Quantcast
Channel: Showbiz
Viewing all 250 articles
Browse latest View live

Cristy Per Minute • Enero 16-31, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminEnero 16-31, 2020

      APL.De.Ap at KC Concepcion
APL.De.Ap at KC Concepcion
  SHARON CUNETA
 
Sharon Cuneta
  Meghan Markle & Prince Harry
 
Meghan Markle & Prince Harry
  James Reid & Nadine Lustre
 
James Reid & Nadine Lustre
  Ai Ai Delas Alas
 
Ai Ai delas Alas
  Vice Ganda & Anne Curtis
 
Vice Ganda & Anne Curtis
  Kris Akino & kaniyang mga anak
 
Kris Akino & kaniyang mga anak
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

APL.De.Ap at KC Concepcion – Hindi pa kumpirmado, ang daming kontra

Hindi pa man kinukumpirma nina APL.De.Ap at KC Concepcion ang napapabalitang pagkakaroon nila ng relasyon ngayon ay napakarami nang kumokontra.

Para sa amin ay mababaw ang kanilang dahilan, napakaganda raw ng dalaga para maging girlfriend ng sikat na singer, hindi sapat na basehan ang itsura ng mga taong nagmamahalan.

Puso pa rin ang nagdidikta sa pakikipagrelasyon, hindi ang pananaw ng mga nakasilip lang, kung talagang nagmamahalan sila ay ano naman at nasaan ang problema?

Isa si APL.De.Ap sa mga Fil-Am na nagsulat ng pangalan ng Pilipinas sa mapa ng mundo, huwag maliitin ang pangalan at itsura ng singer, kung tutuusin ay mas malaking di hamak ang napatunayan niya kesa kay KC Concepcion.

Sharon Cuneta ­– Kausapin na lang sana nang personal si KC

Asahan na ang panibagong kilometrikong post ni Sharon Cuneta sa mga darating na araw dahil sa mga inilalabas na posts ni Gabby Concepcion.

Makahulugan ang mga mensahe ng ama ni KC, na maaasahan din naman, dahil sino pa nga ba ang makauunawa sa posisyon ngayon ng dalaga kundi ang kaniyang sariling ama?

Sabi nga ng mga nakakausap namin ay siguradong babalikan na naman ang nakaraan. Mauungkat na naman ang kanilang hiwalayan, ang mga dahilan kung bakit nagkani-kaniya sila ng landas, at ang hindi pagbibigay ng sustento ni Gabo sa kanilang anak habang lumalaki ito.

Sa totoo lang ay si Sharon lang naman talaga ang bumalikat ng lahat-lahat ng mga pangangailangan ni KC mula nang makahiwalay sila ni Gabby.

Mag-isa lang na itinaguyod ng Megastar ang pag-aaral ni KC, ang mga personal na kailangan ng kanilang anak, walang naging partisipasyon ang aktor sa paglaki ng kanilang anak.

Kung matatandaan ay si KC pa nga ang naghanap sa kaniyang ama, pinuntahan nito si Gabby sa Amerika, hindi agarang natanggap ni Sharon ang senaryo pero noong bandang huli ay inunawa na rin niya si KC dahil sa linya nitong “I am complete now.”

May punto rin naman si Gabby na hindi dapat ipinahihiya ni Sharon ang kanilang anak on national television. Suporta at pag-intindi ang kailangan ni KC at hindi panglalaglag ng kaniyang sariling ina.

Naging emosyonal kasi si Sharon sa TV show nang bumati sa kaniya si Senador Francis Pangilinan na akay-akay ang kanilang adopted son na si Miguel.

Makahulugan ang binitiwang salita ng Megastar kaya siya sobrang emosyonal, “Ang alam ko kasi, e, apat ang anak ko,” wala si KC sa kaniyang selebrasyon.

Sinabi rin niya pagkatapos bumati ang mister niyang senador, “Hindi baleng hindi mo kamukha si Brad Pitt, marami naman siyang problema. Tayo, wala.”

Pero nagmarka sa manonood ang pahayag ni Sharon sa kaniyang mga anak na gayahin nila ang pagiging mabuting anak ni Sarah Geronimo pati na nina Regine Velasquez at Judy Ann Santos.

May tampo ang Megastar sa kaniyang panganay, kung kilala nga namin ang ugali ni Sharon ay hindi niya kayang kimkimin ang kaniyang nararamdaman, naghahanap ng panahon at pagmamahal ang nanay mula sa kaniyang anak.

May pahabol pa si Sharon kina Frankie, Miel at Miguel, ang palaging ilalapat ang kanilang mga paa sa lupa, ang bibigyan ng pagpapahalaga ang mga nagagawang kabutihan ng mga magulang nila, ang huwag makalilimot magpasalamat.

Hindi ganoon kasimple ang mga binitiwan niyang habilin sa kaniyang mga anak. Mayroon siyang gustong gisingin. Mayroon siyang gustong paalalahanan.

Maraming netizens din ang nagkomento na sana’y personal na lang nilang pinag-usapan ang kanilang problema at hindi ganoon na may parinig pa ang Megastar na hindi mabuting anak at kapatid ang kaniyang panganay.

Bibiyahe pa nang malayo ang isyung ito dahil nakatagpo ng kakampi si KC sa kaniyang ama. May naghihintay rin ng reaksiyon nina Senador Tito Sotto at Tita Helen Gamboa dahil sa kanilang bahay nagdiwang ng Pasko si KC at hindi sa bahay ng kaniyang ina.

Prince Harry at Meghan – Gusto na nilang mamuhay nang normal

Tinutukan namin sa CNN ang segment tungkol sa pagkabigla ni Queen Elizabeth II ng United Kingdom tungkol sa pormal na pagpapaalam ng kaniyang apong si Prince Harry na lalabas na sa palasyo ang kaniyang pamilya.

Naghahanda na sa paglipat sa Canada ang prinsipe kasama ang kaniyang misis na si Meghan Markle at ang kanilang anak na si Archie.

Simple lang ang ibinigay na dahilan ni Prince Harry, gusto na nilang mamuhay ni Meghan nang tahimik, iyong malayo sila sa mata ng publiko na lahat na lang ng kanilang kilos ay sinusukat at pinanghihimasukan.

Gusto na nilang mamuhay nang normal, hindi na niya hihintayin pa ang panahon ng kaniyang pamumuno sa kanilang balwarte, pang-anim si Prince Harry sa bahagdan ng manunungkulan sa United Kingdom.

Naging malaking palaisipan ang kaniyang desisyon, sa panayam ng CNN sa mga taga-UK ay isa lang ang kanilang sinasabi, gutom na gutomn na sa kalayaan ang prinsipe.

Handang-handa na niyang iwanan ang posisyong nakatakdang ibigay sa kaniya, mas gusto niyang mamasyal kasama ang kaniyang pamilya nang walang mga nakasunod-nakasubaybay na guwardiya, isang normal na buhay ang kinasasabikan ng prinsipe.

Tama ang katwiran ni Prince Harry, minsan lang tayong mabubuhay sa mundo, isang buhay lang ang nakalaan sa bawat tao kaya mas magandang gamitin niya na ang panahon sa paraan kung saan sila magiging masaya ng kaniyang pamilya.

At totoong-totoo naman na walang katapat na presyo ang kalayaan at kaligayahan.

James Reid at Nadine Lustre – Sila pa rin, di ba?

Maraming sightings ngayon kina James Reid at Nadine Lustre. Palagi silang magkasama, malapitan o malayuan man, isang buhay na patotoo na walang katotohanan ang lumutang na kuwentong hiwalay na sila.

Natural lang naman sa mga magkarelasyon ang hindi pagkakaintindihan, pero sabi nga ng isang napakagasgas nang linya na parang suwelas ng sapatos, at the end of the day ay nagkakaayos din sila.

Dalawang taon nang nagli-live-in sina James Reid at Nadine Lustre. Sa mga panahong ito ay malalim nang pundasyon ang nag-uugnay sa kanila.

Nakakapanghinayang naman kasi talaga kung mauuwi sa hiwalayan ang matagal na nilang relasyon. Mas maraming malulungkot kesa sa magbubunyi dahil naging saksi ang taumbayan sa kanilang pagmamahalan.

Ai Ai delas Alas – Hindi sang-ayon sa same-sex marriage

Pinagtripan ng mga bashers ang Comedy Concert Queen dahil sa kaniyang pagsang-ayon sa Supreme Court na pagbabawal sa same sex marriage dito sa ating bayan.

Konbiksiyon ni Ai Ai delas Alas iyon, hindi natin mahaharangan ang kaniyang opinyon, kung paanong hindi rin naman niya sinasaklawan ang pananaw ng ibang tao.

Iyon ang kaniyang pinaninindigan at pinaniniwalaan, isang lalaki at isang babae lamang ang maaaring magpakasal, hindi parehong babae at parehong lalaki.

Kung may mga namba-bash sa sikat na komedyana ay mas marami naman siyang kakamping mga kababayan natin, lalo na ang mga taong-simbahan, sinasang-ayunan ng mga ito ang paniniwala ni Ai Ai.

Saka sanay na siya sa mga ganyang pamba-bash, siya pa ba naman ang mawiwindang sa mga bira ng mga taong walang magawang maayos sa buhay, siya pa ba?

Basta para sa bida ng D’Ninang, walang makapagpapabago sa kayang paniniwala, iyon ang kaniyang konbiksiyon at paninindigan niya iyon.

Vice Ganda – Hindi nag-top “Ang Kabogable Star” sa MMFF

Hindi naging paborable kay Vice Ganda ang babaran niyang exposure sa telebisyon. Mula Lunes hanggang Sabado ay napapanood siya sa It’s Showtime. Tuwing Linggo naman nang gabi ay mayroon siyang GGV.

Kung ano ang napapanood sa kaniya nang isang buong linggo na pagkokomedya ay iyon din ang nakikita sa kaniya sa pelikula. Doon na pumapasok ang umay factor.

Kung sana’y iba ang nakikita sa kaniya sa araw-araw, kung sana’y ibang atake ng pagkokomedya naman ang ihinahain niya sa publiko, di sana’y siya pa rin ang mayhawak ng trono ng MMFF.

Halos kalahati ng dating kinikita ni Vice sa kaniyang pelikula sa MMFF ang ibinagsak ng kaniyang kinita ngayon, ang mahigit na 600 million ay nangalahati na lang, talagang kailangan niyang rebisahing mabuti kung saan sila nagkamali para lampasan siya nang milya-milya ni Aga Muhlach sa isang iyakang pelikula.

Sa isang umpukan ay pinagpistahan-ginawang laruan ang titulong kakambal ng pangalan ni Vice Ganda na The Unkabogable Star.

Paano na raw ngayon? Kinabog siya ni Aga Muhlach sa MMFF? Hindi na hawak ngayon ng sikat na komedyante-TV host ang titulo bilang topgrosser sa taunang pestibal?

Sabi ng isang miron sa umpukan, “Napakasimple lang ng problemang iyon! E, di instead na The Unkabogable Star, e, magiging Ang Kabogable Star na si Vice Ganda!

Sa kanilang noontime show noong isang araw ay wala nang isinisigaw na milyones na kinikita ng kaniyang pelikula sa MMFF si Vice Ganda.

Malayung-malayo iyon sa madalas niyang sigaw na nakakaisang milyon na raw ang kaniyang pelikula, pasalamat siya nang pasalamat sa mga kababayan natin, dahil sa tagumpay ng pelikula niyang katatawanan.

Mahirap ang buhay, hindi naman pinupulot lang sa imburnal ang mataas na halaga ng pampanood ng sine ngayon, kaya kailangang kapaki-pakinabang ang maging kapalit ng halagang ginagastos nila.

Maganda ring paminsan-minsan ay nakakatanggap ng pagkatalo si Vice Ganda para hindi siya masyadong kampante. Para hindi siya basta-basta nangingitlog na lang sa kaniyang pedestal.

Level-up ang kailangan niyang matutuhan dahil mahigpit na ang labanan lalo na ngayong naghihigpit na rin ng sinturon ang manonood dahil sa hirap ng buhay.

Kris Aquino – Walang magawa ang pera, sakitin pa rin

Maselan pa rin ang kalusugan ni Kris Aquino. Masasakitin pa rin siya. Sa isang panahon na ang akala ng mas nakararami ay naugat na ng mga doktor ang kaniyang sakit ay mahina pa rin pala ang kaniyang sistema.

Kung walang milyones na pangtustos sa kaniyang kundisyon si Kris ay madaling unawain kung bakit hindi pa rin siya nakababawi sa kaniyang dinaramdam.

Pero kaya niyang sustinihan ang kaniyang sakit, hindi mauubos ang pera niya, dahil hindi naman siya kakapusin sa pampaospital at pambili kahit nang pinakamamahal na gamot.

Hindi nga lahat ay ibinibigay sa isang tao lang. Umaapaw sa materyal na bagay si Kris pero kalusugan naman ang kaniyang pinoproblema. May mga pamilyang kapos na kapos pero matitibay naman ang katawan.

Awang-awa ang aming mga kaibigan sa mga bagong posts ni Kris Aquino sa social media. Mayroon siyang mga retrato at video habang kumakain sila ng hamburger sa Amerika ng kaniyang mga anak na sina Josh at Bimby.

Hindi nila kinaaawaan ang mag-iina dahil hamburger na lang ang kinakain nila, kayang-kayang bumili ng kahit anong klase ng pagkain si Kris, ang nakaantig sa kanilang damdamin ay ang ginagawang proseso ni Kris tungkol sa pagkukuwento kung paano binubuo at kinakain ang hamburger.

Sabi ng isang kaibigan naming maka-Kris, “Naaawa lang ako sa kaniya dahil sa kawalan niya ng show, e, idinadaan na lang niya sa social media ang mga ginagawa nila ng mga anak niya.

“Kinukunan niya ng pictures ang hamburger, pati ang pagbili niya ng bread sa isang grocery, e, documented. Naaawa talaga ako sa kaniya. Wala pa rin kasi siyang show where she can showcase everything na ginagawa nilang mag-iina,” seryosong reaksiyon ng aming kaibigan.

Sana’y magkaroon na ng programa sa taong ito si Kris, kailangan niya ng pagkakaabalahan, kapag masyado niyang tinutukan ang kaniyang pisikal na kundisyon ay mas magiging sensitibo ang kaniyang katawan.

Kailangan siyang maging abala, tutal naman ay maraming kababayan natin ang nag-aabang sa kaniyang pagbabalik, wala pa ring nakaaagaw ng kaniyang trono kahit pa ilang taon na siyang lumiliban sa pagho-host.

Willie Revillame at Alden Richards – May mga bahay sa Tagaytay

Nasa elementarya pa kami nang masilayan namin ang kagandahan ng bulkang Taal. Galing kami noon ng aming pamilya sa Sampaga, Balayan, Batangas at noong pauwi na kami ay dumaan ang bus sa mismong tagiliran ng bulkan.

Dahil gabi na ay kitang-kita namin ang apoy mula sa bunganga ng bulkan, napakaganda nitong pagmasdan, parang postcard iyon sa kaniyang kagandahan.

Pero noong nakaraang Sabado (January 11) nang madaling-araw ay pumutok ang bulkan, umabot ang mga abo ng pag-aalburoto nito hanggang sa mga bayan ng Calabarzon, sa mga oras na ito ay damay na rin ang maraming lugar sa Maynila.

Si Willie Revillame agad ang naisip namin, nasa Tagaytay ang kaniyang mga bahay, ang pinakamalapit sa bulkan ay ang kaniyang mansiyon at mga villa sa Iruhin, mula sa rooftop noon ay kitang-kita ang nag-iimbitang kagandahan ng Taal volcano.

Nag-text agad kami sa kaniya, pero puro kalokohan ang kaniyang sagot sa aming tanong kung ligtas ba siya, kumusta na ba ang kaniyang mga bahay sa Tagaytay?

“Heto, nasa mismong loob nga ako ng bulkan, medyo mainit lang. Salamat sa pag-alala, wala na ako doon, lumipad na kami pabalik ng Manila kanina pa,” nagbibirong sagot ng sikat na aktor-TV host.

Punumpuno ng putik at abo ang kaniyang bakuran sa Iruhin, hindi iyon puwedeng makaligtas sa pagsabog, dahil malapit na malapit lang sa Taal Lake ang kaniyang mansiyon.

Agad namang nakabalik sa Manila si Willie hindi pa man nagsisimulang sumabog ang bulkan, siya mismo ang nagpalipad ng kaniyang chopper, kaya nakakuha pa sila ng kaniyang mga kasama ng mga retrato ng Taal volcano bago nagbuga ng abo at putik.

Wala ring dapat ipag-alala ang mga tagahanga ni Alden Richards dahil sa pag-aalburoto ng bulkang Taal.

Si Alden naman ay nakatira sa Nuvali, umabot na ang ashfall sa lahat ng bayan ng Calabarzon, kaya nag-aalala ang mga fans ng Pambansang Bae kung maayos ba ang kundisyon ng kaniyang pamilya.

Ang mga kaibigan naming naninirahan sa Cavite at Laguna ay ligtas naman, pero inirereklamo nila ang makating ashfall at nagpuputik na kalye, sinabayan pa iyon ng kawalan ng kuryente at tubig.

Harinawang maagapan agad ang kalagayan ng mga kababayan natin sa mga lugar na apektado talaga ng pagputok, iwanan na nila ang kanilang mga ari-arian, kesa naman sa mabuwis pa ang kanilang buhay sa senaryong ito. – CSF

 


Cristy Per Minute • Pebrero 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminPebrero 1-15, 2020

      Angel Locsin
Angel Locsin
  Alex Gonzaga
 
Alex Gonzaga
  Sharon Cuneta & Frankie
 
Sharon Cuneta & Frankie
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Kathryn Bernardo
 
Kathryn Bernardo
  Gerald Sibayan Ai Ai Delas Alas
 
Gerald Sibayan & Ai Ai Delas Alas
  Jiro Manio
 
Jiro Manio

Angel Locsin – Tumutulong sa Taal victims nang walang fanfare

Pagdating sa tahimik na pagtupad sa mga charity works ay nangunguna sa litahan si Angel Locsin. Wala siyang kaingay-ingay na tumutulong sa mga kababayan nating hinahagupit ng iba-ibang uri ng kalamidad.

Walang camera, walang coverage ang kaniyang pagtulong, sa ibang tao pa natin nalalaman ang kabutihan niyang ginagawa para sa ating mga kababayan.

Pero nitong huli, sa pagsabog ng bulang Taal, ay naging diretso siya sa paglalabas ng kaniyang damdamin sa Twitter. Gusto niyang malaman kung anu-ano ang mga pangangailangan ng mga sinalanta at hanggang ngayo’y pinahihirapan pa rin ng pag-aalburoto ng Taal volcano.

Galing sa sarili niyang bulsa ang ipinambibili nila ng mga pagkain at kagamitang naka-schedule kung saan-saang evacuation center nila dadalhin.

Mismong sumasama ang magandang aktres sa pagbabalot ng mga pangtulong nila, nagpupuyat at nagpapagod siya sa paghahanda, hindi siya basta tagabigay lang ng mga detalye.

Maraming kababayan natin ang nagtutulak kay Angel Locsin para kumandidatong senador sa susunod na halalan. Ang tulad daw niya ang kailangan ng ating bayan.

Sigurado namang maipapanalo niya ang laban, pero mukhang malayo sa bituka ni Angel Locsin ang pagpasok sa mundo ng pulitika, gasgas man ang linyang sinasabi niya ay totoo namang maaari siyang makatulong sa mga nangangailangan kahit wala siyang upuan sa ating pamahalaan.

Alex Gonzaga – Binabash ng mga kampon ni Mocha

Maraming kampon si Mocha Uson na walang binabantayan kundi pintasan ang mga personalidad na mapusong nagbibigay ng donasyon sa mga kababayan nating naapektuhan ng pagputok ng bulkang Taal.

Sa halip na magpasalamat sila dahil may mga artistang niregaluhan ng mabuting puso sa pagtugon sa gibik ng mga biktima ay pilit pa rin silang hinahanapan ng mga butas para i-bash nang wagas.

Nagbigay ng tulong si Alex Gonzaga sa mga evacuation center, marami siyang nabahaginan, masaya ang mga biktimang nakatanggap ng kaniyang tulong.

Pero ano ang napala ni Alex sa pagpapairal niya ng magandang kalooban, ang pintasan lang ng mga bashers ang kaniyang ipinamigay, dalawang latang sardinas lang daw iyon na nakalagay pa sa lukut-lukot na eco bag!

Sana man lang, ang mga bashers na iyon na tumatalak-namimintas ay nakapagbigay nang kahit isang lata lang ng sardinas na puwedeng pagsaluhan ng mga biktima, kaso nga ay hanggang talak lang naman ang alam nilang gawin.

Milyun-milyon daw ang kinikita ni Alex sa kaniyang You Tube at vlog pero iyon lang daw pala ang kaya niyang i-share?

Unang-una ay hindi obligado ang kahit sino na magpadala ng tulong. Magandang puso ng tao ang nagtutulak sa kaniya para magbigay ng ayuda sa mga nangangailangan.

Ang ganoong akto ay ipinagpapasalamat, hindi pinipintasan, hindi bina-bash. Maraming may sobra-sobrang biyaya na hindi natitinag ang puso sa paghahandog ng tulong.

Hindi sukatan ang pagkakaroon nang sobra-sobrang biyaya para tumulong sa mga naghihirap nating kababayang nagiging biktima ng kalamidad. Maraming ganoon pero walang pakialam.

Pasalamat na lang tayo dahil may mga artistang hindi naman itinutulak na magbahagi ng kung anumang mayroon sila pero nagkukusa.

Ke isang lata lang ng sardinas ang ibinigay ay biyaya pa rin iyon, biyayang mula sa puso, biyayang makatutugon sa mga gutom na bituka ng mga kababayan nating nagtatanong ngayon kung kailan sila makababangon.

Sharon Cuneta – May basher-magnet dahil sa kapo-post sa social media

Napakabilis ng pagbaligtad ng senaryo tungkol sa mag-inang nagkakatampuhan. Kung noong una ay halos ipako na sa krus ng mga netizens si KC Concepcion dahil sa diumano’y kawalan ng utang na loob at pagpapahalaga sa kaniyang ina ay biglang kambiyo na ngayon ang mga nagagalit sa anak ni Sharon Cuneta.

