maligaya ang kanilang mga tagasuporta lalo na sa ibang bansa. Napakarami nang Pinoy na gusto silang makasama sa Amerika at sa Canada, hindi nga lang iyon mapagbigyan ng TAPE, Inc. dahil sa dami ng kanilang trabaho.

Kung si Lala Aunor naman ang masusunod, mas gusto nitong dalhin ang buong tropa ng Eat…Bulaga! sa Winnipeg. Magkakaroon kasi ng US Tour ang noontime show sa Enero, baka raw naman puwedeng tumawid sila sa Canada, para sa ating mga kababayang sabik na sabik na sa kanila.

Marion Aunor – May benefit concert sa Winnipeg sa December 27

Sana’y mapanood ninyong lahat si Marion Aunor ngayong Disyembre para sa isang benefit show sa Winnipeg. Ang malilikom sa show ay buong pusong ido-donate ng prodyuser sa Bahay-Aruga, Aral Pinoy at Little Sisters Of The Poor dito sa Pilipinas. Gaganapin ang show ni Marion sa Canad Inns Destination Centre Transcona sa December 27.

Gustung-gusto namin ang bagong single ni Marion, ang Free Fall Into Love, walang ka-effort-effort ang kaniyang atake pero napakasarap sabayan at pakinggan ng kaniyang piyesa.

At si Marion Aunor ay hindi lang singer, magaling din siyang composer, tinapos muna ng magandang dalaga ang kaniyang pag-aaral sa Ateneo bago siya pumalaot sa mundo ng musika.

Alden & Maine – Ang “Guy & Pip” ng bagong panahon

Hindi nabawasan ang kilig ng ating mga kababayan sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza. Isang malaking tanong ang naglaro noon sa isip ng ating mga kababayan, kapag nagkayakapan na raw ba ang AlDub at nagsalita na si Yaya Dub ay ano na ang kanilang kahihinatnan, baka raw malaos agad ang sikat na loveteam?

Ano na raw ang mangyayari sa AlDub?

Naging markado para sa amin ang unang linggo ng kalyeserye ng Eat…Bulaga! pagkatapos maganap ang Tamang Panahon. Pinagmasdan naming mabuti ang reaksiyon ng mga kababayan natin dahil kung tutuusin ay wala nang sorpresa, nagkayakapan na sila sa pambansang entablado at narinig na rin ng buong bayan ang boses ni Maine Mendoza, ano pa ang iaalok nila sa publiko?

Pero ganoon pa rin. Magkatitigan lang ang dalawa ay para nang sinusundot ng aspile sa tagiliran ang kanilang mga tagahanga sa sobrang kakiligan. Nandoon pa rin ang epidemya, mas lumala pa nga yata, dahil ang hinihintay na ngayon ng AlDub Nation (Universe na) ay ang pagkakaroon nila ng relasyon sa totoong buhay.

Hindi nagbago ang atake ni Yaya Dub. Siya pa rin ang dalagang pangiwi-ngiwi nang walang ka-effort-effort, napakagaling pa rin niyang mag-dubsmash, hindi pa rin siya conscious sa kaniyang itsura sa harap ng mga camera.

At may magbabago ba naman sa itsura ni Alden Richards? Magbabago pa ba ang panghalina ng kaniyang kaguwapuhan? Puwede pa ring lagyan ng barya ang kaniyang dimple (dahil isa lang iyon) kapag nagpapabebe wave na ang binata.

Sila pa rin ang pinakasikat na loveteam ngayon, sila pa rin ang kinakikiligan ng buong bayan, walang nabawas sa kanilang katanyagan.

Komento ng kaibigan naming propesor, “Sila ang Guy & Pip ng panahong ito. Sila ang pinakasikat, ang dinadambana ng mga fans, ang kinakikiligan na wala naman tayong mailapat na dahilan kung bakit.”

Gloria Romero – Dumating na si “Tiya Bebeng” sa kalyeserye

Maling-mali ang mga bashers ng AlDub. Sablay at kuryente ang ipinakakalat nilang reaksiyon na pagkatapos ng pagyayakapan nina Alden Richards at Maine Mendoza sa Philippine Arena at lantaran nang pagsasalita ni Yaya Dub ay tapos na ang kalyeserye ng Eat…Bulaga!

Hindi nauubusan ng katas ang mga namamahala sa kalyeserye, gumagana nang todo ang kanilang utak para sa araw-araw na episode ng nakakaaliw na palabas, may isang libo’t isang ideya pa silang nakahanda para patuloy na buhay na buhay ang kalyeseryeng pinagmulan ng AlDub.

Ilang araw nang nagtatanungan ang mga tumututok sa kalyeserye, sino nga ba si Tiya Bebeng? Sino ba ang mahiwagang tiyahin nina Lola Nidora, Lola Tidora at Lola Tinidora na nagbabadyang dumalaw sa kanila?

Noong Huwebes ay dumating si Tiya Bebeng, ang kaniyang tunay na pangalan ay Donya Paquita Bebeliana Explorer, isang Ilokanang nakapangasawa ng isang Cebuanong haciendero.

Si Tiya Bebeng ay binibigyang-buhay ng maganda pa rin at respetadong aktres na si Gloria Romero. Nagda-dubsmash din si Tiya Bebeng, nangangaral sa kaniyang mga pamangking lola, pinangangalagaan niya ang kaniyang apo sa tuhod na si Yaya Dub at binibigyan ng mga aral sa buhay ang masugid na manliligaw ng kaniyang apo na si Alden Richards.

Ai Ai Delas Alas – Si “Lola Babah” ay dumating na rin sa kalyeserye

At patuloy na nanganak na siya nang nanganak. Ganoon kung ilarawan ng marami ang kalyeserye ng Eat…Bulaga! Pumasok na sa eksena si Gloria Romero bilang si Tiya Bebeng ng mga napapanahong lola at ngayon naman ay dumating na rin ang Comedy Concert Queen bilang Russian lola ni Alden Richards.

Nakakaaliw si Lola Babah, ang lakas-lakas ng kaniyang dating, kung bigkasin niya ang letter “R” bilang patunay na Russian siya ay wagas na wagas.

Saludo kami sa mga tumatahi ng kuwento ng kalyeserye, bumabalong ang kanilang mga ideya, hindi sila nauubusan ng materyales na kaaaliwan ng mga tagapanood ng programa.

Si Ai Ai delas Alas pa naman, kahit sa Sunday PinaSaya ay nagsasabog siya ng aliw, kapag magkakasama na sila sa eksena nina Jose Manalo at Wally Bayola ay riot na ang resulta noon.

Bukod sa pagpasok sa istorya ni Tiya Bebeng at Lola Babah ay napakarami pang kuwentong nakaimbak sa utak ng mga nagpapatakbo ng kalyeserye. Marami pang personalidad ang dadalaw sa AlDub at sa mga mahal nating lola, mapupuno ng mga karakter ang kuwentong-kalye na kinaaaliwan ng ating mga kababayan, ibang klase talagang mag-isip ang mga writers ng Eat…Bulaga!

Alden Richards – Dinadambana ngayon ng milyon-milyong fans!

Isang kaibigan namin ang masusing nagmasid sa matinding pagkakagulo ng mga kababayan natin habang nagso-show sa isang mall si Alden Richards.

Sa kaniyang paglalarawan ay parang huling araw na iyon sa mundo ng mga babae at beking nagtitilian. May isang estudyante pang hindi napigilan ng mga security sa pag-akyat sa stage, niyakap nito nang niyakap si Alden, saka nagtatarang na parang kinakatay na manok.

Pinaghandaan ng aming kaibigan ang pagkakataong iyon. Hindi ito tagahanga ng AlDub, pero may gusto itong patunayan sa kaniyang sarili, maaga pa lang ay pumuwesto na ito sa mismong harapan ng entablado.

“Sister, grabe palang dambanahin ng mga fans niya si Alden! Wala ka nang maiintindihan sa kinakanta niya, kahit nga siguro pasintunado niyang kantahin ang Wish I May, e, wala namang pakialam ang mga nandoon!

“Magpabebe wave lang siya, parang ang ganda-ganda na ng takbo ng economy natin dahil sa sobrang pagdadambahan ng mga nandoon, parang walang traffic sa Pilipinas, parang totoong-totoo ang sinasabing daang matuwid!

“Mabibingi ka, maloloka ka sa sobrang pag-idolo sa kaniya, grabe! At ang mas nakakaloka pa, sila-sila mismo ang naghahampasan, nagsasabunutan sila kapag tumitingin sa kanila si Alden!

“Sabi ko, e, baka naman OA lang ang nakikita ko, kaya ako na ang sumuko, umalis na ako sa harapan. Pero totoong-totoo, pati ang mga nasa pinakalikod na, ganoon pa rin ang pagtitilian at pagkakilig sa bagets!

“Ang ending, umuwi na ako, sumakay ako ng taxi, tinanong ko ang driver kung kilala ba niya ang AlDub. Sagot sa akin ng driver, ‘Naku, dapat nga, nand’yan ang mga anak at apo ko, hindi lang ako pumayag, baka kasi magkaroon ng stampede! Patay na patay rin sila kay Alden at kay Yaya Dub!’

“Umuwi akong tulala. Huli kong nasaksihan ang ganoong eksena noong 70’s pa! Noong kasikatan ng Guy & Pip!” pag-amin ng kaibigan naming interior designer.

Jose Manalo – Wala muna si “Lola Tinidora” dahil may ibang commitments

Ang dami-dami nang nakaka-miss ngayon kay Jose Manalo. Isang linggo nang wala sa kalyeserye ang magaling na komedyante. Butas nga naman ang presensiya ng tatlong napapanahong lola kapag wala ang isa sa kanila.

Kahit sabihin pang magaling naman si Wally Bayola (Lola Nidora) at maagap sa pag-ayuda si Paolo Ballesteros (Lola Tidora) ay hinahanap-hanap pa rin ng ating mga kababayang tumututok sa Eat…Bulaga! si Lola Tinidora.

Hindi totoo ang lumabas na kuwentong may problema sa pagitan ni Jose at ng TAPE, Incorporated, napakalayo sa katotohanan ng totoong kuwento, nagpapasalamat pa nga si Jose sa kaniyang mga boss dahil binigyan siya ng pagkakataong makapagpahinga.

Isang matagal nang natanguang kompromiso ang kailangang tuparin ni Jose, kailangan niyang mag-show sa ibang bansa, isasabay na rin siguro niya sa trabaho ang kaunting panahon ng pagbabakasyon.

Naging sagaran ang kanilang trabaho nitong mga huling buwan dahil sa Eat…Bulaga! ay sumasalang pa sila ni Wally Bayola tuwing Linggo nang tanghali sa Sunday PinaSaya na ang TAPE, Inc. din ang producer.

Sen. Grace & Sen. Bongbong ­– Magkapatid o hindi? Urban legend lang ‘yun!

Magsaling-lahi man ay hindi pa rin mabubura sa utak ng maraming Pinoy ang isang urban legend. Na magkapatid sina Senadora Grace Poe at Senador Bongbong Marcos.

Ayon sa kuwento ay anak daw ni dating Pangulong Ferdinand Marcos si Mary Grace kay Rosemarie Sonora na kapatid naman ng kinagisnan nitong inang si Susan Roces.

Diskurso ng marami, bakit hindi magpa-DNA test ang dalawang senador na minamanok ng bayan sa darating na halalan? Para lumabas na ang totoo, para matuldukan na ang kuwento, para manahimik na ang mga utak na naguguluhan.

Komento ni Senador Bongbong Marcos, “Kung makatutulong ako at ikatatahimik iyon ng sitwasyon, okey ako. Walang problema. Pasabihan lang nila ako kung kailan.”

Agarang reaksiyon ng kaibigan naming propesor, “Naku, matinding sorpresa ang hatid noon! Paano kung mapatunayan ngang magkapatid pala sila at hindi na-disqualify si Senadora Grace Poe, di Marcos-Marcos ang magiging presidente at vice-president natin?

Gumawa ng sariling research si SOS tungkol sa napapanahong isyu kung totoo bang anak ni Rosemarie Sonora si Senadora Grace Poe? Sabihin nang urban legend lang naman iyon ay naglaan pa rin ng mahalagang panahon si SOS para diskubrehin kung ano ang totoo.

Ang kaniyang komento, “Nakapag-research na po kami sa internet, hindi nga po si Rosemarie Sonora ang tunay na ina ni Senator Grace Poe, dahil Rosemarie made 22 movies from 1967-1969.

“Noong 1968 po na dapat, eh, pregnant siya, she made eight films – January-Sandwich Shindig, February-Ikaw Ay Akin, Ako Ay Sa Iyo, March-Order Ni Osang, May-Pitong Krus Ng Isang Ina, June-Sayonara, My Darling, August-Bahay Kubo Kahit Munti, September (na birth month ni SGP)-Juanita Banana at November-Magic Guitar.

“So, imposible nga pong maging si Rosemarie ang nanay ni Senator Grace dahil sobrang busy po siya noong mga panahong iyon at hindi naman siya nawala sa eksena.

“Halos every other month noong 1968, eh, may pelikula siyang ginagawa, kaya imposibleng nagbuntis siya noon na tumugma naman sa pagkakita kay SGP sa simbahan sa Jaro, Iloilo.

“Iyon po ang circumstantial evidence na sinasabi namin, kaya tigilan na ang DNA test na ‘yan, tapusin na, once and for all, ang urban legend na ‘yan dahil hindi totoong si Rosemarie Sonora ang nanay ni Senator Grace Poe!

“At higit sa lahat, para matapos na rin po ang panggagamit ni Sheryl Cruz sa issue na kesyo binubulabog daw ng kampo ni Susan Roces ang nananahimik niyang mommy sa Amerika!

“Hayan na po ang ebidensiya na walang katotohanan na sina ex-President Ferdinand Marcos at Rosemarie Sonora ang mga tunay na magulang ni Senator Grace Poe.

“Case closed!” madiing pagtatapos ni SOS.

Maraming salamat sa panahon at pakikibahagi sa isang napapanahong isyu.

Maja Salvador – Hindi lang nilangaw ang concert, binangaw!

Nakakalungkot ang nangyari sa unang major concert ni Maja Salvador. Biyernes nang gabi ay panay-panay ang text ng aming mga kaibigang sumuporta sa young actress, hindi maganda ang kanilang balita, nagluluksa ang palibot ng MOA Arena.

Alas otso nang gabi ang nakalagay na takdang oras ng concert, pero alas nuwebe na ay basyo pa ang concert venue, may mangilan-ngilan sa upper box pero kakalug-kalog pa rin ang lugar.

Kuwento ng aming anak-anakan na nadoon na itatago na lang namin sa initials na ONR, “Hindi po nilangaw ang concert ni Maja, binangaw! Nakakaawa naman siya, kasi naman!

“Iyong mga nasa general patronage at upper box, pinababa na po, pero bungi-bungi pa rin ang mga upuan. Ang VIP at lower box, thirty percent lang, paano kaya ie-edit ng ABS-CBN ito?

“Marami na akong pinanood na concert dito ng mga talents ng Star Magic, pero ngayon ko lang nakita ang ganito na wala talagang katau-tao, as in!” balita sa amin ni ONR.

Maya-maya ay may nag-text na naman sa amin, “Umuulan ngayon ng libreng tickets dito. Lugi ang mga scalpers, wala silang kinita, puro free tickets na ang hawak ng mga pumapasok sa venue.

“Kasi naman, bakit sa MOA Arena agad isinalang si Maja? Pang-Music Museum lang muna dapat siya, o kaya, sa mga mall tour. Nakakaawa naman siya, kakalug-kalog talaga ang venue,” sabi ng sumunod na nag-text sa amin.

Awang-awa kay Maja Salvador ang mga nanood, pero pinupuri nila ang batang aktres sa lakas ng kaniyang loob na tapusin pa rin ang palabas, kahit hindi niya nakayang pakapalin ang tao sa lugar.

Claudine at Raymart – Nagkasundo na para sa mga anak

Mula mismo sa abogado ni Claudine Barretto na si Attorney Ferdie Topacio ay nalaman namin na malapit nang matuldukan ang matinding sigalutang namagitan sa kanila ng kaniyang mister na si Raymart Santiago.

Pagkatapos nang mahabang panahon na puro galit ang namamayani sa puso ng aktres ay maayos na ang sitwasyon ngayon, konting panahon na lang at magpipirmahan na sila ng kasunduan sa husgado, kasama na doon ang malayang pagdalaw ni Raymart sa kanilang mga anak.

“Konting-konting time na lang at matutuldukan na ang problema nila ni Raymart. Well, kasama na sa kasunduan nila ang paghahatian ng properties, pero ang pinakamahalaga, ang kapakanan ng mga anak nila.

“Ganoon talaga ang away-mag-asawa. Mainit na mainit sila sa una, masyado silang emotional, pero kapag nagtagal na, ang mare-realize nila, e, mayroon nga pala silang mga anak na mas naaapektuhan,” paliwanag ng small but terrible na abogado ni Claudine.

Nakakapanghinayang lang na hindi na masasaksihan ni Mommy Chiling Santiago ang magandang pagtatapos ng alitan ni Claudine at ng kaniyang bunso. Nakamatayan nito ang problema.

Balik-trabaho na ngayon si Claudine at si Raymart naman ay abalang-abala sa kaniyang career at sa pagnenegosyo. Tapos na ang kanilang giyera, masayang-masaya na ngayon sina Sabina at Santino, hindi man masasabing buo ang kanilang pamilya ay maayos nang nag-uusap ngayon ang kanilang mga magulang.

Panghuling komento ni Attorney Ferdie Topacio, “Kapag anak na ang sangkot, walang magulang na nagmamatigas. Palaging ang mga anak ang nagiging tulay sa pagkakasundo.”

Mahal – Palaging may “forever”

Tapos na ang maliligayang araw ni Mahal bilang dalaga. Hindi na siya puwedeng magpaligaw at makipagkyondian ngayon sa kung sinu-sino dahil may asawa na siya.

Ano bang araw ng mga kaluluwa ang November 2, para kay Mahal ay dakilang araw iyon ng mga puso, dahil sa pagpapakasal niya kay Jobbie Herbio na 25-anyos lang at isang Bicolano.

Sa usapin ng pakikipagrelasyon ay kinakabog ni Mahal ang maraming artista. Hindi siya nawawalan ng boyfriend, alam man iyon o hindi ng lalaki, palaging may espesyal na tao sa buhay niya.

Hindi na namin mabibilang ngayon sa aming mga daliri sa kamay at paa kung ilan na ang naging karelasyon ni Mahal. May tunay na lalaki, may nagpapakalalaki lang, mayroon ding becki.

Mabilis mahulog sa pag-ibig si Mahal. Bigyan lang siya ng atensiyon ng isang lalaki ay iba na ang kaniyang nararamdaman. Pagmamahal na iyon para sa kaniya dahil doon siya palaging kulang.

Minsan ay tinanong namin si Mahal kung bakit hindi nahulog ang kaniyang loob kay Mura, ang itinambal sa kaniya noon ni Willie Revillame, simple lang pero totoong-totoo ang kaniyang sagot.

“Maliit na ako, maliit pa rin si Mura, ano ang magiging anak namin—tsinelas?” mabilis niyang sagot.

Harinawang sa pagkakataong ito ay natagpuan na nga ni Mahal ang lalaking magmamahal sa kaniya at mamahalin din niya. Naniniwala si Mahal sa forever.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Disyembre 1-15, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminDisyembre 1 – 15, 2015

  marion.album.cover
 
Marion Aunor
   AlDub
 
Maine Mendoza & Alden Richards,
  Lovi Poe
 
Lovi Poe
  kris
 
Kris Aquino
  Ai Ai delas Alas
 
Ai Ai delas Alas

Marion Aunor – Nandito sa Winnipeg sa December 27!

Kahit si Lala Aunor, sikat na miyembro ng dating Apat Na Sikat noong mga huling taon ng dekada 70, ay hindi pa rin makapaniwala sa mga nangyayari ngayon sa singing career ng kaniyang panganay na anak na si Marion.

Akala nito ay may tuldok na sa kaniya ang pagiging musikero ng kanilang pamilya dahil kay Mamay Belen na nagturo sa Superstar Nora Aunor noon, pero madudugtungan pa pala iyon, dahil sa kaniyang mga anak na sina Marion at Ashley.

Nakakadalawang album na ngayon si Marion sa Star Records. Paborito ng mga bagets ang kaniyang mga kanta. Singer-composer si Marion na malaking katangiang nag-uungos sa kaniya sa ibang mga singers na kasabayan niya.

Palagi naming pinatutugtog sa aming programa sa radyo ang unang single ni Marion sa second album niya, ang Free Fall Into Love, napaka-effortless ng atake niya pero nagmamarka ang kaniyang piyesa.

Ang maganda kay Marion ay tinapos niya muna ang kaniyang pag-aaral (Ateneo University), nag-compose muna siya, ipinanalo niya ang mga komposisyong parang laro lang niyang binuo sa iba’t ibang kumpetisyon.

Sa December 27 ay magkakaroon ng benefit show si Marion sa Winnipeg. Ang anak-anakan naming si Rey-Ar Reyes ng Pilipino Express News Magazine ang kaniyang producer. Lahat ng kikitain sa concert ni Marion ay ihahandog naman ng produksiyon sa mga nangangailangan nating kapatid dito sa Pilipinas.

Aldub Nation – Excited pa rin ang mga fans sa buong mundo

Matinding kilig na naman ang tumama sa AlDub Nation dahil sa naging daloy ng kuwento ng kalyeserye noong nakaraang Sabado. Ilang araw nang nalulungkot ang mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza dahil akala nila ay magkakahiwalay na nang tuluyan ang kanilang mga idolo.

Nakatakdang ikasal sina Alden at Cindy Kournikova, iyon ang gustong mangyari ng Lola Babah ng guwapong binata, wasak na wasak ang puso ni Yaya Dub.

Pero makapapayag ba naman ang mga pusong nagmamahalan sa kagustuhan ng ibang tao? Ipinaglaban ni Alden si Yaya Dub. Nagbago ng isip ang dalaga na paalis na sana, kaya walang naganap na kasalan at muling pinagkasundo ng kapalaran sina Alden at Yaya Dub.

Ang dami-daming nag-text at nagtawagan sa amin na kinikilig. Matindi pa rin ang karisma sa publiko ng tambalang AlDub, kaya sorry na lang sa mga nagsasabing tumatamlay na ang kaway sa publiko nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Napakarami pang magaganap sa kalyeserye. Marami pang personalidad ang papasok sa istorya. Buhay na buhay pa rin ang AlDub Nation na nakikipagpatayan para sa kanilang mga idolo.

Ang buhay na ebidensiya noon ay ang napakataas na rating ng Eat…Bulaga araw-araw.

Maine Mendoza – May karapatang bumiyahe ang pamilya

Mayabang na raw si Maine Mendoza, komento ng mga naiinis sa kaniyang katanyagan ngayon, dahil balitang sa Japan magbabakasyon ang kaniyang buong pamilya ngayong darating na Kapaskuhan.

Porke kumikita na raw nang milyones si Yaya Dub sa pag-eendorso ng iba’t ibang malalaking produkto ay bigla nang nagbago ang kaniyang ugali. Mayabang na raw ang dakilang pag-ibig ni Alden Richards, sabi pa ng mga hindi natutuwa sa kaniyang tagumpay.

Nakakaloka, sana lang ay inaalam muna nila kung ano ang estado ng pamilyang pinagmulan ni Yaya Dub.

Dahil kung nag-research man lang sila kahit konti ay mapatutunayan nila na hindi pa man nagdadalaga si Maine Mendoza ay talagang bumibiyahe nang madalas sa ibang bansa ang kaniyang pamilya kahit pa hindi Pasko.

