Quantcast
Channel: Showbiz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 248

Cristy Per Minute • Agosto 1-15, 2013

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 1 – 15, 2013

Marian Rivera
Marian Rivera
Zoren Legaspi & Carmina Villaroel
Zoren Legaspi & Carmina Villaroel
Xian Lim & Kim Chiu
Xian Lim & Kim Chiu
Gov. Vilma Santos
Gov. Vilma Santos
Claudine Barretto & Raymart Santiago
Claudine Barretto & Raymart Santiago
James Yap
James Yap

Marian Rivera – lilipat na sa TV5?

Nakapag-iisip nang makaitlo ang mga isinagot ni Marian Rivera sa tanong kung may katotohanan ba ang mga umiikot na kuwentong lilipat na siya sa TV5 pagkatapos ng kaniyang kontrata sa GMA-7 ngayong Agosto.

Napakadaling bitiwan ng salitang hindi, kung totoong iyon ang nasa isip at puso niya, pero paikut-ikot ang ibinibigay na tugon ng magandang aktres. Mahal daw niya ang GMA-7, pero hindi niya masasabi kung sa nasabing bakuran pa rin siya pipirma kapag natapos ang kaniyang kontrata, basta kung saan daw siya mas maaalagaan nang husto ay doon siya.

Lumutang na ang istorya ng pakikipagkita niya kay Mr. Manny V. Pangilinan, ang may-ari ng TV5. Walang gustong maniwala na nagbalitaan at nagkumustahan lang sila ni MVP noong gabing iyon. Siyempre naman ay hindi imposibleng nagkalatagan sila ng mga baraha tungkol sa kaniyang karera habang magkasama sila.

Pero ang bahagi na hindi nagbigay sa amin ng masarap na tulog isang gabi sa kaiisip ay ang sinabi ng isang source sa amin. Ang sabi nito, “Nagpalit na ng manager si Marian, nasa bakuran na siya ni Tony Tuviera. May magandang relasyon ngayon ang TV5 at ang production ni Mr. T.

“At ito ang pinakamatindi. Wilma Galvante baby si Marian. Alam ‘yan ng mga taga-GMA. Anak-anakan ni WVG si Marian, kaya malakas ang possibility na pumirma at lumipat na si Marian sa TV5,” madiing bitiw ng aming impormante.

Mula ngayon hanggang sa magtapos ang kontrata ni Marian Rivera sa Siyete ngayong Agosto ay maraming puwedeng mangyari. Maraming pagbabagong puwedeng maganap sa career ni Marian. Puwede siyang manatili sa GMA-7 at hindi imposibleng maging Kapatid na rin siya tulad ni Ogie Alcasid.

Zoren at Carmina – sinagot ang akusasyon ng driver

Nagbigay ng panig ang kampo nina Zoren Legaspi at Carmina Villaroel tungkol sa reklamong ihinain ng kanilang matagal nang driver-alalay-yayo-boy at kung anu-ano pang si Moises.

Ayon sa kampo ng mag-asawa ay walang katotohanan ang akusasyon ni Moises na walang laman ang SSS at Philhealth nito dahil in-update iyon ng kanilang sekretaryang si Karina. Maaaring hindi lang iyon nag-reflect noong busisiin ni Moises pero mayroon, “mayroon,” ayon sa kampo nina Zoren at Carmina.

“Marami na ring ginagawang kalokohan ‘yang si Moises, pero pinalalampas lang nina Zoren at Carmina, itinatakas niya ang sasakyan ni Zoren, nahuhuli siyang ginagawa iyon!

“Marami rin siyang kuwentong gawa-gawa lang, tulad noong kinuha raw siyang alalay ni Zoren. Hindi totoo iyon, si Moises mismo ang lumapit kay Zoren para sa kaniya na tumira dahil wala siyang pamilya dito sa Manila. Nagmagandang-loob naman si Zoren, wala silang usapang suweldo, allowance basis lang. Hindi siya pinababayaan ng mag-asawa!” pagtutuwid pa ng aming source na malapit kina Zoren at Carmina.

Nalulungkot lang ang kampo ng mag-asawa dahil sa nangyari. Sila na nga raw ang nagkaroon ng pusong tumulong ay sila pa ngayon ang lumalabas na masama.

Xian Lim – mas banidoso pa kay Kim Chiu

Bakit kaya ganoon ang nagiging reaksiyon ng mga kabagang naming becki kapag nakikita nilang naglalambingan sina Xian Lim at Kim Chiu? Hindi naman sila nandidiri, pero talagang nagtataasan ang kanilang mga kilay, ano ba ang problema?

Nang maghiwalay sina Gerald Anderson at Kim ay si Xian Lim na ang ipinareha sa young actress. Noong una’y maraming kontra sa kanilang tambalan. Malinaw na panggagamit lang daw kay Kim ang ginagawa ng aktor.

Kapag ipinakikita ang mga kilig moments ng dalawa ay natural lang na kasabay nilang kinikilig ang kanilang mga tagasuporta. Pero ang tanong: bakit kaya ayaw paniwalaan iyon ng mga becki?