Ito na ang kanilang kinakampihan ngayon, ang Megastar na ang bina-bash, ang kadaldalan daw ni Sharon ang ugat ng mga nagaganap na kontrobersiya sa personal nilang buhay.

Eksaktong komento ng isang basher ng aktres, “Di ba, you and your big mouth lang ang dapat sisihin kung bakit malayo ang loob sa iyo ng anak mo?

“Ilang beses mo na ba siyang inilaglag in public? Puro ka pasaring! Pupurihin mo nang pupurihin si Frankie, halos luhuran mo na ang kabaitan ng anak n’yo ni Kiko, pero ang gusto mo lang namang ipaalam sa post mo, e, walanghiyang anak si KC?

“Sana, magpurihan na lang kayong mag-ina sa bahay n’yo! Huwag mo nang ipino-post pa iyon para kawawain mo si KC!” inis na sabi ng kaniyang basher.

Nasasaktan si Sharon, wala raw alam ang mga bashers sa nagaganap sa buhay nilang mag-ina, kaya huwag silang makialam.

Ay, lalo siyang niresbakan ng kaniyang mga bashers, mas wagas ang mga aryang ipinatikim laban sa kaniya!

Pag-iisahin na lang namin ang buod ng kanilang komento dahil pare-pareho lang naman, si Sharon pa rin ang kanilang sinisisi, dahil kung hindi niya ipinahiya si KC on national television at sa kaniyang mga posts ay talagang wala naman sanang alam ang publiko tungkol sa kanilang mga problema.

Sabi ng isa, “Kung ayaw mong nanghihimasok ang mga tao sa buhay n’yo, tumigil ka sa pagpo-post! Tantanan mo ang mga kadramahan mo! Sarilinin mo na lang ang kaartehan mo!” Aray ko!

John Lloyd Cruz – Balik-pelikula, kinasasabikan pa rin ng lahat

Maraming nagpapalagay na ang pagbabalik sa trabaho ni John Lloyd Cruz ang nagseselyo sa balitang lumabas na tapos na ang lahat sa kanila ni Ellen Adarna.

Matagal nang lumabas ang kuwento ng kanilang hiwalayan, pero wala pang kumukumpirma, parehong tahimik lang sina John Lloyd at Ellen.

Dapat lang namang bumalik na sa tinalikuran niyang trabaho si JLC sila pa rin ni Ellen o hindi na dahil sayang na sayang ang panahon at mga oportunidad na pinalalampas niya.

Sa dalawang taon niyang pagtalikod sa mga camera ay marami nang mga bagong mukha na naglalabasan, magagaling ding umarteng tulad niya, pero ang kinasasabikan pa rin ng marami ay ang pag-arteng tatak John Lloyd Cruz.

Sila ni Shaina Magdayao ang magkatambal sa pagbabalik-pelikula ng magaling na aktor, may pag-uusapan, may babalikan ang publiko sa kanilang tambalan, ang pelikulang Servando Magdamag.

Ayos na ang promo ng obra ni Direk Lav Diaz, panalung-panalo na ang pagbebenta sa kanilang proyekto, pero pinakamahalaga pa ring maging maayos ang pelikula para sulit naman ang desisyon ni JLC na magbalik-trabaho na.

Ang tulad ni John Lloyd Cruz na nawala man nang matawagal na panahon sa paningin ng manonood ay siguradong mayroon pa ring babalikan dahil sa matibay na pundasyon sa pag-arte na matagal niyang pinagpaguran.

Kathryn Bernardo – Binabash dahil nagmura nang nagulat

Tao lang ang mga artista, sikat man o nagsisimula pa lang, na nagugulat, natatakot, nagagalit, natutuwa. Hindi sila naiiba sa mga taong hindi humaharap sa mga camera.

May mga namba-bash ngayon kay Kathryn Bernardo dahil sa hindi niya naman sadyang pagbibitiw ng salitang PI sa isang vlog noong malapit na siyang madulas sa malaking bloke ng yelo.

Nagulat ang dalaga, natural lang na reaksiyon ang pagsasabi ng PI, dahil sa sobrang pagkagulat. Pero minasama iyon ng mga taong mapanghusga, hindi raw siya magandang ehemplo sa mga kabataan, dahil nagmumura siya.

Naaalala namin si Claudine Barretto sa isang episode ng ASAP. Glamorosong-glamorosong naglalakad ang aktres sa tentablado, pero nasilat ang kaniyang paa, kaya isang pagkalakas-lakas na “Ay, p√*≈ng-ina!” ang kaniyang naging reaksiyon.

Hindi iyon sinasadya ni Claudine, natural na reaksiyon lang ang mapamura, lalo na’t malapit na talaga itong mahulog sa entablado.

Ganoon din ang naganap kay Kathryn, malapit na siyang madulas-bumagsak, kaya natural lang ang mapamura ang kahit sino sa ganoong pagkakataon.

Saka sige, sino ba ang hindi napapamura kapag nagugulat, nagagalit at malapit nang malagay sa aksidente? Dalawa-singko na lang ngayon ang pagmumura.

Kapag nabubuwisit ang mga motorista sa matinding trapik ay ano ba ang kanilang nabibitiwang saltia, di ba’t PI rin?

Walang nakaliligtas sa pagmumura, hinihinging reaksiyon ang ganoon sa pagkagulat, pero ang seryosong pagmumura ay hindi dapat kinukunsinti.

Lagi nating iisipin na ang mga tinitiliang artista ay napapatili rin kapag nanonood ng mga pelikulang katatakutan.

Sumasakit din ang kanilang ulo, ngipin at katawan, hindi sila bukod na pinagpala na hindi nakakaramdam ng natural na nararamdaman ng mga ordinaryong tao, hindi sila imortal.

Ai Ai delas Alas – Masaya at tahimik dahil kay Gerald

Hawak ngayon ni Gerald Sibayan, mister ni Ai Ai delas Alas, ang kaniyang lisensiyang makapagpalipad ng private plane.

Kailangan niyang mag-level-up sa mga darating na buwan, lisensiya naman ng pilotong makapagpapalipad na ng commercial plane ang kaniyang inaasinta, hindi iyon imposible dahil masikap ang asawa ng Comedy Concert Queen.

Kuwento ni Ai Ai, “Noong nag-aaral pa lang siya sa La Salle, e, nakita ko na kung gaano siya kadeterminadong makapagtapos. Gumigising siya nang madaling-araw para hindi mahuli sa school niya.

“Pagkatapos niya sa school, takbo naman si Gerald sa pagte-training ng mga members ng national team sa badminton. Sabi ko, grabe ang taong ito, talo pa ako sa professionalism!” masayang kuwento ni Ai Ai.

Mas bata siya kesa sa komedyana, pero ang takbo ng kaniyang isip ay daig pa ang matanda, isa-isa nang natutupad ang mga pangarap ni Gerald Sibayan.

“Kahit po noong magkakilala kami, e, hindi ko naman tiningnan ang wife ko na sikat. Ordinary lang. Hindi po ako affected ng popularity niya,” sabi ni Gerald.

Mabilis na sagot ng komedyana, “Napansin ko iyon! Parang balewala lang sa kaniya ang mga naging achievements ko! Parang wala lang, basta laro lang kami nang laro ng badminton!” tawa nang tawang reaksiyon ng bumibida sa pelikulang D’Ninang na palabas na bukas.

Aminado si Ai Ai na regalo sa kaniya ng Diyos si Gerald, “Mabait siya, very low key, walang kaepal-epal. Trabaho lang siya nang trabaho. Ako pa nga ang talakera, e!”

Hindi naaapektuhan ng mga bashing ang mister ng komedyana. Kilalang-kilala niya kasi ang kaniyang sarili, alam niya na hindi siya umaasa lang sa kaniyang misis, matatag ang pundasyon ng kaniyang mga pangarap.

Jiro Manio – Balik-kulungan, binale-wala ang mga tulong

Totoo namang nakapanghihinayang nag kinahinatnan ng isa sa pinakamahusay na aktor ng ating bayan na si Jiro Manio. Mula sa kaniyang ipinakitang galing sa pag-arte sa pelikulang Magnifico ay kung anu-ano nang hindi kagandahang karanasan ang kaniyang pinagdaanan.

Nakita siyang palabuy-laboy noong 2015 sa aiport, ang kaniyang dahilan, gusto niyang makita nang personal ang kaniyang amang Japanese kaya naghihintay siya ng flight ng eroplanong maghahatid sa kaniya sa Japan.

Isandaang porsiyentong suporta ang ibinigay sa kaniya ng Comedy Concert Queen na si Ai Ai delas Alas, hindi barya-barya lang ang ginastos ng komedyana sa pagpapa-rehab sa kaniya, pero wala ring nangyari dahil nagpilit siyang lumabas.

Magbabalik na raw siya sa pag-arte, kailangan daw niyang buhayin ang kayang mga anak, pero hindi naman iyon nangyari. Iniwanan din niya ang magandang trabahong ibinigay sa kaniya ng rehab, kumikita siya doon, hindi naman libre lang ang kaniyang serbisyo.

Laman na naman ng mga pahayagan ngayon si Jiro Manio, naghihimas siya ng malamig na rehas na bakal, sa asuntong frustrated homicide.

Ang kuwento ni Jiro Manio ay isang buhay na patotoo na walang nagagawang positibo sa tao ang paggamit ng droga. Lalong walang maaasahang magandang kapalaran ang kahit sinong nagpapatalo sa bisyo. – CSF

Raffy's salute to the Eagles

$
0
0

Hotel California: A Salute to the Eagles

Raffy Swap One and Friends

Essence Event Centre, CanadInns Destination Centre Garden City, Saturday, February 1, 2020

 

 
Photos by Jeprox Photography, Jhayzon Paredes, Karen Morrow & Ronaldo Trinidad

by Karen Morrow

The Hotel California: A Salute to the Eagles concert at Essence Event Centre on February 1, 2020 had it all – from country rock and ballads to funk and rock & roll, plus kids, colourful lights, theatrical fog, guitar tricks, and even a dramatic pre-show guitar mishap.

Raffy Swap One and Friends’ 25-song uninterrupted acoustic and electric set featured chart-topping Eagles hits, fine musicianship, and enthusiastic audience participation. Friends and family members of the band, as well as fans of the Eagles and Raffy’s Café Live Music Restaurant hooted, hollered and yelled for more – and they got it.

The Essence Event Centre buzzed in anticipation of the sold out show. VIP ticket holders enjoyed a chicken dinner before the two and a half hour performance, which started promptly at 7:00 p.m.

The band opened the acoustic part of their set in five-part harmony with Seven Bridges Road. Raffy Ramiro (aka Raffy Swap One) played the banjo, Robbie Sobrevilla, Paul Henderson and Bruce Moore were on guitars. Bernard Florentino was on drums, Paul Morrow was on bass, and Ronaldo Trinidad and Louie Rosales were on vocals.

Proud parents and relatives raised their smart phone cameras as seven of Raffy’s young music students, ranging in age from 6 to 10 years, took to the stage to sing Hole in the World, a song and plea for peace written by Don Henley and Glenn Frey after the attack on New York’s World Trade Centre on September 11, 2001.

As the rest of the band members left the stage to swap their suit jackets for plaid shirts, Louie Rosales and Ronaldo Trinidad wrapped up the acoustic portion with the ballad Love Will Keep Us Alive. Drummer Bernard Florentino accompanied the singers on a cajón while Louie played acoustic guitar. Their beautiful harmonies were tender and flawless.

Bruce Moore opened the electric portion singing the lead vocal on Take It Easy and New Kid in Town.

Crowd favourites of the evening were You Belong to the City, Rocky Mountain Way, Funk #49, Heartache Tonight and the ultra-popular must-have-it-in-the-set-or-the-audience-will-start-a-riot, Hotel California.

Raffy began the song You Belong to the City with a sax solo on the upper level of the venue, gradually descending the stairs, returning to the stage where he switched over to guitar. He roamed through the audience, a Go Pro camera on his head and another on his guitar, riffing and fist bumping as he recorded the crowd and his flying fingers. Jhayzon Paredes of 204 Live Music followed him with another video camera. A true showman, Raffy plucked the strings with his teeth à la Jimi Hendrix and spun his guitar 360 degrees like ZZ Top.

Ronaldo Trinidad, Robbie Sobrevilla, and Paul Henderson rocked the house in Rocky Mountain Way, Ronaldo demonstrating his vocal prowess and Robbie and Paul their formidable chops in their guitar solos.

Funk #49 was a real crowd pleaser. Louie Rosales got down and funky singing the lead vocal. Bassist Paul Morrow, and guitarists Robbie Sobrevilla and Paul Henderson wowed the crowd with their solos and nimble finger work.

At the end of the number, all the band members left the stage, leaving Raffy front and centre in a cloud of fog and flashing coloured lights for his 10-minute drum solo, complete with glowing drumsticks. This lead straight into Heartache Tonight, a crowd favourite that had people clapping, dancing and singing along.

After Dirty Laundry, Marienette (Mary) Mallari, Raffy Swap One and Ronaldo Trinidad drew the winning ticket for a brand new Squier Stratocaster guitar and five lessons with Raffy. Audience member Leonardo “Buddy” Digalvez was the delighted winner and happily posed for photos to mark the moment.

As the evening was coming to a close, guest soloist Mary Mallari sang a heart-felt rendition of Take It to the Limit with many audience members singing along with her.

The sound and lights were excellent throughout the evening. Norm’s Pro Audio & Lighting provided the sound with Martin Hébert (of Mainstage Backline) mixing for the audience and Norman Simard handling the monitors for the band. Nelson Saquilayan operated the colourful light show.

The penultimate song of the set was Hotel California, the song everyone was waiting for. Before strapping on his guitar, Raffy explained that it was not the guitar he had originally intended to play. His plan was to have his double-neck white Epiphone guitar lowered dramatically from the ceiling during the song’s extended intro. However, something went terribly wrong before the show even started. The guitar plummeted from on high and smashed to the floor, snapping off both heads and splitting the fretboards, rendering it unusable.

But Raffy proved himself adaptable. Hotel California was a hit. A group of men standing at the back of the audience near the bar joined in robustly and enthusiastically singing along to the “Mirrors on the ceiling, pink champagne on ice” verse. The audience applauded appreciatively as Raffy and Robbie joined forces for their guitar duet at the end. The crowd could not get enough, yelling encore! and more! They were rewarded with Witchy Woman and How Long.

Multi-instrument musicianship was highlighted throughout the entire set, not only from Raffy Swap One but other band members as well. Bernard Florentino did double duty on drums and cajón, Paul Henderson played guitar, banjo, keyboard, and drums. Louie Rosales – lead and backing vocals, keyboard and guitar; Robbie Sobrevilla – lead guitar and keyboards, and Ronaldo Trinidad on lead and backing vocals and keyboard.

With the exception of Raffy Swap One who is a professional musician, all the band members are amateurs with non-musical day jobs. This was a major lifetime experience for this talented group of Winnipeggers. They put their hearts into their performance and they did not disappoint.

Play it again, guys. We’ll be there!

Sponsors of the event were Raffy’s Café Live Music and Restaurant, Seafood City, HB Photography, FunShots Photobooth, JJ Cabinet Warehouse, CK Music/Salon 28, Mr. Takoyaki, Winnipeg 204 Live Music Online, and the Pilipino Express.

Cristy Per Minute • Pebrero 16-29, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminPebrero 16-29, 2020

      Robin Padilla
Robin Padilla
  hello love goodbye poster
 
Kathryn Bernardo & Alden Richards
  karla jolins melai
 
Jolina Magdangal, Melai Cantiveros & Karla Estrada
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Nora Aunor
 
Nora Aunor
  Regine Velasquez
 
Regine Velasquez
  Gabby Concepcion
 
Gabby Concepcion
  Mateo Guadacelli Sarah Geronimo
 
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo
  Ion Vice Ganda
 
Ion & Vice Ganda

Robin Padilla – Nasaang panig ba siya sa problema ng ABS-CBN?

Unti-unti nang lumilinaw kung ano ang totoong kulay ni Robin Padilla tungkol sa kontrobersiyal na panghaharang ng ilang sektor sa franchise renewal ng ABS-CBN.

Hindi na ang mga kababayan lang natin nagdududa sa posisyon ng action star ang umalma, mismong mga nakatrabaho na niya sa higanteng network ang nakakaargumento niya ngayon, marami na siyang halimbawang ibinibigay tungkol sa karapatan ng maliliit na trabahador ng istasyon.

Kung pagiging matulungin ang pag-uusapan ay saksi kami sa dami ng mga taga-industriyang inaabutan niya ng ayuda. Wala siyang pinipili. Basta dumulog sa kaniya ay hindi aalis na luhaan.

Siya kung tutuusin ang totoong matulungin sa kaniyang mga kabaro, hindi si Coco Martin, kahit pa binibigyan nito ng trabaho ang mga artista.

Sa punto ng pagmamalasakit sa mga empleyado ng ABS-CBN na mawawalan ng trabaho kapag tuluyan na ngang naipasarado ang ABS-CBN ay walang dudang kaisa si Robin doon ng mas nakararami.

Marami na siyang nagawa, hindi gagawin pa lang na pagtulong, kaya parolado siya sa isyung pinagtatalunan. Butas ang kaniyang palad sa pag-ayuda, maraming magpapatunay noon, kaya ilabas dapat siya sa usapin ng malasakit sa mga nangangailangan.

Pero ang isyu ay franchise renewal, ibibigay ba iyon sa ABS-CBN o hindi, mananaig ba ang mga poder na kumokontra o malulusutan iyon ng network?

Doon hinahanapan ng posisyon ng bayan si Robin Padilla. Nasaang panig ba siya? Mababalewala ba ang isyu ng pagtanaw ng utang na loob kay Robin dahil kilalang-kilala siyang tagasuporta ng ating pangulo na panay-panay ang pagsasabing hindi nito pabibigyan ng prangkisa ang istasyon?

Nasa gitna ng nag-uumpugang bato ngayon si Robin Padilla. Pababayaan ba niyang maipasarado ang network na unang-unang nagtiwala sa kaniya nang makalabas na siya ng kulungan?

Ganoon na lang ba kadaling kalimutan ang istasyong nagbigay sa kaniya ng tiwala sa isang panahon na malupit ang ating lipunan sa mga ex-con?

Tuluyan na ba niyang babasagin ang pinggan na kinainan niya sa ABS-CBN dahil lang sa kaalyado niya ang mga taong kumokontra sa franchise renewal ng ABS-CBN?

Alden Richards – Huwag sanang tawaging sabit lang

Sabit lang ang tawag kay Alden Richards ng mga tagahanga nina Daniel Padilla at Kathryn Bernardo. Hindi kasi nila matanggap na nakaka-1.3 billion na ang Hello, Love, Goodbye.

Para sa mga nagpakilalang fans nina Daniel at Kathryn ay ang dalagang aktres lang naman ang naging dahilan kung bakit naging blockbuster ang pelikula nila ni Alden.

Siguradong mas magsisintir ang mga KathNiel fans dahil kahapon at ngayon ay muling ipalalabas sa mga piling Ayala theatres ang Hello, Love, Goodbye. Ibig sabihi’y malaki pa ang halagang madadagdag sa kabuuang kinita ng pelikula.

Huwag naman sanang magpakakitid ng isip ang ibang tagahanga nina Daniel at Kathryn, kumita ang HLG dahil sa tambalan, tinanggap iyon ng publiko at hindi iyon makukuwestiyon ninuman.

Ang pinakamaganda nilang magagawa ay ang suportahan nang isandaang porsiyento ang After Forever, ang bagong pelikula ng KathNiel, para malampasan noon ang ipinakitang gilas sa takilya ng Hello, Love, Goodbye.

Doble kasi ang suntok sa kanila ng matagumpay na pelikula nina Alden at Kathryn. Nilampasan noon ang The How’s Of Us, tinanghal na highest grossing film of all time ang Hello, Love, Goodbye, ang sakit-sakit nga naman noon.

Huwag tawaging sabit lang si Alden Richards, napakalaki ng kaniyang naiambag para sa tagumpay ng pelikula nila ni Kathryn, minahal ng manonood ang kanilang tambalan.

Iyon lang iyon at walang kahit sinong makakokontra sa katotohanang iyon!

Karla Estrada – Binu-bully si Melai Cantiveros

Nakakaalarma para kay Daniel Padilla ang mga hindi kagandahang isyung kinapapalooban ni Karla Estrada. Hindi nagsasalita si Melai Cantiveros pero ang manonood na ang nagtatanggol sa komedyana sa mga ginagawa sa kaniya ni Karla.

Kailangang malaman-makarating kay Karla Estrada ang mga komento at emosyon ng ating mga kababayan tungkol sa madalas niyang gawing pambu-bully kay Melai Cantiveros sa kanilang programa.

Akala ni Karla ay wala lang iyon, pero dinaramdam pala ng mga manonood, naiinis sila kay Karla dahil madalas niyang sabihan ng bad breath ang co-host niyang komedyana.

Sabi ng isang source, “Akala mo naman kung sino ang Karla na iyon! E, kaya lang naman siya nagkaroon ng trabaho, e, dahil sumikat ang anak niyang si Daniel!

“Akala mo kung sino na siyang makaasta! Palagi niyang binabara si Melai, pinagtatawanan niya, tinatawag pa niyang bad breath! Sobrang insecure siya kay Melai, alam niya kasi na magaling iyong tao!” buwisit na komento ng aming kausap.

Minsan ay pinanood namin ang kanilang show, Martes nang umaga iyon, bago magsimula ang Take It Per Minute. Me Ganoon habang nagpapaayos kami.

Nasaksihan namin ang pambabara ni Karla kay Melai, kinokontra niya ang opinyon ng komedyana, buti na lang at mabait si Melai at hindi na lang siya pinapatulan.

Sabi uli ng aming source, “Payat kasi si Melai, hindi tulad niyang 200 kilos na yata ang timbang! Bakit hindi na lang siya mag-research kung paano siya papayat?

“Mambu-bully si Karla, kinakayan-kayanan niya si Melai! Pabibo pa siya, palaging siya ang bida sa kuwentuhan ang gusto niya! Puwede ba!” inis pa ring sabi ng aming kakunwetuhan.