Pinaka-bonding ng pamilya ang pagpunta sa ibang bansa nang magkakasama sila dahil masyadong abala ang kanilang mga magulang sa pagnenegosyo dito sa Pilipinas.

Sa maaayos na eskuwelahan nag-aaral ang magkakapatid. Hindi man sunod ang kanilang layaw ay natikman ni Maine at ng kaniyang mga kapatid kung paano mabuhay nang masagana. Kaya hindi na niya kailangan pang mag-artista para lang makapagbakasyon ang kanilang pamilya sa ibang bansa.

Alden Richards – Super in-demand ang pambansang bae!

Nakakaloka! Nagpagupit lang ng buhok si Alden Richards ay isang malaking isyu na! Hindi na mapakali ang kaniyang mga tagahanga, lalo na ang mga miyembro ng AlDub Nation. Kilig na kilig ang mga ito sa bagong haircut ng kanilang idolo.

Kahit ang aming assistant na si Japs Gersin ay kilig na kilig, gusto na raw nitong dukutin ang Pambansang Bae sa TV, lalo raw kasing gumuwapo si Alden.

Tingnan mo nga naman ang buhay ng mga artista. Noong hindi pa sumisikat ang kanilang tambalan ni Yaya Dub ay wala namang pakialam ang ibang tao kung magpakalbo man si Alden. Wala lang.

Pero ngayon ay ibang-iba na ang kaniyang dating, lahat ng ginagawa ni Alden ay napakalaking isyu na, naglalabasan na rin ang mga inimbentong kuwento para lang siya siraan at wasakin.

Mabuti na lang at may magandang puhunan ang actor-singer. Nakisama siya sa lahat noong hindi pa siya ganito kasikat, kaya lahat ng nakakakilala sa kaniya nang personal ay masaya sa kaniyang tagumpay ngayon.

Mabentang-mabenta siya sa mga provincial shows. Kinakagat talaga ang kaniyang presyo. Ito ang pagkakataong kailangang samantalahin ni Alden dahil hindi naman lahat ng araw ay Pasko.

AiAi Delas Alas – Nakakaaliw na Russian Lola sa kalyeserye

Nakakaaliw ang presensiya ni AiAi delas Alas sa kalyeserye. Bilang Russian lola ni Alden Richards na matagal nang naninirahan sa Pilipinas ay bitbit pa rin ni AiAi ang dahilan kung bakit siya kinoronahang Comedy Queen.

Ibang klase siya, konting sundot lang niya ay humahalakhak na ang manonood, kahit nga ang Tito, Vic & Joey ay hindi makapagpigil ng tawa kapag umaarya na siya.

Bentang-benta ang komedya ni AiAi bilang lola ng Pambansang Bae na may inireretong babae sa kaniya, si Cindy Kournikova na pinagseselosan naman ni Yaya Dub, nakakaaliw ang daloy ng kuwento ngayon ng kalyeserye.

Lovi Poe – Tunay na anak ng Da King, suportado si Sen. Grace

Sa isang umpukan ng mga taga-showbiz ay naging paksa ng argumento sina Lovi Poe at Sheryl Cruz. Hindi man direktang kadugo ay parehong may patagilid na relasyon ang dalawang aktres kay Senadora Grace Poe (SGP).

Kung paanong sa puso ni Lovi ay si SGP ang kaniyang susuportahan sa darating na eleksiyon ay heto naman si Sheryl Cruz, hindi na nga nakatutulong sa itinuturing na anak ng kaniyang tiyahing si Susan Roces ay nambubulabog pa. Magkaibang-magkaiba ang kanilang ugali ni Lovi.

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Sa issue ng inggit na lumutang noong upakan ni Sheryl si Senator Grace, eh, si Lovi dapat iyon, dahil anak siya ni FPJ.

“Pero wala tayong narinig na anumang negative from Lovi patungkol kay Senator Grace, tahimik lang siya, and in her heart, SGP siya!” komento nito.

Sabi naman ng isa pa, “Naku, parang nakikinita ko nang nanghahaba ang nguso ni Sheryl noong makalusot si SGP sa Senate Electoral Tribunal. Kabaligtaran kasi iyon ng gusto niyang mangyari para ma-vindicate siya!

“Ito naman kasing babaeng ito, hindi na lang nanahimik! Ano naman ang ikaiinggit niya kay Senator Grace, eh, hindi niya naman magulang si FPJ at Manang Inday! Mas may karapatang makaramdam ng ganoon si Lovi dahil anak siya ni Da King, ‘no!” maasim na pagkukumpara ng miron. Oo nga naman.

James Yap – Sumipot sa first communion ni Bimby

Napakalaking kahihiyan para kay Kris Aquino na pagkatapos niyang pagsalitaan ng masasakit si James Yap at ipagdiinan na isang iresponsableng ama ang tatay ni Bimby ay kakainin pala ng aktres-TV host ang kaniyang mga pinagsasabi.

Si James ang napagtripan muli ni Kris. Ang isyung ipinagmamarakulyo ni Kris ay ang hindi pagtugon ng basketbolista sa kaniyang imbitasyon na dumalo ito sa first communion ng kanilang anak na si Bimby. Dalawang beses daw niyang inimbita si James pero hindi sumasagot

Subalit isang lumalagapak na sampal para kay Kris ang pagpapakita sa kaniya ni James ng text message nito bilang sagot sa ipinagmamarakulyo niyang first communion ni Bimby.

Paano niya iyon maitatanggi samantalang hindi pala binura ni James ang sagot nito kay Kris?

At, walang sabi-sabi pero dumating si James sa first communion ng kanilang anak, kulang sa salita pero sagana sa gawa ang sikat na basketball player.

Ang palusot naman ni Kris ay hindi raw niya natanggap ang text message ni James dahil nasa ibang bansa silang mag-iina.

Parang wala lang na nag-post na si Kris ng picture na magkakasama sila nina James at Bimby. Para raw sa anak ay kakalimutan na muna ang lahat ng hindi nila pagkakaunawaan, ganoon lang ba uli kasimple iyon?

Kris Aquino – Either you love her or hate her!

Totoo ang komento ng isang nakausap namin tungkol sa pagkatao ni Kris Aquino – it’s either you love her or you hate her. Extremes ang pamimilian. Walang middle ground.

Kung gusto mo si Kris ay kaaaliwan mo ang kaniyang mga pinagsasasabi at pinaggagagawa kahit pa kahihiyan na para sa kaniyang imahe ang katumbas noon.

Kung ayaw mo naman kay Kris ay wala kang makikitang maganda sa kaniyang mga aksiyon at pinagsasasabi. Itatapon mo iyon sa basurahan.

Kesehodang paulit-ulit pa siyang magsalita nang masakit para sa mayorya at pagkatapos ay magso-sorry agad-agad ay hindi mo kaiinisan si Kris kung gusto mo siya.

Pero kung sa simula ay kontra ka na talaga kay Kris, ang kaniyang mga sinasabi at ginagawa ay isang malaking kaartehan, kahitaran at pagiging bratty.

Aakusahan mo siya, mumurahin mo, sasabihan mo siya na bigyan naman sana niya ng kahihiyan ang kaniyang pamilya kung wala man siya noon para sa kaniyang sarili.

Pero kung love mo si Kris ay wala kang makikitang mali, kaaaliwan mo ang kuwento ng kaniyang sunburn. Lahat ng sasabihin niya ay ituturing mong tama dahil siya ang sumasalamin sa ating lipunan.

Kanan at kaliwa lang ang puwede mong pamimilian kapag si Kris Aquino na ang paksa. Hindi mo puwedeng piliin ang gitna, dahil kahit sa kalye, ang pumapagitna ay nasasagasaan.

Daniel Padilla – Hantad ang peg-eendorse kay Sec. Mar Roxas

Nang kumalat ang balitang si dating Secretary Mar Roxas ang ieendorso sa panguluhan ni Daniel Padilla ay maraming kilay ang nagtaasan sa pinakamataas na palapag.

Ang kanilang tanong, bakit ang manok ng Liberal Party ang ikakampanya ng young actor, samantalang taga-Tacloban ang kaniyang inang si Karla Estrada?

Nang manalanta ang bagyong Yolanda ay nahagip ang Leyte. Naging malaking isyu ang kabagalan ng pagtulong ng gobyerno sa nasabing probinsiya dahil isang Romualdez ang kanilang tagapamuno. Sino ang makalilimot sa binitiwang linya noon ni Secretary Mar, “Remember, you’re a Romualdez and the president is an Aquino?”

Tapos ngayon ay si Secretary Mar ang isusulong-ikakampanya ni Daniel sa panguluhan?

Sabi ng isang kababayan ni Karla sa Tacloban, “When money talks, everybody listens talaga.” Makahulugan ang komento, matinding patama iyon kay Karla. Naturingan pa naman itong taga-Tacloban na pinagdusa ng gobyerno noong panahon ng Yolanda pero ang kaalyado pa ni P-Noy ngayon ang susuportahan ng kaniyang anak?

Pero hindi rin dapat kalimutan ng mga kababayan ni Karla na bestfriend nito ngayon si Kris Aquino na partido Liberal siyempre ang sinusuportahan. Hindi makatatanggi ang ina ni Daniel Padilla sa kaniyang kabungguang-siko ngayon.

Kathryn Bernardo – Ititiwalag ba ng INC dahil sa suporta kay Kuya Mar?

Sa isang okasyon ay ilang miyembro ng Iglesia Ni Cristo ang lumapit sa amin. Nagtatanong sila kung totoong si Secretary Mar Roxas ang ieendorso sa panguluhan ng kapuwa nila miyembro ng INC na si Kathryn Bernardo.

Ang nag-post ng pasuporta ng young actress sa manok ng partido Liberal sa panguluhan ay mismong si Korina Sanchez. Tulad ni Daniel Padilla ay susuportahan din ni Kathryn ang mister ng news anchor. Naging malaking isyu ang balita para sa mga kapatiran sa INC.

Bawal pala sa mga miyembro ng INC ang pag-eendorso ng kahit sinong pulitiko.

Iyon ang dahilan kung bakit hindi umaakyat sa entablado de kampanya ang mag-asawang Christopher Roxas at Gladys Reyes. Matindi ang pagpapahalaga nila sa doktrina ng INC dahil ang mga tagapangasiwa lang ng kanilang relihiyon ang may karapatang pumili kung sinu-sinong pulitiko ang dadalhin ng kanilang mga miyembro.

Sa tanong kung itiniwalag na ng INC si Kathryn ay wala pang kumpletong sagot ang mga nakakausap naming kapatiran ng young actress. Wala pa raw pormal na pahayag ng pagtitiwalag kay Kathryn pero sa kanilang pagkakaalam ay bihira nang dumalo sa mga gawain ng INC ang dalaga.

Dahil sa pag-eendorso ni Kathryn Bernardo kay Secretary Mar Roxas, may monetaryo mang kapalit iyon o wala, ay nakaabang ngayon ang mga miyembro ng INC kung anong aksiyon ang gagawin ng mga tagapamuno ng kanilang relihiyon.

Matet De Leon – Isa ring foundling tulad ni Sen. Grace Poe

Aksidente lang ang pagkikita namin ng mag-asawang Mickey at Matet de Leon noong isang araw. Tumawid kami ni Richard Pinlac sa Pioneer St. Market na katapat lang ng TV5. Naghahanap kami ng makakainan. Naka-aircon ang malaking ekstensiyon ng HMR na palaging tambayan na ngayon ng mga taga-TV5.

May puwesto doon sina Mickey at Matet at ang kanilang mga kaibigan, ang Soul Potato na puro mga batambatang chef ang namamahala. Iyon ang pinagkakaabalahan nila ngayon.

Chef na si Mickey (sa SKD Culinary School ito kumuha ng Culinary Art kung saan nag-aaral din sina Empoy at Archie Alemania). Tumutulong si Matet sa kanilang restaurant kapag wala siyang taping at shooting. Ang bunso nilang anak ay kasama nila at tahimik lang na naglalaro sa stroller.

Habang hinihintay ang inorder naming pagkain mula sa Soul Potato ay pinagkuwentuhan namin ni Richard Pinlac ang buhay ni Matet. Palaban ang taong ito. Hindi siya kayang ilugmok ng panahon, dahil bukod sa malakas na ang kaniyang loob ay marunong silang magdala ng relasyon ni Mickey.

May tatlong anak na sila ngayon (pumanaw ang isa ilang taon na ang nakararaan). Ang dami-daming humula na sa paghihiwalay rin mauuwi ang kanilang pagsasama, pero pinatunayan nina Mickey at Matet na walang makatatalo sa isang pagmamahalang may matibay na pundasyon.

Sina Mickey at Matet mismo ang nagse-serve sa kanilang mga kostumer. Gusto naming yakapin nang mahigpit si Matet nang makita namin siyang may dala-dalang tray. Gusto naming ipagsigawan sa buong mundo ang pagiging totoong-totoo niya at sobrang katatagan sa kabila ng kanilang kakapusan sa buhay.

“Kapag may taping po ako, hati kami ng trabaho ni Mickey, siya muna ang nandito,” sabi ni Matet habang isa-isa niyang ibinababa sa mesa ang mga inorder naming pagkain.

Noong paalis na kami ay karga-karga na ni Matet ang kanilang bunso ni Mickey. Napakagandang bata, manang-mana ito sa kaniyang mga magulang na tisoy at tisay.

Habang pauwi na kami ay ramdam ang katahimikan sa van. Isa lang pala ang iniisip namin ni Richard Pinlac, si Senadora Grace Poe na tulad ni Matet de Leon ay isa ring foundling.

Foundling na nagsisikap. Foundling na lumalaban at nangangarap. Foundling na hindi sumusuko sa mga paghamon. At foundling na maprinsipyo at lumalaban nang parehas sa buhay.

TV5 – Mismong Viva Entertainment na makaka-partner sa 2016

Maganda ang mga kuwentong naririnig namin tungkol sa pagpasok ng 2016 para sa TV5. Magbabago ang mukha ng istasyon sa susunod na taon dahil sa pagpasok ng Viva Entertainment na makaka-partner ng network sa pagbibigay ng mga bagong shows sa linya ng entertainment, news at sports.

Kung nitong mga huling buwan ay tumutok ang TV5 sa mundo ng palakasan, sa pagpasok ng 2016 ay magbibigay-sigla sa bakuran ni Mr. Manny V. Pangilinan (MVP) ang pag-entra ng Viva Entertainment, narinig namin ang planong pagbabalik ng makasaysayang Panday at Tasya Fantasia na parehong nobela ng magaling na manunulat-direktor na si Carlo J. Caparas.

Nakalinya rin ang Born To Be A Star na isang talent search, mga artista ng Viva ang dadalhin ng produksiyon sa TV5. Isang magandang balita iyon para sa homegrown talents ng network na siguradong magiging aktibo rin ang career sa susunod na taon.

Iyon naman talaga ang kulang sa TV5, kulang na kulang ang network sa mga artista. Iyon ang aspetong gagamutin ni Boss Vic del Rosario sa pakikipag-partner ng kaniyang malawak na produksiyon sa kumpanya ni MVP.

Maraming artista ang Viva Entertainment ang nasa ABS-CBN at GMA-7. Sinu-sino naman kayang contract stars nila ang regular na mapapanood sa TV5?

Ayon sa aming kausap, “Iyong sa dalawang network, mga artista lang ng Viva ang transaksiyon nila. Iba itong sa TV5, mismong Viva ang makaka-partner ng network.”

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Disyembre 16-31, 2015

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminDisyembre 16 – 31, 2015

   Maine Mendoza & Alden Richards (AlDub)
 
Maine Mendoza & Alden Richards (AlDub)
  Sarah Geronimo
 
Sarah Geronimo

Aldub Nation – Sobrang sikat kaya may mga naninirang “ligaw na damo”

Halos pareho rin ang mga atake ng showbiz sa mundo ng pulitika. Kundi kayang sumabay sa parehas na laban, sahugan ng kalokohan, lalo na kung iyon ang kailangan.

Hindi kagandahan ang imahe ngayon ng AlDub Nation, marami silang nakakaaway sa social media, nabibira rin sa mga pahayagan. Maraming ipinupukol na negatibong paglalarawan sa kanila - sakim, maramot, binabakuran sina Alden Richards at Maine Mendoza, bastos.

Mayroon lang kasing babaeng magpapiktyur sa tabi ni Alden ay bina-bash na nila, inuupakan nang walang patumangga, na para bang pag-aari na nila ang personal na buhay ng kanilang idolo.

Ganoon ngayon ang imahe ng AlDub Nation, hindi man lahat ay damay na rin ang iba, kahit pa wala naman silang ginagawang palso laban kaninuman.

May nakausap kaming source na nagsasabing may isang grupong pinakawalan ngayon para magpanggap na mga miyembro ng AlDub Nation. Wala silang ibang gagawin kundi ang i-bash nang i-bash ang kahit sinong babaeng lumalapit kay Alden Richards.

Hindi original members ng AlDub Nation ang bagong grupong ito. Nagpapanggap lang sila, pero ang kanilang intensiyon ay ang papangitin ang imahe ng AlDub Nation na tunay na sumusuporta sa tambalan nina Alden at Yaya Dub.

Mga ligaw na damo ang tawag sa grupo ng mga orihinal na miyembro ng AlDub Nation. At pati sina Alden at Maine ay bina-bash din nila. Kaya nasaan ang lohika, kung totoo ngang mga miyembro sila ng AlDub Nation?

Ang mga ligaw na damong ito ay pakawala ng isang grupong hindi marunong lumaban nang parehas. Wala na kasi silang magawa. Gumamit na sila ng iba’t ibang paraan para mapabagsak ang AlDub, pero sa halip na humina ay mas sumirit pa paitaas ang kasikatan nina Alden at Yaya Dub.

Ang mga ligaw na damo ay madaling makilala dahil hindi sila consistent. Paiba-iba ang takbo ng kanilang utak. Naliligaw sila, palibhasa’y mga damong ligaw nga, nakikisingit lang at wala naman talagang dugong-AlDub Nation.

Sa pagbabasa at pagtutok sa mga tweets ng mga pekeng miyembro ng AlDub Nation ay suriin nating mabuti ang kanilang mga salita. Puro negatibo iyon at naghahamon ng away.

Wala iyon sa bokabularyo ng mga tunay at original na miyembro ng AlDub Nation na mas nagpaangat at nagluklok sa tambalan nina Alden Richards at Yaya Dub sa ituktok ng tatsulok ng kasikatan.

Jadine loveteam – Tinalo na sa popularidad ang Kathniel

Kailangan na nga sigurong mag-double time ang kampo ni Daniel Padilla ngayon. May nakakuwentuhan kaming nanood ng concert niya sa isang probinsiyang malapit lang sa Maynila.

“Ni hindi niya napangalahati ang venue, konti lang ang nanood. Kumalat kasi sa place na kung ano ang ginagawa niya sa ibang show niya, e, wala namang nababago, iyon at iyon pa rin ang napapanood sa kaniya.

“Saka humina na talaga si Daniel, mayroon nga kaming mga kaibigang show producers na hindi na itinuloy ang pakikipag-usap sa kanila. Talo kasi ang ibang kaibigan nila, malaking-malaki ang pagkalugi dahil napakalaki ng talent fee niya,” madiing kuwento ng aming kausap.

Si James Reid na ang in ngayon at out na si Daniel. Nakalalamang na raw sa Kathniel ang Jadine loveteam. Nakaapekto kaya sa popularidad nina Daniel at Kathryn Bernardo ang pag-eendorso nila kay Secretary Mar Roxas?

Pero kung pagiging in ang pag-uusapan ay walang tatalo kay Alden Richards. Sa unang araw pa lang ng paglalabas ng tickets sa gagawin nitong concert sa Winnipeg, Canada ay sold-out agad.

Mula umaga hanggang alas nuwebe nang gabi lang ang naging bentahan, marami pang gustong bumili pero sagad na, walang-wala na talagang maibigay ang mga producers.

Komento ng aming anak-anakang si Rey-Ar Reyes ng Pilipino Express News Magazine, “Sa tagal ko nang nandito sa Winnipeg, first time na nangyari ang ganito, kay Alden Richards lang.

“Sa unang araw ng paglalabas ng tickets, sold-out agad! At take note, sa March pa ang show niya dito, grabe si Alden Richards!” namamanghang sabi ng aming anak-anakan.

Yaya Dub –– Sa tamang panahon, gagaling din sa acting

Iba ang tulog sa gabi. Puwede namang bumawi ng tulog sa araw ang mga nagpupuyat pero ibang-iba pa rin ang magdamagang tulog na nakasanayan na.

Kahit busog, basta kulang sa tulog, asahan na ang pagbabago ng timpla ng katawan at temperamento. Ganoon siguro ang nangyayari ngayon kay Maine Mendoza dahil sa dami ng kaniyang trabaho.

May kalyeserye siya araw-araw at may kaliwa’t kanang TVC shoot. May taping pa siya para sa Princess In The Palace at marami pang ibang kompromiso na kailangan niyang tuparin at puntahan.

Kundi aalagaang mabuti ni Yaya Dub ang kaniyang katawan ay mauuwi sa wala ang lahat ng kaniyang mga pinagpapaguran. Huwag na niyang bigyan ng pagkakataon ang pagkakasakit. Iidlip siya kung kailangan habang bumibiyahe siya, tutal naman ay traffic capital of the world ang estado ng ating mga lansangan.

At kapag kulang sa tulog at pahinga ang isang tao ay nagbabago ang kaniyang mood. Hindi maikakaila ang pagkairitado, ang pagiging tulala paminsan-minsan, doon na pumapasok ang mood swing.

Puwedeng iyon ang totoong dahilan kung bakit may mga panahong parang hindi namamansin si Yaya Dub. Suplada na raw at nagmamaldita, pero ang totoo ay nagmamakaawa ng tulog at pahinga ang kaniyang katawan.

Nakilala si Maine Mendoza sa linya ng pagda-dubsmash – doon angat na angat si Maine.

Naging tulay iyon sa popularidad na hawak niya ngayon. At mas umangat pa ang kaniyang popularidad dahil sa loveteam nila ni Alden Richards, penomenal ang kasikatan ng tambalang ito.

Sa pagpapatuloy ng kuwento ng kalyeserye ay maraming personalidad na pumapasok, maraming pagbabagong nagaganap, kailangang sakyan nina Alden at Maine ang daloy ng istorya.

Kailangan nilang lumuha kung kailangan iyon sa kuwento, isang linyang kabisado na ni Alden, pero bagung-bagong mundo para kay Maine Mendoza.

Totoong hindi naibibigay ni Yaya Dub ang pag-arteng kailangan sa sitwasyon pero madaling unawain iyon kung bakit, apat na buwan pa lang siyang humaharap sa mga camera ng telebisyon ngayon, hindi napag-aaralan sa ganoon kaigsing panahon ang pagdadrama.

Hilaw pa ang kaniyang karanasan sa pag-arte, pagda-dubsmash ang kaniyang linya, pasasaan ba’t isang araw kapag dumaan na siya sa isang workshop ay maidedeliber din ni Yaya Dub ang inaasahan sa kaniya ng mga taong walang nakikitang positibo sa kaniya ngayon.

Wait-wait lang tayo pag may time.

Oyo Sotto – Ipinagtanggol si Bossing Vic

Komento ng aming mga kausap, sana raw ay hindi na lang pinatulan ni Oyo Sotto ang basher ng kaniyang ama. Nanahimik na lang daw sana siya para hindi na humaba pa ang usapan.

