Quantcast
Channel: Showbiz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 250

Cristy Per Minute • Enero 16-31, 2014

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 16 – 31, 2014

    Anne Curtis
Anne Curtis
ai ai de las alas
Ai Ai de los Santos
Kris-Aquino
Kris Aquino
daniel-PADILLA
 Daniel Padilla & kaniyang Mom, Karla Estrada
CHARICE
Charice Pempengco
BB-Gandanghari
BB Gandanghari
WILLIE-REVILLAME
Willie Revillame

Ai Ai Delas Alas – Masama ang loob kay Kris Aquino

Hindi man siya magsalita ay alam naming masama ang loob ngayon ni AiAi delas Alas kay Kris Aquino. Iyong simpleng pagsasabi ng Comedy Concert Queen na sa darating na 2016 ay ikakampanya niya sa panguluhan si Vice-President Jejomar Binay ay may matinding laman.

Ang mga komedyante ay may sariling paraan ng pangungurot. Pakomedya lang ang pagsasabi nila, pero totoong-totoo iyon, nanggagaling sa puso ang kanilang emosyon. Kung tutuusin ay hindi lang naman kasi ngayon sinaktan ni Kris Aquino ang Comedy Concert Queen.

Kung matatandaan ay sagad hanggang buto ang galit noon ni James Yap kay Ai Ai. Galit na galit si James, gusto nitong komprontahin si Ai Ai, sinusulsulan daw kasi niya si Kris na huwag nang makipagbalikan pa sa basketbolista noong minsang mag-away ang mag-asawa.

Ang totoo noon ay si Kris ang nanghihingi ng payo kay AiAi. Si Kris din ang nagsabing ayaw na nitong balikan pa ang ama ni Bimby, nakiayon lang naman ang komedyana sa kapritso ni Kris.

Ang ending. Nang magkabalikan sina James at Kris ay sinabi ng aktres sa basketbolista ang mga payo kuno sa kaniya ni AiAi na huwag nang makipagbalikan pa. Si AiAi ang naiwan sa ere, iniligtas ni Kris ang kaniyang sarili, gustong idribol na parang bola noon ni James ang Reyna Ng Komedya.

Pumanaw ang ina ni AiAi, kinapos sa pakikiramay si Kris, hindi ipinang-iimbita kahit kailan ang pakikisimpatya pero kung itinuturing mong kaibigan at BFF pa nga ang namatayan ay gagawa at gagawa ka ng paraang mapagaan ang kaniyang pagdadalamhati.

Ang isang tunay na kaibigan ay nagdadala ng ilaw sa gabing madilim. Ang tapat at sinserong kaibigan ay tagapahid ng luha at hindi dahilan ng pagluha ng kaniyang kaibigan.

May kahinaan si Kris Aquino sa pagbabalanse pagdating sa pag-aalaga ng mga kaibigan. Kung mapapansin ay maraming sinasabing kaibigan ang aktres-TV host, pero kumabaga sa gusali ay walang pundasyon ang kanilang pagkakaibigan. Kapag may mga bagong mukha na kasing dumating sa kaniyang buhay ay nakalilimot na si Kris sa mga taong nagmamahal sa kaniya.

Ang kaibigan ay maihahambing sa walis. Maraming bagong darating pero hindi natin dapat kalimutan ang mas nauna. Masarap ipangwalis ang bago pero ang dating walis ay mas epektibo pa rin dahil alam na nito ang lahat ng sulok na lilinisin.

Kris Aquino – Hindi totoong inalok ng puwesto sa TV5

Eto pa… tapos na ang kaechosang kuwento ng paglipat kuno ni Kris Aquino sa TV5. Tulad ng ating inaasahan, pumirma uli siya ng kontrata sa ABS-CBN, walang katotohanang lilipat na siya sa TV5 para umaktong presidente ng kompanya ni Sir Manny Pangilinan.

Kahit minsan ay hindi namin sinaling ang isyung ito. Hindi kasi kami naniniwala na mayroong ganoong alok sa kaniya ang TV5. Guni-guni na lang siguro ni Kris ang pinaniwalaan niyang senaryo.

Kampo rin niya ang naglabas ng kuwento, sinakyan naman iyon ni

Kris, at napaniwala niya ang milyun-milyong kababayan natin na nahihirapan nga siyang magdesisyon.

Ano ba namang noong ipanganak ang kuwentong lilipat na siya sa TV5 ay nag-post ng kaniyang mensahe si Kris. Napakadali niya namang gawin iyon kung gusto lang niya, kaya nga lang ay dinaig siya ng pakikipag-moro-morohan sa isyu.

Nasarapan si Kris sa pakikiangkas sa isyu. Siya ang sentro ng mga kuwentuhan kahit hanggang sa ilalim ng tulay, kaya noong masarapan siya sa pakikipaglaro ay pinanindigan na niya ang pakikipaglaro sa kaniyang mga tagasuporta.

Aalis lang si Kris sa Dos kapag mayroon na siyang nakahandang sariling network na tulad ng kaniyang idolong si Aling Oprah Winfrey, iyon kasi ang kaniyang pangarap, at makukuha niya ang pangarap na iyon sa anumang paraan at dahilan.