At may nagkomento pa na kung mawawala si Karla Estrada sa Magandang Buhay ay tatakbo pa rin nang maayos ang programa. Pero kapag si Melai Cantiveros ang nawala ay mararamdaman ang malaking kulang.

Matagal na panahon na kasing pangarap ni Karla Estrada ang maging TV host. Nang sumikat si Daniel Padilla ay naging ekstensiyon siya ng popularidad ng kaniyang anak.

Huwag na sana niyang pabayaan iyon. Matuto siyang rumespto ng kaniyang kasamahan sa programa para hindi siya nasasabihang bully at bastos.

Sharon Cuneta – Hindi na sinasagot ni KC ang mga pasaring ni Mega

Parehong pansamantalang nagpaalam sa mundo ng social media sina Kris Aquino at Sharon Cuneta. Nagbigay ng paliwanag si Kris, ang kaniyang pagpapagamot ang dahilan, pero si Sharon ay walang binanggit na anuman.

Silang dalawa ang kasama sa listahan ng mga artistang nakatira sa harapan ng kanilang gadget. Magpapaalam sila sandali, pero agad-agad din namang nagbabalik, kaya tinatawag silang mga echoserang palaka.

Hindi kagandahan ang mga posts na mababasa ngayon tungkol kay Sharon, naglipana ang kaniyang mga bashers, maraming naiinis-naaartehan sa kaniya.

Hindi na nga raw sumasagot ang kaniyang anak na si KC sa kaniyang mga parinig ay sige pa rin siya nang sige. Talaga raw idinidikdik niya sa kahihiyan ang kaniyang panganay.

Mas naiinis din si Sharon, bakit daw ibinabalik sa kaniya ang mga ipino-post niya, ganoon daw siguro talaga kapag nasasaktan. Umaaray.

Pero mas mukhang magiging epektibo ang suhestiyon kay Sharon ng ating mga kababayan, bashers man niya o may malawak na isip, kailangan nila ng komunikasyon ni KC para matapos na ang kanilang sigalutan.

“Naturingan silang mag-ina na dapat, e, may open line for communications, kaya bakit sa social media sila nag-aangilan? Napakadali namang tapusin ang kung anumang mayroon sila!

“Communications lang, iyon lang ang kailangan nila, kaya tantanan na ang mga parinigan sa social media na lalo lang nagbabaon sa kanila sa kahihiyan!

“Kung ayaw nilang magbaba ng pride, ipa-Raffy Tulfo na lang nila ang away nila, sampung milyon na ang subscribers ng You Tube channel ni Tulfo, mas matinding exposure iyon!” naiinis namang komento ng kaibigan naming propesor.

Nora Aunor – Natuto na. Mas professional na ang ugali ngayon

Nakakaaliw ang kuwento ng isang beki na sobrang aga raw dumating ng Superstar na si Nora Aunor sa kaniyang shooting at taping. Napaka-prefessional daw talaga ni Ate Guy.

“Mas nauuna pa nga siyang dumating kesa sa generator!” seryosong sabi ng becki. Manghang-mangha ang lahat ng nakarinig, minsan na kasing ikinapit sa imahe ng Superstar ang pagiging bitinera, pinoproblema siya noon ng produksiyon dahil madalas siyang nambibitin ng trabaho.

Pero noong magseryoso na ang becki ay sinabi nito na OA lang ang kaniyang pagkukumpara, mas nauuna naman daw ang generator ng produksiyon kesa sa Superstar, pero totoong never siyang nale-late sa taping.

Pinatutunayan din iyon ng mga kasamahan ng Superstar, maaga raw ang kaniyang calltime, pero mayroon siyang pakiusap na maaga rin siyang magpa-pack-up.

Palagi namang may panahon para sa pagbabago at pagbawi. Kung naging problema man siya noon ng mga producer na kumukuha sa kaniyang serbisyo, ngayong nagkakaedad na siya ay nagpaalam na ang singer-actress sa dati niyang gawi, napakapropesyonal na ngayon ni Nora Aunor.

At siya mismo ay nagsasabi na kahit pa inaatake siya ng hika ay hindi niya iyon ginagamit na dahilan para hindi siya makapagtrabaho.

“Ni hindi nga siya nagrereklamo, hindi rin siya nagpapa-cut sa director kahit pa inaatake na siya ng asthma,” patunay ng isang kaibigan namin.

Anuman ang sabihin ng kahit sino ay mananatiling si Nora Aunor pa rin ang nag-iisang Superstar at pinakamalaking bituin sa langit na nagkaroon ang industriya ng pelikula.

Regine Velasquez – Never daw nagpa-retoke ng mukha

Ayan, diretso nang sinabi ni Regine Velasquez na walang kahit anong bahagi ng kaniyang mukha ang dumaan sa retoke, ‘yan na ang kaniyang itsura mula nang ipanganak siya.

Natural, maraming hindi naniniwala, lalo na ang mga naglalabas ng mga throwback pictures niya noong contestant pa lang siya sa Bagong Kampeon bilang si Chona Velasquez.

Malaki raw ang pagkakaiba ng itsura niya noon, hindi ganoon katangos ang kaniyang ilong, marami raw ipinabago sa kaniyang mukha ang Asia’s Songbird.

Magbibigay kami ng opinyon ayon sa aming nakikita, maraming beses na kasi naming nakakaharap si Regine nang wala pa siyang make-up at pagkatapos niyang magkolorete, nagbabago na ang kaniyang itsura kapag nakapag-make-up na siya.

At siya mismo ang nagme-make-up sa kaniyang sarili, kabisadung-kabisado na niya ang kaniyang mukha kahit siguro nakapikit pa siya, at napakabilis niyang mag-make-up.

Tumatangos ang kaniyang ilong dahil sa tulong ng noseline, dumidilat na ang kaniyang mga mata dahil sa husay niyang magkumbinasyon ng mga kulay, nagmimilagro na ang kaniyang itsura.

Naniniwala kaming hindi pa nagpaparetoke ng anumang bahagi ng kaniyang mukha si Regine dahil nakikita namin siya before and after.

Ang niretoke kay Regine Velasquez ay ang kaniyang dila. Iyon talaga ang nagkaroon nang matinding pagbabago. Kahit tanungin mo siya sa Pilipino ay Ingles siya kapag sumagot.

Ulit-ulitin mo man siyang tanungin sa ating lengguwahe ay talagang sasagutin ka niya sa wika ni Uncle Sam. Inglisera talaga siya.

Hirap na hirap siyang magsalita ng lengguwahe natin samantalang ipinanganak at lumaki siya sa Bulacan na taal na Tagalog ang ginagamit.

Sa isang banda, natural lang na maligalig si Regine Velasquez sa bantang pagpapasara sa ABS-CBN, Nasa nasabing network ang pinggan nila ng kaniyang mister na si Ogie Alcasid.

Pero hindi nga lahat ng makakabasa sa kaniyang mga tanong at hinaing ay titingnan nang positibo ang kaniyang mga sigaw. Si Regine pa naman, isa siya sa mga artistang paboritong i-bash sa social media, palagi rin siyang pinag-iinitan.

Parang siya ang pinalalabas ng mga bashers na may hatid na kamalasan sa istasyon, noong dumating lang daw siya nagkaganyan ang Dos, masasakit ang mga iginaganting komento laban sa kaniya.

Kung minsan siguro ay naiisip din ng mga artista na huwag na lang silang mag-post ng kahit anong opinyon at pananaw nila sa social media dahil wala silang kawala sa komento ng mga taong walang magawa sa buhay.

Kumanan at kumaliwa man kasi sila ay sapul pa rin sila, may masasabi pa ring masakit sa kanila ang mga bashers, pero kailangang manindigan din ang mga artista.

Gabby Concepcion – Walang tigil ng posting sa social media to defend KC

Dahil sa mga ipino-post sa social media ngayon ni Gabby Concepcion, may pinatatamaan man siya o wala, ay naba-bash ang aktor.

Kung wala man siyang pinariringgan sa kaniyang mga inilalabas na makahulugang quotations ay hindi naman maikakaila na mga tagasuporta ng kaniyang dating misis na si Sharon Cuneta ang nambubulabog sa kaniya ngayon sa social media.

Ang kanilang komento, sa halip na pababawin daw ng aktor ang samaan ng loob ngayon ng mag-inang Sharon at KC ay parang mas pinalalalim pa niya, sa halip na tubig ang isaboy ng aktor ay gas pa raw ang kaniyang ipinangdidilig sa sigalutan ng mag-ina.

Kung sinuman kasi ang kaniyang pinatatamaan ay siguradong aaray dahil ayon sa kaniyang quotation ay hindi dapat binibigyan ng pansin ang mga taong nanggugulo lang ng buhay ng may buhay,

Hindi rin daw dapat pinapansin ang mga taong hindi marunong tumanggap ng pagkakamali at gustong maging prayoridad ng kaniyang kapuwa pero hindi naman marunong magbalik ng pagmamahal.

Natural, nagagalit sa kaniya ang mga kampi sa kaniyang ex, kinukunsinti raw niya si KC, samantalang ang kanilang anak ang may malaking pagkukulang kay Sharon.

Sa isang panahong bagsak na bagsak ang emosyon ng anak, lalo na kung ang mismong ina nito ang kaniyang kakontra, ay natural lang naman sigurong damayan ng tatay ang nalulungkot niyang supling.

Pero sino ba si Gabby Concepcion kay KC? Natural lang na damayan niya ang kaniyang anak, sino ba ang unang-unang inaasahan nating sasalo kay KC sa pagkahulog, ang kanilang kapitbahay ba?

Pero tama rin naman ang punto ng mga pumapansin kay Gabby Concepcion, kailangang paliwanag ang kaniyang ibigay, hindi pagkampi nang lantaran.

Matteo at Sarah – Hindi totoong sa March ang kasal

Fake news daw ang lumabas na balita na ngayong darating na Marso na magpapakasal sa Italy sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo.

Isang mapagkakatiwalaang source ang nagparating sa amin ng impormasyon na hindi sila kundi sina Daddy Delfin at Mommy Divine ang muling haharap sa altar para sa kanilang renewal of vows sa March 14.

Sabi ng aming impormante, “Nagkaloko-loko na! Sukob daw sila sa taon, kaya hindi puwedeng magpakasal sina Matteo at Sarah sa year na ito!

Maraming kuwentong umiikot ngayon tungkol sa planong pagpapakasal nina Matteo at Sarah. Bukod sa ginagawang pagpapahirap ni Mommy Divine sa mga namamahala ng kasalan ay lumabas din ang balita tungkol sa kagustuhan nitong magkaroon ng pre-nuptial agreement.

Balitang kinontra iyon ni Sarah, napakalaking insulto nga naman noon sa pamilya ni Matteo, samantalang noon pa man ay alam na naman ng kaniyang buong pamilya ang estado ng pamumuhay ng mga Guidicelli sa Cebu.

Ganyang-ganyan ang naging problema noon ng ikakasal na sanang news anchors, ipinilit ng pamilya ng lalaki ang pre-nuptial agreement, kaya sa sobrang pagkainsulto ng babaeng newscaster ay umurong na lang ito sa kasalan.

Huwag naman sanang dumating sa ganoon ang istorya nina Matteo at Sarah, malinis ang hangarin ng aktor sa dalaga, wagas ang kanilang pagmamahalan na dapat lang namang mauwi na sa altar.

Ang dami-daming kuwento. Maraming kumokontra. Maraming kuskos-balungos sa kasalang Matteo at Sarah. Kulang pa ba ang mga ginawang milagro ni Sarah Geronimo para sa magandang kabuhayan ngayon ng kanilang pamilya?

Vice Ganda ­– Walang panghabambuhay na popularidad

Iyong litanyang weather-weather lang ay parang gumagana ngayon sa career ni Vice Ganda. Mahigit na pitong taon na siyang namamayagpag sa pelikula at telebisyon pero mukhang papunta na sa pagbaba ang kaniyang popularidad ngayon.

Hindi siya nanguna sa nakaraang MMFF, hanggang sa February 23 na lang ang kaniyang Gandang Gabi, Vice, dumagdag pa ang kawalan ng kaniyang pangalan sa mga pararangalan ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation na ilang taon niyang hinawakan.

Puwedeng nagkataon lang, pero puwede rin namang may umay factor na ang publiko sa kaniyang pagkokomedya, dahil kung bentang-benta pa rin ang kaniyang istilo ay siya pa rin sana ang nanguna sa MMFF.

Nangyayari talaga ang ganoon sa kasaysayan ng popularidad ng mga artista. Sino ba ang mag-aakala na ang matinding kasikatan noon ni Nora Aunor na nagsasarado ang mga sinehan kapag ipinalalabas ang mga pelikula nito ay hindi na nauulit ngayon?

May mga proyekto pa rin ang Superstar, pero iba na ang nangyayari, suwertihan na lang ang pagkita ng kaniyang mga pelikula.

Walang panghabambuhay na popularidad, walang forever, ang pinakamagandang pagkukumpara doon ay ang maghapong pagsikat ng araw na pagdating nang gabi ay nagtatago na sa ulap.

Pero may bukas pa rin, sisikat uli ang araw pagkatapos nang magdamagang pamamahinga, ang tanong na lang ay kung anong uri ng pagsikat?

Matindi pa rin ba? Nakapapaso pa rin ba ang ibinibigay na init? O baka makulimlim na ang kapaligiran dahil dinadaig na ng lamig ang kaniyang init?

Nasa personal na pagtanggap lang naman iyon, kailangang nakahanda ang artista na isang araw ay kakaway pa rin siya, pero pagkaway na ng pamamaalam sa dating ningning ng kaniyang pangalan. – CSF

Cristy Per Minute • Marso 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 1-15, 2020

      matteo sarah
Matteo Guidicelli
& Sarah Geronimo
  Liza Soberano
 
Liza Soberano
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Athena Gana
 
Athena Gana
  Robin Padilla
 
Robin Padilla

Sarah at Matteo – Tuloy ang ikot ng mundo para newlyweds

Kinunan ng isang source ang bahay nina Sarah Geronimo sa St. Charbel Subdivision. Malungkot ang bahay, pati ang malawak nilang bakuran, dahil sa biglaang pagpapakasal nina Matteo Guidicelli at Sarah.

Dahil nasa kasagsagan pa ang galit ng mga magulang ni Sarah ay nagbigay sila ng abiso sa mga guwardiya sa gate ng subdivision na banned ang mga bagong kasal sa pagpasok at dalawang iba pa.

Hindi pa handa sina Daddy Delfin at Mommy Divine na makaharap nang personal sina Matteo at Sarah, sobra silang nasaktan sa pangyayari, na humantong pa nga sa pagsugod ni Mommy Divine sa dinner pagkatapos ng kasalan.

Literal na hindi napigilan ng ina ni Sarah ang kaniyang galit, tinangka niyang sampalin si Matteo, na hinarangan naman ni Sarah at ng kanilang relationship counselor na si Letty Fuentes.

Dahil sa pagharang ay napatumbuwang sa sahig ang dalawa, nagpagulung-gulong, habang talak nang talak si Mommy Divine.

Tahasang nagpahayag si Matteo na wala itong kahit sinong sinuntok, taliwas sa pahayag ng close-in security ni Sarah na si Jerry Tamara, binigyan daw ito ng suntok ng groom sa kaniyang leeg.

Nagsumbong pa ito kay Raffy Tulfo, pinanindigan ang kaniyang salaysay, pero kinontra iyon ng mga nasa function room ng restaurant.

Sabi nga ng isang boxing enthusiast, “Kung totoong sa leeg siya tinamaan, dapat, e, nakatulog siya! Malakas daw ang suntok ni Matteo, sabi ng security, hindi totoo iyon!

“Kahit ang mga boxers, e, iniiwasang maupakan sila sa panga at leeg, may mga ugat tayo doon, kaya kung totoong inundayan siya ng sapak ni Matteo, dapat, e, knockout siya!” sabi nito.

Samantala, tuloy ang ikot ng mundo para sa mga bagong kasal. Tuloy ang kanilang career. Nag-taping agad si Sarah para sa The Voice Teens, Mrs. Guidicelli na ang pagpapakilala sa kaniya sa programa, si Matteo naman ay agad na ring nagtrabaho para sa bagong produktong ineendorso niya.

Kuwento ng aming kaibigan na nakatrabaho ni Matteo, “Napakamarespeto ni Matteo, hindi niya kami pinahirapan, nakikinig siya sa instructions, wala siyang kaere-ere.”

Palagi namang marespeto at mapagkumbaba ang male personality kahit pa mula siya sa angkan ng mga may sinasabi sa Cebu. Kilalang-kilala ang kanilang pamilya sa South, alam ng mga tagaroon kung gaano kayaman ang kanilang angkan, kaya masama ang loob ng mga kamag-anak ng aktor sa sobrang pangmamaliit sa kaniya ng pamilya ni Sarah.

Sabi ng isang kaibigan namin na nagkataong kaibigan din ng mga tiyahin ni Matteo, “Kilala po namin si Matteo dahil apo siya ni dating Chief Justice Marcelo Fernan, very low key sila, kahit pa kilalang-kilalang buena familia sila.”

Sabi ng isang miron ay libre na raw kumain ng chocolate at ice-cream si Sarah, wala nang magbabantay sa kaniya, magkakaroon na rin daw ng pahinga ngayon si Mrs. Guidicelli.

Kalat na kalat kasi ang kuwento na bawal kumain ng mani, tsokolate at ice-cream si Sarah, makasisira kasi iyon sa kaniyang boses, kaya batas para sa kaniya ang utos ni Mommy Divine.

Tao lang naman si Sarah, natural lang na gusto rin niyang tumikim ng mga ipinagbabawal sa kaniya ni Mommy Divine, hindi lang niya magawa iyon dahil siguradong pagagalitan siya nang wagas ng kaniyang nanay.

“Ang dami-daming maligaya para sa kanila, lalo na’t nagkontrabida pa sa Christian wedding nila ang mommy ni Sarah. Nakakahiya ang ginawa ni Mommy Divine!

“Pero wala na siyang habol, asawa na ni Matteo ang anak niya, sa ayaw niya’t sa gusto!” dagdag na komento pa ng aming source.

Matagal pa ang lalakbayin ng teleseryeng ito sa totoong buhay. Nagsasama na ngayon sina Matteo at Sarah sa isang condo unit na matagal nang binili ng aktor.

Napakaligaya ngayon ni Sarah, kitang-kita iyon sa kaniyang mga mata, na dapat lang unawain at tanggapin na ng kaniyang mga magulang dahil trenta’y uno na ang singer-actress.

Liza Soberano – Napakaganda na busilak pa ang imahe

Abalang-abala ngaoyn ang buong bayan sa pagsali sa nose challenge ni Liza Soberano. Para lang magaya ang napakatangos na ilong ng magandang young actress ay may naglalagay ng ipit sa labada sa ilong.

May nagkukulapol muna ng napakakapal na noseline bago tumingala. Mayroon pang isang naglagay ng kung anong bagay sa kaniyang ilong para lang tumangos.

Sa kahit anong gayak at ayos ay tunay namang napakaganda ni Liza Soberano. At hindi lang siya pisikal na maganda, napakaganda rin ng kaniyang kalooban, hindi niya lang binibilang ang kaniyang mga blessings kundi ibinabahagi niya iyon sa mga taong mahal niya.

Ibinili niya ng bahay sa Amerika ang kaniyang lolo at lola sa ama, matagal na panahon kasi siyang kinupkop ng mga ito nang maghiwalay ang kaniyang mga magulang, ito na nga naman ang panahon para kahit paano’y makapagbalik siya ng pagmamahal at pagtanaw ng utang na loob.

At kitang-kita sa kaniyang aura ang mabuting puso ni Liza, wala siyang anggulong hindi maganda, maaliwalas ang kaniyang itsura.

Si Liza Soberano ang crush ng buong bayan ngayon, maraming naiinggit kay Enrique Gil, ang matagal na niyang boyfriend.

Sabi ng kaibigan naming propesor, “I like Liza Soberano dahil hindi siya pabibo. Very low key siya. I can see her through. Alam mong maganda ang ugali niya.”

Napakaganda na ni Liza Soberano, maganda at busilak pa ang kaniyang imahe, perpek na siya!

Kris Aquino – Maraming nag-aabang sa kaniyang pagbabalik

Totoo ang pahayag ni Kris Aquino na nagkakaroon man sila ng hindi pagkakaunawaan ng kaniyang mga kapatid ay hindi na nila iyon ipinaaabot pa sa publiko.

Sila-sila lang ang umaayos ng kanilang mga problema, hindi nila ginagawang circus ang kanilang personal na buhay, may lumalabas mang mga kuwento ay hindi diretsong nagmumula sa kanila.

Alam natin na nagkaroon ng gap noon si Kris at ang kaniyang kuyang dating pangulo, pero hindi niya iyon idinedetalye, ang pinaka-clue lang niya ay ilang buwan na raw silang hindi nagkakausap ni P-Noy.

Pero kailan lang ay ayos na ang lahat sa kanila, hindi pa rin idinetalye ni Kris kung paano sila nagkasundo, sapat nang sabihin niya na buung-buo na silang magkakapatid.

Naturingang daldakina pero pagdating sa problema ng kanilang pamilya ay tikom ang bibig ni Kris, pakudlit-kudlit lang na impormasyon ang malalaman mula sa kaniya, nirerespeto niya ang kapribaduhan ng kanilang pamilya.

Noong nakaraang linggo ay hindi kagandahan ang itsura ni Kris nang batiin siya ng kaniyang mga anak at household staff sa kaarawan niya. Halos hindi nga niya mabuhat ang maliit lang namang cake an iniabot sa kaniya ni Bimby.

Pero ngayon ay maayos na ang kaniyang aura, mukhang nakabawi na siya, malaki talaga ang nagagawa ng katahimikan ng kalooban sa buhay natin.

Sana nga ay magtuluy-tuloy na ang pagbuti ng kaniyang katawan. Makapagtrabaho na sana siya uli. Marami nang nag-aabang sa kaniyang pagbabalik.

Athena – Panganay ni Bistek at Tates, enrolled sa New York University.

Proud na proud na mga magulang ngayon sina dating Mayor Herbert Bautista at Mayora Tates Gana dahil ang kanilang panganay na si Athena ay nagma-masteral degree na ngayon sa New York University.