Hinusgahan kasi ng basher si Bossing Vic Sotto. Pedopilya raw ang aktor-TV host, dahil isang napakabatang tulad ni Pauleen Luna ang nakatakda nitong pakasalan.

Kahit naman siguro sinong anak ay siguradong aangat para idepensa ang kaniyang ama sa ganoong klase ng pambabastos. Iyon mismo ang ginawa ni Oyo. Ipinagtanggol niya si Bossing Vic, na isang natural lang na aksiyon mula sa isang anak na kilalang-kilala ang likaw ng bituka ng kaniyang ama.

Ang usapin ng relihiyon at pag-ibig ang pinakamahirap pakialamang paksa sa mundo. Walang nananalo sa kahit anong argumento sa dalawang larangang iyon dahil kung saan tayo maligaya ay iyon ang dapat masunod.

Walang makapagbibigay ng kaligayahan kina Bossing Vic at Pauleen kundi ang bawat isa lang. Paradahan mo man ngayon ang komedyante ng pinakamagagandang babae sa buong mundo ay mawawalan iyon ng saysay dahil ang kaniyang puso ay nakasentro lang kay Pauleen.

Naturingang bata pa at makakakuha pa ng mas batang karelasyon si Pauleen ay hindi rin magiging maligaya doon ang dalaga, si Vic Sotto pa rin ang kaniyang pipiliin, kahit pa mahigit na tatlong dekada ang pagitan ng kanilang edad.

Mapapagod lang ang mga dilang kawag nang kawag ngayon tungkol sa nalalapit na pagpapakasal nina Bossing Vic at Pauleen. Hanggang sa mainggit na lang sila. Tuloy na tuloy ang kasal!

Gov. Vilma – Hindi na tatakbo bilang Governor ng Batangas

Walang malaki at maliit na laban para kay Governor Vilma Santos. Lahat ng pakikipagtunggali para sa Star For All Seasons ay makabuluhan, dapat binibigyan ng panahon, kailangang pinaghahandaan.

Ilang buwan pa mula ngayon ay magpapaalam na siya bilang ina ng probinsiya ng Batangas. Tinotoo ng aktres-pulitiko ang kaniyang sinabi noon na gusto niyang tapusin ang kaniyang termino bilang gobernador ng mahal niyang lugar.

Ilang partido na ang lumalapit sa kaniya noon para tumakbong bise presidente pero isa lang ang palagi niyang isinasagot - alam niya ang kaniyang kapasidad at lalong alam niya kung hanggang saan lang muna siya.

Laban sa pagka-kongresista ng Lipa City ang pagkakaabalahan niya sa susunod na taon. Maraming nagsasabi na walk in the park na lang daw ang susuungin niyang laban. Siguradong maaangkin na niya ang posisyon, pero hindi ganoon ang pananaw ni Governor Vilma.

Kahit pa napatunayan na niya ang kaniyang pagseserbisyo nang makumpleto niya ang tatlong termino bilang mayor ng Lipa City ay matutok pa rin si Governor Vilma sa susunod niyang laban.

Walang malaki at maliit na pakikipagtunggali. Lahat ay pinaghahandaan, alam niya ang bituka ng mundo ng pulitika. Ang tanging puhunan lang ng aktres-pulitiko ay ang mga taong ipinagserbisyo niya sa lalawigan ng Batangas at sa mismong siyudad ng Lipa.

Isang pagseserbisyong walang bahid ng anomaly. Isang pangalang walang kadagta-dagta ng corruption, napakalinis ng kaniyang pangalan sa mundong minahal na niya.

Luis Manzano – Maganda ang breeding ni Lucky

Kay Luis Manzano lang kami sesentro at hindi kay Billy Crawford. Hindi namin nasubaybayan ang paglaki at kung paano pinalaki ng kaniyang mga magulang ang rapper-TV host (Billy).

Pero si Luis (na tinatawag pa rin naming Lucky hanggang ngayon), kahit papikit ay kaya naming idepensa ang ugali at pagkatao. Kaya naming patunayan kung gaano kaganda siyang pinalaki at iminulat sa mundo ng mga magulang niya.

Nakalulungkot lang isipin na ngayon ay puwede nang gawing diary ng mga kasinungalingan ang social media. Puwede nang wasakin ngayon nang walang kalaban-laban ang mga artista.

Pero may mga sumasablay, may mga napatutunayan ding nagsisinungaling agad-agad, tulad ng isang kababayan nating waiter na nagbalangkas ng kuwentong malayo naman sa katotohanan laban kina Luis Manzano at Billy Crawford.

Ipinatanggal daw ito sa trabaho ng dalawang aktor nang dahil lang sa makasaysayang steak na hindi nila nagustuhan ang pagkakaluto at dinuraan pa ito nina Luis at Billy sa paa.

Ayaw na naming magdetalye pa. Pero sa ganda ng imahe at breeding na mayroon si Luis Manzano ay isang malaking kalokohan ang paninirang iyon. Literal na pangwawasak lang sa kaniyang pagkatao ang hatid ng naturang kuwento.

Nagbibigay ng trabaho si Luis, hindi nagpapatanggal ng kahit sino sa trabaho. Marami siyang natutulungang kababayan natin sa tahimik na paraan at hindi na kailangang ipagbanduhan at ipagmakaingay pa.

At ang pinakamagandang depensa, anak si Luis nina Governor Vilma Santos at Edu Manzano, nagsasalita at nagsusumigaw na ang katotohanang iyon para sa amin.

Gasgas na ang kasabihan, pero totoong-totoo, kung ano ang puno ay siya ring bunga.

Sarah Geronimo – Bakit nainip at inantok ang nanood sa latest concert?

May mga kausap kaming nanood ng concert ni Sarah Geronimo (From The Top) sa ikalawang gabi nito sa Araneta Coliseum. Walang dudang magaling si Sarah. Magaling siyang mag-perform, kaya lang ay nainip-inantok ang maraming nanood sa kaniya.

Sa simula ay okey raw naman sila. Pero habang tumatagal ay bumibigat na ang kanilang mga mata. Ang iba nga nilang kasama ay lumabas muna para maglakad-lakad dahil antok na antok na raw.

Ang isa sa mga dahilan na sinisi ng aming mga kausap ay ang repertoire ni Sarah na puro original songs. Walang cover, hindi siya kumanta ng mga piyesang pinasikat ng mga banyagang singers. Hindi rin daw bumirit si Sarah na gustung-gusto ng mga tumatangkilik sa kaniyang mga concert.

Sabi pa sa amin ng isang nanood, “E, kung si Regine Velasquez nga, bumibirit pa rin, pambenta rin iyon ni Lani Misalucha, di ba? Pero si Sarah, walang ganoon, tapos, puro original pa ang kinanta niya.

Siguradong nakaabot na sa grupo ni Sarah Geronimo ang ganitong kuwento, hindi iyon maililihim, kaya sa susunod ay alam na nila ang gagawin para mapanatiling masigla ang audience.

Dito pa naman sa atin, mas bumibirit ang kumakanta ay mas pinapalakpakan. Kahit sigaw na lang nang sigaw ang singer sa sobrang taas ng tonong inuupakan ay panalo pa rin.

Sheryl Cruz – Maldita na, OA at kontrabida pa

Marami na namang namba-bash kay Sheryl Cruz. Kung nakakain lang ang masasakit na salita ay siguradong palagi siyang dumidighay sa kabusugan.

Maraming nabuwisit sa singer-actress nang pakanta niyang itawid kina Manang Inday (Ms. Susan Roces) at Senadora Grace Poe ang kaniyang mensahe ngayong Kapaskuhan.

Puwede raw naman niyang diretsong sabihin kung ano iyon, pero idinaan pa sa kanta ni Sheryl. OA daw talaga kahit kailan ang aktres. OA na raw siya sa pag-arte ay OA pa rin siya sa pagsagut-sagot sa mga tanong ng reporters.

At lalong kinabuwisitan si Sheryl nang magpakawala siya ng komento na sana raw naman ay huwag humantong sa disqualification ang mga kasong kinakaharap ngayon ni Senadora Grace.

Sabi ng isang basher, “Hunyango! Plastic! Pagkatapos mong sira-siraan si Senator Grace, ganiyan pa ang sasabihin mo ngayon? Napaka-plastic mo, OA ka, mag-workshop ka uli!”

Minsan ay nasilip namin si Sheryl sa isang eksena sa Buena Familia. Kontrabida pala ang papel na ginagampanan niya. Papatayin niya sa eksena si Angelu de Leon pero pumalya ang hawak niyang baril.

Sigaw siya nang sigaw, palagi siyang galit sa mga eksena, pinagdududahan naman siya ng mga anak ng kinakasama niya. Bagay na bagay kay Sheryl ang kaniyang papel.

Pailalim siyang lumaban sa palabas, marami siyang galit sa dibdib, talagang si Sheryl Cruz nga ang nababagay sa papel ng isang babaeng may galit sa mundo. Tama ang pagkakapili sa kaniya ng GMA-7 bilang kontrabida sa serye.

James Yap – May dahilan kung bakit nag-endorse kay Kuya Mar

Ang dami-daming naiinis ngayon kay James Yap. Ano raw ba namang klase ang basketbolistang ito? Palagi na raw siyang sinisiraan ni Kris Aquino pero kamukat-mukat mo ay ang minamanok pa ni P-Noy sa panguluhan ang kaniyang inendorso?

Isa si James Yap sa mga kilalang personalidad na kasama sa music video ni Secretary Mar Roxas, ang kandidato ng kaniyang bayaw ang ineendorso ng magaling na basketball player, kaya maraming naiinis ngayon sa tatay ni Bimby.

“Kung anu-anong salita na nga ang ipinakakain sa kaniya ni Kris, inaakusahan na siyang irresponsible father to Bimby, sinisira-siraan na siya, pero iyong manok pa rin ni P-Noy ang in-endorse niya?

“Nasaan naman ang prinsipyo ni James? Ang laki-laki niyang tao, nakikipagbaragan siya sa hardcourt, pero wala naman pala siyang paninindigan?” sultada agad ng kaibigan naming propesor.

Sa biglang tingin ay may punto ang ganoong pagpuna, pero kung bibigyan natin ng pagpapahalaga ang sitwasyon ni James Yap, madaling intindihin kung bakit siya pumayag na iendorso si Secretary Mar Roxas.

Siguro, naisip ng basketball player, para wala nang masabi si Kris laban sa kaniya ay sige na lang! Bakit pa nga naman niya ilalapit ang kaniyang sarili sa apoy para masunog siya?

Kung ibang kandidato sa panguluhan ang mas pinili ni James Yap, imadyinin natin ngayon kung ano ang magiging sitwasyon niya, di kaliwa’t kanang pambabatikos na naman mula kay Kris ang maririnig-mababasa natin?

Kilalang-kilala ni James ang ina ng kaniyang anak. Higit kaninuman ay isa siya sa mga nakakaalam ng kapasidad ni Kris para magmukhang salbahe ang isang tao. Iyon ang siguradong iniwasan na lang ni James Yap.

Kung iyong wala nga siyang ginagawa ay todo na ang pag-eemowt ni Kris, ang makita pa kaya siya ng ina ng kaniyang anak na ibang kandidato sa panguluhan ang sinusuportahan? Giyera mundial ang mangyayari kapag ginawa iyon ng basketbolista.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Enero 1-15, 2016

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 1 – 15, 2016

  Alden Richards & Maine Mendoza
 
Alden Richards & Maine Mendoza
   Ai Ai delas Alas
 
Ai Ai delas Alas
  KC Concepcion
 
KC Concepcion
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  grace.poe
 
Senator Grace Poe
  Derek Ramsey
 
Derek Ramsay

Maine Mendoza – Best Supporting Actress sa MMFF, kay daming bashers!

Paborito na namang target ng mga mapapakla at nagmamaasim na kababayan natin si Maine Mendoza. Pinaliliguan na naman siya ngayon ng mga salitang humahapdi sa katawan, ano raw ang karapatan niyang maging best supporting actress ng MMFF, mayroon daw ba?

Mag-apela man nang walang humpay ang hindi pabor sa pananalo ni Maine Mendoza bilang best supporting actress sa MMFF ay wala na silang magagawa.

Siya ang pinapanalo ng komite ng MMFF. Hindi niya naman hiningi ang parangal. Katunayan ay gulantang na gulantang mismo si Yaya Dub nang makarating sa kaniya ang impormasyon na siya ang nanalong best supporting actress para sa pelikulang My Bebe Love.

Bago pa siya paandaran ng kaliwa’t kanang pamba-bash ay nagtanong na siya agad, “Bakit ako?” dahil siya mismo ay nabigla sa naging resulta ng labanan sa nasabing kategorya.

Magagaling na artista ang nakalaban niya sa kategorya, lamon na lamon siya ng mga ito sa pag-arte. Totoong marami siyang nakalaban na hinog na sa kanilang linya, pero si Maine ang mas pinili ng pamunuan ng MMFF, kaya wala nang magagawa pa ang kaniyang mga bashers sa tagumpay na nakuha niya sa festival.

“Tinulugan ko nga ang My Bebe Love,” sabi ng isa naming kaibigan, pero may kakontra namang komento iyon, “Mula umpisa hanggang sa ending, aliw na aliw ako kay Maine. Kabagu-bago niyang artista, ni hindi nga siya nag-workshop, pero magaling na siya!”

Maglupasay man ngayon sa kahabaan ng EDSA ang mga kumokontra sa pananalo ni Yaya Dub ay wala na silang magagawa. Hindi niya hiningi ang award, kusang ibinigay iyon sa kaniya. Kung hindi iyon pahahalagahan ni Yaya Dub o magmamalaki pa siya ay baka naman lumabo ang kaniyang mga mata sa pagtanggi sa grasya.

Sabi nga ni Teacher NL, “Hindi ako pabor sa pananalo ni Maine bilang best supporting actress, pero hindi ako asar! Sobra lang talagang blessed ngayon si Maine, kaya kahit may mga mas deserving na manalo kesa sa kaniya, eh, siya pa rin ang nagwagi.

“Simply put, we cannot argue with success. Panahon ngayon ni Yaya Dub. She didn’t ask for the award, kusang ibinigay sa kaniya, kaya wala nang magagawa pa ang mga kumokontra.”

Komento naman ni SOS, “Di po ba, bago pa ginanap ang MMFF awards night, eh, itinext na namin sa inyo na si Ms. Nova Villa ang bet naming maging best supporting actress para sa All You Need Is Pag-ibig?

“Ni hindi nga kami sure kung mano-nominate si Maine Mendoza. Okey lang po kung tinalo ni Yaya Dub si Ms. Nova Villa. Basta, mahusay po siya, magaling umarte si Ms. Nova Villa,” diretsong komento ni SOS.

Ganoon kina Teacher NL at SOS ang tamang pananaw. Hindi sila pabor sa award ni Maine Mendoza pero hindi nila nilalait iyong tao. Tanggap nila ang naging desisyon ng MMFF, pinal na iyon, lalo na ang katotohanang panahon ngayon ni Yaya Dub.

Pero sa kanilang puso ay mayroon silang minamanok. Nirerespeto nila ang resulta ng MMFF pero mayroong mas karapat-dapat manalo kaysa kay Yaya Dub, mahirap naman kasi talagang makipagtalo kapag kakampi ng personalidad ang panahon.

Panahon ngayon ni Yaya Dub. Anumang pagtuligsa ng mga kababayan nating hindi pabor sa kaniyang parangal ay magiging balewala na lang.

Kapag tamang panahon talaga ang kumambal sa isang tao ay wawasakin niya ang lahat-lahat. Sa ayaw at sa gusto natin ay siya na ang best supporting actress ng MMFF.

Alden Richards – Ang sitwasyon ang nagbago, hindi ang Pambansang Bae

May mga nakakuwentuhan kaming kasamahan sa panulat na naninibago sa sitwasyon ni Alden Richards. Nandoon ang pagkukumpara, binabalikan nila ang mga panahong hindi pa ganito kasikat ang guwapong aktor, ibang-iba ang kanilang paglalarawan.

Naninibago sila sa sanrekwang bodyguards ng Pambansang Bae, ni hindi na raw tuloy nila makausap man lang si Alden, samantalang noong mga nakararaang taon ay napaka-generous niya sa pakikipagkumustahan sa mga press people.

Oo nga’t nakabubulag ang kasikatan na maraming artista ang naaapektuhan ay positibo ang sinabi ng aming mga kapuwa manunulat, hindi si Alden ang nagbago, kundi ang sitwasyon lang niya ngayon. At ito nga’y dahil biglang sumikat ang singer-actor dahil sa tambalan nila ni Maine Mendoza.

Gustuhin man siguro ng sikat na binata na makipagkuwentuhan ay hindi na iyon maibibigay ng napakahigpit niyang schedule. Halos wala na siyang pahinga at tulog, katatapos lang ng kaniyang kompromiso ay mayroon na namang kasunod, iyon ang kakambal ng kasikatan na kadalasan ay hindi naiintindihan ng marami.

Ai AI Delas Alas – Hindi fake ang ginagawang pagtulong sa nangangailangan

Akala pala ng ibang mga kababayan natin ay press release lang ang ginagawang pagtulong ni AiAi delas Alas kay Jiro Manio. Akala ng mga ito ay puro salita lang ang lahat, eksaherado lang, hanggang sa isang araw ay sila mismo ang nakapagpatunay kung gaano katutok ang Comedy Concert Queen sa sitwasyon ng batang aktor.

Kuwento ng aming source ay nasa naturang wellness center din ang isang anak ng kaniyang kaibigan. Nakasabay nito sa pagpunta doon si AiAi.

“Totoo palang siya ang tumutulong kay Jiro, mula sa pagdadala sa wellness center hanggang sa pagtse-chec sa anak-anakan niya, e, talagang very visible si Ms. AiAi.

“Sabi nga ng friend ko, e, puring-puri raw si AiAi doon ng mga parents. Bakit nga naman, e, hindi niya naman kaanu-ano si Jiro, naging anak lang niya sa pelikula, pero todo-todo ang pag-aasikaso niya sa bata.

“Naging instant fans ni AiAi ang mga parents, pinatatawa lang daw sila ni AiAi dati, pero ngayon, e, sobrang pinupuri at hinahangaan na nila,” kuwento ng teacher naming kaibigan.

Dahil sa kagandahan ng puso ng komedyana ay isa lang ang maibabalik nila, “Sa first day showing ng movie nila ni Bossing Vic, manonood talaga kaming magkakaibigan. Panonoorin namin ang My Bebe Love, doon man lang, e, marepmyuhan namin ang kabutihan ni AiAi kay Jiro Manio.”

Hindi lang kay Jiro Manio, napakarami nang natutulungan ng Comedy Concert Queen na hindi lang napapabalita, anumang ginagawa ng kanan niyang kamay ay hindi na niya ipinaaalam pa sa kaliwa.

Iyon ang malakas na hangin na patuloy na nagtutulak paitaas sa Comedy Concert Queen.

Sharon at KC – May communication gap ba ang mag-ina?

Sa isang Christmas party ay natutukan sa kuwentuhan ang mag-inang Sharon Cuneta at KC Concepcion. Nagtatanungan ang mga magkakasama kung nagkakaroon ba ng pagkakataong magkita-magka-usap nang personal ang mag-nanay?

Para kasing hindi sa kanilang palagay. Tama, nirerespeto ni KC ang Megastar, nandoon na tayo pero bakit nga ba palaging ang bonding nila ng kaniyang amang si Gabby Concepcion lang ang ikinukuwento ng dalaga?

Pag-alala ng isa sa mga nasa umpukan, “Naalala n’yo pa ba noong nag-emote to-the-max si Sharon sa Twitter? Di ba, todo-puri noon si Mega sa anak niyang si Frankie na in a way, parang si KC ang pinatatamaan niyang thoughtless?

“Si Gabby ang tinakbuhan noon ni KC, lumalabas sila kasama ang present family ni Gabo. Nakakalungkot, di ba? Parang walang communication ang mag-ina.

“Parang nagpapatutsadahan pa nga sila sa social media, which means, wala talaga silang direct communication! Bakit kaya hindi na lang sila mag-usap nang personal para silang mag-ina lang ang nakakaalam ng mga problema nila?

“Hindi gaya ng ganyan na parang karihan ang buhay nila na puwedeng tauhin twenty-four hours a day,” makabuluhang komento ng isang miron.

Sa pagkakaalam namin ay maganda naman ang relasyon nina Sharon at KC. Regular ding nagkikita si KC at ang kaniyang kapatid sa ina.

Kapag pareho talagang sikat ang mga personalidad ay binabantayan ang kanilang mga galaw, nabibigyan ng ibang interpretasyon ang kanilang mga ginagawa, sana nga’y hindi pinagdadamutan ng pagkakataon nina Sharon at KC ang kanilang mga sarili para sa isang masarap na kuwentuhan.

Kris Aquino – Pinagbawalang magsalita ng kaniyang doctor

Oo nga naman, nakakapanibago kapag walang bagong isyung pinapuputok si Kris Aquino. Hinahanap-hanap iyon ng ating mga kababayan dahil nasanay na silang makita-marinig ang isang Kris Aquino na nag-iingay.

Hanggang sa social media lang muna ang pagpaparamdam ngayon ni Kris, pinayuhan kasi siya ng kaniyang mga doktor na hindi puwedeng magsalita nang limang araw. Napakahirap gawin iyon ng isang tulad niya pero kailangan niyang maging masunurin.

Nawalan ng boses si Kris dahil sa sobrang pagtatrabaho, may ihinahabol silang pelikula ni Derek Ramsay para sa MMFF, kaya iyon ang tutok ngayon ni Tetay.

Kuwento ng mga kaibigan ni Kris ay alisin mo na sa kaniya ang lahat, huwag lang ang pagdaldal, dahil iyon na ang kaniyang buhay. Ngayon ay magic slate lang muna ang ginagamit niya sa pakikipagkomunikasyon dahil mahigpit ang bilin ng kaniyang mga doktor na huwag na huwag siyang magsasalita sa loob nang limang araw.

Maagang penetensiya ito para kay Kris. Katatapos lang nga Pasko at Bagong at malayo pa ang Mahal Na Araw, ikinalulungkot ng TV host ang ganitong senaryo.

Pero wala siyang pamimilian, kailangang gumaling ang kaniyang lalamunan, ang matinding puhunan niya sa trabaho ay hindi naman pag-arte kundi ang pagsasalita sa harap ng mga camera.

Sen. Grace Poe – Ang pinsan na si Sheryl Cruz ang regular basher ng senadora

Tinatanong kami ng mga kaibigan namin kung tumigil na ba sa kapapatutsada si Sheryl Cruz kay Senadora Grace Poe. Sabi nami’y nangingilin naman siguro si Sheryl, dahil kasi sa holiday season, baka ipinahinga naman muna niya ang kaniyang bibig.

Sa mga nagaganap na paghamon ngayon sa buhay ng senadora na kundi naman nagdesisyong tumakbo sa panguluhan ay hindi magkakaganito ang buhay ay palihim daw sigurong napapangiti si Sheryl.

Ito raw kasi ang gusto ng singer-actress, ang mahirapan sa kaniyang kandidatura ang itinuring nang tunay na anak ng kaniyang Tita Susan Roces, ang hindi matupad ang hangarin nitong makapagserbisyo pa nang mas malawak sa ating mga kababayan.

Wala pang karapatang humalakhak ngayon si Sheryl, malayo pa ang itatakbo ng laban ni Senadora Grace Poe tungkol sa mga butas na sinisilip kontra sa kaniya ng mga kalaban. Kumbaga sa basketball ay bilog ang bola at wala pang makaaangkin ng kasiguruhan ngayon.