Hindi siya si Kris Aquino kapag hindi nangyari iyon sa mga darating na taon. Matindi kasi ang kaniyang paninindigan, anumang magustuhan ni Kris Aquino ay kailangang mapasakaniya sa anumang dahilan.

Daniel Padilla – Sikat pero walang yabang, walang angas

Noong Kapaskuhan ay nakasabay sa Hong Kong ng pamilya ng aming kaibigan si Daniel Padilla. Magkaka-hotel sila, kaya kapag nasa lobby ang pamilya ay nakakatabi nila ang sikat na heartthrob. Ang kasamang nagbakasyon ni Daniel ay ang kaniyang ina at mga kapatid.

“Mabait ang bata, walang kaere-ere. Nakikipag-usap siya sa mga Pinoy, nagpaparetrato, hindi mo siya kakikitaan ng kaangasan,” kuwento ni Tito Bernard Tan.

Kapag hindi nakikita at napapansin ni Daniel ang iba pang mga kababayan nating tumatawag sa kaniya ay nandoon si Karla Estrada para magpaalala sa kaniyang anak, “DJ, tinatawag ka rin nila, anak. Pakilapitan mo rin sila.”

Susunod naman si Daniel. Ibebeso niya ang mga kababayan natin, nagpapakuha siya ng retrato katabi ang mga ito. Palaging ganoon, nakaagapay si Karla sa kaniyang anak, hindi nga naman sa lahat ng panahon ay napagbibigyan ng guwapong batang aktor ang mga may gustong makalapit sa kaniya.

Si Karla Estrada ang naging tatay at nanay ni Daniel mula nang ipanganak siya hanggang sa lumaki. Ito ang nagbaligtad ng mundo para lang mabuhay ang kaniyang mga anak, pero sa puso ni Daniel ay wala ang salitang kulang.

“Hanggang nand’yan si Karla na tumututok sa anak niya, hanggang may nanay na guma-guide sa anak, walang magiging problema kay Daniel. Marespeto siya, very approachable, alam niya ang mundong pinasok niya,” pagdidiin pa ng aming anak-anakang si Tito Bernard Tan.

Charice – Kapuripuri ang respeto sa magulang

Bukod kay Sarah Geronimo ay may isa pang kabataang personalidad na kapuri-puri sa pagiging marespeto sa kaniyang mga magulang. Sa pananaw ng ating mga kababayang hindi nakaiintindi sa paglalantad niya ng tunay niyang kasarian ay mali ang kaniyang ginawa – pero ang aktong iyon ay hindi kailanman naging dahilan para mabawasan ang respetong mula noon hanggang ngayon ay buong puso niyang ibinibigay sa kaniyang inang si Aling Raquel.

Kung mapapansin, marami nang nasabi ang kaniyang ina na kontrang-kontra sa kaniya, pero ang respeto ni Charice Pempengco sa babaeng nagluwal sa kaniya ay napakahaba.

Hindi siya nagsasalita nang tapos. Hindi rin niya sinasagot nang pabalang ang kaniyang ina. Maraming nagsusulsol sa kaniya na lumaban kay Aling Raquel dahil nasa wastong edad na siya pero hindi iyon ginagawa ni Charice.

Tama ang obserbasyon ng aming kaibigan, “Hindi naimpluwensiyahan ng Western culture si Charice, napanatili niya ang pagiging Pinoy niya. Masuwerte si Aling Raquel dahil mabait ang anak niya, marespeto, doon pa lang, eh, magpasalamat na dapat siya,” komento ng aming kaibigan.

Isa rin si Charice Pempengco sa mga pinupuri ng mga nakakakuwentuhan naming “alipin” ng social media. Alam daw ni Charice kung kailan siya magsasalita at kung kailan hindi. Hawak daw ni Charice ang kaniyang emosyon kaya hindi siya napupulaan sa paggamit ng Twitter at FB, marespeto raw talaga ang talentadong international performer.

Anne Curtis – Karapatdapat maging Dyesebel

Pagkatapos nang mahabang proseso ng pilian, ay si Anne Curtis na ang gaganap bilang bida sa Dyesebel ng ABS-CBN.

Isang impormante ang tumawag sa amin para sabihing matinding depresyon ang inabot ni Kim Chiu nang malaman nito na bumagsak pala sa pilian ang batang aktres.

“Asang-asa na kasi si Kim na siya ang magiging bida sa Dyesebel, in fact, nagpagawa na nga siya ng hair extension para doon. Pinaghahandaan na niya iyon. Pati ang water proof na noseline, nagpapahanap na siya, pero naunsiyami pa ang pag-asa niya!

“Nagpa-survey kasi ang production, puro nega ang sinasabi ng mga tinanong tungkol sa kaniya. Kailan pa raw nagkaroon ng sirenang puro tinik lang naman ang katawan at walang kalaman-laman?

“Ayun, nalaglag siya sa pilian, hindi pa handa ang mga Pinoy na makapanood ng Dyesebel na puro skeleton lang ang makikita nila. Natural, nasaktan doon si Kim, inaaasahan niya iyon, pero hindi siya ang napili!