Pagkatapos niyang tumanggap ng diploma sa Ateneo sa kursong Political Science at kumuha rin siya ng paralegal course sa University Of The Philippines. Noong nakaraang taon ay nasa New York na si Athena at nagsusunog ng kilay.

Ang kursong kinukuha niya para sa kaniyang masteral degree ay International Relation With Focus On International Law. Iyon ang master’s degree na kinuha ng mga nakaupo ngayon sa United Nations.

Sa isang panahon na abalang-abala ang ibang mga kabataan sa kung anu-anong walang katuturang bagay ay sinikap ni Athena na magtapos ng kolehiyo.

Wasak ang puso ni Mayora Tates nang ihatid na nito ang kaniyang panganay sa New York. Gustung-gusto nitong hilahin-pahabain pa ang panahon para matagal pa silang magsamang mag-ina.

Sabi ni Mayora Tates, “First time ito na malalayo sa amin si Athena. Mula noong pagkabata niya, e, nand’yan lang kami ng papa niya sa tabi niya. Pero kailangan kong patibayin ang loob ko.

“Nangangarap ang anak ko, gusto niyang matupad ang pangarap niya, iyak ako nang iyak noong iwan ko na siyang mag-isa sa New York. Ang sakit-sakit, pero worth naman ang reason kung bakit kailangan niyang mag-aral at mabuhay nang mag-isa sa New York,” pag-alala ng mommy ni Athena.

Minsan nang nakatikim nang maaanghang na salita ang dalaga mula sa ilang KathNiel fans nang isipin ng mga ito na may gusto siya kay Daniel Padilla na kasabayan niyang lumaki dahil magkaibigan ang kanilang mga pamilya.

Belat ang mga taong iyon dahil napakalayo ng pangarap ni Athena, ang mag-ipon ng diploma at hindi ang mang-agaw ng boyfriend ng may boyfriend, ang mapalawak pa ang kaniyang talento na maglalagay sa kaniya sa isang mataas na posisyon isang araw.

Congratulations, Athena, at maligayang bati kina Mayor Herbert at Mayora Tates sa pagkakaroon nila ng matalino at huwarang anak!

Robin Padilla – Pati si Susan Roces idinadamay sa kaso ng ABS-CBN

Takang-taka ang kampo ni Manang Inday (Susan Roces) kung bakit pati ang veteran actress ay idinamay ni Robin Padilla tungkol sa ipinipilit niyang binuhusan ng tubig ni Coco Martin sa mukha ang isang inaantok na crew.

Ayon kay Robin ay totoong-totoo raw na naganap iyon, si Manang Inday pa nga raw ang sumaway kay Coco, kasabay ang pagsasabing kahit minsan ay hindi iyon ginawa ng namayapang Hari Ng Aksiyon na si FPJ.

Sabi ng aming source, “Kung si Coco ang gusto niyang birahin, sumentro lang siya kay Coco! Bakit pati si Manang Inday na nananahimik at wala namang kaalam-alam tungkol sa buhusan ng tubig, e, idinadamay pa niya?

“Walang alam si Manang Inday tungkol doon! Hindi niya sinaway si Coco dahil wala naman siyang nakitang ganoong pangyayari! Lalong walang sinabi si Manang Inday na kahit minsan, e, hindi ginawa ni FPJ ang ganoon sa mga kasamahan niyang artista at crew!

“Saan naman kaya nasagap ni Robin ang kuwentong iyon? Kapag break na sa Ang Probinsyano, e, may kani-kaniyang place silang pinagpapahingahan.

“Nagkikita na lang sina Coco at Manang Inday kapag take na. Hindi sila nagkukuwentuhan kapag break nila dahil pare-pareho nilang kailangan ang pahinga! Huwag na niyang idinadamay pa si Manang Inday, walang kaalam-alam iyong tao sa mga isinusumbat niya kay Coco!” madiing paglilinaw ng aming source tungkol sa ipinost na pahayag ni Robin Padilla.

Inaalala naman ng ibang personalidad si Mariel Rodriguez na literal na nakapagitna ngayon sa dalawang nagbabanggaang puwersa.

Isang source ang nagkuwento sa amin na iyak nang iyak si Mariel kapag nakakausap nito ang kaniyang mga kasamahan sa It’s Showtime.

“Napakahirap kasi ng sitwasyon niya, asawa niya si Robin na panay-panay ang upak sa network na pinagtatrabahuhan niya! Wala siyang magawa!

“Nasaan naman ang respeto ni Robin? Alam niya naman na sa ABS-CBN nagwo-work si Mariel, ang pamangkin niyang si Daniel, ang utol niyang si Rommel, tapos, ganyan ang inaasal niya?

“Tama na lang sanang siya ang hindi tumanaw ng utang na loob sa istasyong napakalaki ng naitulong sa career niya, huwag na niyang idamay pa ang mga taong kunektado sa kaniya na nakikinabang din sa network!” napakadiing komento ng aming source.

– CSF

Cristy Per Minute • Marso 16-31, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMarso 16-31, 2020

  sarah and matteo
 
Matteo Guidicelli
& Sarah Geronimo
 
  kim and xian
 
Xian Lim & Kim Chiu
  AiAi delas Alas Captain Gerald Sibayan
 
AiAi deas Alas & Gerald Sibayan
  kris and sons
 
Kris Aquino at mga anak

Wowowin, Eat…Bulaga, atbp – Wala munang live audience

Tinitipa namin ang pitak na ito ay nasa Visoria kami, ang munting nayon namin sa Quezon, Nueva Ecija, para lang kaming nakitulog sa aming sariling bahay dahil pabalik na rin kami ng Maynila.

Gustung-gusto pa sana naming makasama ang aming mga apo, pero maramot ang panahon, kapag inabot pa kami nang Linggo (March 15) nang umaga ay iba na ang sitwasyon dahil sa umiiral na community quarantine.

Napakaraming naapektuhan ng paglaganap ng COVID-19 sa buong mundo. Dito sa atin ay kaliwa’t kanang programa, concert at mga aktibidad ang kanselado.

Walang ibang pamimilian ang mga kababayan natin, kailangang sundin ang protocol ng DOH, lalo na’t sumailalim na sa lockdown ang buong NCR.

Nakakalungkot manood ng mga shows na walang audience, kanselado rin ang concert ng mga dayuhang performers maging ng mga sariling atin, kung kailan matutuldukan ang nakaaalarmang senaryong ito ay wala pang nakakalaam.

Nauna na ang Eat..Bulaga sa pag-ere nang walang studio audience, sa unang pagkakataon pagkatapos nang ilang dekada ay ngayon lang ginawa ng pamunuan ng noontime show ang pag-ere nang walang tao sa kanilang studio, masakit ang desisyon para sa kanila pero makabuluhan naman para sa ating mga kababayan.

Ang show na ipinalit ng ABS-CBN para kay Vice Ganda ay kanselado rin ang pagsisimula ngayong gabi sana. May mga nai-tape na silang ilang episodes, pero paano naman ang mga kasunod, nakaangkla sa live audience ang bago niyang show.

May mga tumawag sa amin na pakisabi raw kay Willie Revillame na mag-show na rin siya nang wala munang studio audience. Hindi kasi nila kontrolado ang bus-bus na manonood na nanggagaling pa sa iba-ibang probinsiya.

Si Willie pa naman, napakaemosyonal, hindi niya madaling matatanggap ang ideyang mag-show sila na walang mga kababayan nating nanonood sa kanila.

Audience kasi ang buhay ng Wowowin, sa studio audience sila kumukuha ng mga contestants, ang studio audience din ang nagbibigay-sigla sa mga hosts ng programa lalo na kay Willie.

Pero para sa kaligtasan ni Willie at ng kaniyang staff, lalo na sa mga kababayan nating dumadayo sa panonood ng taping ng show, ay napakalaking kaginhawahan at kaligtasan ang hindi muna pagpapasok ng studio audience sa Wowowin. Palaging una para kay Willie ang ating mga kababayan pero sa ganito kaselang panahon ay kailangan niyang sumunod sa alituntunin ng GMA-7.

Bagsak ang ekonomiya ng ating bayan dahil takot na takot lumabas ng bahay ang mga Pinoy. Tama naman ang ganoon bilang pagsunod sa ipinapayo ng DOH pero umaaray na ang ating mga negosyante.

Ang buhay na buhay na industriya lang ngayon ay ang mga manufacturers ng alcohol, handwash at sabon. Pinagsasamantalahan pa nga ng mga third party ang panahong ito, pumapakyaw sila ng mga panglaban sa mikrobyo, para ibenta lang nila nang doble kundi man triple ang presyo.

Onli in da Pilipins!

Matteo at Sarah – Kailan kaya matatanggap ni Mommy Divine?

Nakita ng mga kaibigan naming nagsi-shopping sina Matteo Guidicelli at Sarah Geronimo. Magkahawak-kamay palagi ang mga bagong kasal.

Ihinahalintulad ng aming kausap si Sarah sa isang bilanggo nang mahabang panahon na kalalaya pa lang. Kitang-kita kasi nila ang kalayaang niyayakap ngayon ng magaling na singer-actress.

“Hinahalikan siya palagi ni Matteo, kinikilig ang mga nakakakita sa kanila, napakasaya nilang dalawa, lalo na si Sarah, na parang ngayon pa lang nae-explore ang mundo!” kuwento ng aming kaibigan.

Wala naman kasi talagang presyong katumbas ang kalayaan. Matagal na ipinagdamot iyon kay Sarah, may punto o wala ang kaniyang mga magulang ay malinaw ang patotoo na ngayon pa lang talaga niya nakikita ang kagandahan ng mundo, kasama ang kaniyang asawa.

Dahil sa sobrang pagmamahal sa kaniya ni Mommy Divine ay maraming ipinagkait ang panahon kay Sarah. Pagmamahal na sumobra, lumampas sa guhit na kailangan lang niya, kaya naganap ang lihim nilang pagpapakasal ni Matteo.

Anumang labis, kapag pinairal, ay hindi nakagaganda. Kontrabida ang tingin ng publiko ngayon kay Mommy Divine, pero hindi iyon sinasamantala ni Sarah, hindi siya nagsasalita nang laban sa kaniyang ina para huwag nang lumala pa ang isyu.

Kuwento nga ng mga kaibigan naming nakakatrabaho ng magaling na singer ay nakikiusap siyang huwag na munang interbyuhin, ayaw na niyang makapanakit pa ng damdamin, isang patotoo kung gaano siya kabuti at kamarespeto bilang anak.

Isang kaibigan ng pamilya ni Sarah ang nakakuwenthan namin. Talaga raw ininda nang husto ni Mommy Divine ang lihim na pagpapakasal ng kaniyang anak kay Matteo Guidicelli.

Para raw malibang si Mommy Divine ay inaabala niya na lang ang kaniyang sarili sa pagnenegosyo. Nagbabantay siya sa kanilang restaurant, tumatao rin siyang madalas sa kanilang malaking tindahan sa may UST, nagtitinda pa rin siya ng mga inaani nilang gulay sa kanilang farm.

Isang araw ay gagamutin din ng panahon ang hidwaan nila ng kaniyang pamilya, sabi nga sa tagline ng ABS-CBN, “Family is forever!”

Kim Chiu – Wala na ba sila ni Xian Lim?

Tiwa-tiwayway sa haba ang mga pangalang pinagtawiran ng pasasalamat ni Kim Chiu dahil sa isang kahindik-hindik na karanasang hindi na niya makakalimutan habang nabubuhay siya.

Hindi simple ang kaniyang nakaengkuwentro, konting-konti na lang at puwede na siyang pinaglalamayan, kaya ganoon na lang ang pasasalamat ng aktres sa matinding paggabay sa kaniya ng Diyos.

Sabi nga ng isang nakausap namin ay hindi pa niya oras. Hindi pa ito ang takdang panahon ng kaniyang pamamaalam sa mundo. Marami pa siyang dapat gawin na kailangan niyang tapusin.

Pero sa ihinaba-haba ng kaniyang pasasalamat ay wala ang pangalan ng sinasabing karelasyon niyang si Xian Lim. Paulit-ulit pa naming binasa ang post ng pasasalamat ng aktres pero wala talaga doon ang pangalan ng aktor.

Natural lang ang tanong ngayon ng buong bayan ay bakit? Si Xian Lim ang isa sa mga pangalang dapat unang-unang pinasalamatan ni Kim pero bakit wala ang pangalan nito sa listahan?

Kinapos ba ng pagsuporta si Xian nang mabingit sa kamatayan ang buhay ng kaniyang girlfriend? Mayroon ba silang matinding away?

Komento naman ng isang nag-post, “Ito na nga siguro ang panahon para magpakatotoo sila. Mula naman noon, e, pinagdududahan ang relasyon nila. Maraming hindi naniniwala.”

Nakakalungkot lang isipin na ang dami-daming pinasalamatan si Kim pero ang pangalan ng lalaking mahalaga sa kaniyang buhay ay wala.

Nang maganap ang pagratrat sa van ni Kim ay mayroon din namang ipinost si Xian Lim. Itim. Basta kulay itim lang.

Iyon na kaya ang pahimakas ng kamatayan ng kanilang pagmamahalan na pinagdududahan ng marami? Ang hindi kaya pagpapakita ng pagpapahalaga ni Kim sa aktor ay nagbabadya na ng kanilang pagkakani-kaniya?

Sabi nga ni prop, “Natural lang na ang wala ang hinahanap. Binaril-baril ang van ni Kim, dumating ang mga kapatid niya, ang mga bossing nila sa ABS-CBN, pero walang Xian na sumuporta?

“Nasaan na ang kaniyang knight in shining armor? Nasaan na ang kaniyang tagapagligtas? Waley!” natatawang komento ng kaibigan naming propesor.

AiAi delas Alas – Very proud wife ni Captain Gerald Sibayan

Mula ngayon ay palagi nang may nakakabit na name plate sa dibdib ng mister ni AiAi delas Alas. Captain Gerald Sibayan.

Ganap na piloto na nga ngayon ang binatang nakilala ng Comedy Concert Queen sa badminton court. Malayo ang agwat ng kanilang edad, nang magpakasal sila ay isa lang ang nabuo sa utak ng mga mapanghusga, peperahan lang si AiAi ng binata.

Balat-sibuyas pa nga ang komedyana, dinedepensahan pa niya si Gerald, pero ang kaniyang mister ay napapangiti lang. Kunsensiya kasi nito ang nagsasabing mali ang paghusga sa kaniya.

Pagkatapos nilang magpakasal ay nagtrabaho bilang coach ng national team ng badminton si Gerald kasabay ang pag-aaral nito sa De La Salle University.

Nakapagtapos si Gerald, proud na proud si AiAi, naging saksi kasi siya sa paggising nang madaling-araw ng kaniyang mister para hindi masapul ng traffic sa pagpasok.

Napakalayo ng distansiya ng kanilang bahay sa Quezon City sa Taft Avenue, pero araw-araw na ganoon ang rutina ni Gerald, nagsikap talaga itong makapagtapos.

Hanggang sa nag-aral na ng pagpipiloto ang kaniyang mister, madalas silang hindi magkasama dahil abala si Gerald sa pagpapalipad, buung-buo ang kaniyang pangarap na isang araw ay makapagtatapos ito ng kaniyang kurso.

At ngayon ay heto na ang napakasarap na bunga ng pagsisikap ni Gerald, maligayang-maligaya si AiAi, dahil ganap nang piloto ang kaniyang mister.

Ang binatang nangarap, ngayon ay tatawagin nang Captain Gerald Sibayan, helicopter muna ang kaniyang hawak ngayon pero isa pa uling pagsisikap ay pagpapalipad naman ng commercial plane ang kaniyang inaasinta.

Maligaya kami para sa Comedy Concert Queen at pagsaludo naman ang ipinaaabot namin kay Captain Gerald Sibayan na nangarap, nagsikap at nakapagtapos.

Kris Aquino – Mahina ang katawan, malapit sa aksidente

Malapit sa aksidente si Kris Aquino. Kung saan-saan siya nadadapa at tumtumba. Siya mismo ang aminadong clumsy siya.

Ilang beses na ba siyang nadudulas sa kaniyang banyo? Huwag namang sabihing sa dami ng kaniyang mga kasambahay ay walang naglilinis noon para hindi siya madulas?

Kumpleto sa mga imported na produkto si Kris para ipanglinis sa kaniyang banyo at kuwarto. Pero bakit madalas pa rin siyang maaksidente sa pagkadulas?

Noong minsan ay bumagsak naman siya sa kama sa kaniyang pagbangon. Sigaw na raw siya nang sigaw pero halos kalahating oras pa ang dumaan nang makita siyang nakahandusay.

Ang kailangan pala ni Kris sa pagkilos ay palagi siyang may dala-dalang intercom. Malaki ang tulong na magagawa noon sa kaniya para alam ng mga household helpers niya kung ano ang nangyayari sa kaniya.

Mahilig si Kris sa mga gadgets, halos lahat ay mayroon siya, kaya ang unit ng intercom na wireless ay kailangang-kailangan niya kahit saan siya magpunta sa mansiyon niya.

Napaka-fragile pa naman ni Kris na parang sa munting kibot lang ay babagsak na agad siya. Palaging hindi balanse ang kaniyang katawan dahil flat-footed siya.

Huwag naman sana, pero delikado ang ganoon kay Kris, hindi naman sa lahat lng panahon ay katabi niya sina Josh at Bimby at malapit sa kaniya ang mga PA niya.

Kailangan na niyang pag-ingatan ang kaniyang mga galaw, mahirap mabalian ng buto, mahabang gamutan na naman ang kaniyang pagdadaanan kapag may nangyaring hindi maganda sa kaniyang katawan.

–CSF

 

Cristy Per Minute • Abril 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAbril 2020

      Ogie Alcasid Regine Velasquez
Ogie Alcasid & Regine Velasquez
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Angel Locsin 2
 
Angel Locsin sa PGH
  Coco Martin
 
Coco Martin
  Ellen Adarna
 
Ellen Adarna
  Iza Calzado
 
Iza Calzado
  Willie Revillame
 
Willie Revillame
  Kris Aquino
 
 Kris Aquino​

ABS-CBN – Tuloy pa rin kahit naka-quarantine ang mga talents

Eksaktong dalawang linggo na tayong nakapailalim sa enhanced community quarantine kahapon. Ganoon din kahaba ang panahon na hindi namin nasisilip ang langit dahil literal lang kaming nasa loob ng bahay.

Sa mga tulad naming palaging abala sa trabaho sa labas ay napakahirap ng ganitong sitwasyon. Ang bagal-bagal ng oras. Nakakainip, nakakaburyong at iba pang mga terminong maaaring gamitin sa ganitong sitwasyon.

Kung nagtanim nga kami ng kamote ay may talbos na ngayon. May pangsahog na sana kami sa sinigang na hindi na kailangang bumili pa sa palengke.

Naka-house arrest din ngayon ang mga artista, pero nakagagawa ng paraan ang ABS-CBN na makapagtawid ng kanilang programa nang live sa pamamagitan ng Zoom, nasa kani-kanilang bahay lang ang mga singers at artista nila.

Sa isang panahon na lalong kumakabog ang ating dibdib dahil sa padagdag nang padagdag na bilang ng mga kababayan nating dinadapuan ng mapamuksang virus ay masarap namang kahit paano’y malibang tayo sa pamamagitan ng pagkakantahan ng mga personalidad.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor, “For a change naman. Dalawang linggo na tayong pinanenerbiyos ng COVID-19, kaya malaking bagay ang ginagawa ng ABS-CBN.

“Nalilibang tayo kahit paano, nawawala ang stress natin, iyon pa naman ang matinding kalaban ng katawan natin ngayon. Kapag stressful tayo, bumababa ang immunity natin.

“Ang ganda ring makita ang mga performers na hindi naka-make-up, hindi kuntodo ang bihis, literal lang silang nasa bahay. Malalaman mo talaga kung sino ang natural na maganda at alipin ng make-up,” naglilibang na komento ni prop.

Walang ipinagbabago ang boses ng Asia’s Songbird na si Regine Velasquez nasa gitna man siya ng entablado o basta nakaupo lang. Birit kung birit pa rin siya habang nasa piano naman si Ogie Alcasid na kumpleto sa technical rider sa kaniyang studio.

Napakataas pa rin ng boses ni Regine, walang kadaya-daya, tunog lang ng piano ang umaakumpanya sa kaniya. Sa ganoong pagkakataon natin mabibigyan ng kredito ang mga singers na walang pinipiling panahon sa pagpe-perform. 

Angel Locsin – Anghel na ipinadala ng langit sa mahihirap

Ang nakikita naming kawangis ng sikat na banyagang TV host na si Oprah Winfrey dito sa atin ay si Angel Locsin.

Iniidolo namin si Aling Oprah dahil sa kagandahan ng kaniyang puso. Mas marami itong tinutulungan sa likod ng mga camera kesa sa hayagan nitong binibigyan ng ayuda sa kaniyang programa.

Bahaghari ang kulay ng kaniyang buhay. Napakarami nitong paghamong nilampasan, ang masakit na panglilibak sa kaniya bilang Black American noong bata pa lang, pero ang mga karanasang iyon ang nagpatibay sa kaniyang dibdib sa paglaban sa buhay.

Sabi ni Aling Oprah, ang pinakamabisang armas sa paglaban ay ang pagsesemyento ng palibot ng ating puso, kapag nga naman matibay na ang pundasyon ng ating dibdib ay wala na tayong hindi kakayanin.

Ang bagyo ay magiging ambon na lang. Ang matinding lagnat ay magiging sinat na lang.

Sinsero ang kaniyang pagtulong dahil mas matindi pa sa mga inilalapit na problema sa kaniya ang nagpatatag sa kaniyang damdamin.

Iyong mula sa pusong pagtulong na ganoon ni Orah Winfrey ay nakikita namin ngayon kay Angel Locsin.

Bagay na bagay sa dalaga ang kaniyang pangalan. Isa siyang anghel na walang pakpak na ipinadadala ng langit para sa mga kababayan nating kapuspalad at may matinding pangangailangan sa buhay.

Ginagawa niya iyon nang bukal sa kaniyang kalooban, wala siyang pinipili, hindi selektibo ang kaniyang puso sa paghahandog ng mga biyaya.