Dumaan din sa ganyang senaryo ang kaniyang amang si FPJ. Nakarating sa Supreme Court ang apila, at hanggang sa mga panahong ito ay naniniwala ang sambayanang Pilipino na nanalo ito sa pagkapangulo pero inagaw nga lang sa kaniya ang trono sa Palasyo.

Sa totoong-totoo lang. Kaya wala pang makahahalakhak nang todo sa ngayon. Hintay-hintay lang muna kapag may time.

Attorney Bebong Muñoz – Ex-BF ni Jolina ang top executive ng TV5

Ang isa sa mga namamahala ngayon sa programming ng TV5 ay si Attorney Bebong Muñoz. Sa pagpasok ng Viva Entertainment sa 2016 ay si Attorney Bebong ang makakatrabaho ni Boss Vic del Rosario para sa mga bagong palabas ng istasyon.

Pamilyar ang pangalang Bebong Muñoz. Minsan isang panahon ay naugnay ang kaniyang pangalan kay Jolina Magdangal. Sa abot ng aming pagkakaalam ay naging sila dahil sa mga kuwento ni Daddy Jun na marespeto sa kanila ang binata.

Ehekutibo na siya ngayon ng TV5, pinagkakatiwalaan ni Mr. Manny V. Pangilinan, pero hindi pa rin mawala-wala sa kaniyang pangalan ang nakaraan nila ni Jolina.

“Mga bata pa po kami noon,” tumatawang reaksiyon ni Attorney Bebong Muñoz. Masaya siya sa naging kapalaran ni Jolina na may maayos nang pamilya ngayon at hindi pa rin nawawala sa gitna ng aksiyon ang career.

Magiging abala ang mga tagapamahala ng TV5 sa pagpasok ng 2016. Ngayon pa lang ay todo na ang paghahanda ng network sa unang palabas na mapapanood sa susunod na taon, si Richard Gutierrez ang bibida sa Ang Panday ni Direk Carlo J. Caparas na ang mamamahala naman ay si Direk Mac Alejandre.

Agaran ding isusunod ang Born To Be A Star, isang talent search na si Ogie Alcasid ang magho-host, at ang seryeng pagsasamahan nina Derek Ramsay, Diether Ocampo at Claudine Barretto.

Pahayag ni Attorney Bebong noong huli kaming magkausap, “Samantalahin na natin ang panahon ngayon dahil next year, magiging busy na tayo. Puro meeting na kami ngayon, marathon meeting, nakaka-excite ang 2016 for TV5.”

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Enero 16-31, 2016

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 16 – 31, 2016

  German Moreno
 
German Moreno
   Judy Ann Santos
 
Judy Ann Santos
  Alden Richards
 
Alden Richards
  jake maine
 
Jake Ejercito & Maine Mendoza
  Pops Fernandez
 
Pops Fernandez
  Pauleen Luna & Vic Sotto
 
Pauleen Luna & Vic Sotto
  Pia Wurtzbach
 
Pia Wurtzbach
  AI AI Bebe Love Cast
 
Ai Ai delas Alas
  Kris Aquino
 
Kris Aquino

German Moreno – Walang maaaring pumalit sa yumaong Master Showman

Nabawasan na naman ng isang haligi ang mundo ng telebisyon. Isang posteng walang makakapalit dahil nag-iisa lang ang German Moreno.

Halos lahat ng live shows ay nagbibigay-pugay ngayon sa pagpanaw ng Master Showman na si Kuya Germs (German Moreno). Halos lahat din ng mga personalidad ay nagbibigay-respeto sa pinakahuling sandali sa yumaong star builder dahil sa kahit anong paraan ay nakatulong sa kanilang career si Kuya Germs.

Mayaman sa kaibigan ang yumaong TV host. Mapagpahalaga siya sa pagkakaibigan, hindi siya nakalilimot, kaya hanggang ngayon ay maganda pa rin ang samahan nila ng mga artistang nakasabayan niya sa Sampaguita Pictures.

Saksi ang loob at labas ng Mt. Carmel Church sa dami ng mga artistang dumadalaw. Hindi na rin magkasya ang magaganda at malalaking korona ng bulaklak na ipinadadala ng mga artista at pulitiko.

Iyon ang patunay na naging makabuluhan ang mga dekadang ipinaglagi ni Kuya Germs sa mundo ng lokal na aliwan. Sa That’s Entertainment na lang ay kulang sa apat na raang kabataan ang kaniyang natulungan.

Siya ang naging baytang ng hagdan na tinungtungan ng maraming young stars. Siya ang dahilan ng pagkakaroon ng pakpak ng mga ito para makalipad. Hindi na nakapagtataka kung bakit parang fiesta gabi-gabi ang lamay ni Kuya Germs.

Sabi nga ng kaniyang kaisa-isang anak na si Federico, “Nawala man si papa, masaya na rin kaming mga iniwan niya dahil kitang-kita namin how much he was loved by the industry he loved more.”

Matinding kalungkutan din ang nadarama ng pinakamalapit niyang pamangkin ni Kuya Germs na si John Nite.

“Itong suit na suot niya sa burol, ginamit ko ito sa Bituing Walang Ningning. He literally died in my lap,” kuwento ni John Nite habang hinahagod nang masuyo ang kabaong ng mahal nitong tiyuhin.

Tama ang komento ni Federico, “Paano mo makakalimutan ang taong nagbigay ng buhay sa iyo? Araw-araw, tumatawag siya, ‘Kumusta na kayo? Ang mga bata, kumusta sila?’

“Ang hindi ko pa alam, e, kung paano ko haharapin ang pagkawala ni papa. I have my wife and kids, they can comfort me, pero iba pa rin ang kumpleto kayo,” komento ng anak ni German Moreno.

Nasapul namin ang That’s Entertainment, ang programang pinagmulan ng halos lahat ng mga sikat na kabataan noon, sa sinapupunan ng show ni Kuya Germs ipinanganak ang mga artistang pinakinabangan ng mga istasyon ng telebisyon.

Matindi ang hagulgol nang dumalaw si Sharon Cuneta sa mga labi ng kaniyang ama-amahan. Si Kuya Germs ang mayhawak ng kredito kaya napalapit sa masa ang noon ay kolehiyalang si Sharon Cuneta.

Isa rin si Nora Aunor sa mga apektado sa pagpanaw ni Kuya Germs dahil sila talaga ang nagkasama nang napakatagal na panahon. Guy & Pip pa lang, hanggang sa programang Superstar, hanggang sa umalis ng bansa at bumalik si Nora Aunor ay hindi bumitiw ng suporta at tiwala sa kaniya ang Master Showman.

Si Jake Vargas ang pinakahuling pinaglaanan ng panahon at pagmamahal ni Kuya Germs. Iyon ang literal na kung wala siya ay walang Jake Vargas ngayon.

Miyerkules, Enero 13, inihatid sa huling hantungan ang nag-iisang Kuya Germs.

Palaging mabubuhay sa alaala ng mga taga-showbiz si Kuya Germs. Poste siya ng lokal na aliwan. Walang kalimutan. Walang tulugan!

Judy Ann Santos – Tumatanaw ng utang na loob kay Kuya Germs

Kapag may umalis ay may dumarating. Literal na nangyari iyon sa isa sa mga personalidad na natulungan ng yumaong Master Showman, si Judy Ann Santos, sa pagsisilang niya sa kanilang anak ni Ryan Agoncillo na si Luna.

Nagsimula si Juday sa Ula, pero naging poste siya sa That’s Entertainment, mula noon hanggang ngayon ay tumatanaw ng utang na loob ang magaling na aktres kay Kuya Germs.

Aminado si Juday na isa sa mga hindi niya malilimutang bahagi ng kaniyang karera ay ang mapasama sa mga kabataang tinutulungan ni German Moreno sa That’s Entertainment.

“May weekly competition kasi kami noon, every Saturday ginagawa, sobrang aligaga kami sa pagbubuo ng production number para manalo kami. Rehearse kami nang rehearse, masaya ang grupo. Manalo-matalo, okey lang, dahil hindi mababayaran ang saya namin noon,” palaging naaalala ng magaling na aktres.

Maraming puso ng mga sikat na personalidad ang hinaplos ni Kuya Germs. Hindi kasi ipinagdamot ng TV host-discoverer-actor-manager ang entablado ng telebisyon kahit kanino.

Basta may nakiusap sa kaniya, kasunod na noon ang kaniyang tulong, kung walang budget ang network para sa baguhan, sa kaniyang bulsa nanggagaling ang talent fee, ganoon kawalang kundisyong tumulong ang nag-iisang German Moreno.

Dahil sa dami ng kaniyang natulungang matupad ang mga pangarap ay saksi ngayon ang Mt. Carmel Church sa pagdagsa ng mga nagmamahal sa kaniya.

Alden at Maine – palagay ninyo, magkakagustuhan kaya?

Ngayong 2016 ay matindi ang pag-asa ng mga tagasuporta nina Alden Richards at Maine Mendoza na may mabubuo nang espesyal na relasyon sa kanila.

Napakaespesyal na ng pagtitinginan nila ngayon, marami ngang nagdududa na mayroon na silang relasyon, ipinagkakanulo raw iyon ng kanilang mga mata kapag napapanood sila sa kalyeserye.

Kunsabagay, hindi nakapagtatakang magkagustuhan sina Alden at Yaya Dub dahil halos araw-araw silang magkasama, bibihira ang pagkakataon na nagkakahiwalay sila.

Araw-araw silang nagkikita sa kalyeserye ng Eat..Bulaga, sa mga TVC shoot nila ay palagi silang nagkukuwentuhan, napakalaking bagay noon para mauwi sa relasyon ang maganda nilang pagkakaibigan.

Sa kalyeserye kapag nagkakatinginan ang dalawa ay halos mahulog na sa upuan ang kanilang mga tagahanga, konting lambingan lang ay lunod na lunod na agad sa kilig ang AlDub Nation. Paano pa kaya kapag totoong magkarelasyon na sina Alden at Maine?

Sa dalas ng kanilang pagsasama ay hindi malayo sa katotohanan ang isang masarap na relasyon sa pagitan nina Alden at Yaya Dub. Pareho naman silang libre ngayon, may kalayaan silang magmahal at mahalin, kaya bakit ang hindi?

Pero pagkontra ng ilang nakausap namin ay huwag nilang pipilitin ang kanilang emosyon. Kailangang maramdaman nila iyon nang kusa, dahil sabi nga ni Lola Nidora, ang lahat ay nangyayari sa tamang panahon.

Inilalatag na raw ngayon pa lang ang pelikulang pagtatambalan nina Alden at Maine para sa darating na Valentine’s Day.

Kinikilig na ang AlDub Nation, kung matutuloy ang proyekto ay iyon ang masasabing pelikula talaga ng AlDub, hindi ang My Bebe Love na dagdag-atraksiyon lang sila.

Karagdagang cast na maituturing, pero kailangang tanggapin ng mga bumibidang sina Bossing Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na napakalaki ng naitulong sa takilya ng kanilang mga tagahanga, hindi pinabayaan ng AlDub Nation na maungusan ng ibang entry ang pelikula.

Mas matututukan na ang istorya ng pelikula kung matutuloy ang pang-Valentine’s Day na proyekto nina Alden at Yaya Dub. Sa pinipilahan pa rin kasi hanggang ngayon na My Bebe Love ay halatadong idinagdag lang sila sa kuwento.

Pero ibang klase talagang gumalaw ang mga tagahanga ng dalawa, sila ang mga unang sumugod sa mga sinehan noong Pasko, sila ang nagpaingay sa pangunguna ng My Bebe Love.

Ano nga ang sabi? Huwag menosin-maliitin ang kapangyarihan ng Aldub Nation. Marami na silang napatunayan. Wala nang kuwestiyon ang kanilang puwersa.

May hihirit pa ba?

Jake Ejercito – Classmate ni Yaya Dub sa Kalyeserye

Maraming kinilig sa partisipasyon ni Jake Ejercito sa kalyeserye. Bakit naman hindi, napakaguwapo ng anak ni Pangulong-Mayor Joseph Estrada kay Laarni Enriquez, guwapo na ay napaka-cowboy pa.

Si Tita Malou Choa-Fagar ang nakiusap kay Laarni kung puwede nitong payagan si Jake na lumabas sa kalyeserye. Gusto ng dating aktres ang ideya, tutok na tutok din kasi si Laarni sa kalyeserye, tagahanga ito nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Pero ang kaniyang sagot, “Ipagpapaalam ko muna sa daddy niya.” Matagal nang gustong mag-artista ni Jake Ejercito, pero tutol ang kaniyang ama, papayagan lang siyang sumubok sa pag-aartista kapag tapos na siya sa pag-aaral.

Sinunod naman iyon ni Jake, nag-aral siya sa London, tinapos niya ang kursong Business Management, pero gusto pa niyang makakuha ng masters degree.

Sa Singapore naman siya pumasok, mas malapit sa Pilipinas, puwede siyang umuwi kapag may mahaba-habang bakasyon sa kaniyang pagkuha ng M.A.

Napapayag si Mayor Erap, pero hindi regular, special participation lang kumbaga sa pelikula. Iyon na! Noong Sabado (Jan. 9) nang tanghali ay lumabas siya sa kalyeserye bilang si Jake, ang kaklase ni Yaya Dub, ang tumutulong sa dalaga sa kaniyang thesis.

“Napakaguwapong bata! At napakagaling niyang magsalita, lutang ang pagiging edukado niya! At kumain pa siya ng street food! Sarap na sarap siya sa pagnguya ng isaw! Ang konyong-konyong si Jake, kumakain ng isaw!” tuwang-tuwang komento ng kaibigan naming propesor.

Nasa dugo ni Jake Ejercito ang pag-aartista, kaya hindi na nakagugulat kung sakaling pasukin na rin niya nang seryosohan ang pag-aartista pagkatapos ng kaniyang masters degree, hindi mapipigilan iyon sa tamang panahon.

Pops Fernandez – Malaki ang hawig ni Yaya Dub kay Pops

Noong nagmamarka na ang itsura at pangalan ni Yaya Dub sa kalyeserye ng Eat…Bulaga ay maraming nakapansin, malaki ang pagkakahawig nila ni Pops Fernandez, sa maraming anggulo ay parang magkapatid sila ng Concert Queen.

Habang tumatagal ay lalong lumalalim ang kanilang pagkakamukha, kahit sa mga pagkakataong nilulukut-lukot ni Maine Mendoza ang kaniyang mukha ay si Pops Fernandez pa rin ang nakikita sa kaniya ng manonood, wala ba silang relasyon sa dugo?

Siyempre’y aliw na aliw si Pops nang may nagsabi sa kaniya na malaki ang pagkakahawig nila ni Maine Mendoza, marami na raw siyang naririnig na ganoong pagkukumpara, pero tinatawanan lang niya.

Noong baguhan pa lang si Pops ay mas kamukha niya si Maine, magkaporma rin sila, may magkabilang dimples lang si Pipay na wala kay Yaya Dub at napunta kay Alden Richards.

Alden Richards – Parusa ang busy schedule, kawawa naman

Lunes nang tanghali, sa kinaaaliwang kalyeserye ng buong bayan, ay may nag-text sa amin. “Pansinin n’yo po si Alden Richards, sobrang antok na antok na.”

Masiglang-masigla ang binata sa mga unang bahagi ng Eat…Bulaga, takbo pa nga siya nang takbo sa entablado, punumpuno ng energy ang Pambansang Bae.

Pero oo nga, noong kalyeserye na ay halatado na ang kaniyang kapaguran, kulang na lang na maghikab siya. Kitang-kita ang paglamlam ng kaniyang mga mata, nanghihingi na iyon ng tulog at pahinga, pinaglalabanan lang iyon ni Alden hanggang sa matapos ang programa.

Dikit-dikit ang kaniyang kompromiso ngayon, halos araw-araw ay mayroon siyang trabaho, napakabenta naman kasi ngayon ng ka-loveteam ni Maine Mendoza.

Napakaraming nakikiusap sa amin para makuha ang serbisyo ni Alden para sa mga provincial shows, pero tumatanggi kami, alam kasi naming wala na rin namang maibibigay na schedule ang kaniyang handler dahil sa kapunuan na ng kaniyang kalendaryo.

Kahit nga siguro ang kaniyang pamilya ay nasasabik na sa kaniya, kumuha na siya ng halfway house na malapit sa kaniyang mga trabaho kaya hindi na siya masyadong nakauuwi sa Sta. Rosa, ano nga ang sabi ni Allan K noong selebrasyon ng kaniyang kaarawan sa Eat…Bulaga?

“Alden, kapag maluwag na ang kalendaryo mo, nandito lang kami,” sabi ng komedyante. Kahit sila kasi ay hindi na nakakasama para sa pagba-bonding si Alden, palaging busy sa kakakayod, nami-miss na siya ng kaniyang mga dabarkads.

Totoo ang sinabi sa amin ng isang ehekutibo ng GMA-7, hindi nagbabago ang Pambansang Bae, schedule lang niya ang nagbago.

Pauleen Luna – Nais sanang maging pribado ang detalye ng kasal

Maiintindihan natin kung saan nanggagaling si Pauleen Luna sa sarkastiko niyang “pasasalamat” sa ABS-CBN tungkol sa nalalapit nilang kasal ni Bossing Vic Sotto.

Paminsan-minsan lang nangangarap ng kapribaduhan ang mga artista. Halos lahat ng bahagi ng kanilang buhay ay alam na ng publiko, wala na halos silang itinatago, pero may parte ng kanilang personal na buhay na gusto naman sana nilang manatiling pribado.

Hindi dahil sa nagdadamot sila, bilang mga pampublikong pigura ay alam naman nilang may makakaamoy at makakaamoy rin ng pribadong okasyon sa kanilang buhay, pero iba iyon kesa sa salitang respeto.

Ikinasama ng loob ng ikakasal ang pagdedetalye ng Dos sa nalalapit nilang kasal ni Bossing Vic. Ang petsa, ang lugar, ang mga kasama sa mga magmamartsa papunta sa altar.

Huwag naman sanang sabihin ng mga taga-Dos na okey lang iyon, matagal nang nakikiusap si Pauleen na kung maaari ay gusto nilang maging pribado ang kasal nila ni Bossing Vic, hindi naman siguro sila natutulog habampanahon para hindi nila iyon malaman.

Galing pa naman sa kanilang bakuran ang ikakasal, matagal ding panahon nilang nakasama si Pauleen, sa isang simpleng pakiusap ba ay hindi pa nila mapagbibigyan ang ikakasal?

Kahit saang larangan ay napakahalaga ng respeto. Iyon ang nagbibigkis sa atin, magkakakampi man tayo o magkakalaban ng network na pinaglilingkuran, kailangang respetuhin natin ang pakiusap-karapatan ng ating kapuwa.

Pia Wurtzbach – Nagpapasalamat sa suporta ng AlDub Nation si Miss Universe

Makabuluhan ang episode ng Kapuso Mo, Jessica Soho (KMJS) noong Linggo (Jan 10) nang gabi. Wala kang itatapong segment sa programa ng magaling at medalyadong host na si Jessica Soho.

Sa panayam pa lang niya sa ating Miss Universe na si Pia Wurtzbach sa New York ay sulit na sulit na ang panahon mo, detalyado ang panayam, pati ang mga tao sa likod ng tagumpay ng ating kapuwa Pinay ay binigyang-tutok ng KMJS.

Ngayon pa lang nakapagpasalamat si Pia sa AlDub Nation, aminado ito sa panghihingi ng suporta sa mga tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza, ayon sa Miss Universe ay gumising nang maaga ang AlDub Nation para lang magbigay ng boto sa kaniya habang ginaganap ang beauty pageant.

At tahasan ding tinanong ni Jessica si Pia kung mayroon bang namagitan o namamagitan sa kanila ni P-Noy. Wala, sabi ng may putong ng korona, nagkita lang sila minsan sa isang pagtitipon at iyon lang iyon.

Sa January 23 ay kinumpirma rin ni Pia na uuwi ito, isang linggo lang na mananatili dito ang Miss Universe, dadalo ito sa kasal nina Bossing Vic Sotto at Pauleen Luna bilang bridesmaid.

AiAi delas Alas – Pinaninindigang number one ang My Bebe Love sa MMFF

May karapatan ang Comedy Concert Queen na panindigan ang kaniyang paniniwala na ang kanilang pelikula ang number one sa MMFF. Paniniwala niya iyon, walang makapipigil sa kaniyang isipin iyon, paninindigan ang tawag doon.

Hindi niya problema kung ayaw man siyang paniwalaan ng iba, hindi rin niya dalahin sa kaniyang kunsensiya kung sinasabi ng iba na sila ang number one, basta naninindigan si AiAi delas Alas na ang My Bebe Love ang number one.

Isinusumbat ngayon ng iba sa komedyana ang kawalan ng utang na loob. Dati raw siyang taga-Dos, sa Star Cinema rin daw siya nagkaroon ng pagkakataong magkaroon ng magagandang pelikula, burado na raw ba iyon sa utak ni AiAi?

Ang relasyon noon ni AiAi sa Star Cinema ay hindi dapat kaladkarin sa argumento. Totoo, nabigyan ng magagandang proyekto ng produksiyon si AiAi, pero kung babalikan natin ang kanilang kasaysayan ay ang Comedy Concert Queen ang nag-akyat nang bilyon (hindi milyon) sa Star Cinema dahil sa sunud-sunod na blockbuster movies na ginawa niya.

Nagkatulungan sila. Pinuhunanan ng Star Cinema ang kaniyang mga pelikula, pero sinuklian din iyon ng sipag ng komedyana, nag-akyat siya nang limpak-limpak na salapi sa produksiyon na hindi kayang pantayan ng iba nilang sinugalang artista.

May namuhunan, may nagbalik ng puhunan at napakalaking tubo, kuwentas-klaras lang ang kanilang laban. Sa pagtanaw ng utang na loob ay walang maibubutas kay AiAi, malambot ang kaniyang leeg sa paglingon, bitbit niya kahit saan siya makarating ang pagtanaw ng utang na loob sa lahat ng naging bahagi ng kaniyang tagumpay.

Kris Aquino – Parehong flop ang magkasunod na pelikula, bakit kaya?

Hindi naging maganda ang pagpasok ng 2016 para kay Kris Aquino. Nakakalungkot marinig ang nagsasalimbayang balita na hindi nagkaroon ng mahaba-habang buhay sa takilya ang kaniyang pelikula.

Pinu-pullout na ang kaniyang pelikulang All You Need Is Pag-ibig, ibinibigay na ang mga sinehan para sa My Bebe Love, ito ang senaryong ayaw na ayaw at hindi matatanggap nang paganoon na lang si Kris.

Oo nga’t sinasabi ng kaniyang kampo na hindi naman kasi sa kaniya nakatutok ang daloy ng kuwento ng proyekto ay hindi iyon bibilhin ng marami, bahagi pa rin siya ng pelikula, may pangalan pa ring Kris Aquinbo sa credits ng proyekto.

May nagkakaisang opinyon ang marami kung bakit tinamad ang ating mga kababayan na panoorin ang kaniyang entry sa MMFF. Hindi nagkaroon ng positibong resulta ang mga pinalutang niyang pag-iinarte at pag-uurung-sulong sa paggawa ng proyekto ng Star Cinema.

Hindi rin nakaganda sa kaniyang imahe ang basta na lang pang-aaway sa ama ni Bimby na si James Yap. Hindi rin maganda sa pandinig ang mga ginagawa niyang pagpaparinig kay Mayor Herbert Bautista.

Sa hindi man lang pagpuwesto ng kaniyang pelikula sa Top 4 ay walang ibang dapat sisihin si Kris Aquino kundi ang sarili lang niyang kapritso.