“Iyon ang iniisip na dahilan ng mga close sa kaniya kaya siya nakapagtaray sa presscon, iyon daw ang root ng init ng ulo niya, pinangakuan daw kasi siya, pero naagaw sa kaniya ang project,” kuwento ng aming source.

Sa isang parehas na pagbabalanse ay di hamak namang nararapat para kay Anne Curtis ang papel bilang Dyesebel. May laman at kurbada ang katawan ng aktres, samantalang si Kim ay parang kinayasang patpat na kawayan lang ang pagkadiretso ng katawan, tama ang resulta ng survey na puro tinik lang ang makikita ng manonood sa sirenang tututukan nila.

At magandang Dyesebel si Anne Curtis, kaya niyang bigyan ng hustisya ang karakter na ipagkakatiwala sa kaniya, kung ganoon naman kaganda ang sirenang makakaengkuwentro mo sa pusod ng dagat ay hindi bale nang hindi ka na makabalik sa dalampasigan.

BB Gandanghari – Hindi patay, siya’y buhay na buhay

Napakaraming nagtatanong sa amin kung totoo raw bang patay na si BB Gandanghari. Mayroon daw kasing nagpapakalat ng balita na pumanaw na si BB, ang dating si Rustom Padilla, sa Amerika raw pumanaw ang aktor.

Heto na naman ang isang kuwentong siguradong pinalutang ng mga taong walang magandang magawa sa buhay. Pumatay na naman sila ng isang taong buhay na buhay pa at nagtatrabaho lang sa ibang bansa.

Kung totoong wala na si BB Gandanghari ay maitatago ba naman ang balitang iyon? Natural, ang kaniyang pamilya ang unang-unang magsasabi kung ano ang tunay na estado niya ngayon, hindi iyon manggagaling sa ibang bibig.

Sa kuwento pa lang na patay na si BB, pero itinatago lang iyon ng kaniyang pamilya, ay kuryente na agad ang balita. Hindi totoo iyon, gawa-gawa lang ang kuwento, si BB Gandanghari na mismo ang nagsasabi na ang pangangayayat niya ngayon ay isang desisyon na siya ang may gusto.

Bahagi ng pagpapalit niya ng kasarian ang pagpapayat, mahalay raw kasing tingnan na babaeng-babae ang kaniyang kilos, pero pagkalaki-laki niya naman.

Maraming personalidad na ang pinatay nang walang kalaban-laban. Buhay na buhay pa sila ay ipinamamalita nang patay. Sabi naman ng marami ay maganda raw ang ganoon dahil mas hahaba pa ang buhay ng taong ipinamamalitang namaalam na.

Mas hahaba pa ang buhay ni BB Gandanghari!

Willie Revillame – Hindi totoong nagpapatalo ng milyon sa casino

Kung ano-anong bersiyon na ng kuwento ang naglalabasan ngayon tungkol sa diumano’y pagkalulong sa casino ni Willie Revillame. At dahil isa siyang sikat na personalidad, kadalasan ay nadadagdagan ang mga kuwento, ang bulate lang ay nagiging malaking ahas na kapag nagpalipat-lipat ng bibig.

Wala namang itinatago ang aktor-TV host. Totoong nagpupunta siya sa casino, totoong nagdidibersiyon siya pero alam niya naman ang disiplina sa paglalaro.

Alam ni Willie ang katotohanan na kahit isang sako pa ang biyayang hawak niya, kahit pakutsa-kutsara lang ang pagkuha niya sa laman noon, darating ang isang umaga na wala na palang laman ang sako dahil hindi naman iyon napapalitan.

Nitong huli ay sobra na ang kuwentong lumabas. Kesyo hindi raw siya pinaalis sa casino dahil umabot na sa tatlong daang milyon ang utang niya sa sobrang pagkatalo. Hinold daw siya doon nang dalawang araw, pinauwi lang siya nang mabayaran na niya ang milyong halagang inutang niya sa financier, nakakalungkot ang ganoong balita.

Siyempre’y walang ganoong nangyari. Hindi totoong nagpatalo siya nang talong daang milyon, kaya paano siya hindi pauuwiin ng financier?

Isa lang ang nasabi ni Willie, “Ano ba namang mga kuwento iyon? Sobrang magtahi ng imahinasyon ang mga taong iyon! Dibersiyon lang, naging bisyo na. Libo lang, naging milyon-milyon na?” napapailing niyang pahayag.

Ang negatibong kuwento tungkol sa kaniya, kapag tinilad-tilad mo, ay mayroon pa ring bungang positibo. Ibig lang sabihin noon ay nasa gitna pa rin ng laban si Willie Revillame, isang malaking pangalan pa rin siyang pang-headline, hindi pa siya nawawalan ng ningning.

“Ganoon ba iyon? Pero sumosobra naman ang mga kuwento, hindi naman totoo, pero inilalabas, ipinamamalita pa?” hindi pa rin makapaniwalang sabi ni Willie Revillame.

Have a comment on this article? Send us your feedback


Viewing all articles
Browse latest Browse all 250

Trending Articles