Nagkaroon ng giyera. Nangwasak ng buhay at kabuhayan ang matinding bagyo. May pumutok na bulkan. At may salot ngayon na pumupuksa nang nakaparaming buhay sa buong mundo.

Sa lahat ng kalamidad at sitwasyong nabanggit ay ramdam na ramdam ang mapusong presensiya ni Angel Locsin. Puso niya ang nagdidikta sa pagtulong, wala siya ni sa hinagap lang na pangarap na maging lingkod-bayan, maligayang-maligaya ang kaniyang puso sa pagsisilbi sa mga nangangailangan.

Abalang-abala ngayon si Angel sa pagbabalangkas ng mga pansamantalang tirahan ng mga frontliners sa pagsugpo sa COVID-19.

Ang kaligatasan ng mga doktor, nurses, nursing aide at ng iba pang mga kababayan nating nagtatrabaho sa mga ospital ang kaniyang pinagmamalasakitan.

Kakambal ng malasakit na iyon ang mga pamilya ng mga frontliners na napakalaki ng posibilidad na kapitan ng mikrobyo dahil sa kanaturalan sa pagtupad ng propesyong sinumpaan nila.

Nananawagan ang aktres sa kaniyang mga kapuwa artista at sa mga kababayan nating may sobra-sobra sa buhay. Mga teheras, kumot, unan, upuan at mga kagamitan sa pagtulog at pamamahinga ang kaniyang hinihiling.

Naglalabas ng sarili niyang pera si Angel. Pinaghirapan niya ang halagang iyon sa pagpupuyat at pagpapagod sa pagiging artista.

Hindi iyon mula sa ating buwis, personal niyang pinagsakripisyuhan ang perang ginagamit niya sa pagtulong, napakadakila ng puso ng dalagang ito.

Sana’y marami pang Angel Locsin na ipinanganak sa mundo. Sana’y maging buhay na modelo siya ng mga taong punumpuno ang bulsa pero parang bilanggo naman na hindi malayang naglalabas ng mga biyaya.

Sabi nga ni Aling Oprah, “We go as we come into this world. In the end, nothing is ours to keep.” 

Coco Martin – Pagtatanim ang dibersyon ngayong lockdown

Sa panahon ng enhanced community quarantine na pinaiiral ng ating pamahalaan ay inip na inip na ang maraming personalidad.

Ngayon magkakaalaman kung sinu-sinong artista ang puwedeng maging kapaki-pakinabang ang panahon kapag ganitong hindi sila puwedeng lumabas ng bahay.

Ang una naming naisip ay si Coco Martin. Sa tabing-tabi ng kaniyang mansiyon sa isang eksklusibong subdivision ay ginawa niyang taniman ng mga gulay ang malaking lote.

Kumanta ka man ng bahay-kubo ay siguradong nandoon ang karamihan sa mga gulay na sinasabi sa piyesa. Napakaganda ng kaniyang gulayan, sariwang-sariwa ang mga puno, dahil kapag may trabaho siya ay mayroon siyang itinatalagang mag-aalaga ng kaniyang mga pananim.

Magsasaka talaga ang peg ng action star kapag nasa malawak na lote siya. Nakabota, naka-jacket, lahat ng dumadaan sa tapat ng kaniyang bahay ay humihinto para makapagparetrato sa kaniya.

Iyon ang pangtanggal niya ng stress, hindi biro ang papel na ginagampanan niya sa Ang Probinsyano, dahil bukod sa siya ang bida sa serye ay kasama pa rin siya sa creative team.

Umaarte na siya ay nagdidirek pa, may kamay rin siya sa takbo ng istorya, kaya sa tatlong beses nilang taping sa bawat linggo ay talagang mauubusan na nga naman siya ng lakas at creative juices.

Kaya minabuti niyang gamitin ang kaniyang oras sa pagtatanim ng iba’t ibang gulay sa tabi ng kaniyang mansiyon. Malaking-malaki ang kaniyang pakinabang sa dibersiyong ginagawa niya.

Libre na ang pangsahog nilang mga gulay sa ulam ay nakapagreregalo pa siya sa kaniyang mga kaibigan at kasamahang artista.

Kaya ngayong nakapailalim tayo sa lockdown ay siguradong mas nadagdagan pa ang mga pananim ni Coco Martin. Marami siyang naka-stock na binhi, armado siya ng mga buto, nagagamit niya sa kapaki-pakinabang na paraan ang enhanced community quarantine. 

Willie Revillame – Tuloy pa rin ang Wowowin kahit nasa Mindoro

Kahit pinag-abutan ng enhanced community quarantine sa kaniyang beach house sa Puerto Galera si Willie Revillame ay hindi dahilan iyon para pigilan siyang mag-abot ng tulong sa ating mga kababayan.

Sa pamamagitan ng Facebook at You Tube ay tuloy ang pagsahimpapawid ng Wowowin, tuloy-tuloy ang ginagawa niyang pagmamagandang-loob sa Mindoro, lalo na sa mga kababayan nating Mangyan.

Ang pusong likas na matulungin ay hindi kayang harangan ng anumang unos at kalamidad. Hindi natutulog ang pusong mabuti.

Kaya naman patuloy rin ang mga pagpapalang dumarating kay Willie, hindi niya lang kasi sinasarili ang kaniyang mga biyaya, ibinabahagi niya iyon sa mga nangangailangan. 

Ellen Adarna – Itinulad sa ‘black hole’ ang pagsasama nila ni JLC

Ayaw magpakabog ni Ellen Adarna sa COVID-19 na sentro ng atensiyon ngayon ng buong mundo. Kung may mga rebelasyong inilalabas ang DOH at ang ating pamahalaan tungkol sa mapamuksang virus ay ganoon din ang Cebuanang aktres.

Wala siyang binabanggit na sinuman sa kaniyang mga kuwento, pero ang tatlong taon na tinutukoy niya ay ang inakala nating maliligayang araw nila ni John Lloyd Cruz, pero naging black hole pala.

Sa biglang tingin ay parang walang pakialam sa mundo si Ellen Adarna, parang kahit virus ay matatakot na kumapit sa kaniya, pero sa pagmamatapang na iyon ng sexy star ay nakatago pala ang isang malaking kaduwagan.

Iyon ang dahilan kung bakit siya dumayo pa sa Bali, Indonesia para sumailalim sa dalawang linggong mental training.

Ibang-iba na kasi ang kaniyang nararamdaman, naninigas na ang mga muscles niya at hindi na raw siya nakahihinga nang maayos, kaya iyak na lang ang nagagawa niya.

Mabuti na lang at mas nauna ang pagpapagamot niya sa Indonesia kesa sa pagputok ng corona virus, ang mga dahilan kasing ikinukuwento niya ay katulad ng nararamdaman ng isang positibo sa COVID-19, mabuti na lang talaga.

Ihinalintulad din ni Ellen ang kaniyang sarili sa isang robot. Dahil sa matinding depresyon na umatake sa kaniya ay inom lang siya nang inom ng tranquilizer, kaya tulog lang siya nang tulog, hindi na rin niya nakukuhang maligo.

Ang mga kuwento ni Ellen ay walang ipinagkaiba sa istorya ng mga personalidad na umasa na lang sa gamot para makapagnakaw ng tulog. Downers ang tawag sa ganoon.

Sa mga kuwento ngayon ni Ellen Adarna ay ano kaya ang nararamdaman ni John Lloyd Cruz? Alangan namang magdenay pa sa kaniyang sarili ang aktor na hindi ito ang tinutukoy ng aktres sa black hole na klase ng buhay na kaniyang napasukan?

Nakakalungkot lang isipin na ang akala ng buong mundo noon ay napakaligaya nilang dalawa, napakarami nilang isinakripisyo, dahil sa ngalan ng pag-ibig.

Pero hindi naman pala ganoon kaayos at kaganda ang serye ng kanilang pagmamahalan ayon na rin sa mga rebelasyon ni Ellen Adarna.

Sa simula ay paraiso ang kanilang pinagsaluhan, kaya nga may isang Elias sila ngayon, pero kung paniniwalaan natin ang mga rebelasyon ni Ellen Adarna ay iyon din pala ang pinakamadilim na bahagi ng kaniyang buhay. 

Iza Calzado – Positive sa Covid-19, nagpapagaling pa

Positibo sa COVID-19 ang magaling na aktres na si Iza Calzado. Pero mas positibo pa siya kesa sa virus, ang pagiging positibo niyang iyon ang naging dahilan kaya tinanggalan siya agad ng respirator, maayos na ang kaniyang kalagayan ngayon.

Sa halip na magpatalo sa matinding nerbiyos ay nakipagbiruan pa siya sa kaniyang manager, “Nasa akin ang Corona,” sabi niya kay anak-anakang Noel Ferrer.

Ang sagot naman ng kaniyang manager, “Basta, walang turnover ceremonies ‘yan, ha?” Maraming salamat sa mga humiling para sa maagang pagbuti ng kundisyon ni Iza Calzado.

Sabi nga ng kaibigan naming propesor na lantarang tagahanga ni Iza Calzado, “Napakaganda niya para mamatay.”

Balik-tanong namin, bakit mga pangit lang ba ang dapat mamaalam, saka kami naghalakhakan na parang ang normal-normal ng ating kapaligiran ngayon. 

Kris Aquino – Mahina ang immune systema, dapat mag-ingat

Si Kris Aquino ang palaging inuusisa sa amin ng marami kung kumusta ang kalagayan ngayon. Ang aktres-TV host din naman kasi ang matagal nang nagsasabi na may kahinaan ang kaniyang resistensiya sa mikrobyo.

Auto immune system. Doon may problema si Kris kaba mabilis siyang tamaan ng allergy. Wala siyang matinding panlaban sa mga tinatawag na foreign bodies.

Ang ganda-ganda ng mga bulaklak na ipinadadala sa kaniya ng mga kaibigan pero hindi man lang niya mahawakan. Bawal kasi sa kaniya ang pollen, agarang umaandar ang kaniyang allergy, mabilis na namamaga ang kaniyang mukha at hirap siyang huminga.

At sa panahon ngayon na pinagdadaanan natin dahil sa mapamuksang COVID-19 ay panay-panay ang payo ng DOH na kailangang patatagin natin ang ating resistensiya bilang panlaban sa virus.

Sapat na tulog, balanseng pagkain, mga bitamina at dobleng pag-iingat-pag-aalaga sa ating sarili ang palaging ipinapayo ng mga dalubhasa.

Kayang-kayang sustinihan ni Kris ang kaniyang sarili ng anumang bagay na maaaring magpatibay sa kaniyang resistensiya. Sa kayamanang mayroon siya ay hindi siya aatakihin ng virus dahil kayang-kaya niyang sundin at gawin ang mga kailangan para mapaglabanan ang pandemic na COVID-19.

At wala pang COVID-19 ay iyon na ang madalas naming sulatin, ang sana’y maging ligtas si Kris sa anumang karamdamang magpapabagsak sa kaniya, panalangin din ‘ yun ng kaniyang mga mahal na tagasuporta.

Sana’y matibay na matibay na ang resistensiya ni Kris Aquino bilang armas ngayong matinding giyera sa COVID-19 ang lumulukob sa buong mundo. 

Virus ka lang, Pinoy ako! – Kaya natin ito!

Sa gitna ng tensiyon ng buong bayan ngayon dahil sa COVID-19 ay hindi pa rin talaga bumabaklas sa mga kuwentong-artista ang marami nating kababayan.

Komento ng isang kaibigan namin ay pambalanse raw nila ngayon sa sobrang pag-aalala at nerbiyos ang pagtutok pa rin sa showbiz.

Noong una ay tutok na tutok pa sila sa news tungkol sa virus, pero pakiramdam daw nila, habang ganoon ang kanilang pinanonood ay nakakaramdam sila ng panghihina ng katawan.

Puwedeng totoo iyon, lalo na kung nerbiyoso ang nakatutok, pero kailangang mulat pa rin tayo sa nagaganap sa ating paligid para makaiwas tayo sa sakit.

Maaaring kontra ang isang mensaheng tinanggap namin mula sa mga kaibigan pero ang pagiging positibo kasi sa pananaw sa buhay ay mas mabisa pa kung tutuusin kumpara sa mga anunsiyong naririnig natin.

Mula sa isang psychologist ang mensahe na ganito ang sinasabi. Puwedeng paniwalaan ito at hindi, puwedeng iaplay at puwede ring dedmahin lang, pero ito ang punto ng mensahe.

  1. Isolate yourself from news about the virus. (Everything we need to know, we already know).
  2. Don’t look for additional information on the Internet, it would weaken your mental state.
  3. Avoid sending fatalistic messages. Some people don’t have the same mental strength as you (Instead of helping, you could activate pathologies such as depression).
  4. If possible, listen to music at home at a pleasant volume. Look for board games to entertain children, tell stories and future plans.
  5. Maintain discipline in the home by washing your hands, putting up a sign or alarm for everyone in the house.
  6. Your positive mood will help protect your immune system, while negative thoughts have been shown to depress your immune system and make it weak against viruses.
  7. Most importantly, firmly believe that this will pass and that the universe is in the hands of God. He is a God of love and not of punishment.

Parang sitwasyon din ng ating pangkabuhayan showcase ang mensahe ng psychologist. Huwag daw nating sinasabing wala tayong pera, ang kailangan daw nating sabihin ay may parating, pero hindi pa lang natin hawak.

Kailangang negatibo lang tayo sa virus pero ang pagiging positibo sa buhay ay gumagawa ng magandang resulta sa ating buhay.

Huwag tayong magpapatalo, kailangang lumaban tayo nang sabayan, kakambal pa rin ang pag-iingat at ang napakahalagang panalangin sa mga panahong ito na laganap ang salot sa buong mundo.

Napakaraming unos na ng buhay ang pinagtagumpayan natin. Lindol, bagyo, sakit, giyera, pagputok ng bulkan at marami pang ibang kalamidad.

Pero ibang-iba ang ating lahi, minolde tayo nang napakatibay, para tayong pusa na may siyam na buhay.

“Virus ka lang, Pinoy ako!” sabi sa t-shirt na suot ng magigiting nating frontliners. Totoong-totoo, sa anumang larangan ay palaging wagi ang Pinoy, para tayong talbos ng kamote at sanga ng malunggay na kahit saan mo itanim ay agarang tumutubo.

–CSF

Cristy Per Minute • Abril 16-30, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAbril 16-30, 2020

      Kim Chiu
Kim Chiu
  Andrea Torres Derek Ramsay
 
Andrea Torres & Derek Ramsay
  Angel Locsin Sharon Cuneta
 
Angel Locsin & Sharon Cuneta
  Robin Padilla
 
Robin Padilla
  John Lloyd Cruz
 
John Lloyd Cruz
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

COVID-19 – Paano masusugpo? Matigas ang ulo ng mga Pinoy!

Totoo namang nakakarindi ang ilang kababayan nating walang pakialam sa mga ipinagbabawal ng DOH at ng ating pamahalaan para makaiwas tayo sa mapamuksang coronavirus.

Hindi lang naman dito sa ating bansa ipinagbabawal ang pagsasama-sama dahil sa pagsunod sa social distancing, maging sa iba-ibang bansa ay mahigpit din ang ganoong implementasyon, pero may mga Pinoy na hindi yata pagkaligtas sa salot ang hanap kundi kamatayan.

Tama bang sa isang roof top ay may tupada na sangkaterbang sabungero ang magkakasama? Tatlong tao na nga lang ay pinagpapayuhan pa nang isang metrong distansiya para maiwasan ang pagkahawa pero ang mga pasaway nating kababayan ay walang pakialam.

Mayroon pang mga nakatira sa probinsiya na buong-ningning pang nag-post ng kanilang mga retrato habang nagpi-picnic noong Sabado de Gloria.

Bawal lumabas ng bahay pero ano ang ginagawa nila? Hindi lang sila basta naglalakuwatsa, marami pa silang magkakasama, talagang sakit ang hanap nila.

Dahil sa mga ganoong sitwasyon ay padagdag nang padagdag tuloy ang bilang ng mga kinakapitan ng coronavirus. Maraming pumapanaw, lalo na sa hanay ng mga frontliners, ang mga bagong bayani ng ating bayan.

Nakalulungkot. Gasgas na ang dila ng mas nakararami nating kababayang nagdarasal na sana’y maging ligtas ang ating bansa sa COVID-19.

Hiling nang hiling ang mayorya na matuldukan na sana ang paglaganap ng salot, pero heto naman ang mga pasaway nating kababayan, walang pakialam at puro personal na kapritso ang ang inaatupag.

Haaay, naku! 

Robin Padilla – Kinampihan ng mga kababayan nating buwisit na rin sa mga pasaway

Sa lahat ng mga ariba ni Robin Padilla ay ngayon lang siya sinang-ayunan nang isandaang porsiyento ng ating mga kababayan.

Mas madalas kasi kesa sa hindi ay naba-bash ang action star, hindi kinakampihan ng publiko ang kaniyang opinyon, pero ngayon ay kaisa niya ang bayan laban sa mga pasaway.

Narindi na si Robin sa mga kababayan nating walang pakialam sa enhanced community quarantine na pinariiral ng DOH at ng ating pamahalaan.

Manatili lang sa bahay ang payo sa ating mga kababayan para makaiwas sa coronavirus, isapuso rin ang social distancing, para hindi mahawa at hindi makapanghawa ng sakit.

Pero ano nga naman ang ginagawa ng ibang kababayan natin? Hindi sila mapakali sa bahay, galaan nang galaan, at nakukuha pang magtupada ng iba.

Natural, nangangamba ang DOH na sa halip na bumaba ang numero ng mga nagiging biktima ng COVID-19 ay tataas pa nga, dahil sa mga taong akala yata ay walang hangganan ang kanilang buhay.

Sa sobrang inis na ni Robin ay nakapagsalita tuloy siya ng, “Cooking ina n’yo!” na sinang-ayunan naman ng mga kababayan nating buwisit na buwisit na rin sa mga pasaway.

Nakakaputol nga naman kasi ng pasensiya ang mga taong walang pinakikinggan. Sa halip na makatulong ay nagiging pabigat pa sa ating pamahalaan.

Kahit nga si Pangulong Rodrigo Duterte ay galit na galit na sa mga pasaway, hindi na malaman ng pangulo kung ano ang kaniyang sasabihin, napakahirap nga namang mamuno sa isang bansang maraming matigas ang ulo at pilosopo.

Ano raw ang gagawin nila sa bahay? Darating daw ba ang grasya kung mananatili lang silang nakakulong sa kanilang mga tahanan?

May mga tao talagang mahirap ispilengin ang ugali. 

Angel Locsin – Dakila. Kahit hindi purihin, tumutulong talaga

Kundi dakila ay hindi na namin alam kung anong termino ang gagamitin namin sa paglalarawan sa puso ni Angel Locsin.

Hindi siya manyikang de susi, mayroon siyang kusang-palo, alam niya kung kailan siya aaksiyon para magbigay ng tulong sa mga kababayan nating may matinding pangangailangan.

Napakadakila ng ginawa niyang proyekto para sa mga frontliners na naglalagay ng sarili nilang buhay at kaligtasan sa indulto. Sila ang mga buhay na bayani ng ating panahon.

Pero hindi pala pinayagan ng DOH ang misting tent na dinisenyo ng grupo ni Angel. Ayon sa departamento ng pamahalaan ay wala pang lumalabas na patunay na ang misting na ginagawa ngayon ng ating mga kababayan sa pagsugpo ng corona virus ay epektibo.

Ang ipinapayo pa rin ng DOH ay ang paghuhugas ng kamay, ang paggamit ng face mask, ang hindi paghawak sa mga parte ng ating mukha nang marumi ang ating mga kamay.

Hindi na kuwestiyon ang argumento, may epekto man o wala sa pagsugpo sa virus ang misting ay hindi na mahalaga, ang importante ay ang mabuting puso ni Angel Locsin na mabilisang kumilos para makatulong sa mga frontliners na totoo namang isinusugal ang nag-iisa nilang buhay para makapagligtas ng kanilang kapuwa.

Dikta iyon ng puso at kunsensiya, hindi ng mga bulong, lalong hindi ng kung anumang pinaghahandaan niyang laban sa pagpasok niya sa mundo ng pulitika.

Nasa puso ng aktres ang pagbabahagi ng mga grasyang tinatanggap niya, puso niya ang nagsasabing kailangan nating ayudahan ang mga taong ginagawa na lang na pangalawang prayoridad ang kanilang mga pamilya, isang pagsaludo sa kabutihan ng puso ni Angel Locsin. 

Derek Ramsay – Si Andrea Torres ang pakakasalan

Sigurado na si Derek Ramsay kung sino ang babaeng iaakyat niya sa bagong bahay na ipinagawa niya. Wala nang iba, si Andrea Torres na ang kaniyang pakakasalan, ang tanong na lang ay kung kailan magaganap ang kasalan.

Maayos ang kanilang relasyon, hindi lang sila basta binubuhay ng pagmamahalan, pati ang takbo ng kanilang utak at mga gusto sa buhay ay swak na swak.

Suportado ni Andrea ang mga aktibidad ni Derek, sinasamahan nito ang kaniyang boyfriend sa ibang bansa, anumang ikaliligaya ng aktor ay kailgayahan na rin ni Andeng.

Napakahaba na nga naman ng nilalakbay ng lovelife ni Derek. Sa simula ay parang iyon na nga ang kaniyang hinahanap, pero pagkatapos nang ilang taon ay hindi pa pala, sa hiwalayan din sila nauuwi.

Pero kay Andrea Torrres ay sure na sure na ang hunk actor, wala nang iba pa siyang gustong makasama kundi ang sexy actress, dahil parang iisa lang ang mga gusto nilang mangyari sa personal nilang buhay.

Palipat na sana si Derek sa bagong gawa niyang bahay, pero biglang nagkaroon ng lockdown, kaya ang pagtatapos ng enhanced community qaurantine na lang ang kaniyang hinihintay.

Madisiplina sa buhay si Derek, wala siyang kahit anong bisyo, alagang-alaga niya ang kaniyang katawan. Pagdyi-gym lang ang kaisa-isang bisyong hindi niya kayang iiwasan.