Kuwento ni Teacher NL na umuwi sa Daraga, Albay para makasama ang kaniyang pamilya, “Nandito ako sa Bichara Cinema 3 ngayon. Sa tanang buhay ko, ngayon ko lang naranasang tumayo nang nag-iisa sa Lupang Hinirang.

“Wala akong kasamang nanonood ng movie ni Kris Aquino. Harinawang madagdagan man lang ng kahit isang moviegoer dito, hindi ko alam, baka may katabi na pala akong ispiritu dito,” text ni Teacher NL.

Magkasunod na pagkabigo sa takilya ang nangyari kay Kris, hindi kumita noon ang pinagbidahan niyang Etiquette For Mistresses, sinundan agad iyon ng All You Need Is Pag-ibig.

Sabi, ang tagumpay at kabiguan daw ay tungkong-kalan, palaging tatluhan. Ibig bang sabihi’y sesemplang uli sa takilya ang susunod niyang gagawing palikula?

Tutal naman ay sobrang mapagpaniwala si Kris Aquino sa feng shui, kailangang pag-aralan niyang mabuti ngayon kung anong buwan siya uli gagawa ng pelikula, kung anong oras dapat unang gumiling ang mga camera at kung kalahati pa lang ang buwan sa panahong iyon o kabilugan na.

Marion Aunor nagdonate sa Bahay Aruga mula sa Winnipeg

Dumating na mula sa Winnipeg, Canada ang aming mga anak-anakang sina Rey-Ar Reyes at Neil Soliven. Negative 30 ang klima nang umalis sila, nagyeyelo ang kapaligiran, paglabas nila ng NAIA ay pagkainit-init na panahon agad ang sumalubong sa kanila.

Noong Miyerkules nang hapon ay nagtrabaho agad si Rey-Ar, kasama sina Maribel Aunor, Marion, Ashley at Neil Soliven ay nagpunta agad sila sa Bahay-Aruga, isa sa mga nabiyayaan nang mag-concert si Marion sa Winnipeg noong nakaraang Diyembre. Si Mayette Bonilala na anak-anakan din namin ang namamahala sa Bahay-Aruga.

Naging matagumpay ang concert ni Marion sa Winnipeg, sinuportahan siya ng ating mga kababayan doon, tatlong bahay-ampunan ang benepisyaryo ng produksiyon.

Kapuri-puri ang mag-inang Lala at Marion Aunor, plane tickets at akomodasyon lang ang hiniling nila kay Rey-Ar Reyes para sa nasabing concert, basta para sa pagtulong sa ating mga kababayan ay numero uno ang busilak na puso ng mag-ina.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Pebrero 1 – 15, 2016

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminPebrero 1 – 15, 2016

  KISS BRIDE
 
Mr. and Mrs. Marvic Sotto
  ALDEN AND YAYA DUB
 
Alden Richards & Maine Mendoza
   SEN GRACE POE
 
Senator Grace Poe
  LUIS MANZANO AND ANGEL LOCSIN
 
Luis Manzano & Angel Locsin
  REY AR WITH LALA AIAI NAY CRISTY NEIL copy
 
L-r: Lala Aunor, Ai Ai Delas Alas, Marion Aunor, Winnipeg’s Neil Soliven, Cristy Fermin and Rey-Ar Reyes of Pilipino Express
  BEA ALONZO AND JOHN LLOYD CRUZ
 
John Lloyd Cruz & Bea Alonzo
  KARLA ESTRADA
 
Karla Estrada
  CIARA SOTTO
 
Ciara Sotto
  DINGDONG AND FAMILY PLEAE EDIT copy
 
Jessa, Dingdong at kanilang anak na si Jayda
  CLAUDINE RAYMART KIDS
 
Raymart Santiago, Claudine Barretto at kanilang mga anak, Sabina & Santino
  DIETHER OCAMPO
 
Diether Ocampo 
  CESAR MONTANO
 
Cesar Montano

Bossing Vic at Pauleen – Mabuhay ang mga bagong kasal!

Mrs. Vic Sotto na si Pauleen Luna. Sabado, Enero 30 nang lumakad papunta sa altar si Pauleen palapit kay Bossing Vic hatid ng kaniyang amang si Eugene.

Iyon ang itinuturing niyang pinakamarkado at pinakamahalagang paglakad sa kaniyang buong buhay.

Onse anyos si Pauleen nang una naming makita bilang Reyna Elena sa santacruzam sa Isla, Valenzuela City kung saan nagmula ang lahi ng kaniyang ama. Kapatid ng kaniyang Lola Lita ang nakaupong mayor noon ng Valenzuela na si Tito Gerry Angeles.

Tinukso namin ang kaniyang lola, sayang ang ganda ni Pauleen kung sa mga santacruzan lang siya makikita ng mga kababayan natin, pasadung-pasado siyang mag-artista.

“Hindi, mag-aaral na lang siya. Kailangan muna niyang magtapos,” mabilis na sagot ni Tita Lita Luna.

Pero walang nagawa ang pamilya ni Pauleen, nag-artista rin siya, at nagtagumpay naman sa kaniyang karera.

Sa biglang pag-iisip ay sino nga ba ang mag-aakala na si Poleng pala ang pakakasalan ng sikat na komedyante at TV host?

Pagkatapos ng kanilang paghihiwalay ni Dina Bonnevie ay marami pang ibang babaeng personalidad na naugnay ang pangalan kay Vic Sotto. Pero hanggang sa pagkakaroon lang ng relasyon ang lahat, bukod-tanging si Pauleen ang inalok ng kasal ng makarismang si Bossing Vic, kaya maraming nagsasabi na kakaiba ang magneto ni Poleng.

Maayos na ang lahat, kaibigan na ni Pauleen ang partido ni Vic, lalo na ang mga anak nito kay Dina. Ganoon din ang pamilya ni Pauleen, tapos na ang mga pag-aalinlangan ng kaniyang lola at mga magulang, kung saan masaya ang aktres-TV host ay doon na rin ang mga ito.

May bagong bahay na silang uuwian pagkatapos ng kanilang kasal, harinawang magkaroon agad ng magandang produkto ang kanilang pagsasama, iyon ang kaisa-isang kukumpleto sa kanilang relasyon bilang mag-asawa na. “Mabuhay ang mga bagong kasal!”

Alden at Maine – Hindi lang puro kilig, nagtayo ng Aldub library

Sino ngayon ang magsasabing puro kilig at tili lang ang pakinabang sa tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza? Wala raw namang saysay ang AlDub, mga bulag lang daw ang kanilang mga tagahanga, kaya sinasabing penomenal ang kanilang pagsikat.

Nitong nakaraang Enero ay pinasinayaan na ng sikat na loveteam nina Alden at Yaya Dub, Lola Nidora at Lola Tinidora ang pinakaunang AlDub Library sa Lumban, Laguna.

Isa pa lamang ito sa maraming benepisyaryo ng Tamang Panahon ng Eat…Bulaga! at kalyeserye na ginanap sa Philippine Arena na nakalikom nang mahigit na apatnapung milyong piso.

Unang nabiyayaan ang Lumban Central Elementary School. Hinandugan sila ng school library ng AlDub, kaya mula sa pusong pasasalamat ang itinatawid ngayon ng pamunuan ng nasabing paaralan sa penomenal na tambalan, sa noontime show at sa AlDub Nation, na ginawang posible ang pangarap ng Eat…Bulaga! na makapag-ambag ng library sa maraming paaralan.

Ang kanilang sigaw, “Ito na ang tamang panahon para magbasa,” kumpleto sa mga computer at librong kailangan ng mga mag-aaral ang unang AlDub library.

Dahil sa kadakilaan ng kanilang puso ay mas maraming kababayan natin ngayon ang nagdarasal na sana’y magtagal pa ang tambalan nina Alden Richards at Maine Mendoza.

Se. Grace Poe ­­– Binabatikos dahil llamado ang anak ni FPJ at Susan 

Pinag-iinitan na rin ngayon pati ang political ads ni Senadora Grace Poe. Kinuwestiyon ng isang dating pulitiko ang pagpapalabas ng kaniyang bayad na anunsiyo dahil parang inuunahan na raw noon ang magiging desisyon ng Supreme Court sa mga kasong isinampa laban sa kaniya.

Napakasimple ng political ad. May babaeng nagtanong kung totoo bang disqualified na siya sa pagtakbo sa panguluhan. Sumagot ang babaeng nagwawalis, hindi raw, dahil binigyan siya ng kalayaan ng Supreme Court.

Nag-opinyon naman ang isang lalaki, ganoon din daw ang nangyari noon sa kaniyang ama, pero sa bandang huli ay pinayagan pa ring lumahok sa panguluhan si FPJ.

Kani-kaniyang atake ngayon ang mga pulitikong may inaasintang mataas na posisyon sa gobyerno, pero bukod-tanging ang political ads lang ni Senadora Grace Poe ang kinuwestiyon, lahat na lang ng butas ay nasisilip at ibinabato laban sa senadora.

Sigaw ng kaniyang mga kalaban, masyado raw ginagasgas ni Senadora Grace Poe ang pangalan ng pumanaw niyang ama. Palagi raw bukambibig ni SGP ang linyang “Sabi ng aking ama,” patahimikin na raw sana ng senadora ang kaluluwa ni FPJ.

Palibhasa’y nakukuha ng senadora ang simpatya ng publiko, palibhasa’y ramdam ng mga kalaban na malusutan lang niya ang mga kumukuwestiyon sa kaniyang residency at citizenship ay babaligtad ang bangka, kaya sa kaniya nakatuon ngayon ang atensiyon ng kaniyang mga katunggali.

Pero ang Supreme Court pa rin ang huhusga, ang sambayanang Pinoy pa rin ang mamimili ng gusto nilang mamuno sa ating bayan.

Sabi nga sa isang kumpulan ng mga pulitiko, kapag nalusutang lahat ni Senadora Grace Poe ang mga isyung legal na isinasampal sa kaniya ngayon at kapag nanalo siya sa panguluhan, ay wala nang mas tatamis pa sa kaniyang tagumpay.

Luis Manzano at Angel – Karnabal ngayon sa social media ang break-up

Hanggang hindi kinukumpirma nina Luis Manzano at Angel Locsin ang kanilang paghihiwalay ay patuloy silang paglalaruan sa social media.

Walang ibang puwedeng magbigay ng mga totoong detalye kundi silang dalawa lang na nakakaalam tungkol sa tunay na nangyari.

Ang malinaw lang ay naganap ang kanilang paghihiwalay pagdating nila mula sa pagbabakasyon sa ibang bansa. Si Luis ang nakipaghiwalay at hindi si Angel.

Hindi na kasi kagandahan ang mga istoryang umiikot ngayon, sangkot na sa kuwento ang kanilang mga kasarian. Pinaglalaruan na sila sa social media, Hindi na maganda ang mga takbo ng mga insinwasyon. Mas gusto raw ni Luis na kasama ang mga kaibigan niyang lalaki. Si Angel naman ay napapalibutan ng mga tibo. Kalat na rin ngayon ang kuwento na isang may posisyong kyombs (read: tibo, tomboy) ang naging dahilan ng paghihiwalay nila ni Luis.

Walang makapagpapatunay sa mga ganoong istorya, pero patuloy ang paglaganap, kaya para matuldukan ang lahat ay walang ibang puwedeng gumamot sa mga ispekulasyon kundi sina Luis at Angel lang.

Maribel Aunor – Marunong tumanaw ng utang na loob

Ilang beses nang inilalabas ni Maribel Aunor (miyembro ng dating Apat Na Sikat at dakilang ina ng magaling na singer-composer na si Marion) ang mga kaibigan naming nagbabakasyon ngayon dito mula sa Winnipeg, Canada.

Bitin ang bakasyon nina Rey-Ar Reyes ng Pilipino Express at Neil Soliven, sandali lang ang kanilang paalam sa opisina nila sa Winnipeg, hindi na sila puwedeng mag-extend.

Masarap katrabaho si Lala, ang mga Pinoy na tumutulong sa kaniya kapag may dala siyang show sa Canada ay hindi niya nakakalimutang asikasuhin kapag nandito sa ating bayan, matanaw ng utang na loob at marunong siyang magpasalamat.

Katatapos lang ng concert ni Marion sa Winnipeg, lahat ng kinita sa show ay ipinamahagi na nila sa tatlong institusyon dito sa Pilipinas, ganoon katinding makisama si Lala at ang kaniyang mga anak na sina Marion at

Nakipagkita rin kina Rey-Ar at Neil si AiAi delas Alas. Kasama nitong dumating si Gerald Sibayan para ipakilala sa kaniyang mga kaibigan.

Sana nga, lahat ng mga producers ay tulad ni Maribel Aunor na walang amnesia, kung paano siya inaasikaso ng mga kababayan natin sa ibang bansa ay ganoon ding pag-aalaga ang ginagawa niya kapag nandito ang mga taong nakakatrabaho niya.

At iyon ay sa kabila ng kaniyang tagumpay bilang negosyante, napaghandaang mabuti ni Maribel Aunor ang kinabukasan ng kaniyang mga anak, maingat siya sa pananalapi at napakaparehas sa kaniyang mga tauhan kaya patuloy siyang pinagpapala.

John Lloyd Cruz – Hindi totoong karelasyon ni Bea Alonzo

Walang katotohanan ang kuwentong si John Lloyd Cruz na ang karelasyon ngayon ni Bea Alonzo. Kung may pagtatangi sila sa isa’t isa, hindi na kailangan pang dumaan ang dekada para makaramdam sila ng kuryente sa pagitan nila.

Pinagpipistahan na ngayon ang mga kuwentong Zanjoe Marudo sa mga umpukang-showbiz. May kinalaman iyon sa kaniyang nakaraan. Tungkol iyon sa mga nakaraan niyang pakikipagrelasyon.

Komento ng isang miron, “Ito naman kasing si Bea, anim na taon ding nagkasipon! Wala siyang naamoy!”

Karla Estrada – Mayabang na raw ang ina ni Daniel Padilla

May kuwento ang isang kaibigan naming stylist tungkol kay Karla Estrada. May mga kaibigan ito na nakakatrabaho ng ina ni Daniel Padilla.

Bonggang-bongga raw magpakain si Karla, parang may catering daw sa dami ng pagkain, bukod pa sa malakas siyang magbigay ng pakimkim sa mga make-up artist.

Magandang kuwento iyon, marunong palang magbahagi ng mga biyayang tinatanggap ng kaniyang anak si Karla, kaya nga ang tawag na sa kaniya ay Queen Mother.

Nang marinig ng isang grupo ang kuwento ay maraming kumontra, pinipili lang daw kasi ni Karla ang pabobonggahan niya. Mas marami pa rin siyang napababayaan ngayong maganda na ang estado ng kanilang buhay.

Komento ng isang nasa umpukan, “Naku, e, bakit iyong mga taong inabala niya noong walang-wala pa sila, e, hindi man lang niya maalalang kumustahin ngayon? Kasalanan ba naman ng mga taong iyon ang lapitan sila palagi ni Karla noon?”

Sabi naman ng isa, “Iyon ngang friend ko na inutangan niya noon, hindi man lang niya maalala. So, ako na ang nagsabi kay Karla na bayaran ang utang niya, kasi, may capacity na siyang magbayad ngayon.

“Kundi ko pa siya sinabihan, siguradong hindi pa rin siya masisingil ng kaibigan ko. Noong minsang may nangumusta sa kaniya, ang sagot ni Karla, ‘Heto, pagod na pagod sa pagbibilang ng pera!’

“Na-offend ang dating kasama-sama niya sa mga shows, bakit daw ganoon si Karla, ang yabang-yabang na? Marami siyang nakakalimutang balikan. Iyon ang mga taong kahit anong oras, e, binubulabog niya para lang siya manghingi ng tulong.

“Kaya sabi nga ng mga becki, ‘Aanhin mo ang mansiyon, kung nagmumura pa rin ang balakang mo at puson?’ May amnesia ang babaeng iyon!” napakadiin pang komento ng aming source.

Ciara Sotto ­– Maraming “third party” ang dahilan ng hiwalay 

Nagmimistula nang karnabal ang mga kuwento tungkol sa paghihiwalay nina Jojo Oconer at Ciara Sotto. Ang dami-dami nang babaeng sangkot sa istorya na sinasabing third party sa hiwalayan.

Lumalabas tuloy na parang parolado na si Valeen Montenegro dahil sabit na rin sa kuwento sina Julia Clarete, Meg Imperial at iba pang mga pangalan.

Parang napaka-playboy naman yata ng mister ni Ciara, parang napakarami naman nitong babae, iyon nga kaya ang tunay na dahilan ng kanilang paghihiwalay?

Isang katotohanang minsan pang napatunayan sa senaryong ito ay ang masarap na pagmamahal ng magulang sa kanilang anak. Maganda ang posisyon nina Senador Tito Sotto at Ms. Helen Gamboa sa pinagdadaanang problemang personal ngayon ng kanilang bunso.

Nand’yan lang sila bilang nakasuportang magulang ni Ciara. Kung ano ang maging desisyon ni Ciara ay rerespetuhin nila, ang kanilang anak naman ang makikisama, hindi sila. Pero hindi nila iniaalis ang kanilang pagiging magulang na puwedeng takbuhan ng kanilang mga anak anumang oras na kailanganin sila.

Dingdong at Jessa – Tama lang maging overprotective kay Jayda

Isa sa mga dahilan kung bakit hindi na kumandidato uli bilang vice-governor ng Siquijor si VG Dingdong Avanzado ay ang kaniyang pamilya. Gusto niyang makabawi sa kaniyang mga pagkukulang sa panahon at atensiyon kay Jessa Zaragoza at sa kaisa-isa nilang anak na si Jayda.

Saka wala nang kailangan pang patunayan si VG Dingdong sa kaniyang mga nasasakupan sa Siquijor, marami siyang nagawa sa kaniyang termino bilang pangalawang ama ng probinsiya, ang kaniyang mag-ina naman ang tututukan niya ngayon.

Matagal nang may kumukuha sa kanilang anak para mag-artista. Mayroon na ngang mga record producers na handang tumaya dahil magaling kumanta ang dalagita, pero naging prayoridad ng mag-asawa ang pag-aaral ni Jayda.

Dose anyos na ngayon ang kanilang anak, mukhang gusto na ring kumanta ng dalagita, kaya ayon sa VG Dingdong ay mahalagang palagi nilang nasusubaybayan si Jayda.

Pero hindi pa man ay mayroon nang nangnenega sa kanilang anak, mayroon nang mga bashers, kaya umiral ang pagiging nanay ni Jessa. Napapalaban ngayon si Jessa sa social media.

Komento ni Jessa, “Sobrang below the belt na po kasi ang sinasabi nila against Jayda. Minumura-mura po siya, sinasabihan ng pokpok, pampam, kabit, user daw si Jayda para makilala lang siya.

“Sobra na po, too much na, kaya minsan, kailangan mo na silang sagutin and put them in their proper places. At karapatan ko pong protektahan ang anak ko, lalo na’t wala naman siyang ginagawang masama. Inosente po si Jayda.

“Ako po talaga ang makakalaban nila at siguradong maiintindihan ako ng lahat ng mga ina, ng bawat nanay na nagmamahal sa kanilang anak. Twelve years old lang po si Jayda, napakainosente, she doesn’t deserve this,” emosyon ng dakilang nanay.

Napakabago at napakabata pa nga naman ni Jayda para makatikim ng mga salitang kumakagat, hinding-hindi iyon pababayaang maranasan ng kaniyang unica hija, kaya si Jessa Zaragoza ang humaharap ngayon sa mga bashers ni Jayda.

May pagmamanahan si Jayda. Bukod sa maganda at matalino na ang dalagita ay magaling pa siyang kumanta. Isa lang ang masasabi namin sa talento ni Jayda.

Hindi siya magiging anak nina Vice-Governor Dingdong Avanzado at Jessa Zaragoza nang walang dahilan.

Raymart Santiago – Sa wakas, nagkasundo na ang mag-asawa

Sayang, sa pagkakasundo rin pala mauuwi ang kanilang pagdedemandahan, sana’y nasaksihan pa iyon ni Mommy Cheling Santiago.

Pero nahuli ang pangyayari, patay na ang dakilang ina ni Raymart Santiago nang magkasundo sila ni Claudine Barretto, sana’y naging mapayapa ang pag-alis sa mundo ni Mommy Cheling.

Ang maaliwalas na aura ni Claudine ang pinakapalatandaan na maayos na nga ang relasyon nila ngayon ni Raymart bilang magkaibigan. Hindi na sila magpa-file ng annulment para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Mga anak kadalasan ang nagiging dahilan kung bakit magkaroon man nang matinding problema ang mag-asawa ay napipilitan silang gumawa ng paraan para magkasundo kahit bilang magkaibigan na lang.

Ganoon mismo ang nangyari kina Raymart at Claudine. Pagkatapos nang ilang taon nilang pagdedemandahan ay nagising na lang sila isang araw na kailangan nilang isantabi ang mga personal nilang interers para sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Ngayon ay malaya nang nahihiram ni Raymart ang kanilang mga anak ni Claudine, nakapag-uusap na rin sila nang maayos, lahat ng iyon ay ginagawa nila para sa kanilang mga anak.

Claudine Barretto – Balik na sa pag-aalaga ng kaniyang career

Gustung-gusto na naming paniwalaan ang kuwentong bumalik na sa dating gawi si Claudine Barretto. Kahit anino raw ng masalimuot niyang pinagdaanan ay hindi na makikita sa kabuuang pagkatao ngayon ng aktres.

“Professional si Claudine, saka hindi pa rin nangalawang ang acting niya kahit matagal siyang nabakante. Walang kahirap-hirap sa kaniya si Direk Joel Lamangan,” kuwento ng isang kasamahan namin sa TV5 na ang tinutukoy ay ang taping ng Bakit Manipis Ang Ulap na mapapanood na sa darating na February 15 nang gabi.

Maaliwalas na ang mundo ngayon ni Claudine, nagtatrabaho na uli siya, pinupuri ng produksiyon ng TV5 at ng Viva Entertainment ang kaniyang propesyonalismo.

Bumibida siya ngayon sa teledrama series na Bakit Manipis Ang Ulap kasama sina Cesar Montano at Diether Ocampo sa direksiyon ni Direk Joel Lamangan.

Diether Ocampo – May karapatan nang mag-Ingles ang hunk actor

Hindi ang kaniyang kaguwapuhan ngayon ang napansin ng mga reporters kay Diether Ocampo, hindi rin ang mas lumaki pang bulto ng kaniyang katawan, ang bumida nang makaharap ng mga press people ang aktor ay ang walang patumangga niyang pagsasalita ng Ingles sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap ng TV5 at Viva Entertainment.

Gulat na gulat ang mga reporters, tinatanong si Diet sa Pilipino, pero ang isinasagot niya ay Ingles. Akala ng mga manunulat ay nagkataon lang iyon, pero hindi pala, wagas na wagas talaga ang pag-uumingles ni Diether Ocampo.

Maraming artistang pala-Ingles. May mga talagang marunong magsalita ng lengguwahe ni Uncle Sam dahil iyon na ang kanilang nakasanayan kahit noong hindi pa sila nag-aartista.

Noong bagitong artista pa lang si Diet ay nag-uumingles na siya, pero palagi siyang nalalait, mali-mali raw kasi ang kaniyang grammar at halatang nagpapaka-trying hard lang siya.

Siguro’y gusto namang patunayan ngayon ni Diet na tama na ang kaniyang grammar, diretso na rin siyang nakapagsasalita ng Ingles, hindi tulad noon na para siyang cellphone na nagha-hang.