Sabi ng isang becking nakausap namin, “Tantanan nga kami ng Xian Lim na ‘yan? Puwede ba, tigil-tigilan na niya ang pakikipaglambingan kay Kim, dahil naaalibadbaran kami sa kaniya?”

May isang becki namang nagkomento na mas banidoso pa si Xian kaysa kay Kim. Kung ilong lang daw ang palaging pinoproblema ng dalaga, si Xian naman ay lahat-lahat na, mula kuko hanggang ulo kuno ang inaalagaan ng aktor na sobra ang pagka-vain.

“Masyado siyang maalaga sa katawan niya. Naglalagay pa nga siya ng merthiolate sa mga sakong at nipples niya, di ba? Regular din ang pagpapa-manicure-pedicure niya. Ayaw na ayaw niya sa maruruming kuko.

“Sobra ang pagka-vain ni Xian, OA na ang pagiging malinis niya sa katawan. Hindi mo siya makikitang mukhang mabaho. Ang itsura niya, e, parang palagi siyang bagong paligo. Very hygienic talaga ang lalaking iyon!

“Mas mukha pa nga siyang babae kaysa kay Kim kung linis ng katawan ang pagbabasihan, e. Ganoon siya katindi, hindi mo siya matitiyempuhang marumi,” kuwento pa ng aming source.

Iyon kaya ang dahilan kung bakit nagtataasan ang kilay ng mga becki kapag napapanood nilang naglalambingan sina Xian Lim at Kim Chiu?

Gov. Vilma Santos – tagumpay ang indie movie

Nagbubunyi ang mga loyalista ni Governor Vilma Santos dahil sa malaking tagumpay ng Ekstra, ang Indie movie na pinagbibidahan ng Star For All Seasons, bilang pagbibigay-respeto at pagpapahalaga sa mga gumaganap na ekstra sa pelikula at telebisyon.

Agarang nag-text sa amin si Obet Sapin, ang kaniyang kuwento, “Share ko lang po, watch kami ng first indie film ni Ate Vi na Ekstra. Napaka-entertaining po ng movie, talagang nagtatawanan at nagpapalakpakan ang mga manonood dahil sa maraming kuwelang eksena.

“Siyempre po, napakahusay ni Ate Vi, lalo na doon sa eksenang minura siya ng direktor. Talagang ramdam na ramdam mo ang pagkapahiya at pagkaawa ng character ni Ate Vi sa kaniyang sarili, kaya napaluha na lang siya.

“At doon po sa bandang ending kung saan wala siyang dialogue at basta namuo na lang ang luha sa mga mata niya, grabe! Talagang pinalakpakan po nang husto ang eksenang iyon ni Ate Vi.

“Ipinakita po sa movie ang plight ng mga extra sa pelikula sa paraang magaan, pero seryoso ang tema,” masayang mensahe sa amin ni Obet Sapin na isa sa mga tunay na nagmamahal sa Star For All Seasons.

Maligayang bati kay Governor Vilma Santos!

Claudine at Raymart – nakakalungkot ang nangyari

Nakakalungkot ang kinahinatnan ng relasyon nina Raymart Santiago at Claudine Barretto. Maraming umasa na magtatagal sila kundi man magkakasama pa rin sa habampanahon, pero nagsisimula nang gumuho ang pag-asang iyon. Si Claudine ang unang umaksiyon.

Noong nakaraang Lunes (ika-29 ng Hulyo) ay nagsadya siya sa Marikina-RTC para maghain ng Temporary Protection Order (TPO) laban kay Raymart. Natatakot daw siya para sa kaniyang sarili at para sa kaniyang mga anak. Hiling niya sa husgado na mapagbawalan ang kaniyang mister na makalapit sa kanila para makapanggulo.

Sinasaktan daw siya ni Raymart. Taong 2005 pa lang daw ay kung ano-ano nang paraan ng pananakit ang ginagawa sa kaniya ng aktor, kaya hindi na niya matatagalan pa ang mga ginagawa ng kaniyang asawa.

Malaking kasiraan sa pagkatao ni Raymart ang mga akusasyon ni Claudine, kaya sa isang panahong ang inaasahan ng marami ay hindi pa rin magsasalita si Raymart ay nagpadala ito ng kaniyang opisyal na komento tungkol sa mga ibinabatong paghusga sa kaniya ng ina ng kaniyang mga anak. Kumakagat ang mga pahayag ng aktor kahit maigsi lang.

Ayon kay Raymart ay hindi ito gagawa ng anumang negatibong hakbang na makakaapekto sa mga bata. Walang katotohanan daw ang akusasyon ni Claudine na sinasaktan nito nang pisikal ang aktres. At ang pinakamatindi ay ang sinabi ng aktor na kilalang-kilala si Claudine sa kahusayang gumawa ng mga kuwentong wala namang katotohanan.