At kahit bukod na pinagpala ang kaniyang pamilya ay nagsikap siyang magbuo ng karerang pinagtagumpayan niya naman, hindi na siya umaasa ng kahit anong tulong mula sa kaniyang mga magulang, ganoon siya kadisiplinado sa buhay.

Pagkatapos kaya ng lockdown ay magpapakasal na sila ni Andrea Torres? Napakagandang pareha. 

Willie Revillame – P10,000 para pambili ng bigas ng mga fans

Mula sa tatlong linggong pananatili sa kaniyang beach house sa Puerto Galera ay nakabalik na sa Quezon City si Willie Revillame at ang kaniyang mga staff.

Pagdating na pagdating ng grupo ay nag-set-up na sila agad ng lugar sa Wil Tower para makapag-live si Willie sa pamamagitan ng You Tube at FB.

Audience lang ang kulang, pero ang energy ni Willie ay ganoon pa rin, namimigay siya ng mga papremyong cash sa mga nagte-text at tumatawag sa produksiyon habang nakaere siya.

“Pambili ng bigas” ang terminong ginagamit ni Willie sa mga nananalo, hindi nga naman biro-biro ang halagang sampung libong piso sa mga panahong ito, napakaraming walang trabaho dahil sa enhanced community quarantine.

Ganoon na lang ang pasasalamat ng mga kababayan nating mapalad na nabibigyan ng cash ni Willie, ito nga naman ang mga panahon na kahit barya-barya lang ay napakahalaga, ang sampung libo pa kaya?

Hindi talaga mapapahinga ang kalooban ng TV host kung hindi siya makatutulong at makapagpapasaya sa ating mga kababayan sa gitna ng hinaharap na indulto ng buong mundo.

Kahit noong nasa Puerto Galera pa si Willie ay gumawa siya ng paraang makapagbigay ng suporta sa mga kapatid nating Mangyan.

Siya mismo ang namamahala sa paghahandog ng biyaya, kasama siya ng kaniyang staff sa pagre-repack, nasa puso na talaga ni Willie ang pagbibigay-saya sa publiko.

“Higit kailanman, e, ngayon nangangailangan ang mga kababayan natin, lalo na ang mga laborers na walang trabaho, dahil sa lockdown.

“Kailangan talaga nilang sumunod sa mga ipinagbabawal para sa pagsugpo ng coronavirus, pero siyempre, alam naman natin na kapag walang trabaho, wala rin silang kinikita.

“Nag-meeting kami ng staff ko, kailangan naming kumilos, kailangan naming magbigay ng tulong na pampinansiyal sa mga kababayan nating kapos na kapos sa ngayon dahil sa lockdown.

“Ramdam ko sila, ako pa ba? Galing din ako sa hirap, alam ko ang feeling ng wala, kaya suporta ang kailangan nila sa mga panahong ito,” pahayag ni Willie sa aming pag-uusap.

Sa kabila ng dinadanas na paghihirap ng ating mga kababayan ngayon ay regalo ng langit para sa kanila ang tulad ni Willie Revillame na mapuso sa maliliit. 

Kim Chiu – Malaking pasasalamat sa pagkakaligtas ng buhay

Mas lumalim ang pananampalataya sa Diyos ni Kim Chiu. Higit kailanman sa kaniyang buhay ay ramdam na ramdam namin na ngayon siya sobrang sinserong nagpapasalamat sa Diyos sa pagbibigay sa kaniya ng pangalawang buhay.

Hindi nga naman biro-biro lang ang pinagdaanan ni Kim. Isang maling galaw lang ay siguradong paglalamayan na siya. Pero gumawa ng paraan ang Diyos para makaligtas siya sa pananambang sa kaniyang van.

Paano nga naman kung hindi siya nakaramdam ng antok habang papunta siya sa taping ng kanilang serye? Paano kung ipinagpatuloy niya ang pagbabasa ng kaniyang script?

Paano kung hindi niya ibinagsak nang pahiga ang kaniyang upuan? Ang lahat ng tanong na iyon ay may iisang kasagutan lang. Siguradong inaalala na lang natin ang kaniyang pangalan ngayon.

Hindi pa oras ni Kim Chiu. Nang ipanganak ang bawat tao ay nakaguhit na sa kaniyang palad kung hanggang kailan siya mananatili sa mundo.

Para lang tayong mga turista sa mundong ito. Walang may-ari ng lugar na pinupuntahan natin. Bumibisita lang tayo.

Kapag nababasa namin ang mga posts ni Kim Chiu ay damang-dama namin ang nag-uumapaw niyang pasasalamat sa Diyos sa pagbabantay sa kaniya.

Hindi lang dahil sa maayos nyang karera, hindi lang dahil sa mga biyayang tinatanggap niya bilang artista, kundi sa panibagong buhay na ipinahiram sa kaniya ng Panginoon.

Iisa lang ang ating buhay. Kahit mga bilyonaryo ay walang kapasidad na bumili ng isa pang buhay. Kapag nawala na ay iyon na ang takdang oras ng pamamaalam natin sa mundo.

Tapos na ang panahon ng ating pagiging turista lang. 

Sharon Cuneta – Tumutulong na pero bina-bash pa rin. Bakit?

Sa nakalulungkot na panahong tulad ng pinagdadaanan natin ngayon ay may mga tao pa ring walang patawad sa pambubulabog ng mga personalidad.

Hinahanapan sila ng butas, nasaan na raw ang kanilang mga milyones, habang nagdarahop daw ang mayorya ay buhay-mayaman pa rin sila.

Isa sa mga nililigalig ng mga bashers na hindi siguro naaapektuhan ng tawag ng panahon ngayon ay si Sharon Cuneta. Ano raw ba ang ginagawa ngayon ng Megastar?

Prenteng-prente lang ba siyang nakahiga sa kaniyang malambot na kama at sige-sige lang sa pagpapasarap sa buhay?

Unang-una ay hindi obligasyon ni Sharon Cuneta ang pagbibigay ng pagkain sa mga nagugutom. Tumulong man siya ay kunsiderasyon ang tawag doon.

At hindi bulag at bingi si Sharon, maraming beses na nating napatunayan na palaging bukas ang kaniyang puso sa mga nangangailangan, hindi nga lang siya ang klase na ipagmamakaingay pa ang mga ginagawa niyang ayuda.

Sikat na sikat na siya para magpasikat pa, hindi siya pulitiko para magpapogi at umasa ng boto sa susunod na halalan, dikta ng kaniyang puso at kunsensiya ang paghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Ayaw niyang ipasabi, pero hindi nakapagpigil ang isa pang may dakilang puso na si Angel Locsin, tatlong milyong piso ang ibinigay na donasyon ng Megastar sa pagpapagawa nito ng mga tents para sa mga kasalu-saludong frontliners.

Si Angel ang nasasaktan para kay Sharon, ito ang sumagot sa mga nangungunsensiya sa nananahimik lang na Megastar, hindi biro-birong halaga ang ipinangtulong ni Sharon sa mga dakila nating frontliners.

Kailangan pa ba kasing ipaglantaran sa buong mundo ang pagtulong? Dapat pa bang ipaalam sa publiko ang ginagawa ng ating mga kamay?

Ang tulong, sa anumang hugis at paraan, ay dapat lang nating pasalamatan. 

John Lloyd Cruz – Matapos na rin sana ang lockdown sa career

Dalawang pelikulang pinagtambalan nina John Lloyd Cruz at Bea Alonzo ang magkasunod na ipinalabas noong nakaraang linggo sa ABS-CBN.

Iyon ang kasagsagan ng karera ni JLC, halos wala na siyang pahinga sa pagtatrabaho, kumikita ang kaniyang mga pelikula kaya itinuring siyang poste ng Star Cinema.

Marami silang ginawang pelikula ni Bea, pero oo nga, sa tagal ng panahong magkatrabaho sila ay hindi sila naging magkarelasyon.

May ibang mga artista nga na araw pa lang ang pinagsasamahan sa trabaho ay nagiging magkarelasyon na, pero kina Loydie at Bea ay walang ganoon, nanatili silang magkaibigan lang.

Sa pagtutok sa mga nakaraang pelikula ni John Lloyd, paminsan-minsan ay makakaramdam ka ng panghihinayang, hindi na kasi nasundan ang mga proyekto niya dahil pansamantala siyang tumalikod sa showbiz para bumuo ng bagong mundo kasama si Ellen Adarna.

Nagtagumpay naman siya, may tatlong taon din silang nagpakaligaya ni Ellen hanggang sa magkaanak sila, pero wala ngang forever.

Sana nga’y magbalik na uli sa pagganap si John Lloyd. Habang pinanonood namin ang mga eksena nila ni Bea Alonzo ay nandoon ang walang kapilit-pilit niyang pag-arte, ang kaniyang kakisigan, ang kaniyang mga mata na kahit walang dayalog ay nagtatawid ng damdamin sa manonood.

Matapos na rin sana ang lockdown sa karera ng isa sa pinakamahusay nating aktor na si John Lloyd Cruz.

–CSF


Cristy Per Minute • Mayo 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 1-15, 2020

      Sarah Geronimo
Sarah Geronimo
  Lani Misalucha
 
Lani Misalucha
  BB Gandanghari
 
BB Gandanghari
  John Lloyd Cruz Elias
 
John Lloyd Cruz & Elias
  Carlo Caparas Donna Villa
 
Carlo Caparas & Donna Villa
  Imelda Papin
 
Imelda Papin
  Pacquiao family
 
Pacquiao family
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

Manay Lolit Solis – Nakakamiss ang aming bonding sa Take It, Per Minute

Tama ang sinabi ng isang kausap naming personalidad. Pagkatapos ng enhanced community quarantine ay isang bagong mundo na ang ating haharapin.

Kung hindi na magkakaroon ng ekstensiyon ang ECQ sa May 15 ay dalawang buwan tayong pumasok sa isang tunay na nakapaninibagong klase ng buhay.

Hindi natin ito hiningi, lalong hindi natin inasahang magkakaroon pala ng lockdown, pero kinailangan nating yakapin.

Bahala na si Batman, sabi ng mga pilosopo, anuman ang kahihinatnan natin kapag tinuldukan na ang lockdown ay abangan na lang natin.

Tama si Manay Lolit Solis, sobrang nakaka-miss na ang bonding namin tuwing Martes nang tanghali sa Take It, Per Minute.. Me ganoon, ang programang sinusuportahan lalo na ng mga kababayan natin mula sa iba-ibang dako ng mundo.

Para kasing hindi muna napapanahon ang talk show sa mga ganitong sitwasyon na naliligalig ang buong bayan dahil sa corona virus.

Konting panahon pa, ipagpatuloy lang natin ang pagdarasal na sana’y matuldukan na ang lockdown, para muli na tayong magkasama-sama sa programang kasalo ninyo sa pananghalian.

Sa mga panahong ito na parang kinatatamaran na rin natin ang tulog at pahinga ay talagang maghahanap tayo ng mga aktibidad na magpapalipas ng ating maghapon nang hindi tayo nabuburyong.

Aba, hindi na biro ang pinagdadaanan natin, ito ang pinakamahabang bakasyon sa ating buhay, pero isang uri ng bakasyon ito na walang labasan ng bahay, dahil bawal.

Sabi ng isang lkaibigan naming pilosopo, “Mali ang mga nagsabing mabilis lang na mawawala ang corona virus dahil made in China. Pero hindi pala! Buong mundo na ang pinahihirapan ng salot!”

Nagkatusak kasi ang mga produktong gawa sa Tsina sa merkado natin. Mas murang di hamak kesa sa mga produktong gawa dito sa atin.

Pero maraming kababayan natin ang umaangal, hindi raw matibay, napakadaling masira. Doon ikinumpara ng mga pilosopo ang corona virus na nagsimula nga sa Wuhan, China.

Sa Amerika ay hindi na nakapaghintay pa ang maliliit na negosyante, nagbukas na sila ng kailang negosyo, hindi na nila pinakinggan ang anunsiyong delikadong lumabas ng kani-kanilang bahay sa mga panahong ito.

At nakaisip naman ng ibang paraan ang mga Kano para sila mabuhay. Ang mga spa at parlor at iba pang mga opisina ay ginawa na nilang grocery, iyon kasi ang pinakasiguradong business ngayon, dahil sa mga pangunahing pangangailangan ng sambayanan.

Isang photographer naman ang hinuli ng mga otoridad sa Amerika, ilang ulit kasi itong nakakamayan na kuha nang kuha ng mga retrato ng mga sikat na lugar sa kanilang bansa, nagpakatotoo naman ang Puti sa kaniyang pahayag.

Isang araw, kapag natapos na raw ang pambubulabog ng COVID-19, ay saka nito ilalabas ang mga retratong hawak nito ngayon.

Pagtatabihin nito ang dating retrato ng lugar at ang naganap nang magkaroon ng lockdown. Simple lang ang kaniyang caption, “Before and after.”

Napakatindi nga naman ng binago ng corona virus sa buong mundo. Kapag natuldukan na ang enhanced community quarantine sa atin ay ibang-iba na ang ating gagalawan.

Maninibago na tayo, mangangapa na, dahil sa dalawang buwan na pananahimik lang sa loob ng ating tahanan.

Noong isang araw ay nag-download ng mga concert ng mga paborito naming banyagang grupo ang aming panganay na si BM.

Una naming pinanood ang unang farewell concert ng Eagles sa Australia. Napakagaling na grupo, suwabeng-suwabe ang atake, pero hindi mo bibitiwan.

Siyempre’y bumibida sa kanilang mga piyesa ang Hotel California na napalahaba ng intro. Nakapaglaba ka na, nakapagsampay ka na, malapit nang matuyo ang nilabhan mo ay saka pa lang matatapos ang balanseng-balanseng tunog ng kanilang mga instrumento para simulan na nila ang pagkanta.

Ang ikalawa naming tinutukan ay ang concert ng grupong Bee Gees, pinanood din namin ang istorya ng kanilang buhay at musika, doon kami naging emosyonal.

Ang mga miyembro ng grupo ay ang magkakapatid na sina Barry, Maurice at Robin. Ang panganay na si Barry lang ang natitirang buhay ngayon dahil pati ang kanilang bunsong si Andy ay namayapa na rin.

Sa isang bahagi ng kanilang concert sa Australia ay ihinandog nila kay Andy ang isang piyesa. Ipinakita sa wide screen ang masaya nilang kabataan, nangangabayo sila at naliligo sa dagat, matinding magmahalan ang magkakapatid.

Biglang iniluwa ng hologram si Andy na kumakanta, parang buhay na buhay na kinakanta ni Andy ang Don’t Throw It All Away (Our Love), nagtayuan ang audience habang pumapalakpak.

Standing ovation ang parteng iyon, iyak nang iyak si Barry, dahil siya nga naman ang pinakamatanda sa lahat pero bakit mas nauna pa ang kanilang bunso?

Paboritong grupo ng Bee Gees ang The Beatles na tunay namang nambulabog ang kasikatan sa buong mundo. Noong manguna sa record chart ang kanilang mga piyesa at nakita nila ang mga fans na naghihintay sa kanilang bumaba sa isang gusali ay biglang sinabi ni Barry, “OMG! We’re like The Beatles now!”

John Lloyd Cruz – Nag-aalala kung paano palalakihin ni Ellen si Elias

Habang alalang-alala si John Lloyd Cruz sa kinatatakutan niyang pagpapalaki sa kanilang anak ni Ellen Adarna na si Elias ay hayun naman ang nakahiwalay niyang sexy actress.

Isa lang ang pinagkakaabalahan ngayon ng mommy ni Elias, ang mga ginagawa nitong ritwal para mapanatiling nasa tamang kurbada ang kaniyang katawan, lalo na nga’t nagkaanak na ito.

Seksing-sexy si Ellen sa mga ipino-post nitong retrato, may isang picture pa nga itong ipinakita sa publiko na halos ang hiwa na lang ng kaniyang hiyas ang may takip, gusto pa yatang kumpetensiyahin ni Ellen ang hubadera rin sa mga retratong si Ivana Alawi.

Isang source na palaging kasama ni Ellen sa kaniyang mga sexy pictorials ang nagkuwento sa amin na totoong sexy ang ex ni JLC.

Pero ang kaniyang komento, “Palibhasa, e, tisay siya, marami siyang mantsa sa katawan. Mayroon din siyang mga peklat sa braso at binti na maputi nga lang, kaya hindi halatado.

“Magastos siya sa foundation, malalaki ang binibili niyang concealer. Kailangang takpan ang mga peklat niya para pantay ang kaniyang kulay.

“Nagtatanungan nga kami kung bakit marami siyang peklat, e, anak-mayaman naman siya? Puwedeng dahil mamam na siya nang mamam kahit noong teenager pa lang siya, e, nasusugatan siya kapag umuuwing lasing na lasing siya,” seryosong kuwento ng aming kausap.

Puwede! Dahil noong minsang makita ng isang grupo na lasing na lasing ang sexy actress sa isang bar ay paekis-ekis na raw kung magkalakad si Ellen Adarna.

Pero sige-sige pa rin ito sa kaiikot sa bar, pasuray-suray, dahil sa sobrang dami na ng kaniyang nainom. Iyon ang naging dahilan kung bakit sila naging magkarelasyon ni Lloydie.

Nagkasundo sila sa isang dibersiyon, ang walang patumanggang paglaklak, na para bang hindi kumpleto ang kanilang maghapon kung hindi masayaran ng agua de pataranta ang kanilang lalamunan.

Isinanla ni John Lloyd ang kaniyang karera sa naging relasyon nila ni Ellen, tinalikuran niya ang hanapbuhay na literal na nagpabago sa takbo ng kabuhayan ng kaniyang pamilya, pero wala ngang forever.

Itinuturing pang black hole ni Ellen ang halos tatlong taon nilang pagsasama ni JLC, wala itong binanggit na pangalan ng taong nagtulak sa kaniya sa depresyon, pero hindi naman tanga ang buong mundo para hindi matukoy kung sino ang taong isinasangkalan nito.

Kung babalikan siguro ni Lloydie ang nakaraan ay hindi niya iiwanan ang kaniyang career nang dahil lang sa isang babae. Kung alam lang niya ang magaganap sa kinabukasan, siguro’y nag-isip muna nang libong beses ang aktor, bago niya itinengga ang kaniyang mayabong na hanapbuhay.

Pero sabi nga ay dalawang argumento lang daw ang pinakamahirap ipanalo sa mundo. Relihiyon at pag-ibig.

Saanman sumuot ang pagtatalo, saanman mauwi ang pagpapalitan ng opinyon ay walang saysay, dahil hindi natin naipapanalo ang laban.

Direk Carlo J. Caparas – Hindi pa rin kayang mag-move on

Hanggang ngayon ay umiikot pa rin ang mundo ni Direk Carlo J. Caparas sa yumao niyang misis na si Tita Donna Villa.

Ilang taon nang namamayapa ang prodyuser na mahal ng showbiz pero ang paglimot sa naganap ay hindi pa kasali sa bokabularyo ni Direk Carlo.

Balot na balot pa rin siya ng lungkot, halos araw-araw siyang nasa libingan ni Tita Donna sa Mactan Memorial Garden, para ngang doon na rin halos naninirahan ang direktor.

Kung hindi dakilang pag-ibig iyon ay hindi na namin alam kung anong termino ang gagamitin namin sa sobrang pagmamahal na iniaalay ni Direk Carlo para kay Tita Donna.

Paminsan-minsan ay naililigaw rin naman ni direk ang kaniyang isip, kapag kasama niya ang mga anak at apo nila ni Tita Donna, parang naiiba kahit pansamantala lang ang pokus ng kaniyang buhay.

Aminado si Direk Carlo na para siyang nabalian ng pakpak sa pagpanaw ni Tita Donna. Ilang dekada kasi silang magkasama, pati sa trabaho ay silang dalawa pa rin ang nagdedesisyon, talagang mahihirapan ngang makabalikwas agad ang direktor sa pagkawala ng kaniyang kapareha sa buhay.

Sa Mactan, Cebu inabutan ng lockdown si Direk Carlo, ang lugar na nakasaksi sa pagkabata ni Tita Donna, ang espesyal na lugar kung saan isinabog sa karagatan ang kaniyang mga abo.

Pinipilit ni Direk Carlo na gawing kasing-normal na tulad nang dati ang ikot ng kaniyang buhay. Magtatrabaho siya uli, tututok sa pagsusulat at pagdidirek, pero hindi pa rin niya iyon magawa-gawa nang lubusan.

Sabi niya, “Hinahanap-hanap ko ang presensiya ni Donna. Para akong napilay noong mawala siya. Sa kaniya na kasi umikot ang mundo ko nang ilang dekada.”

Sabi namin kay Direk Carlo ay magiging payapa at masaya si Tita Donna sa kabilang buhay kung babalik siya sa pagiging aktibo sa trabaho.

“Alam ko iyon,” sabi ni direk, “Pero mahirap magtrabaho na ang isip at puso mo, e, nakasentro pa rin sa isang taong mahal na mahal mo pero biglang nawala sa tabi mo.”

Nasaksihan namin ang dakilang pagmamahalan nina Direk Carlo at Tita Donna. Literal silang hindi pinaghihiwalay ng panahon, kung nasaan si direk ay siguradong nandoon lang din si Tita Donna, kaya mahihirapan talaga ang direktor na pag-aralang mabuhay nang wala na ang ina ng kaniyang mga anak.

“Pilas ang mundo ko. Para akong pilay na tinanggalan ng saklay, kaya hindi ako makakilos,” paglalarawan pa ni Direk Carlo sa kasalukuyan niyang buhay.

Sen. Manny at Jinkee Pacquiao ­– Tinuturuan ng gawaing bahay ang mga anak

Dahil wala naman silang pamimilian at hindi sila ligtas sa lockdown ay ginagawang makabuluhan ngayon ng pamilya Pacquiao ang mahabang panahong magkakasama lang sila sa bahay.

Maganda ang ginagawa nina Senador Manny at Jinkee Pacquiao na paraan ng pagpapalipas nila sa nakabuburyong na maghapon.

Mga bagets pa ang kanilang mga anak, natural lang na dahil hindi sila nakalalabas ng bahay ay inaapuntahan na sila ng pagkainip, kalaban ng ECQ ang mga milenyal.