Sa dami na rin ng nagiging karelasyon niya na mula sa alta sosyedad (ang pinakahuli ay si Michelle Cojuangco Barreira na isang equestrian) ay nahasa na siguro nang husto si Diet sa pakikipag-Inglisan.

Pero tayo’y mga Pilipino. Nabubuhay tayo sa Pilipinas. Kundi man tayo bihasa sa King’s language ay hindi iyon makamemenos sa ating pagkatao.

Kumabyos man tayo sa pagsasalita ng Ingles ay hindi nakahihiya dahil tayo’y dugong-Pilipino na may sariling lengguwahe at kulturang ating-atin lang.

Cesar Montano – Naka-move on na ang guwapo at mahusay na aktor

Maraming nakapansin sa maaliwalas na itsura ni Cesar Montano sa presscon ng Bakit Manipis Ang Ulap? na pinagbibidahan nila nina Diether Ocampo at Claudine Barretto. Puro positibo ang mga komentong naririnig namin tungkol sa aktor.

May isang kapwa manunulat pa kaming nagsabi, “Madalas ko siyang nakikita, pero ngayon ko lang siya nakitang ganyan kaguwapo at ka-fresh!”

Ang inaasahan kasi ng marami ay isang mukhang problemadong Cesar ang kanilang makikita. Nasa kasagsagan ang problemang marital nila ngayon ni Sunshine Cruz, pero mukhang baligtad ang naging epekto noon kay Cesar.

Makinis ang kaniyang mukha, maayos ang pangangatawan niya, positibo ang kabuuan ng kaniyang itsura. Puwedeng sabihin na siguro’y naka-move-on na siya sa paghihiwalay nila ni Sunshine, pero mas magandang isipin na siguro’y hindi siya naliligalig, dahil wala namang katotohanan ang mga bintang na ipinaaako sa kaniya ng aktres.

Sa mga unang eksenang kinunan para sa bagong serye ng aktor na mapapanood na sa TV5 sa pakikipagtulungan ng Viva Entertainment sa February 15 nang gabi ay hangang-hanga sa kaniya ang buong production staff.

Sabi ng isang cameraman, “Kung ganyan naman kagaling ang isang aktor na problemado, sana, maging problemado na rin ako habambuhay! Walang kupas si Cesar Montano! Magaling siya, hindi nangalawang!”

Have a comment on this article? Send us your feedback


Cristy Per Minute • Pebrero 16 – 29, 2016

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminPebrero 16 – 29, 2016

  PH PRESIDENTIAL CANDIDATES 2016
 
Presidential candidates Mar Roxas, Grace Poe, Jejomar Binay, Rodrigo Duterte 
  Miriam Defensor Santiago
 
Miriam Santiago
   Ai Ai Delas Alas
 
Ai Ai Delas Alas
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  LUIS AND ANGEL
 
Luis Manzano & Angel Locsin
  ALDEN AND MAINE
 
Alden Richard & Maine Mendoza
  Pia Wurtzbach
 
Pia Wurtzbach
  Ciara Sotto
 
Ciara Sotto
  jinggoy erap estrada 20140624
 
Jinggoy & Joseph Estrada
  SEN BONG AND LANI
 
Lani Mercado & Bong Revilla

Eleksyon sa Pilipinas – Parang fiesta na naman ang kapaligiran!

Sinuyod namin at pinagpuyatan ang replay ng mga ginanap na proclamation rally ng apat ng pulitikong nag-aagawan sa pinakamataas na upuan ng ating bayan.

Parang piyesta ang kapaligiran. Kani-kaniyang pabongga ang lahat ng partido. Mayroon silang mga unipormadong tagasuporta na nagwawagayway ng kanilang mga banner at kung anu-ano pang mga materyales de kampanya.

Magaling magsalita si VP Jejomar Binay. Armas nito sa laban ang lahat ng mga bintang na ibinabato sa kaniya. Pakomedya naman ang atake ni Mayor Rodrigo Duterte at ni Senadora Miriam Santiago.

Puro banat naman sa kaniyang mga katunggali ang laman ng talumpati ni Secretary Mar Roxas. Wala itong binabanggit na mga pangalan, para itong pako na nakatago nga ang katawan pero nakalitaw naman ang ulo.

Ang talumpati ni Senadora Grace Poe ang ni hindi namin halos pinikitan. Kinikilabutan kami sa panonood sa kaniya. Ang bawat salitang binibitiwan ng primera senadora noong nakaraang halalan ay parang matalim na kutsilyong humihiwa sa aming puso.

Kris at Ai Ai – Kontra pa rin ngayong kampanya ang dating mag-BFF

At ngayong nagsimula na ang kampanya para sa pangnasyonal na halalan. Lantaran na ng baraha ito para sa mga sikat na personalidad. May kalayaan silang mamili ng kanilang kandidato sa panguluhan.

Kung nasa entablado ni Senadora Grace Poe sina Jose at Wally ay nakisaya naman ang Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas sa partido ni VP Jejomar Binay.

May mga performers din ang Liberal Party, ang tropa ni Mayor Duterte. May sariling diskarte rin ang tambalan nina Senador Miriam Santiago at Senador Bongbong Marcos sa Norte.

Komento ng isa naming kaibigan, “Okey lang sina Jose at Wally, natural lang na kung nasaan si Tito Sen Sotto, nandoon din sila. Pero malayo na talaga ang possibility na bumalik ang dating friendship nina Ai Ai at Kris Aquino.

“Kahit sa kulay ng pulitika, magkalaban sila. Kung A si Kris, B naman si Ai Ai. Hindi na talaga sila magkakasundo,” sabi nito.

Naging emosyonal kami sa sinserong talumpati ni Senadora Grace Poe sa Plaza Miranda, ramdam na ramdam ang bawat salitang binibitiwan ng senadorang tuloy ang pagtakbo sa panguluhan, pero pinahalakhak naman kami ni Pacman nang umakyat ito sa entablado ng UNA.

Sabi ng sumisigaw na Pambansang Kamao na tumatakbong senador, “Narito na siya, ang magiging prisidinti ng ating bayan, the next prisident of the Pelepens, Prisidinti Jijumar Binay!”

Luis Mansano at Angel Locsin – Palaisipan pa rin kung bakit naghiwalay

Malaking palaisipan para sa amin ang takbo ng kuwento na noong magkasamang nagbakasyon sa ibang bansa ang mga pamilya nina Luis Manzano at Angel Locsin ay saka lang nagdesisyon ang aktor na makipagkalas na kay Angel.

May bitbit na ispekulasyon ang kuwento. Ibig bang sabihin ay sa ibang bansa lang napatunayan ni Luis ang tunay na ugali ng kaniyang girlfriend?

Kung totoo iyon ay anu-ano naman kayang ugali ni Angel na lihim pa sa kaniya ang nadiskubre ni Luis? Pero may duda kami sa kuwento, palagi kasi kaming naniniwala na walang desisyong biglaan. Laging may malalim na pinag-uugatan ang anumang aksiyon tungkol sa pakikipaghiwalay.

Nakapagtataka rin na ang mas malaking bahagi ng paghusga ay nasa parte ni Angel. Hindi ba puwedeng balanse, dahil aminado naman silang dalawa na hindi sila santo at perpekto?

Hanggang ngayon ay palaisipan pa rin para sa amin ang mga kuwento tungkol sa paghihiwalay nina Luis at Angel. Lalo na ngayon na nagpo-post ang aktres ng kung anu-anong makahulugang mensahe na siyempre’y ipinapalagay ng mga nakakabasa na patungkol kay Luis.

Mas makatutulong siguro para kay Angel, kung totoo ngang umaasa pa rin ito ng pagbabalikan, ang pananahimik na lang muna. Hindi nakatutulong sa kaniya ang social media, mas lalawak pa ang pagitan sa kanila ni Luis, kung pagbabalikan ang kaniyang gusto.

Si Luis, hindi man nagsasalita, ay sigurado kaming naaalalayan ng kaniyang ina. Sinasabi siguro ni Governor Vilma Santos sa kaniyang anak na huwag sasagot sa anumang parinig-patutsada ni Angel sa social media.

Kung kilala nga namin ang Star For All Seasons ay siguradong ipinapayo nito kay Luis, “Anak, babae si Angel. Sa kahit anong argumento, hindi magandang tingnan na nakikipagsagutan ang lalaki sa babae.” At isang masunuring anak si Luis Manzano.

Alden at Maine – Milyones ang kinikita sa mga product endorsements

Hala! Halos lahat na yata ng produktong mabenta sa merkado ay ang AlDub na ang tagapag-endorso. Kundi man magkasama sina Alden Richards at Maine Mendoza ay may solohan din silang TVC. Ganoon sila kabenta ngayon sa mga ahensiya.

Kinabog na ng dalawa ang mga dating naghahari-harian at nagrereyna-reynahan sa paggawa ng mga patalastas. Sila ang pinakamabenta ngayon, sila ang binabayaran nang milyones. Napakasuwerte talaga ng AlDub.

Ayon sa isa naming source ay makukumpleto ni Alden ang ipinagagawa niyang bahay sa Nuvali sa pamamagitan ng paggawa niya ng kaliwa’t kanang commercials.

Malaking bahay ang ipinagagawa niya, konting-konting panahon na lang at Nuvali boy na ang guwapong aktor.

Si Maine naman ay nakadeposito lang sa bangko ang kinikita ngayon. Palibhasa’y maayos naman ang kanilang pamumuhay at nakatira pa rin ito sa kaniyang mga magulang ay walang pinagkakagastusan ang dalaga. Pero isang araw ay may plano si Maine na mamuhunan para sa isang food chain.

Natural lang na i-bash sila ng mga taong walang magawa sa buhay, lalo na ng mga kampong direktang kinabog nina Alden at Maine ang career, maaasahan na ang ganoong kalakaran.

Basta wala silang sinasaktan at sinasagasaan ay wala silang dapat ipag-alala, publiko ang nagregalo sa kanila ng popularidad, hindi nila iyon inagaw kaninuman. Pana-panahon lang ‘yan.

Alden Richards – Maangas ang bagong manager ng Pambansang Bae

Si Dudu Unay na may malaking tulong na nagawa sa career ni Alden Richards ay discoverer din ng magandang young actress na si Liza Soberano. Maayos pa rin ang samahan nila ni Liza, maligaya si Dudu Unay sa magandang kapalaran ng batang aktres, kakaiba sa nangyari sa kanila ni Alden Richards.

Kalat na kalat sa showbiz ang senaryo. Si Dudu ang nakakuha ng proyektong Alakdana para kay Alden, ito ang kumukuha ng script ng sikat na aktor ngayon sa produksiyon ng serye, ito rin ang kasama-sama ni Alden sa pagmememorya ng kaniyang script.

May isang naglabas ng kuwento na hindi na nga pinasasalamatan ni Alden si Dudu Unay ay binlock pa sa FB ng aktor. Doon na nagsimulang lumutang ang istorya ng kawalan ng utang na loob ng Pambansang Bae sa taong may malaking nagawa sa kaniyang career.

Biglang umentra sa eksena ang isang Carlites de Guzman na nagpapakilalang manager ni Alden. May mga inilabas itong kuwento na puro pabor sa kaniya at naeetsa-puwera na ang tulong na nagawa ni Dudu.

Ayos lang iyon, tutal naman ay hindi ipinagpipilitan ni Dudu ang kaniyang sarili, ibang tao naman ang nagbukas ng kuwento at hindi ito.

Pero alanganin ang atake ng manager ni Alden. Kung may basbas man iyon ng aktor o wala ay sila-sila lang ang nakakalaam. Pinalabas ni Carlites na luko-luko ang mga nagkakalat ng isyung walang utang na loob si Alden at makikitid naman ang utak ng mga naniniwala sa kuwento.

Hindi namin alam kung saang puno ng sampalok nanggaling ang Carlites de Guzman na ito. Hindi namin siya kilala nang personal, pero nag-iwan ng kaangasan sa amin ang kaniyang damage control.

Maraming nanegahan sa manager ni Alden, bagitung-bagito pa lang kasi ito sa paghawak ng mga artista, pero maangas-maanghang na itong magbitiw ng mga salita.

Dapat malaman ng taong ito na ang kalyeserye ng Eat…Bulaga ang gumawa ng milagro sa karera ni Alden. Ang kanilang penomenal na tambalan ni Maine Mendoza na iniluwal ng kalyeserye ang dahilan ng kaniyang popularidad ngayon.

Ang suportang ibinibigay nang walang kundisyon ng AlDub Nation ang dahilan kung bakit inuulan kundi man binabagyo ng suwerte at biyaya ngayon si Alden Richards.

Ang manager ay nagpapalawak sa mundo ng kaniyang alagang artista at hindi nagpapaliit.

Miss Universe Pia Wurtzbach – Walang kaere-ere, napaka-down-to-earth

Nagsadya sa isang restaurant sa San Francisco, California ang aming mga kaibigan para lang makita nang personal ang kababayan nating Miss Universe na si Pia Wurtzbach.

Tuwang-tuwa pala si Pia kapag nakakakita ng mga Pinoy, hindi siya nagsasalita sa Ingles, lengguwahe talaga natin ang buong-ningning niyang ginagamit.

“Saka basta Pinoy ang lumalapit sa kaniya, eh, inuuna niya, picture-picture agad, tuwang-tuwa siya!” kuwento pa ng aming kaibigang si Sheryl na nagtatrabaho sa Bay Area.

Pinagkakaguluhan daw si Pia kahit saan siya magpunta. Hindi raw napapagod ang dalaga sa pagkaway at pagpaparetrato, kaya puring-puri siya ng lahat.

Natawa ang tropa ni Sheryl dahil bago sila umalis ay bumulong pa sa kanila si Pia, “Nagke-crave ako sa Filipino food. Gusto ko nang kumain ng tinola at pakbet!”

Para sa isang babaeng may putong na korona sa ulo bilang pinakamagandang babae sa balat ng lupa ay nagkakaisa ang mga Pilipino sa Amerika sa pagsasabing walang kaere-ere si Pia Wurtzbach.

“Ang mga security niya ang nakakainis! Malalakas mangtabig ng mga lumalapit kay Pia. Parang sila ang Miss Universe!” tawa pa nang tawang komento ng aming kaibigan.

Ciara Sotto – Mapait at galit ang ang mga posts sa social media

Mahal namin si Ciara Sotto. Alam din namin ang masaklap na problemang personal na pinagdadaanan niya ngayon. Pero siguro’y puwede ring bahaginan ng panahon ng singer-actress ang payo at opinyon ng mga kababayan nating nagmamalasakit sa kaniya.

Maraming tumatawag-nagte-text sa amin tungkol sa mga ipino-post ni Ciara sa kaniyang mga social media account. Karapatan niya iyon, kaniya ang mga nasabing account, pero hindi kaya naiisip ni Ciara na sa kapo-post niya ng mga nangyayari tungkol sa kaniyang personal na buhay ay biglang mabaligtad ang pagtanggap ng publiko sa kaniyang pinagdadaanan?

Bukod sa nagdurugo niyang puso ngayon ay nandoon ang mga patagilid niyang atake sa nakahiwalay niyang mister na si Jojo Oconer at sa sinasabi niyang kabit nito.

Hindi ipinagmamakaingay ang mga personal na pangyayari. Hanggang maitatago ay ganoon ang dapat gawin ng mga kilalang personalidad dahil parang paghahain na rin iyon ng pagkain na siguradong titikman ng publiko.

Hindi dapat nagbibigay si Ciara ng mga detalyeng para sa kanilang dalawa lang ng nakahiwalay niyang mister. Pagpipistahan lang iyon ng mga nakakabasa, gagawing palengke ang kanilang buhay, may mga magkokomento pa nang napakasakit na siguradong hindi niya ikasasaya. Dapat ay may natutunan na siya mula sa mapait na karanasan sa mga social media bashers ng kaniyang pinsang si Sharon Cuneta.

At kung totoo ngang may bagong karelasyon ang kaniyang mister na kung tawagin niya’y kabit, ang ganoong bagay ay hindi pa rin ibinubulgar sa buong bayan, dahil isang malaking kahihiyan iyon para sa kaniya bilang misis na ipinagpalit ng kaniyang asawa sa ibang babae.

Punumpuno ng sama ng loob kundi man matinding galit ang puso ni Ciara Sotto ngayon. At madaling unawain ang ganoong emosyon. Walang babaeng magkakagusto na mayroon siyang kahati sa atensiyon at pagmamahal ng kaniyang mister.

Pero sana’y maghinay-hinay si Ciara kapag nagpo-post na siya. Baka isang araw ay magulat na lang si Ciara dahil baligtad na ang istorya. Hindi na siya ang biktima, siya na ang nagmumukhang kontrabida, lalo na’t hindi niya naman pinapangalanan hanggang ngayon ang sinasabi niyang kabit ng kaniyang asawa.

Sen. Jinggoy Estrada at Sen. Bong – Tuloy pa rin ang laban

Kahit pa maaliwalas naman ang aura nina Senador Jinggoy Estrada at Senador Bong Revilla nang huli namin silang dalawin sa PNP Custodial Center ay ramdam na ramdam namin ang lungkot sa kapaligiran ng maliit na bakurang pansamantala nilang tinitirhan.

Lalo na’t nagsimula na ang pormal na kampanya para sa pangnasyonal na eleksiyon, siguradong ikinalulungkot nila iyon, dahil dati’y lumalahok sila sa laban.

Hindi na natin kailangang magkaroon ng diploma para hanapin ang rason kung bakit sila nakapiit ngayon. Malalaki silang isda sa mundo ng pulitika, maraming nabahag ang buntot sa kanilang kandidatura, kaya para sila patahimikin ay kailangang tanggalan sila ng karapatan na makalahok pa sa laban.

Hindi naiiba ang kapalaran ng dalawang senador sa tumatakbo sa panguluhan ngayon na si Senadora Grace Poe. Nakalalaya lang ang senadora, pero kung iisipin, ang mga ginagawang panggigipit ngayon sa kaniya ay kasimbigat din ng ginawang panggigipit kina Senador Jinggoy at Senador Bong.

Pero magkikita-kita rin sila sa finals, sabi nga, isang araw ay malalampasan din nilang lahat ang mga paghamong dala ng kanilang paninindigan.

Pero kahit nakapiit ngayon ang dalawang senador ay nakasuporta pa rin sila sa pagkandidato ng kanilang mga mahal sa buhay. Sina Pangulong-Mayor Joseph Estrada at Konsehal Janella Ejercito (tumatakbong vice-mayor ng San Juan) para kay Senador Jinggoy at sina Congresswoman Lani Mercado (sa laban bilang mayor ng Bacoor) at Vice-Governor Jolo Revilla ng Cavite. Kaya tuloy pa rin ang laban!

Have a comment on this article? Send us your feedback

Ma-Anne Dionisio takes on new role

$
0
0

Ma-Anne Dionisio takes on new role

by Ted Alcuitas

Ma-Anne DionisioArguably, Ma-Anne Dionisio is the best-known Filipino-Canadian singer whose roles in Miss Saigon, West Side Story and Les Miserables have put the Filipina on the theatre map worldwide.

In Closer Than Ever, which debuted at the Richmond Gateway Theatre in B.C. on February 4 and runs until February 20, she veers away from her traditional casting roles and tackles the “toughest I have encountered in my whole career,” she told The Richmond News in an interview.

The 42-year-old single mother of three started her singing career in the late 80s in Winnipeg, Manitoba where her family settled with her four sisters. She was only 14 then but had already won a TV singing contest in the Philippines when the family decided to move to Canada in 1989.

She joined the church choir at St. Edward’s Parish, home to a large Filipino congregation where her angelic voice got noticed.

After winning a lead role in Experience Canada, a musical tour that celebrated Canada’s 125th anniversary, she went on to a the role of Kim in the musical Miss Saigon, launching her career.

The Toronto resident has since performed as Kim in British, Australian and American productions of Miss Saigon. She played the role of Éponine in the U.S. touring company of Les Misérables, joining Lea Salonga as the second Asian to play Éponine in western theater.

Playing Kim for almost a decade “has made it part of her life” she said in an interview, but her role in Closer Than Ever, a play about mid-life crisis fits into her present stage in life.

“The whole show is basically about people going through the middle age part of their lives,” she told The Richmond News. “It’s basically personal challenges and how they respond, react and move on from them.”

“For the most part in my career, because of the way I look, people tend to cast me as the romantic ingenue, the younger part. But I am really excited to play something that’s closer to my age.

(philippinecanadiannews.com)

Cristy Per Minute • Marso 1 – 15, 2016

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 1 – 15, 2016

  aldub
 
Alden Richards & Maine Mendoza
  Derrick Monasterio
 
Derrick Monasterio
   James Yap Michaela Cazzola
 
James Yap & Michaela Cazzola
  kathniel
 
Kathryn Bernardo & Daniel Padilla
  aiai.jiro
 
Jiro Manio & Ai Ai Delas Alas
  Cesar Montano
 
Cesar Montano
  claudine
 
Claudine Barretto
  vice
 
Vice Ganda
  nora
 
Nora Aunor
  jeyrick
 
Jeyrick Sigmaton
  wenn
 
Wenn Deramas

AlDub Nation – Balanse ang suporta kay Alden at Maine

Kung susukatin ang kapasidad ng mga solidong tagahanga nina Alden Richards at Maine Mendoza ay mas malakas ang puwersa ng mga tagasuporta ni Yaya Dub.

Aktibo sa pagtatanggol sa kanilang idolo ang grupo ni Maine. Nakukuha ng mga ito pati ang contact number ng mga manunulat. Mas nagkakaroon tuloy ng bentahe si Yaya Dub kung espasyo ang pag-uusapan.

Kung walang kibo si Alden ay parang ganoon din ang kaniyang mga tagasuporta. Kung deadma si Alden sa pagpasok sa eksena ni Derrick Monasterio ay deadma lang din ang kaniyang mga fans, mas nagkakaroon ng milyahe ng depensa ang mga maka-Maine Mendoza.

Ang bumabalanse lang ay ang mga miyembro ng AlDub Nation, walang kinakampihan ang grupo, para sa kanila ay tuluy-tuloy lang ang kilig na pinalulutang ng kanilang mga idolo.

Komento ng isang nakausap namin, “Mas dapat talagang maging active ang mga solid fans ni Maine dahil ang idol naman nila ang palaging sumasabit sa mga issue. May kuwento ng pagmamaldita niya sa pictorial, may isyung inisnab niya pati ang owner ng bahay na pinagpahingahan nila sa kalyeserye.

“Talagang kailangang maging aktibo ang mga fans niya sa pagdepensa. Wala naman kasing nagiging problema kay Alden, walang mga kuwentong dapat depensahan involving him.

“Puro ang paglaki lang naman ng eyebags niya ang napapansin ng marami, ang kawalan niya ng tulog at pahinga, self-explanatory na iyon dahil totoo namang super-busy siya ngayon,” makahulugang sabi ng aming kausap.

Pero dapat talaga ay walang mangyaring pagpapaksiyun-paksiyon sa mga tagahanga nina Alden at Maine. Mas malakas ang kanilang puwersa kapag nagkakasundo sila. Mas magtatagal ang AlDub sa magkakasama nilang suporta.

Maine Mendoza – Tuloy pa rin ang tsismis na lasenggera raw

Bakit kaya ayaw mamatay ng kuwentong lasengga si Maine Mendoza? Sa pagkakatanda namin ay isang dating kaklase niya ang nag-post ng istorya. Dinampot-pinagpistahan naman iyon ng mga hindi masaya sa kaniyang kasikatan. Hanggang ngayon ay ikinakabit pa rin sa dalaga ang pagiging tomadora.

Hndi raw siya magandang ehemplo sa mga kabataan, sabi pa, idolo pa naman daw siya ng mga bagets pero nagpapabaya si Maine. Pero ang tanong, kailan ba nagpakita sa publiko si Maine na naglalasing, mayroon na ba?