Iyon ang pinakamatindi doon. Parang kailan lang nang mismong nakatatandang kapatid ni Claudine ang nagpatunay na marami siyang hinahabing mga kuwento na hindi naman totoo. Mukhang madidiin siya nang husto ngayon sa mga pinakawalang salita ni Raymart Santiago.

Labanan na ng kredibilidad ang mangyayari ngayon. Sino ba sa kanilang dalawa ang mas kapani-paniwala? Sino ba sa kanila ang may kapasidad na mag-imbento lang ng mga kuwento. Kani-kaniyang kampo na ang maglalaban-laban ngayon para lang lumutang kung sino sa mag-asawa ang nasa tamang posisyon.

Mas nakalulungkot na senaryo.

James Yap – nilait-lait sa maling Ingles

Pinagpipistahan ngayon ang mali-maling pag-i-Ingles ni James Yap. Ginagawa siyang laruan ngayon ng mga kababayan nating nagpapalitan ng mga komento sa social media. Ingles pa raw kasi nang Ingles ang basketbolista pero mali-mali naman.

Sa positibong pananaw ay walang problema kung magkamali-mali man sa pagsasalita ng Ingles si James dahil hindi naman siya banyaga sa sarili nating bayan. Pilipino siya, kaya kung kumakabyos man ang kaniyang dila sa pagbibitiw ng lengguwahe ni Uncle Sam ay kauna-unawa iyon.

Hindi naman nagpanggap si James na matatas siyang mag-Ingles. Kahit naman noong mga panahong nagsasama pa sila ni Kris Aquino ay hindi rin siya nag-uumingles. Sa lengguwahe natin siya sumasagot sa mga tanong kahit pa sabihing Inglisera ang kaniyang misis.

At hindi nakahihiya kung magkamali man tayo sa pagsasalita ng wikang banyaga. Ang nakakahiya bilang Pilipino ay kapag sa sarili nating lengguwahe tayo nagkakamali-mali. Iyon ang malaking kahihiyan at pretensiyon.

Napanood namin ang panayam na iyon kung saan sinabi ni James na matindi raw ang suportang ibinibigay sa kaniya ni Michaela Acazzola, ang Italyana niyang karelasyon. Wala na raw siyang mahihiling pa.

Ang sabi ni James, “Yes, she’s very support,” sa halip na “supportive.” Doon siya nabutasan ng mga kababayan nating kahit naman noon ay walang nakikitang positibo tungkol sa kaniya.

Pero sa isang banda ay puwede rin naman nating paalalahanan ang basketbolista na huwag na lang kasi siyang nagsasalita sa Ingles. Alam niya namang mahina siya doon. Maging kumportable na lang sana siya sa wikang kabisado niya.

Hindi naman makababawas sa kaniyang talento at pagkatao ang hindi niya pag-i-Ingles. Magaling pa rin naman siyang basketbolista kahit Pilipino ang ginagamit niyang wika. Hindi pa siya nabubutasan at napapahiya.

Nangingiliting tanong ng isa naming kaibigan, “Maitanong ko lang. Paano kaya ang sitwasyon noong nagsasama pa sila ni Kris? Paano sila nag-uusap? Si Kris pa naman, Inglisera siya, samantalang si James, eh, hirap na hirap pa ngang managalog dahil Ilonggo-Bisaya siya?

“Si Kris kaya ang nag-adjust noon o si James ang hirap na hirap sa pakikipag-Inglesan kay Kris? Sa tagal ng panahong magkasama sila, dapat naman siguro, eh, may natutunan na rin si James sa ex niya!” Oo nga naman.

Sabi nga, no talk, no mistake, more talk, more mistake. Makagaganda kung sa Pilipino na lang sasagot si James. Mag-Inglesan na lang sila ni Michaela kung kailangan, tutal naman ay pareho lang silang hindi kagalingan mag-Ingles.

Hindi na pinagtatakahan ni Kris ang ganitong kuwento, kahit noong magkasama pa sila ni James Yap bilang mag-asawa ay mayroon na ring mga reklamo ang aktres-TV host sa ama ni Bimby. Umaandar na kahit noon pa ang kaniyang pagiging taklesa.

Kuwento ni Kris ay nanood daw sila ng sine noon, marami raw silang magkakasama, comedy ang pelikulang pinanonood nila. Tawanan na raw sila nang tawanan ng kaniyang mga pinsan ay tahimik lang si James. Walang kangiti-ngiti, hindi rin siya kumikibo.

Sabi ni Kris sa kaniyang mister noong nagdi-dinner na sila, “Ikaw talaga, you don’t know what humour is! Hindi ka natatawa kanina, we were all laughing na, pero ikaw, parang you don’t understand naman what you’re watching!”

Sabi ng isang kaibigan nilang designer, “Si Kris talaga, napakataklesa! Imagine, sa harapan mismo namin, nilalait niya si James? Naku, gusto ko nang magtago sa ilalim ng mesa habang inookray niya ang mister niya!”

Ha! Ha! Ha! Ha!

Have a comment on this article? Send us your feedback


Viewing all articles
Browse latest Browse all 248

Trending Articles