Parehong probinsiyano sina Pacman at Jinkee, laki sa hirap, hindi na bago sa kanila ang mga trabahong bahay na kinagisnan nila sa GenSan.

Sagana sila ngayon sa mga kagamitan sa bahay, mayroon silang washing machine siyempre, pero tinuturuan nilang maglaba sina Jimuel, Michael, Princess at Queenie.

Ang bunsong si Israel lang ang hindi kasali sa pagtuturo nila, sobrang bata pa nito, hindi pa kasali sa bilang.

Nanakit ang mga kamay nina Princess at Queenie sa kakukusot ng mga nilabhan nilang damit, tagasampay naman sina Jimuel at Michael, may kani-kaniyang toka ang magkakapatid.

Kahit pa bukod-na-pinagpala ang pamilya ay gusto pa ring turuang mamuhay nina Pacman at Jinkee ang kanilang mga anak nang independente, hindi nga naman sa lahat ng panahon ay mayroon silang mga yaya at kasambahay na maaasahan, kaya mabuti nang may alam sila kung paano mamuhay nang sila lang.

“Habang wala silang school, habang naka-lockdown tayong lahat, mas magandang maging productive sila. Hindi puwedeng puro gadgets lang ang hawak nila, kailangan nilang matuto ng mga gawaing bahay,” komento ni Senador Manny.

Napakagandang paraan ng pagpapalipas sa mahigit na isang buwan nang ECQ. Ang nakabuburyong na lockdown. Ang bakasyon na parang hindi na rin bakasyon dahil sa inip na hatid ng corona virus.

Sa madalas naming pagkukuwentuhan noon ni Pacman ay inaalala niya palagi ang nakaraan niyang buhay sa GenSan. Maaga pa lang ay tinuruan na silang magluto at maglinis ni Mommy Dionisia, pati ang paghahanapbuhay sa murang edad ay ginawa rin nilang magkakapatid, sanay na sanay siya sa hirap.

“Naglalako ako ng pandesal na inaangkat ko sa isang panaderia, kapag naubos na ang paninda ko, magpupunta naman kami sa bundok para mangahoy.

“Nakikiangkas kami sa malalaking truck na kukuha ng mga troso, nakasabit lang kami, buong hapon kaming nangangahoy sa bundok.

“Sanay na sanay ako sa hirap, hindi ako puwedeng takutin ng kahirapan, dahil galing ako doon. Kapag ikinukuwento ko nga ngayon sa mga anak ko ang mga hirap na pinagdaanan ko, e, parang ayaw nilang maniwala.

“Pero grabe talaga ang mga pinagdaanan ko, batambata pa ako, kung anu-ano na ang trabahong pinapasok ko,” pag-alala ng Pambansang Kamao.

Pero dahil sa pagsisikap at pagiging seryoso sa kaniyang mga pangarap ay napakalayo na ng buhay niya noon sa ngayon.

Nakatira na sila ngayon ng kaniyang pamilya sa isang mansiyon, may mga naipundar na siyang bahay dito at sa Amerika, marami pa silang pinauupahang apartment sa Los Angeles at Las Vegas.

Ang lahat ng mayroon siya ngayon ay produkto ng kaniyang mga kamao. Walong dibisyon ang hawak niyang titulo sa boxing, nagkakaedad man siya ay parang hindi niya iyon nararamdaman, kaya handa pa rin siyang makipagsalpukan sa lona hanggang ngayon.

At isang katangian kung bakit kinasihan ng kapalaran si Senador Manny Pacquiao ay ang kagandahan ng kaniyang puso lalo na sa maliliit.

Sikat na sikat man siya sa buong mundo ay estado lang ng kaniyang pamumuhay ang nagbago, hinding-hindi ang kaniyang ugali at pagiging mapagkumbaba, kapuri-puri ang paghawak niya sa tagumpay.

Imelda Papin – Ano kaya ang iniisip at nakikikanta sa mga Tsino ngayon?

Kakambal na talaga ng bokabularyo ng Sentimental singer na si Imelda Papin ang linyang “Hindi po magagawa ng isang Imelda Papin ang magtraydor sa kaniyang bayan.

“Si Imelda Papin po ay isang Pilipino at mananatiling Pilipino habambuhay.” At marami pang ibang litanyang palaging bumibida ang kaniyang pangalan.

Naalala tuloy namin si Congresswoman Vilma Santos noong aktibo pa ito sa lokal na aliwan. Kapag mayroong binabati sa telebisyon ang Star For All Seasons ay bukambibig na nito ang, “Always remember, you have a friend here, and her name is Vilma!”

Pinakakain ng ampalaya ngayon si Ms. Papin dahil sa pakikipagkantahan niya sa mga Tsino, ang korus nilang “Iisang Dagat,” na para sa pananaw ng mas nakararami ay isang higanteng propaganda.

Usapin iyon ng West Philippine Sea na inaagaw sa atin ng China, wala kayang alam ang singer-politician tungkol sa ipinaglalaban ng ating pamahalaan, kaya nakisali-sali siya sa kantahan?

“Ang tanging gusto lang po ng isang Imelda Papin ay ang magtawid ng saya sa pamamagitan ng pagkanta,” arya pa ng dakilang ina ni Maffi.

Kantiyaw ng isang kaibigan namin, “Mabuti naman at hindi nakisali sa propagandang iyon si Eva Eugenio!”

Naman! Hindi iyon papasukin ng isang Eva Eugenio. Mulat sa mga nagaganap sa ating kapaligiran si Ms. Tukso.

Willie Revillame – Marami pa ring pinasasaya sa Tutok To Win

Tuwing naririnig namin ang mga sigawan at sobrang tuwa ng mga tumututok sa Wowowin (Tutok To Win muna ang titulo ng show ngayon) ay nagiging emosyonal kami.

Pagkatapos kasi ng saya ay pag-iyak na ang kasunod noon. Umiiyak na nagpapasalamat kay Willie Revillame ang nananalo ng premyong sampung libong piso.

Sa panahong ito ng lockdown ay napakahalaga para sa atin ng anumang makapagtatawid sa atin sa maghapon, ang barya-baryang hindi pinapansin dati ay mutyang-mutya ngayon, lalo na’t nagkaroon pa ng ekstensiyon ang ECQ hanggang sa May 15 sa NCR.

Tumatawid sa amin ang emosyonal na reaksiyon ng mga tinatawagan ni Willie, karamihan sa kanila ay pambili ng gamot at bigas ang pinaglalaanan ng kanilang sampung libo, napakalaking tulong nga naman noon sa mga panahong ito ng kawitang-palakol kung tawagin.

Mula sa hirap si Willie, hindi kaila sa kaniya ang buhay na kapos na kapos, kaya ngayong mayroon na siyang kapasidad na mamahagi ng mga grasyang tinatanggap niya ay hindi siya nagdadalawang-isip na tumulong.

Ideya niya ang Tutok To Win, napakasimple ng paraan para manalo ang nanonood, magpaparehistro lang sila sa website ng Wowowin para matawagan sila ni Willie.

Napapanood ngayon ang kaniyang show sa GMA-7, You Tube, Facebook Live at Instagram. Mula sa helipad ng Wil Tower ay nasa 42nd floor na sila ngayon dahil mas maganda ang signal sa palapag ng kaniyang gusali.

Bagsak-bangon si Willie Revillame, pero palagi siyang itinatayo ng panahon, dahil sa mabuti niyang kalooban sa mga nangangailangan.

Napanood namin ang replay ng isang episode ng Wowowin na hindi namin napanood nang live. Nag-drums si Willie Revillame, ang kaniyang unang pag-ibig, kung makapalo siya ay parang wala nang bukas pa.

Grabe ang bilis ng kaniyang mga kamay at paa, isa ang instrumentong iyon sa pinakamahirap hawakan ayon na rin sa mga musikero, dahil pagod na pagod ang buong katawan ng drummer.

Kinse minutos yata siyang palo nang palo, parang beinte anyos lang ang nagda-drums, hindi tulad ni Willie na malapit nang maging senior citizen.

Maraming alaala ang linyang iyon kay Willie. Matagal muna siyang naging drummer ng banda, hanggang sa kunin na siya ni Randy Santiago, hanggang sa magkaroon na siya ng sariling programa.

Barya-barya lang ang kinikita niya noon sa pagiging drummer, pero dahil bata pa lang ay pangarap na niyang humawak ng drums, hindi niya alintana ang maliit lang niyang kinikita.

Aalis siya nang pagabi na sa inuupahan niyang kuwarto, eksaktong pamasahe lang ang laman ng kaniyang bulsa, malalamnan lang iyon kapag nakuha na niya ang talent fee niya para sa halos magdamag na pagpalo.

Tama si Willie, kapag gusto mo ang ginagawa mo, ang trabaho ay parang nagiging laro na lang. Hindi ka napapagod, balewala sa iyo ang lakas na ibinibigay mo, dahil masaya ka sa ginagawa mo.

Sabi, ang mga drummer daw ay emosyonal na tao, ang galit nila sa mundo ay idinadaan na lang nila sa pagpalo ng drums.

Sabi ni Willie, “Hindi rin! Kapag gusto mo ang ginagawa mo, e, balewala na ang lahat-lahat. Ako, kahit isang oras akong pumalo nang pumalo, wala akong nararamdamang pagod.

“Parang therapy ko iyon, pang-alis ng stress, dahil happy hormones ka lang habang ginagawa mo ang pagda-drums. Saka hindi ko puwedeng kalimutan ang pagiging drummer.

“Doon nagsimula ang lahat-lahat sa buhay ko. Ang dalawang drum sticks na iyon ang nagtulak sa akin para magsikap at mangarap.

“Kahit matandang-matanda na ako, magda-drums pa rin ako, iyon ang first love ko,” masayang kuwento ng sikat na aktor-TV host.

BB Gandanghari – Kawawa pa rin, hindi pa rin tanggap ng pamilya

Buong akala nati’y maayos na ang relasyon ni BB Gandanghari sa kaniyang pamilya. Pag-asa ng marami ay natanggap na ng kaniyang ina at mga kapatid ang tunay niyang kasarian.

Pero hindi pa pala. Si BB Gandanghari mismo ang naglalabas sa kaniyang social media account kung gaano siya kalungkot dahil mabuti pa ang ibang tao at tinanggap at minahal siya bilang siya.

Sa mga salitang pinakakawalan ni Robin ay parang wala nang pader sa kanilang pagitan, parang wala nang problema sa paglalantad ng dating si Rustom sa kaniyang gender, pero hanggang salita lang naman pala iyon.

Napakalungkot na nga ng kaniyang buhay sa Amerika ay mas matinding lungkot pa ang nararamdaman ni BB Gandanghari dahil sa kawalan diumano ng suporta ng kaniyang pamilya mismo sa sitwasyon niya.

Ano kaya ang ibig sabihin ni BB Gandanghari sa kaniyang sinabi na akala niya’y susuportahan siya pero gagamitin lang naman pala?

Ginamit lang ba siya sa publisidad? Para mapag-usapan lang ang kaniyang pamilya? Malalim ang pinanggagalingan ni BB Gandanghari.

Nakilala kasing puro brusko ang magkakapatid na Padilla. Nakikipag-upakan sa pelikula, astig ang dating, pagkatapos ay mayroon pala silang kapatid na bading.

Tama naman ang sentimyento ni BB Gandanghari na mabuti pa nga ang mga taong hindi niya kadugo at minamahal at sinusuportahan siya.

Pero bigo sa kaniyang pamilya si BB, kung sino pa ang mga unang-unang inaasahan niyang makaiintindi sa kaniyang sitwasyon ang nagkait pa sa kaniya ang pang-unawa at pagmamahal, sobrang sakit nga naman noon sa kalooban niya.

Nand’yan na ‘yan, nagpakatotoo na si BB Gandanghari sa kaniyang tunay na kasarian at maligaya na siya sa kaniyang katayuan ngayon, hindi pa rin ba matatanggap iyon ng kaniyang pamilya?

Kesa naman sa habambuhay siyang magpanggap na lalaking-lalaki siya, pero lalaki rin naman pala ang kaniyang hanap, napakahirap noon para sa kaniya.

Magugutom ba ang kaniyang pamilya kung tatanggapin ng mga ito ang katotohanan tungkol sa kaniyang gender?

Mababahiran ba ang kanilang pangalan dahil sa kanilang kapatid na nagpakatotoo lang naman? Sa kanilang pamilya lang ba nangyayari ang ganito?

Kung tunay na kaligayahan naman para kay BB Gandanghari ang makakapalit ng kanilang pang-unawa at pagtanggap ay ibigay na sana nila ngayon ang inaasam-asam ng kanilang kapatid.

Hindi sakit na nakahahawa na tulad ng corona virus ang pagiging gay. Hindi iyon dapat pandirihan. Ang bakla ay ipinanganganak na bakla at mamamatay na bakla.

Sarah Geronimo – Sasaya lang pag tanggap na ng mga magulang si Matteo

Napakaganda ng pangarap ni Sarah Geronimo. Maligaya siya ngayon kasama ang kaniyang asawang si Matteo Guidicelli, walang kuwestiyon doon, pero magiging buo lang ang kaniyang kaligayahan kapag natanggap na sila ng kaniyang mga magulang.

Mahirap ang posisyon ni Sarah ngayon. Oo nga’t natupad ang pagpapakasal nila ni Matteo ay bumabagabag sa kaniya ang nararamdaman nina Daddy Delfin at Mommy Divine.

Mabait na anak at kapatid pa naman si Sarah, sa pinakamahabang panahon ay inuna muna niyang tuparin ang pangarap niya para sa kanilang pamilya, isinantabi niya muna ang personal na kaligayahan.

Lumaki na siya at nagkaisip na ang mundo niya ay ang kaniyang pamilya lang, nalalabas na lang siya sa hawla nang mag-artista siya, pero unang prayoridad pa rin ng singer-actress ang kaniyang mga magulang at kapatid.

Siguradong masaya man siya ngayon kasama si Matteo ay nasa likod pa rin ng kaniyang isip ang pamilya niya. Ibang-iba kasi ang relasyong may basbas ng mga magulang. Kumpletong kasiyahan ang pakahulugan noon.

Ang pangarap ngayon ni Sarah ay dumating na sana ang araw na malaya na silang puwedeng makipagkita sa mga magulang niya.

Sinunod niya lang ang kaniyang personal na kaligayahan, nasa wastong edad na siya para mag-asawa, pero ang panghihingi ng paumanhin sa kaniyang mga magulang ay hindi maituturing na krimen.

May matinding dahilan naman kung bakit nila inilihim ni Matteo ang kanilang pagpapakasal, kundi nila ginawa iyon ay wala nang paraang matupad ang kanilang planong matagal na, pero nasaktan nila sina Daddy Delfin at Mommy Divine.

At kapag may nasasaktan at kailangang may gumawa ng paraang mag-sorry. Kahit pa nagmamatigas ang kabilang kampo ay hindi tayo dapat magsawa sa pakikipagkita sa gitna.

Kapag nangyari iyon ay saka pa lang natin masasabing maligayang-maligaya nga si Sarah Geronimo sa kaniyang estado ngayon bilang misis ni Matteo.

Lani Misalucha – Mas maganda kapag manipis lang ang make-up

Mas maganda si Lani Misalucha kapag manipis lang ang kaniyang make-up. Kapag simpleng-simple lang ang kaniyang ayos. Nawawala ang tapang ng kaniyang itsura.

Maraming nagbago sa mukha ng magaling na singer, hindi niya naman iyon maitatago, napakalayo ng kaniyang itsura noon sa ngayon.

Pero kahit ang mga kaibigan naming matagal nang naninirahan salas Vegas na nakakasabay ni Lani sa paggo-grocery ay nagsasabing mas maganda siya sa personal.

Kuwento ng aming kaibigan, “Nakakatawa nga. Pinanood namin siya isang gabi. Ang galing-galing niyang mag-perform, may pagkakomedyante pa nga siya, kaya no dull moment talaga watching her.

“So, siya ang naging kuwentuhan namin sa bahay pag-uwi namin hanggang noong next day. Magaling talaga kasi siya, hindi sayang ang ipinambayad namin ng ticket sa show niya.

“Heto na. Nag-grocery kami noong bandang hapon na. Nakita si Lani ng anak ko, nandoon daw sa meat section. Hinanap namin siya, kasi nga, we just watched her the previous night.

“Nagulat kami! Naka-duster lang siya, iyong presentableng duster naman, saka nakatsinelas lang siya. Nakapusod ang buhok, napakasimple niya!

“Sinabi namin sa kaniya na pinanood namin siya, naku, sobra ang pasasalamat niya sa amin, tanong siya nang tanong kung nagustuhan ba namin ang performance niya.

“Nagpa-picture kami sa kaniya, wala siyang arte, pose siya agad, napaka-generous niya. Mas maganda siya kapag simple lang, saka napaka-approachable niya,” kuwento ng aming kaibigan.

Noong isang linggo ay napanood namin siya sa ASAP Natin ‘To, nasa bahay lang siya habang kumakanta, konting-konti lang ang make-up niya.

Totoo nga ang sabi ng aming kaibigan, mas maganda si Lani Misalucha kapag simpleng-simple lang ang ayos niya, hindi pala siya alipin ng make-up.

–CSF

Cristy Per Minute • Mayo 16-31, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminMayo 16-31, 2020

      Mocha Uson
Mocha Uson
  Joshua, Kris Aquino & Bimby
 
Joshua, Kris Aquino & Bimby
  Korina Sanchez
 
Korina Sanchez
  Coco Martin
 
Coco Martin
  Kim Chiu
 
Kim Chiu
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

COVID-19 – Good luck sa ating lahat ngayon sa ating bagong “normal” na buhay

Simula na ng sinasabing new normal nating pamumuhay. Pero mahirap bigyan ng eksaktong pakahulugan ang bagong kalakaran na kailangan nating yakapin.

Marami pa ring bawal. May mga magbubukas na establisimyento pero limitado lang. Wala pa ring pampublikong transportasyon. Ang malinaw lang ay bawal lumabas ng bahay nang walang suot na face mask.

Sa loob nang dalawang buwan ay napakalaki ng naging epekto at binago ng COVID-19 sa ating buhay. Biglang bumaligtad ang ikot ng mundo.

Good luck na lang sa ating lahat kung paano natin sasayawan ang new normal na pamumuhay natin. Bago nga pero hindi normal.

Sabi nga ni prop, “Bahala na si Batman!”

Mocha Uson – Inimbitahan ng NBI dahil sa pagkakalat ng “fake news”

Nakapagtataka nga naman kung bakit ngayon lang binigyan ng pansin ng NBI ang pagpapalaganap ng mga fake news ni Mocha Uson.

Napakatagal na siyang tinutuligsa sa mga balitang peke na pinalulutang niya pero ngayon lang siya inimbitahan ng NBI para magpaliwanag.

Dahil ba sa lumuwag na ang kapit niya sa pangulong ipinaglalaban daw siya nang patayan? Dahil ba sa nasunog na rin ang mga ahensiyang ipinagkatiwala sa kaniya?

Noon pa dapat inaksiyunan ang mga ginagawa niyang fake news, pati ang sobra-sobrang pambabarubal niya sa mga pulitikong hindi niya kakampi, kaya bakit ngayon lang?

Sumobra ang paggamit noon ni Mocha sa kalayaan sa pamamahayag, kahit sino na lang ay binibimbang niya, dahil ang pakiramdam nga niya ay napakalapit lang niya sa kusina ng Malacañang.

Wala siyang kinatatakutan, pati ang mga nananahimik na pulitiko ay binbubulabog niya, napakalawak noon ng naaabot ng kaniyang mga kamay.

Tingnan natin ngayon kung may magdedepensa sa kaniya, tingnan natin kung kikilos ang kaniyang mga alipores, abangan natin kung ano ang kahihinatnan ni Mocha Uson sa mga palusot na gagawin niya.

Kris Aquino – Nananahimik. Walang komento sa pagpapasara ng ABS-CBN

Marami siyempreng nang-uusisa sa amin kung bakit nananahimik si Kris Aquino tungkol sa pagpapasarado ng NTC sa ABS-CBN.

Siguro, para sa mas nakararami, ay ito na ang tamang panahon para balikan ng aktres-TV host ang pagsipa sa kaniya ng network mag-aapat na taon na ang nakararaan.

Pero nabigo ang maraming nag-aabang sa pagsali ni Kris sa malawakang isyu, hindi siya nakisawsaw, samantalang punumpuno ang kaniyang bibig ng mga puwedeng sabihin kung tutuusin.

Pero tama lang na hindi na siya magsalita pa, wala naman siyang aanihing maganda sa kung anumang mga opinyon ang pakakawalan niya, hindi lang siya maiintindihan ng mayorya.

Puwede siyang magpakawala ng kaniyang emosyon dahil hindi naman ganoon kadaling tanggapin ang ginawa sa kaniya ng istasyon pero para ano pa?

Lalabas lang na nagpapakabibo na naman siya, na nasa kaniya ang huling halakhak, dahil sa ginawang pagtatapon sa kaniya ng istasyon.

Mas maganda na ang ganyang tahimik lang siya. Wala siyang sinasabi at tahimik ang kaniyang mundo. Walang mambubulabog sa kaniya. Walang tatawag sa kaniya na benggadora.

Sarilinin niya na lang ang kung anumang nararamdaman niya ngayon, pero kung kilala nga namin si Kris, hindi naman siya demonyita na ikatutuwa pa ang pagbagsak ng network na sumipa sa kaniya.

Sa totoo lang.

Korina Sanchez – Pinapatulan na ang mga bashers! Mga ‘bruha’ daw!

Siguro nga ay pansamantalang naumay si Korina Sanchez sa paghahalaman kaya nakanahap siya ng panahon harapin-sagutin ang kaniyang mga bashers.

Sa mga hindi pa nakakaalam, napakalamig ng mga kamay ng magaling na news anchor sa paghahalaman, lantang-lanta at mamamatay na ay naisasalba pa niya.

Ang kanilang bahay sa Merville, Parañaque ay napapalibutan ng mga halamang namumulaklak, pati sa kanilang mga banyo ay maraming halaman, para na ngang garden ang kanilang sala.