Talung-talo si Yaya Dub sa mga ganoong kuwento. Sinu-sino kaya ang muling nagpapalutang ng pagiging lasenggera ng ka-loveteam ni Alden Richards?

May mga tao kayang nagpapaalpas ng kanilang galit dahil sa pagpasok sa eksena ni Derrick Monasterio? Wala na bang karapatang makipagkaibigan sa iba si Maine? Talaga bang kailangang naka-focus lang siya kay Alden?

Iyon ang presyong kailangang pagbayaran ni Maine Mendoza sa pagiging sikat niya ngayon. Nahaharangan ang kaniyang kalayaan bilang tao.

Derrick Monasterio – “Anaconda” ang tawag ng AlDub fans

Maraming AlDub fans ang naiinis sa biglang pag-entra sa eksena ni Derrick Monasterio. Nakikiangkas daw kasi ang aktor sa kasikatan ng loveteam nina Alden Richards at Maine Mendoza.

May tumatawag din ng Anaconda kay Derrick dahil naturingan pa naman daw itong kaibigan ni Alden, pero hindi nito binigyan ng respeto at pagpapahalaga ang Pambansang Bae, may kaibigan daw bang ganoon?

Kinainisan ng tropa ang kuwentong dalawang beses nang lumalabas sina Maine at Derrick, samantalang sila nga ni Alden ay puro sa kalyeserye lang nagde-date, sana raw ay nag-iingat din si Maine sa kaniyang mga ginagawa.

Natural na sa mga fans ng isang loveteam ang pagiging maramot at seloso, ayaw nilang nauugnay ang sinuman sa magka-loveteam sa iba, siguradong kontrabida ang labas ng kahit sinong eeksena.

Pero sa isang banda ay marami namang kasama sina Maine at Derrick nang lumabas sila. Hindi date na matatawag iyon kundi bonding lang ng magkakaibigan.

Wala pa namang relasyon sina Alden at Maine sa totoong buhay, working team lang sila, kaya malaya silang makipagkita kahit kanino. Iyon nga lang, makakaapekto ang ganoon sa kanilang loveteam dahil magiging malinaw na iba naman pala ang gusto nila kesa sa ipinakikita nila sa publiko, ganoon ang magiging ideya ng kanilang mga tagasuporta.

Pero hindi iyon sapat na dahilan para pagbintangang playgirl si Yaya Dub, huwag naman, hindi ba puwedeng palakaibigan lang siya?

James Yap – Magiging tatay muli ang tatay ni Bimby

Maligaya kami para kay James Yap. Magiging tatay na uli ang tatay ni Bimby.

Maayos ang pagdadalantao ni Michaela Cazzola. Regular ang pagdalaw niya sa isang OB-Gyne na doktora rin ng isa naming kaibigan. Nakakatuwang malaman na pumipila si Michaela kapag dumarating sa clinic at hindi nakikipag-unahan sa mga kapwa niya nagdadalantao rin.

“Wala siyang kaarte-arte, nakikipagkuwentuhan siya sa mga mothers sa clinic. First baby niya ito, kaya nagtatanung-tanong siya sa mga nanganak na nang ilang beses kung anu-ano ang dapat niyang gawin sa pregnancy niya.

“Mas gusto niyang dito manganak, saka ihinahatid siya ni James sa kaniyang check-up. Ang ganda-ganda pala ni Michaela,” kuwento pa ng aming kaibigan.

Kris Aquino – Tahimik lang sa pagdadalantao ni Michaela

Kay Kris Aquino dapat ikinakabit ang salitang tamang panahon. Magaling kasing tumayming ang aktres-TV host. Alam niya kung kailan siya hihirit, kung ano ang kaniyang ihihirit, at kung sino ang kaniyang ihihirit.

Doon magaling si Kris. Alam niya kung kailan siya magsasalita, kung anu-ano ang sasabihin niya, hindi siya magbibitiw ng mga rebelasyon kapag may personalidad pang pinagpipistahan.

Pahuhupain muna niya iyon, ike-clear niya muna ang kapaligiran, kapag solong-solo na niya ang pagkakataon ay saka siya hihirit nang bonggang-bongga!

Maraming nakakapansin na tahimik lang daw si Kris tungkol sa pagdadalantao ngayon ni Michaela Cazzola, karelasyon ng basketbolistang si James Yap, ang kaniyang ex at ama ni Bimby.

Mas maraming naniniwala na humahanap lang ng magandang timing si Kris, hindi niya kayang manahimik tungkol doon, positibo o hindi kagandahan ay siguradong magbibitiw siya ng komento isang araw tungkol sa pagdadalantao ng Italyanang girlfriend ni James Yap.

Naghahanap lang ng dahilan ang TV host, hindi pa man ay si Bimby na ang hinuhulaan ng marami na isasangkalan ni Kris sa kaniyang magiging tirada, peksman, Superman, Batman.

Si Kris pa? Mananahimik ang mga naggigiyerang bansa sa Middle East, pero hindi ang kaniyang bibig, lalo na’t masayang-masaya ngayon si James Yap dahil sa nalalapit na nitong pagkakaroon uli ng anak. Pustahan?

KathNiel – Takot ba sa kasikatan ngayon ng JaDine?

Nag-viral sa internet ang sinasabing paghalik ni Kathryn Bernardo kay Daniel Padilla pagkatapos ng isang basketball game. Komento ng iba, kailangan na raw gumawa ng gimik nina Daniel at Kathryn, dahil mas sikat na sa kanila ngayon ang tambalan nina James Reid at Nadine Lustre.

Matindi na raw ang insekuridad ng KathNiel sa tambalang JaDine dahil trumiple ang ingay ng mga ito nang umamin na tungkol sa kanilang relasyon.

Pero hindi namin binili ang ganoong komento, mas naniniwala kaming halik lang ng pagbati ang ibinigay ni Kathryn kay Daniel. Hindi na nila kailangan pang gumimik para lang makipaghabulan sa kasikatan ng JaDine loveteam.

Pagkatapos ng seryeng Pangako Sa ‘Yo ay nagbuo ng anim na teams si Daniel, ayaw kasi niyang magkahiwa-hiwalay agad sila ng mga artista at crew ng serye. Malaki ang impluwensiya kay Daniel ng kaniyang pagiging Padilla.

Sa dalawang subdivision lang sila naglalaro. Si Daniel ang gumawa ng paraan para magkaroon ng uniform ang anim na teams. Ganoon katinding magpahalaga ang batang aktor sa pinagsamahan at pagkakaibigan.

Natural lang na manonood din ng laro si Kathryn. Bukod sa suportang ibinibigay nito kay Daniel bilang kaniyang ka-loveteam ay gusto ring makasama ng young actress ang mga taong nakasama nila nang ilang buwan sa kabuuan ng serye. Doon nakita na nag-kiss si Kathryn kay Daniel pagkatapos ng isang game.

Nag-kiss lang, insecure na agad, humalik lang bilang pagbati, eh, malandi na agad-agad si Kathryn? Hindi ba puwedeng sinusuportahan lang ng dalaga ang koponan ng kaniyang ka-loveteam?

Ai-Ai delas Alas – Tuloy pa rin ang suporta kay Jiro Manio

Hanggang ngayon pala, kahit nabigo si Ai-Ai delas Alas sa pangarap niyang magbago na si Jiro Manio, ay ang Comedy Concert Queen pa rin ang sumasagot sa panibagong pagpapa-rehab ng aktor.

Kung iba-iba lang ang komedyana, siguradong bibitiw na siya sa pagsuporta kay Jiro, dahil walang positibong pagbabagong ipinakikita ang aktor at mukhang lumala pa nga.

Kuwento ng aming source, “Kapag hindi nasusunod ang gusto niya, nagiging demonyo si Jiro. Nagwawala, nagmamarakulyo, wala nang sinisino. Nagiging bastos na siya, mura siya nang mura, kailangan na talaga siyang ibalik sa rehab,” sabi ng aming kausap.

Pero pinanindigan ng Comedy Concert Queen ang kaniyang pangako na anuman ang mangyari ay susuportahan pa rin niya ang magaling pa naman sanang aktor. Hindi siya titigil hanggang hindi siya nagtatagumpay sa pangarap na magbago si Jiro Manio, may isang salita si Ai-Ai delas Alas.

Bumitiw na ng suporta ang pamilya ng aktor. Una ay hiyang-hiya ang mga ito sa komedyana, ikalawa ay hindi naman sinusunod ni Jiro ang mga ito at inaaway pa nga.

Isang source nga ang nagkuwento sa amin na gustung-gustong mapanood ni Ai-Ai ang concert ni Madonna, pero sa halip na manood sila ng kaniyang boyfriend na si Gerald Sibayan, mas inuna niyang ginastusan ang muling pagpapa-rehab kay Jiro Manio.

“Minsan lang nangyayari ang ganyan, idol din ni Ai-Ai si Madonna, pero pinalampas na lang niya ang pagkakataon dahil mas kailangan niyang unahin ang pagpapa-rehab uli kay Jiro.

“Maganda talaga ang puso ni Ai-Ai, basta pagtulong sa nangangailangan na ang pinag-usapan, nand’yan lang siya palagi,” kuwento ng aming impormante.

Kaya naman patuloy ang pagdating sa kaniya ng grasya, kaya naman sa kabila ng paninira sa kaniya ay nananatiling nakatayo pa rin ang Comedy Concert Queen, ang magandang puso niya ang dahilan noon.

Cesar Montano – Napakahusay talagang aktor

Ang aktor, anuman ang pagdadaanan niyang delubyo, ay aktor pa rin. Parang iniiwanan lang muna niya sa isang sulok ang bitbit niyang problema at saka na lang uli niya iyon dadamputin pagkatapos ng kaniyang mga eksena.

Ganoon mismo si Cesar Montano. Hanggang ngayon ay mainit pa rin ang labanan nila ni Sunshine Cruz sa husgado lalo na tungkol sa custody ng kanilang mga anak pero magaling magdala ng problema ang aktor.

Kapag napapanood siya sa Bakit Manipis Ang Ulap? – ang pinagbibidahan nilang serye ni Claudine Barretto sa TV5 – ay magtatanong ka na lang kung paano at bakit siya nakaaarte na parang walang kaproble-problema sa personal niyang buhay.

Cool na cool ang pagganap ni Buboy. Kinakain niya nang buung-buo ang kaniyang mga kaeksena, samantalang kung iisipin ay ngayon ang pinakamadilim na bahagi ng mundo ni Cesar dahil sa matinding away nila ng ina ng kaniyang mga anak.

Painit na nang painit ang kuwento ng serye. May mga hugot lines nang maririnig mula sa mga bida. Maganda ang minsang binitiwang dialogue ni Claudine na, “Paano ba magtira ng pagmamahal sa sarili? Puwede bang magmahal nang 50% lang? Ano iyon, midnight sale?”

Doon panalo ang Bakit Manipis Ang Ulap? na magkatambal na inilunsad ng TV5 at Viva Entertainment sa direksyon ni Direk Joel Lamangan.

Claudine Barretto – Hindi pa rin kinakalawang ang aktres

Kung magbabawas pa ng timbang si Claudine Barretto ay mas masisiyahan ang kaniyang mga tagahanga at ang mga kababayan nating matagal nang naghihintay sa kaniyang pagbabalik-serye.

Noong nasa Dos pa ang aktres ay hindi maitatanggi ang katotohanan na siya ang nagrereyna. Malalakas ang mga seryeng pinagbibidahan niya, panalung-panalo sa rating.

Totoo ang kuwento ng aming mga kasamahan sa TV5 na hindi kinalawang ang pag-arte ni Claudine. Kitang-kita iyon sa kaniyang mga eksena sa Bakit Manipis Ang Ulap?, natural na natural ang kaniyang pagganap.

Sumasarap na ang daloy ng kuwento ng seryeng pinagtutulungang ihandog ng TV5 at Viva Entertainment. Kaabang-abang na ang mga eksena, lalo na ang mukhang magiging problemadong sitwasyon bilang mag-asawa nina Claudine at Cesar Montano.

Kung kumportable ang pagganap nina Cesar at Claudine ay parang hindi nakasasabay sa kanila si Diether Ocampo na parang naninigas sa pag-arte. Bukod sa parang galit na galit na ang aktor sa pagdadayalog ay hindi pa nito iniaangat ang kaniyang upper lip sa pagsasalita.

Sana’y maging relax din si Diet na tulad ng kaniyang mga kapwa artista sa serye – kung si Bernard Palanca nga na matagal ding nabakante ay angat pa rin ang acting – para hindi siya sinasabihang ham actor.

Maricel Soriano – Maligaya si Marya kahit hindi na sikat

Sa mga nagtatanong kung ano na ang nangyayari kay Maricel Soriano, siya’y nasa mabuting kalagayan. Tahimik lang na ipinagdiwang ng Diamond Star ang kaniyang kaarawan noong nakaraang February 24. Kasabay ng anibersaryo ng People Power ang kaarawan ni Marya.

Noong Martes nang gabi ay nag-dinner lang si Marya at ang kaniyang mga kapatid. Miyerkules nang gabi ay nagkita-kita uli ang magkakapatid. Nagsama-sama sila sa isang masaganang hapunan, ang bunsong si Mel Martinez na isang chef (matagumpay ang Kusina Ni Bunso ng aktor) ang nangasiwa sa salu-salo.

Nandoon ang anak ni Marya na si Sebastien na mas gusto nang magpatawag ngayon sa pangalang Seb kesa sa Tien. Napakatangkad ng binata, malaki na rin ang ibinagsak ng kaniyang timbang.

Ang maganda kay Marya ay mayroon siyang mga kapatid na karamay sa lahat ng panahon. Talikuran man siya ng mundo ay nand’yan pa rin sina Beckbeck, Mike, Junior at Mel na kasama niya sa lahat ng laban, magkakapatid-magkakaibigan ang kanilang turingan.

Totoo ang sinasabi ni Mel na payback time ito. Ngayon pa lang sila nakapagpapasalamat sa kanilang Ate Marya na bata pa lang ay nagpapagod-nagpupuyat na para sa kanilang pamilya.

Lumaki si Maricel Soriano na ang kakambal ay resibo ng ilaw at tubig, pamalengke, pambayad sa matrikula ng kaniyang mga kapatid, pambili ng gamot at bill ng ospital kapag nagkakasakit ang kanilang mga kamag-anak.

Mahigit na apat na dekada niyang pinasan ang ganoong sakripisyo. Hindi sinarili ng Diamond Star ang mga biyayang napasakamay niya, kaya ngayon ay namimitas naman siya ng bunga ng kabutihan ng kaniyang puso.

Hindi na ganoon kapaboloso ang kaniyang estado at hindi na umaawas sa biyaya ang kaniyang bulsa pero masaya siya sa piling ng kaniyang mga kapatid at iilang kaibigang nasa tabi pa rin niya hanggang ngayon.

At nand’yan sina Seb at Marron, ang kaniyang mga tropeong hindi ipinagkaloob ng kahit anong award-giving body sa kaniya, dalawang anak ang ibinigay sa kaniya ng Diyos para maging tungkod niya sa pagtanda.

Manny Pacquiao – Sana’y matapos na ang kontrobersiya

Sabi na nga ba, ang problema ay hindi nakikitira sa ating bahay, nakikiraan lang. Parang kontrobersiya rin na napakainit ngayon, pero pagkatapos lang nang ilang araw ay malamig na, may bago na namang kuwentong pagpipistahan.

Ilang araw din na puro si Congressman Manny Pacquiao ang laman ng lahat ng mga pahayagan. Siya ang sentrong paksa ng mga programa sa radyo, sa lahat ng linya ng komunikasyon lalo na sa social media ay puro si Pacman ang parang hayop na kinakatay.

Binulabog niya kasi ang kuta ng langgam. Maraming nasaktan sa naging pahayag niya na mas masahol pa pala ang tao sa hayop kung tungkol sa pakikipagrelasyon ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae ang magiging basehan.

Nag-umalsa ang mga becki at tibo, talagang sumigaw nang sabay-sabay ang kaniyang mga minaliit, sadya man o aksidente lang. Para siyang karneng tinilad-tilad ng mga bashers na karamihan ay miyembro ng LGBT community.

Lumambot ang puso ng mga miyembro ng LGBT community nang manghingi siya ng dispensa. Agad-agad na ginawa iyon ni Pacman. Hindi na siya nagsayang ng panahon.

Nagpakataklesa si Pacman. Kitang-kita iyon. Pero hindi dahil sa isinusumpa niya ang mga becki at tibo, pinaninindigan lang ni Pacman ang kaniyang konbiksiyon. Inilabas lang ng Pambansang Kamao ang kaniyang tunay na saloobin at pananaw tungkol sa same sex marriage.

Sana’y matapos na ang kontrobersiya. Iwanan na natin ang isyu. Tinanggap na ni Pacman ang kaniyang kakapusan. Ano pa ba ang kailangan niyang gawin para regaluhan siya ng pang-unawa ng mga taong hindi nagkagusto sa kaniyang mga sinabi?

Sa Abril ay papagitna na uli siya sa ring, makikipagsalpukan siya kay Timothy Bradley na bitbit ang pangalan ng ating bayan. Sana’y ipabaon na natin kay Pacman ang katahimikan ng kalooban.

Vice Ganda – Sino siya para husgahan si Pacquiao?

Sinoplak ng mga tagasuporta ng Pambansang Kamao ang mga inilalabas na pahayag ni Vice Ganda. Isa si Vice sa mga pinakalantad ang saloobin tungkol sa sinabi ni Congressman Manny Pacquiao na opinyon niya sa relasyon ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kapwa babae ang pag-uusapan.

Biglang nag-throwback ang ating mga kababayan. Muling hinukay sa baul ng alaala ang pamba-bash noon sa komedyante dahil sa panlalait niya sa timbang ng magaling na broadcast journalist na si Jessica Soho.

Sino raw si Vice Ganda para magkomento nang sobrang negatibo ngayon tungkol sa Pambansang Kamao? Sa lahat daw ng beki ay si Vice Ganda ang pinakawalang karapatang magbigay ng ganoong reaksiyon, dahil mas matindi pang manglait ang komedyante.

Sa mga panahong ito na sobrang epektibo ang social media ay mahirap magbigay ng komento lalo na kapag may maibabato sila pabalik sa nag-aalburotong personalidad.

Parang ganito rin kay Pacman ngayon. Hindi tinantanan ng ating mga kababayan si Vice hanggang hindi siya nanghihingi ng paumanhin sa broadcast journalist, tinanggap naman iyon ni Ms. Soho sa napaka-edukadong paraan, kaya wala raw karapatang humusga ngayon ang komedyante.

Nora Aunor – Nag-boomerang ang puna kay Pacman

Hala! Tulad ni Vice Ganda ay pinupupog din ngayon sa social media si Nora Aunor dahil sa kaniyang sinabi na mas masama ang pagsusugal at pambababae kesa sa pakikipagrelasyon ng lalaki sa kapwa lalaki at babae sa kaparehong kasarian.

Paglabas ng pahayag ng Superstar ay kani-kaniyang opinyon na ang mga bashers. Maraming taga-showbiz din ang nagulat sa naging pahayag ng Superstar. Alam daw kaya niya ang kaniyang mga sinasabi? Bakit daw niya binutasan si Pacman sa aspeto ng sugal samantalang palagi siyang laman ng casino?

May isang nag-text sa amin, “Nagpa-interview si Nora tungkol sa pagkukumpara ni Pacman sa tao sa hayop. Nagpakawala na naman siya ng mga salitang siguradong magbu-boomerang sa kaniya.

“Ano raw ba ang pakialam ni Manny Pacquiao sa mga members ng LGBT community, mas masama raw ang sugarol at babaero! Eh, di sinabi na rin ni Nora na masama siya dahil madalas siyang mag-casino?”

Pero mas matindi ang balik-komento ng isang impormante tungkol sa pagbabanggit ni Nora sa pagiging sugarol ni Pacman kahit pa hindi niya naman direktang inakusahang sugarol ang Pambansang Kamao.

“Huwaw! Nora Aunor talking about pagsusugal? Talaga? Talaga lang, ha? At iyon pa ang napili niyang ibato laban kay Pacman, ha? Wrong choice of words!

“Look, who’s talking! Sana, iba na lang ang binanggit niyang comparison, hindi ang pagiging sugarol. Kahit ang mga taxi drivers, pinagtatawanan ang argumento at opinyon niya!

“Nagsugal man si Pacman, eh, nagbago na siya, tinalikuran na niya ang mga bisyo niya, he’s a reformed Christian now. Pero si Nora, ano ba ‘yan? Nasa kumunoy pa siya ngayon ng pagsusugal, hindi pa siya nakaaahon!” madiing pahayag ng aming source.

Iyon ang mahirap sa pagbibigay ng komento, lalo na kung puwedeng ibalik sa nagsalita ang kaniyang posisyon, siguradong siya pa ang madidiin sa sitwasyon.

Tama ang sinabi ng isang nakausap namin. Sana raw ay ipinagtatanggol na lang ng Superstar ang LGBT community, hindi na lang siya nagbanggit ng kahit anong detalye tungkol sa pagsusugal.

Parang si Pacman din. Sana’y nagbigay na lang ito ng opinyon tungkol sa same sex marriage, hindi na ito nagpakalawak pa sa pagpapaliwanag na humantong sa pagkukumpara nito sa tao sa hayup, tuloy ay delubyo ang kaniyang inabot.

“It’s a tie!” tanging nasabi ng aming kausap.

Jeyrick Sigmaton – pinasikat ng social media

Isang katutubo ang pinasikat ng social media, si Carrot Man. Mayroon pang isa, si Cabbage Man. Ilang sangkap na lang ang kailangan at puwede na silang magbuo ng grupo na ang puwede nilang ipangalan ay Chopsuey.

Pinagpistahan ang mga retrato ni Carrot Man, si Jeyrick Sigmaton, isang Igorot na nakikiani ng mga produktong gulay sa Mountain Province.

Wala lang, napagtripan lang siyang kunan ng larawan ng dalawa nating kababayan na nagsadya sa kanilang lugar, guwapo kasi si Carrot Man at namumukod ang kaniyang dating at hitsura sa iba pa niyang mga kasamahang nagtatrabaho sa kabundukan.

Mabilis ang tropa ni Jessica Soho; agad-agad ay naglaan ang kaniyang team ng panahon para hanapin si Carrot Man. Nagtagumpay naman silang makilala nang personal ang iwing manggagawa na ihinahalintulad ang kakisigan kay Alden Richards.

Malapit ang loob namin sa mga katutubo na tulad ni Carrot Man. Isang pagkakaibigang nag-ugat pa sa kolehiyo ang iniingatan namin hanggang ngayon. Naging inaanak pa namin sa binyag ang isang kalahi ni Carrot Man, si Habagat, na naninirahan sa Balatoc, Itogon.

Nagnganganga si Carrot Man, pulampula ang kaniyang bibig dahil ang paniwala nila ay pampatibay ng mga ngipin ang pinaghalu-halong dahon ng ikmo, bunga, maskada at apog. Nakakahanga ang kaniyang kasimplehan.

Ang kaniyang trabaho sa araw-araw ay ang mamitas ng mga gulay. Itinatawid nila ‘yun sa truck na naghihintay sa highway hanggang sa mapuno. Kapos pa sa pang-araw-araw niyang pangangailangan ang kinikita ni Jeyrick Sigmaton.

Sabi ni Bradly Guevarra, pagkatapos ni Marky Cielo (SLN) ay isang Igorot na naman ang napagtuunan ng pansin ng publiko. Hindi kailanman pinangarap ni Carrot Man ang mag-artista pero sa tamang panahon ay buong mundo pa ang nakakilala sa kaniya.

Mabuhay ang mga katutubo!

Direk Wenn Deramas – pumanaw na ang blockbuster director

Mabigat na malungkot ang pagbubukas ng aming umaga kahapon dahil sa kaliwa’t kanang mensahe sa text na tinanggap namin. Nagluluksa ang mga mensahe dahil sa maagang pagpanaw ng blockbuster direktor na si Wenn Deramas.

Totoong nakabibigla ang balita dahil wala man lang kaming nalamang kuwento tungkol sa kaniyang pagkakasakit. Mayroon pero hindi ‘yun nagkaroon ng ingay. Cardiac arrest ang ikinamatay ni Direk Wenn kahapon ng umaga.

Napakabilis ng buhay, tama ang mensahe sa amin ni Attorney Ferdie Topacio, “Life is indeed fleeting. We must enjoy it and do good to others while we still can.”

Kulang na isang dekada ang pinagsamahan namin ni Direk Wenn dahil naging bahagi siya ng Showbiz Lingo namin ni Tito Butch Francisco bilang continuity writer.

Busog na busog kami sa mga kuwentuhan bago at matapos ang talk show. Isang mapagmahal na anak si Direk Wenn; marami siyang pangarap para sa kaniyang ina, mga hiling na siguradong naibigay niya bago namayapa ang kaniyang ina noong 2009.

Maaalala rin si Direk Wenn Deramas bilang isang blockbuster director. Ang tambalan nila ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas ang pinakamarkado. Bilyon ang iniakyat nila sa baul ng kayamanan ng Star Cinema.

Maraming natulungang personalidad si Direk Wenn. Para siyang gobyerno; matulungan lang ang nakikiusap sa kaniya ay siya mismo ang hahanap ng role na puwedeng gampanan ng artistang lumalapit sa kaniya.

Sa mga oras na ito ay naaalala namin ang isang payak na staff member namin sa Showbiz Lingo. Bago magsimula ang programa ay dala-dala na niya ang sequence guide, ipinaliliwanag sa amin ang mangyayari sa kabuuan ng show, at tuwing commercial break ay patakbo siyang lumalapit sa amin ni Tito Butch para sabihin uli kung anu-ano ang mangyayari sa susunod na gap.

Napakabilis ng buhay. Nakalulungkot ang bawat pagpanaw ng mga taong may iniwanang marka sa ating puso. Napakabata pa ni Direk Wenn Deramas, mas marami pa sana siyang mapatutunayan sa pinili niyang linya, pero talagang hanggang dito na lang ang kaniyang pagbiyahe sa mundo.

Dalawa lang ang tiyak sa buhay na ito. Maraming nagaganap, maraming nagbabago, pero ang tanging sigurado lang ay ang tayo’y ipanganak at mamatay sa takdang panahon.

Isang kaway ng pamamaalam sa isang kaibigan-katrabaho. Isang mapayapang paglalakbay sa isang matagumpay na director. Isang mapusong pamamaalam kay Direk Wenn Deramas.

Have a comment on this article? Send us your feedback

Cristy Per Minute • Marso 16 – 31, 2016

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 16 – 31, 2016

Mamay Belen – Pumanaw na ang gumabay sa superstar Nora Aunor

  [widgetkit id=161]
   

Malungkot ang balitang bumungad sa amin nitong nakaraang Biernes (March 11) nang umaga. Ang dakilang ina ni Maribel Aunor, si Mamay Belen ay pumanaw noong March 10. Sa kanilang bahay sa Pangasinan binawian ng buhay ang taong may napakalaking naiambag sa pagiging Superstar ni Nora Aunor.

Magkapatid si Mamay Belen at ang ina ng Superstar na si Mamay Tunying. Matagal na tumira si Nora sa bahay ng mga Aunor sa Nichols. Si Mamay Belen ang gumabay sa hilig sa pagkanta ni Nora at nagsali sa Tawag Ng Tanghalan.

Ang iba pang mga pangyayari ay isa nang kasaysayan ngayon. Papunta-punta lang sa Maynila si Mamay Belen, nagpapasundo kay Lala, mas ginusto niyang ilaan ang kaniyang panahon sa Pangasinan kung saan siya nakapamumuhay nang tahimik kasama ang mga miyembro ng kanilang kongregasyon.

Si Mamay Belen ang gitarista sa kanilang chapel. Kompositor din siya ng mga awiting patungkol sa Panginoon. Namaalam si Mamay Belen na natupad ang kaniyang hiling na ang mga nalalabi pa niyang taon ay maiukol niya sa pagseserbisyo sa simbahan.

Si Lala ang bunsong anak nina Mamay Belen at Sgt. Aunor na matagal nang pumanaw. Nagluluksa ang magkakapatid na Ate Norma, Bobot, Romy, Ramon at Lala sa pagpanaw ng ilaw ng kanilang tahanan.

Nasaksihan namin kung paano pinaligaya at minahal ng magkakapatid si Mamay Belen, lalo na si Lala, dahil sa kaniya tumitira ang kaniyang ina kapag nandito sa Maynila.

Noong minsang nagkasama-sama kami sa bahay ni Lala ay kinantahan pa kami ni Mamay Belen na siya mismo ang gumigitara. Kamangha-mangha ang kaniyang talento sa kabila ng kaniyang edad. May pinagmanahan talaga si Lala at ang kaniyang mga anak na sina Marion at Ashley.

Ngayon pa lang ay nakikini-kinita na namin ang pagkapilay ni Lala Aunor sa pagkawala ng kaniyang ina. Ulilang-lubos na silang magkakapatid ngayon, isang uri ng sugat na dumaan man ang mahabang panahon ay walang paghilom.

Ang taos-puso naming pakikiramay sa mga iniwan ni Mamay Belen Aunor. 

  Valeen Montenegro
 
Valeen Montenegro
  aga.cesar.willie
 
Aga Mulach, Cesar Montano & Willie Revillame
   Christine Reyes
 
Christine Reyes
  Vivian Velez
 
Vivian Velez

Valeen Montenegro – Kabit? Bakit hindi pa ibunyag ni Ciara?

Nauumay na ang mga bashers ni Ciara Sotto sa palagi niyang pagpo-post ng mga mensaheng puro naman pailalim at patagilid. Bakit daw kasi hindi magpakatapang si Ciara sa pagsagot nang diretso at hindi puro pa-blind item lang?

Kapag nagsalita si Valeen Montenegro na sinasabing third party sa paghihiwalay nila ni Jojo Oconer ay saka lang nagpo-post si Ciara.

Nang magsalita si Valeen sa isang interview, agad na nag-post si Ciara, “Wow! Kapal! Deny pa more!” ang kaniyang mensahe. Pero walang detalye iyon, basta nagparinig lang siya, walang banggit ng pangalan ni Valeen.

Hamon nga ng kaniyang mga bashers, kung mayroon siyang matibay na ebidensiya ay kailangan na niyang lumantad. Buong-ningning na niyang pangalanan si Valeen Montenegro para makapagbawas din siya ng sama ng loob na matagal na niyang dinadala sa dibdib.

Walang magiging katapusan ang kuwentong ito kung isa lang ang sumasalubong sa isyu at ang isa nama’y iwas lang nang iwas. Nakakaawa naman si Valeen kung habang walang tinutukoy na pangalan si Ciara ay palagi na lang itong hinuhusgahang kabit.

Diretso na kung diretso. Kung totoong pumasok sa kanilang relasyon ni Jojo Oconer si Valeen ay kailangan nitong panagutan ang kaniyang ginawa. Magdusa si Valeen kung kayang patunayan ni Ciara Sotto na ito nga ang dahilan ng pagkawasak ng relasyon nilang mag-asawa.

Pero hanggang hindi binabanggit ni Ciara ang pangalan ni Valeen sa nangyari sa kanila ni Jojo ay mananatiling biktima lang si Valeen Montenegro sa usaping ito.

Kung ayaw banggitin ni Ciara ang pangalan ni Valeen, kahit man lang sana clue ay magbigay siya, ganoon naman talaga kahit sa pagbibigay ng pitik-bulag.

Clue pa more!

Kris Aquino – Nakakasawa na ang “the girl who cried wolf?”

Kami man si Kris Aquino ay malulungkot kami sa reaksiyon ng mas nakararami nating kababayan tungkol sa plano niyang pamamahinga sa showbiz sa ibinigay niyang petsang March 23.

Ang kaniyang kalusugan ang ibinibigay na dahilan ni Kris. Gusto rin niyang mabigyan nang sapat na panahon ang kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby, pero sa halip na unawain ng marami ang kaniyang mga dahilan ay masasakit na reaksiyon ang kaniyang tinanggap mula sa publiko.

Komento ng isa nating kababayan, “Sige na nga, maniwala na tayo sa sinasabi ni Kris, para umalis na siya!” May isa namang nagkomento ng ganito, “Nakakaumay na ang pagpapaalam ni Kris. Kahit ang comma at period niya, eh, hindi ko na pinaniniwalaan dahil sa pagiging inconsistent niya!

“Ilang beses na ba niyang sinabi na tatalikuran na niya ang trabaho niya? Napakaraming beses na, pero hindi niya naman pinaninindigan! Noong kumakandidato pa lang si P-Noy, ang sabi niya, eh, titira na lang daw silang mag-iina sa Amerika kapag nanalo ang kapatid niya!

“Patapos na ang termino ng kuya niya, pababa na nga sa July sa puwesto, pero hindi naman sila umalis ng mga anak niya para manirahan na sa ibang bansa!

“Kapritso na lang niya ‘yan! Hindi na kasi siya nakakaeksena, kulang talaga siya sa pansin! Inunahan lang niya ang pagbaba ng kuya niya, alam niya kasi na makababawas iyon sa pagiging Kris Aquino niya.

“Flop ang mga huling movies niya, hindi na nagre-rate ang show niya, hindi na rin siya ang reyna ng TVC endorsements, kaya iyan ang naisipan niya, ang mamahinga na raw!” maasim na pahayag ng isang umay na umay na sa mga binibitiwang pahayag ng aktres-TV host.

Nagtatatak kasi ang taumbayan. Minamarkahan nila ang sinasabi ng mga personalidad. At sa anggulong iyon ay hindi dapat masyadong maapektuhan si Kris dahil ang pinag-uugatan naman ng mga negatibong reaksiyon ngayon ng mas nakararami tungkol sa kaniyang pamamahinga sa showbiz ay ang kaniyang mga sariling pangako na napako.

Wala kasi siyang tinupad sa mga binitiwan niyang pahayag, paulit-ulit niyang sinasabi ang kung anu-anong kuwento, pero sa bandang huli ay hindi niya naman iyon ginagawa at pinaninindigan.

Masakit ang salitang “the girl who cried wolf” na ikinakambal sa kaniya ngayon, pero kahit bali-baligtarin ang sitwasyon ay doon talaga iyon mauuwi, si Kris Aquino rin ang nagbigay ng ideya para tawagin siyang inconsistent.

Pero sa pagkakataong ito ay maaaring nagpapakatotoo na si Kris, marami na siyang nararamdaman sa kaniyang katawan, pahinga mula sa sagarang pagtatrabaho lang ang makatutugon sa madalas niyang pagkakasakit.

Maine Mendoza – Huwag sanang laging “balat-sibuyas”

Nanawagan si Maine Mendoza sa kaniyang detractors (distractors sabi ni Alden Richards) na sa halip na ilaglag sila ng kaniyang ka-loveteam ay manalamin muna ang mga ito at huwag maghanap ng mali sa kanila ni Alden Richards.

Tama naman ang linya ng kaniyang pangangatwiran, pero hindi lahat ay makaiintindi sa kaniya, kaya sa muli ay bash kung bash na naman ang tinanggap ng Dubsmash Queen.

At tama rin ang opinyon ng mga pumansin sa kaniyang litanya. Hindi langit ang kaniyang pinasok na puro magaganda lang ang matatanggap niya. Mundo ng showbiz ang pinangarap niyang balwarte na punumpuno ng mga intriga, kaya dapat ay hindi siya maging balat-sibuyas.

Ang mga taong may manipis na balat ay hindi dapat mapabilang sa lokal na aliwan. Ang mga taong ayaw pinapansin ang kanilang mga kalabisan at kakulangan ay hindi dapat nananatili sa showbiz. Hindi matutupad ang gustong mangyari ni Yaya Dub.

Hindi na siya pangiwi-ngiwi lang ngayon sa You Tube. Pampublikong pigura na siya dahil sa katuparan ng kaniyang pangarap na maging artista. Dapat ay nakahanda na ang kaniyang sarili sa mga isyung pagpipistahan tungkol o laban sa kaniya.

Payo ng kaniyang mga bashers ay hindi siya dapat patolah sa mga kontrobersiyang kinapapalooban niya ngayon. Dapat ay nakahanda siyang saluhin ang mga kuwento at komentong humuhusga sa kaniya. Gusto niyang makilalang artista, na natupad naman, kaya ito ang presyong kailangan niyang pagbayaran.

Napakalaki na ng pakinabang ni Maine sa linyang pinasukan niya. Kabi-kabilang TVC, ang mapasama siya sa Eat…Bulaga na pangarap ng maraming personalidad, siguro’y kailangan na niyang semyentuhin ngayon ang palibot ng kaniyang puso para kayanin-tiisin niya ang mga intrigang ibinabato sa kaniya.

Cesar Montano – Matibay pa rin ang pakikipagkaibigan kay Aga at Willie

Sa tagal na sa showbiz ni Cesar Montano ay namaster na niya nang husto kung anu-anong isyu lang ang puwede niyang sagutin at alin-alin naman ang dededmahin.

Alam na alam na rin niya kung kailan siya magbibigay ng pahayag at kung paanong atake ang kaniyang gagawin. Iyon ang pagkahinog na tinatawag sa mga artista. Hindi basta patol nang patol, hindi sagot nang sagot, lalo na kung wala namang katotohanan ang kuwento.

Ganoong-ganoon din si Aga Muhlach. May paraan ang guwapong aktor na ilihis ang isyu, pero ang nakakatawa, bago matapos ang inyong usapan ay mararamdaman mo na lang na ikaw na pala ang sinusunog ng aktor.

Magkaibigan sina Cesar at Aga. Kaibigan din nila si Willie Revillame. Silang tatlo ang noon pa ang magkakabigkis na ang pusod at hanggang ngayo’y malalim pa rin ang pundasyon ng kanilang samahan.

Walang tamang oras sa kanilang pagkikita-kita. Kapag libre silang tatlo ay magkakasama silang naggo-golf o nagba-basketball. Puwede ring buong araw lang silang nagkukuwentuhan.

Bihira na kaming makakita ng ganoong pagkakaibigan, mataas o malagihay ang estado ng kanilang career ay magkakasama pa rin sila. Hinding-hindi mo sila maririnig na sinisiraan ang isa’t isa.

May pinagdadaanang personal na problema ngayon si Cesar, pero hindi iyon nakaaapekto sa kaniyang propesyon. Kung ganoon nang ganoon ang mga artistang problemado ay mas gugustuhin na sigurong humawak ng mga problemadong artista ang mga direktor para wala silang problema.

Deadma lang si Cesar Montano sa isyung pinagpistahan dahil sa kalukresyahan ni Maria Ozawa. Bakit nga naman niya iyon sasagutin?

Halatado namang naghahanap lang ng ingay ang porno star, gusto lang nitong mapag-usapan, nagkamali nga lang ito ng napiling artista para bulabugin.

Cristine Reyes – Maldita! Nakakuha ng katapat kay Vivian Velez

Sa isang lumang pelikula ay sinabi ng isang ermitanyo sa kausap nitong simpleng taong may mabuting puso na magiging tagapagtanggol pala ng mga inaapi, “Lagi mong tatandaan na may kalapat na takip ang bawat palayok. Hindi puwedeng wala. Ikaw ang katapat na kakalos sa kalabisan ng mga mapang-api.”

Humigit-kumulang ay ganito ang senaryong kinapapalooban ng malditang si Cristine Reyes. Matagal na panahon nang nang-aapi ng kaniyang kapwa ang nagpapaseksing babaeng ito na ang ilusyon ay siya na ang pinakasikat at pinakamagandang babae sa balat ng lokal na aliwan.

Sa Carlene Aguilar. Si Sarah Geronimo. Sa marami pang ibang artista at ang pinakamatindi, ang makasaysayan niyang panglalait at paninira sa sarili niyang kapatid na nauwi pa nga sa piskalya, si Ara Mina.

May kalapat daw na takip ang bawat palayok, sabi ng ermitanyo, natagpuan ngayon ni Cristine Reyes ang kaniyang katapat sa walang kupas na aktres na si Vivian Velez.

Ngayon lang namin naringgan ng reklamo at pagkapuno ang kinoronahang Miss Body Beautiful noong kaniyang kapanahunan, Ngayon lang namin ito narinig na magbitiw ng salitang bastos, at iyon ay ipinatutungkol nito kay Cristine Reyes na bumibida sa kanilang seryeng Tubig At Langis.

Ngayon lang talaga. Dahil napanatili ni Vivian Velez ang maganda nitong pakikitungo sa kaniyang mga kasamahang artista, sa bumubuo ng bawat produksiyong nakakatrabaho nito, walang kahit sinong makapagsasabing naging problema sa set si Double V.

Dahil sa pagiging maldita at bastos ni Cristine Reyes ay gusto nang tapusin ni Vivian ang kanilang pagsasama sa serye. Bumabaligtad ang sikmura ng tunay na aktres sa kabastusan ni Cristine.

Insecure na insecure kasi sa kaniya si Cristine. Naturingan nga namang siya ang bumibida sa serye pero ang nagkokontrabida pang si Vivian Velez ang nakakakuha ng atensiyon ng produksiyon.

Magkasama dapat sila sa isang dressing room, pero gusto ni Cristine na solohin ang lugar dahil matutulog daw siya, nang hindi mangyari ang kaniyang gusto ay pabalibag niyang binubuksan at isinasarado ang pintuan ng dressing room.

Pinalampas na ni Vivian ang marami pang ibang kabastusan ni Cristine, pero ang bawat tao ay may nakareserba lang na pisi ng pasensiya, sinagad iyon ng malditang sexy actress kaya nagpaalam na si VV sa produksiyon.

Nang mapuno na siya ay nakipagmiting si Vivian sa produksiyon at ito ang kaniyang mensahe, “Hello, my meeting went well… going back for unfinished work. I gave them three to four days max, basta hindi kasama si Cristine sa mga eksena.”

Propesyonal si Vivian. Kahit noong ang produksiyon ng aktres (Amazaldy Films) ang gumagawa ng kaniyang mga pelikula ay hindi ito kailanman umastang primadona.

Buhay na buhay pa ang pinsan naming si Ate Lydia de Leon na habambuhay na naging production manager ng Amazaldy. Ipinagmamalaki nito ang pagrespetong ibinibigay ni Vivian sa lahat ng kanilang mga artista at staff ng produksiyon. Kung magpoprodyus uli ngayon ng pelikula ang kumpanya ni Vivian ay handang umuwi ang aming pinsan mula sa paninirahan sa Amerika para makatrabaho uli ang milyonarya pero mapagkumbabang aktres.

Tapos ngayon ay bastus-bastusin lang ito ni Cristine Reyes? Paparinggan ng kung anu-anong salita at pagdadabugan? Ni wala sa kalingkingan ng isang Vivian Velez ang mga ipinagmamalaking alam ni Cristine Reyes bilang artista.

Pipila pa muna nang pagkahaba-haba ni Cristine Reyes bago siya makaamot man lang ng ningning mula sa bituin ni Vivian Velez. Magbabayo pa siya at magsasaing nang milyong beses bago niya mapantayan man lang ang naabot na ni Vivian Velez bilang aktres.

Kung kinakayan-kayanan niya ang ibang mga artistang pinagmamalditahan niya ay huwag niyang isali sa bilang si Vivian. Pagmamahal lang sa kaniyang propesyon ang dahilan ng pag-aartista pa rin nito hanggang ngayon.

Puwedeng mabuhay nang masagana si Vivian kahit hindi ito nag-aartista, hindi tulad ni Cristine na kailangang kumayod nang husto dahil sa kaniyang mga pananagutan sa buhay, kasama na rin ang kaniyang mga kapritso.

Amalia Fuentes – Sa pagtanda ay mga apo ang nag-aalaga

Napakabilis talaga ng paglipad ng panahon. Isang taon na pala ang nakaraan mula nang pumanaw si Liezl Martinez. Isang taon nang biyudo si Albert at ulila sa ina ang kanilang mga anak.

Naging masalimuot ang mga pangyayari sa pagpanaw ni Liezl. Nagkaroon nang matinding hidwaan sa pagitan ng kaniyang inang si Amalia Fuentes at ng kaniyang mag-aama.

Nagkasumbatan ang magkabilang panig. Nagkasagutan si Tita Nena at ang kaniyang mga apo, napakataas ng kanilang mga emosyon nang mamayapa si Liezl.

Pero kung gaano kabilis ang paglipas ng panahon ay ganoon din kabilis ang kanilang pagkakasundo. Sa pinagdadaanan ngayon ni Amalia Fuentes ay mismong mga anak ni Liezl ang nag-aalaga sa kaniya.

Naghahalinhinan sa pagbabantay sa kanilang lola sina Alyanna at Alfonso. Doon na halos sa bahay ng aktres naglalagi ang mga anak nina Albert at Liezl. Isang malinaw na patunay na pamilya pa rin ang ating maaasahan sa pagdating ng mga indulto sa ating buhay.

Kung malungkot mang umalis si Liezl, siguradong ngayon ay maligaya na ang anak ni Tita Nena sa dako pa roon, dahil magkakasundo na ang kaniyang mga mahal sa buhay. CSF

Have a comment on this article? Send us your feedback

Alden and Rocco heat up Bae in the City Canada Tour 2016

$
0
0

Alden and Rocco heat up Bae in the City Canada Tour 2016

Alden Richards Rocco Nacino Kim Idol
Alden Richards
Rocco Nacino
Kim Idol

Kapuso heartthrobs Alden Richards and Rocco Nacino turn up the heat in Canada as they headline Bae in the City Canada Tour 2016 this month.

Alden, one of the most in-demand actors in the country today and a co-host on GMA Network’s top-rating comedy-musical variety program Sunday PinaSaya and the Philippines’ longest-running noon time show Eat Bulaga, and Rocco, one of GMA’s top leading men who was last seen in the primetime drama series Beautiful Strangers, will be joined by comedian Kim Idol.

Sponsored by GMA’s three international channels – GMA Pinoy TV, GMA Life TV and GMA News TV International, Bae in the City Canada Tour 2016 begins on March 22 at the Club Regent Event Centre in Winnipeg. The event is staged in partnership with Corazon’s Money Express.

The next day, Alden and Rocco will head to the Maharaja Banquet Hall in Edmonton for the second leg of the tour, held in cooperation with Palabok Promotions. The last stop will be on March 24 at the Massey Theater inNew Westminster, British Columbia in cooperation with Red Productions.

Social media are already abuzz with excitement over the arrival of the sought-after Kapuso leading men as netizens have been posting messages urging the pair to try Canadian delicacies.

“Hope I can go to the concert in March. But you should try beaver tails, poutine, and Tim Horton’s (french vanilla coffee)…” said Twitter user @mannachocoberry, to which the Kapuso Hunk Rocco Nacino excitedly replied, “I will!”

As the fans give the Kapuso duo tips on how to make their stay an enjoyable one, Alden and Rocco are also preparing a fun-filled show for their fellow Filipinos in Canada.

Viewing all 248 articles
Browse latest View live