Ang bahay naman nila ni dating Senador Mar Roxas sa P. Tuazon ay ganoon din, sino nga ba ang mag-aakala na sa pusod ng lunsod ay mayroon palang ganoon kalawak na halamanan, berdeng-berde ang palibot ng kanilang bakuran sa malamig na kamay ni Ate Koring.

Paghahalaman ang pangalawa niyang pag-ibig. Pagkatapos ng kaniyang trabaho sa telebisyon ay hawak na niya agad ang kaniyang mga armas sa paghahalaman, hindi siya nakakaramdam ng gutom kapag abala sa kanilang hardin, ganoon siya katinding magmahal sa kaniyang mga alaga.

Pero mukhang isinantabi muna ni Ate Koring ang paggagambol ng lupa dahil ang binigyan niya ng panahon ay ang mga walang magawang bashers na kumakalampag sa kaniya ngayon.

Masasakit na paghusga naman kasi ang ibinabato laban sa kaniya, tawagin ba naman siyang frustrated First Lady, hindi ba naman niya sasagutin-papatulan ang mga ganoong komento?

Siya nga ba naman ang dapat sentruhan ng sisi kung nabigo man ang kaniyang mister sa pangarap nitong maging pangulo? Ang salitang bruha na lagi niyang ginagamit sa pagsagot ay siyang-siya talaga.

Iyon ang paborito niyang expression, sa halip na magmura ng PI ay bruha ang palagi niyang sinasabi, pero madiin iyon!

Kinumpleto ng kaniyang mga anak ang buhay ng magaling na broadcaster. Makita lang niya sina Pepe at Pilar ay nawawala ang lahat ng kaniyang problema at kapaguran sa linya ng kaniyang trabaho.

Ihahabol lang namin. May isa pa palang kinagigiliwang gawin si Ate Koring. Ang pagdedekorasyon ng Christmas tree at mga regalo.

Malayo pa ang Pasko ay bumibiyahe na siya sa Vietnam para mamili ng mga pangdekorasyon. Siya mismo ang nag-iikot, siya ang nagbibitbit ng kaniyang mga pinamimili, kapag masyado nang mabigat ay babalik muna siya sa hotel na tinutuluyan niya para iwanan doon ang kaniyang mga abubot.

Grabe siyang mag-adorno ng Christmas tree, ang galing-galing niyang magdisenyo, iba-iba iyon sa bawat taon.

Kahit sa pagbabalot ng mga regalo ay kakabugin niya ang mga nagtatrabaho sa mga shop sa galing niya. Kahit nga siguro belekoy lang ang laman ng kaniyang regalo ay pahahalagahan mo talaga dahil sa ganda.

Sabi sa amin noong minsan ni Ate Koring, “Madaya ang trabaho ko, parang ang tapang-tapang ko sa pagbabalita. Reality check ko ang paghahalaman.

“Kaya pagdating ko sa bahay, kahit gabi na, nagbubungkal pa rin ako ng garden. Pangbalanse ko iyon,” sabi ng matapang na broadcaster.

Coco Martin – Tama naman ang punto, mali lang ang dating sa tao

Parang tigang na lupa na biglang diniligan ng ulan ang bakuran ng ABS-CBN dahil sa positibong balita na inupuan na ng Kongreso ang kanilang apela para sa prangkisa ng network.

Pumasa ang apela sa mga miyembro ng Mababang Kapulungan, kailangan nilang ipadala agad sa Senado ang resulta, pagkatapos ay diretso na iyon sa mesa ni Pangulong Rodrigo Duterte para pirmahan.

Hanggang katapusan ng Oktubre lang ang probisyunal na ekstensiyon ng pagsahimpapawid ng network pero habang umaandar ang proseso ay makakuha na nga sana ang istasyon ng permanenteng kalayaang umere sa loob nang dalawampu’t limang taon.

Kapag pinayagan ng pangulo ang resulta ng pagdinig ng Kongreso at Senado ay bubuksan uli ang istasyon, may taning nga lang, katapusan ng Oktubre.

Natural lang na maging masaya ang pamunuan ng network, ang kanilang mga artista, lalo na ang mga nagtatrabaho sa kumpanya.

Dagdag na saklay sa kanilang kabuhayan ang taning na hanggang sa katapusan lang ng Oktubre hanggang hindi pa nagkakaroon ng resulta ang hiling na dalawampu’t limang taong prangkisa ng ABS-CBN.

Komento ng male singer na nag-aalala kay Coco Martin, “At least, may ipakakain na si Coco sa pamilya niya. Hindi na niya kailangan pang makipagpatayan o makipagbasagan ng mukha dahil sa sobra niyang pag-aalala sa kakainin ng family niya.”

Sa lahat ng mga artista ng ABS-CBN ay nangunguna si Coco Martin sa pagdedepensa sa pagapapasarado ng kanilang istasyon.

Hindi lang niya kinukuwestiyon ang proseso ng pagpapatigil sa pag-ere ng istasyon, naghahamon talaga siya, dahil siya na mismo ang paulit-ulit na nagsabing galit na galit siya.

Komento naman ni JVN, isang nagmamasid na kaibigan, “Kung makapagsalita si Coco, e, para bang siya ang may-ari ng network. Matalim ang dila niya, nagpaka-Ricardo Dalisay talaga siya!”

Pero iyon ang kaniyang paninindigan, iyon ang laman ng kaniyang damdamin, lalo na’t binanggit pa niya ang pangaral ng kaniyang lola tungkol sa pagtanaw ng utang na loob.

Hindi lang naging maganda ang pagtanggap ng mas nakararami nating kababayan sa mga kuwento ni Coco tungkol sa kaniyang buhay-artista sa ilalim ng ABS-CBN.

Pinakamarkado ang inilitanya niya na habang naliligo siya ay panay-panay ang kaniyang pag-iyak dahil sa sobrang kapaguran.

Sabi nga ng isang komedyante noong tanungin ito ng kaniyang mga anak kung bakit pumapayag na batuk-batukan ng kaniyang mga kaeksena, “Huwag kayong mag-alala, arte lang naman iyon! Mas maraming batok, mas malaki ang kinikita ng tatay n’yo!”

Sa parte ni Coco Martin ay milyunan ang katapat ng kaniyang pag-iyak habang naliligo, hindi niya puwedeng isangkalan ang sobra-sobrang kapaguran, dahil may matindi siyang ginaganansiya sa pagpapakapagod at pagpupuyat.

Siya na mismo ang nagpatunay na walang kasiguruhan ang buhay ng mga artista, pana-panahon lang, kaya habang mainit pa ang kanilang popularidad ay kailangan nilang samantalahin ang panahon.

Ngayon ay nand’yan sila, pero baka isang araw ay mayroon nang bagong iibigin ang publiko, kaya tama lang ang ginawa ni Coco Martin na unahin ang kinabukasan ng kaniyang pamilya.

Medyo OA lang ang naging atake ni Coco. Sa sobra niyang galit ay parang lumalabas na wala na silang kakainin, kaya nga nagkaroon ng ideya ang isang male singer na magbuo ng benefit show para sa kaniyang pamilya, dahil parang napakatindi ng kaniyang pangangailangan.

Pero mukhang magkakaroon ng positibong resulta ang pag-iingay ng action star at ng iba pang mga personalidad ng ABS-CBN. Nabulabog nila ang Kamara, biglang inupuan ang usapin tungkol sa probisyunal na prangkisa ng network na “pinakialaman” ng NTC, kumilos ang mga dapat naman talagang gumalaw noon pa man at hindi nagtengang-kawali lang.

Naging nega man si Coco Martin sa mata ng mga bashers ay ‘yan naman ang nangyari. Nagkaroon ng magandang resulta ang kaniyang paglilitanya.

Willie Revillame – Namimigay pa rin ng tulong kahit konti lang ang sponsors

Ang programa lang ni Willie Revillame ang puwedeng sabihing live na dumarating ngayon sa pamamagitan ng GMA-7, You Tube at Facebook.

Tutok To Win ang pansamantalang naisip niyang titulo ng kaniyang Wowowin dahil ang paraan para makapagbigay siya ng papremyo sa kaniyang mga callers ay ang pagtutok sa kaniyang show.

Paulit-ulit ang kaniyang paalala, “Kailangang nanonood po kayo, dapat talagang nakatutok kayo para masagot n’yo ang tawag namin.

“Kung hindi kayo nakatutok, paano kayo mananalo? Sayang ang limang libo, ang sampung libo, napakalaking tulong ngayon ng halagang palalampasin n’yo kung hindi kayo tututok,” parang sirang plaka nang paulit-ulit na sinasabi ng TV host.

Mula sa buong Pilipinas ang nagrerehistro ng pangalan at address sa kaniyang show, madalas nga ay mula sa malalayong probinsiya ang kaniyang natatawagan, sobrang saya ng mga nakakausap ni Willie.

Totoo naman ang kaniyang punto, sa panahon ngayon ng lockdown ay hindi basta-basta mapupulot sa kung saan lang ang cash na ipinamamahagi niya, kaya nakapanghihinayang ang pagkakataon.

Sabi ng isang kaibigan namin na palaging nanonood ng show ni Willie, “Kunsabagay, hindi naman nagpanggap si Willie na perfect siya. Ikinukuwento pa nga niya ang pinagdaanan niyang buhay.

“Natuto lang talaga siyang lumaban kaya nag-succeed siya. Saka may kakambal siyang suwerte dahil ilang bagsak na ang inaabot niya, pero nakababangon pa rin siya.

“Pero iyong pagiging barubal niya, e, palaging kadikit ng personality niya. Natatawa nga ako kapag kinakausap niya ang bibigyan niya ng prize sa kabilang linya.

“Sinasabihan niya ng ‘Hoy! Lumayo ka sa TV n’yo, nagpi-feedback!’ Nakakaaliw siya dahil napakanatural niya!” sabi ng kaibigan namin.

Pinalalampas na ng marami ang ganoon dahil ang mas mahalaga nga naman ay ang malasakit ni Willie sa ating mga kababayan.

Wala siyang gaanong commercial ngayon, ilang sponsors lang ang nakakatuwang niya sa pamamahagi ng tulong, kaya puro abono ang ginagawa ngayon ni Willie.

Hindi iyon iindahin ng bulsa ni Willie dahil isa siyang bukod-na-pinagpala, milyonaryo siya, kaya ang mababawas sa kaniyang kaban ngayong panahonng lockdown para sa ating mga kababayan ay walang problema sa kaniya.

Puso niya ang nagdidikta sa pagtulong, walang kahit sinong namilit sa kaniya, iyon ang dahilan kung bakit ginawa niya ang lahat ng legal na proseso para makalipad na siya sa Manila mula sa Puerto Galera.

Kim Chiu – Malaki ang utang na loob sa ABS-CBN

Kainti-intindi ang pagdedepensang ginagawa ni Kim Chiu sa ABS-CBN. Siya ang maituturing talagang homegrown talent ng istasyon dahil nag-ugat ang kaniyang karera sa Pinoy Big Brother.

Mula sa isang simpleng dalagita na nagangarap sa Cebu ay naging kalahok siya sa malaking bahay, siya ang nakakuha ng korona, hanggang sa lumaki na nang lumaki ang kaniyang pangalan.

Natural, dahil napakalaki ng utang na loob niya sa Dos ay napakasakit para sa kaniya ang pagpapahintong umere ang kaniyang mother network, kaya nagsasalita siya ngayon bilang paglalabas ng kaniyang emosyon.

Kaya nga lang ay parang sundalo si Kim na isinabak sa giyera nang hindi masyadong handa. Mayroon nga siyang baril pero kapos sa bala.

Iyon ang dahilan kung bakit siya pinagtitripan ngayon ng mga bashers sa social media, para kasing kung anu-ano na lang ang kaniyang mga pinagsasasabi, ang dami-dami niyang memes ngayon.

Kung sana’y inupo muna siya, kung sana’y ipinaliwanag man lang sa kaniya ang mga puntong puwede siyang kuwestiyunin, sana’y hindi naging ganyan ang pagtanggap ng publiko sa kaniyang mga litanya.

Pero ang mahalaga ay ang kaniyang layunin, ang sinsero niyang pagtanaw ng utang na loob sa network na namuhunan sa kaniyang talento, kaya nagbago ang takbo ng buhay ng kaniyang pamilya.

Totoo naman ang kaniyang sinabi na dati’y isang maliit na lugar lang ang tinitirhan nila sa Cebu. Nagsisiksikan silang magkakapatid, kaya nga noong mayroon na siyang kapasidad at kumikita na nang maayos, bahay agad ang naisipan niyang ipundar.

Ganoon naman talaga ang takbo ng utak ng bawat tao, kung saan siya pinagdamutan, doon siya sa aspetong iyon babawi.

Ipinagpatayo niya ng bahay ang kaniyang pamilya sa Cebu, mayroon din siyang magarang bahay dito sa lunsod, at para kay Kim ay wala lahat iyon sa kaniya kundi dahil sa ABS-CBN.

Kaya may dahilan para makipaglaban siya sa inabot na kapalaran ng kaniyang network, hawak niya ang kalayaang iyon, hindi nga lang niya masyadong naidiin ang kaniyang mga punto sa pagtatanggol niya.

–CSF

Cristy Per Minute • Hunyo 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 1-15, 2020

      GCQ SIMULATION SA LRT ABS CBN PHOOT
PNP trainees line up at the turnstile of LRT-2 Recto station minutes before a simulation exercise on May 26, 2020. Metro Manila eases GCQ June 1st. (Photo: George Calvelo, ABS-CBN News)
  SHARONS PHOTO ON ABS CBN WALL
 
“My photo among the many of all Kapamilya stars in one of the ABS-CBN corridor walls. I miss you already, my HOME.” (Photo from Sharon Cuneta’s Facebook)
  Nora Aunor
 
Nora Aunor plays “Lola Doc” for Tanghalang Pilipino’s “Pansamantanghalan.” Show premiered on her 67th birthday.
  Liza Soberano
 
Liza Soberano
  Catriona Gray
 
Catriona Gray
  heart evangelista anxiety depression4
 
Heart with her painting, “Upended 2020,” which was sold to Art for Life. The actress donated all proceeds to support Filipino frontliners. (Photos from Heart Evangelista’s IG)
  heart evangelista anxiety depression
  kris aquino
  Kris Aquino gets allergic reaction
 
Kris Aquino’s allergic reaction to wrong medication (Photos from Kris Aquino’s IG)
  Vice Ganda
 
Vice Ganda
  ABS CBN
  Coco Martin
 
Coco Martin

Pagbabago ng GCQ – Nasa yugto na tayo ng sinasabing new normal

Ngayong Lunes (June 1) na ang hudyat ng mga pagbabago sa ilalim ng GCQ. Parang nakikinita na namin na parang mga ibong ikinulong sa hawla nang dalawang buwan at kalahati na magpupulasan sa paglipad ang ating mga kababayang nasabik sa kalayaan.

Iyon ang nakakatakot. Dahil sa pagiging malaya na sa paglabas ng bahay ay mas magiging malapit na tayo sa amba ng COVID-19.

Sa paglabas ng bahay ay kailangang bitbit pa rin natin ang susi ng kaligtasan. Face mask, physical distancing at paghuhugas ng mga kamay. Kaya lang, siguradong may mga hindi susunod sa mga ipinagbabawal, liberasyon ito para sa mga pasaway.

Pero siguradong marami ring mga Pinoy ang mag-iisip ngayon na huwag na munang lumabas dahil sa malaking takot na baka mawalan ng saysay ang dalawang buwan nilang pagsasakripisyo.

Baka sa isang araw nga lang naman ay bigla silang dapuan ng sakit, hindi tayo sigurado sa kaganapan, kaya magpapalipas muna sila ng panahon at magmamatyag lang muna.

Maraming binago ang COVID-19, naninibago ang buong mundo ngayon, pero maraming salamat pa rin dahil humihinga tayo nang walang nakatangkeng tulong ng oxygen.

Nasa yugto na tayo ng sinasabing new normal. Hindi na tulad nang dati ang ating pang-araw-araw na buhay, hanggang hindi pa nadidiskubre ang gamot na panglunas sa COVID-19 ay kailangan nating sundin ang mga alituntunin ng DOH at ng ating pamahalaan, nakapaninibago ang kapaligiran.

Nasa atin ang pagdedesisyon para sa ating kaligtasan. Hawak na natin ang mga paraan para hindi natin masagap ang salot na hindi natin nakikita.

Lagi nating iisipin na iisa lang ang regalong buhay sa atin ng Diyos. Nag-iisang buhay na kapag nawala na ay hindi na maaaring palitan pa.

Kahit mga bilyonaryo ay walang kapasidad na bumili ng panibagong buhay. Hindi ipinagbibili ang buhay sa mga sikat na shop, sa palengke o saan mang merkado, kaya nasa ating mga kamay ang pagpapaigsi at pagdudugtong ng mga taon ng ating buhay.

Sharon Cuneta – Kahit bilyonaryo na, apektado rin ang bulsa

Hindi na nakapagtataka kung milyong kababayan natin ang sumisigaw ngayon at naglalabas ng mga hinaing dahil sa pinagdadaanan nilang hirap dahil sa COVID-19.

Sa isang panahong hindi natin alam kung ano ang ihahatid ng kinabukasan ay tunay namang mapapatulala ka na lang dahil hindi mo kontrolado ang mga nagaganap.

Hindi na iyon nakakapanibago dahil kahit nga ang bilyonaryo nang si Sharon Cuneta sa kaniyang pinakahuling IG post ay nagpahayag din ng kaniyang pangamba at panghihinayang.

Anim na buwan na raw siyang walang trabaho, puro palabas ang nangyayari pero wala namang pumapasok, ang mga kababayan pa kaya nating walang kinikita talaga dahil pinagbawalang magtrabaho ang hindi magrereklamo sa kanilang kalagayan?

Si Sharon Cuneta na ang nagsasalita, ha? Megastar na. Bilyonaryo na. Pero nakakaramdam pa rin ang singer-actress ng pagkurot ng corona virus sa kaniyang kabuhayan

Wala pang nakakaalam kung ano ang mangyayari sa hinihinging prangkisa ng ABS-CBN, mahabang proseso pa ang pagdadaanan noon, kaya ganoon din kahaba anag hihintaying panahon ng mga artista ng istasyon.

At sa ABS-CBN nagseserbisyo si Sharon, habang sarado ang network ay sarado rin ang pintuan ng kaniyang karera para sa pagpasok ng mga biyaya, hinayang na hinayang siya sa senaryo.

Hindi rin natuloy ang world tour nila ni Regine Velasquez, marami nang producers ang kumukuha sa kanilang concert pero apektado ang buong mundo ng corona virus, kaya nag-atrasang lahat ang mga mamumuhunan para sa kanilang konsiyerto.

Kahit nga magtagal pa nang ilang taon ang lockdown ay hindi naman maghihirap ang Megastar, matatalbusan lang ang kaniyang kayamanan, pero makapamumuhay pa rin siya nang masagana at paboloso.

Hindi naman sinabi ni Sharon na naghihirap na siya, nahihirapan lang ang Megastar dahil walang pumapasok sa kaniyang kaban, magkaibang argumento iyon.

Nora Aunor – 67 years old na ang Superstar noong nakaraang May 21

Nagdiwang ng kaniyang 67-taong kaarawan noong nakaraang Mayo 21 ang Superstar. Simple lang ang selebrasyon.

Noong kasagsagan ng kasikatan ni Nora Aunor ay parang pambansang pagdiriwang ang nagaganap tuwing dumarating ang Mayo 21.

Malayo pa ay pinaghahandaan na ng kaniyang mga loyalista ang gagawing sorpresa, kaliwa’t kanan ang selebrasyon niya sa mga programa sa telebisyon, partikular na sa kaniyang programa tuwing Linggo nang gabi na Superstar.

Lahatin na natin ang mga nagreyna sa lokal na aliwan, pero walang makapapantay sa popularidad na naabot ni Nora Aunor, ang artistang nangwasak sa kalakaran na matatangkad at mestisa lang ang nagtatagumpay sa larangang pinasok niya.

Kung ilarawan siya ng mas nakararami ay pinakamaningning na bituin sa langit. Ang nag-iisang Superstar.

Pero si Nora Aunor ay barometro rin ng katotohanan na ang lahat ng bagay at pangyayari sa mundo ay temporaryo lang. Walang panghabambuhay.

Naabot niya ang pinakamataas na antas ng tagumpay bilang artista at singer, wala talagang nakaabot sa narating niya, pero hindi pa rin garantiya iyon nang panghabampanahong pupularidad.

Pagkatapos ng mga dekadang hinawakan niya ang trono ay nandito pa rin ang Superstar, patuloy pa ring aktibo sa kaniyang propesyon, may mga pagkakaiba na nga lang ang sitwasyon.

Noong kaniyang kapanahunan ay nagsasarado ang mga sinehan dahil hindi na makayanan ng teatro ang dami ng mga kababayan nating sumusuporta sa kaniya.

Malaki ang posibilidad na bumagsak ang gusali kapag pinapasok ang kaniyang mga tagahanga, masyadong maliit ang espasyo sa sobrang laki ng bilang ng mga loyalista niya, ganoon ang senaryo noong mga panahong iyon.

Pero dahil wala ngang garantiya ang anumang kaganapan sa mundo ay unti-unting nabawasan ang kislap ng bituin ni Nora Aunor.

Nagsasarado pa rin naman ang mga sinehan ngayon kapag ipinalalabas ang mga makabuluhan nyang pelikula, pero hindi na dahil sa hindi makayanan ng mga sinehan ang laksa-laksang manonood, kundi dahil sa numipis na ang higanteng bilang ng makapal niyang mga tagasubaybay.

At hindi kami papayag na tawaging laos na ang Superstar. At kung ipipilit pa rin ng iba na laos na si Nora Aunor ay may pambangga pa rin doon ang kaniyang mga tagahanga.

“At least, nalaos man si Nora Aunor, e, naabot niya ang pinakamataas na antas ng kasikatan, hindi tulad ng iba d’yan na hindi pa nga sumisikat, e, nalalaos na agad!”

Liza Soberano – Marespeto, parehas at malalim

Sa lahat ng mga personalidad ng ABS-CBN na umapela para sa muling pagbubukas ng istasyon ay katangi-tangi ang inilabas na pahayag ni Liza Soberano.

Marespeto. Parehas. Malalim. Punumpuno iyon ng pagtanaw ng utang na loob sa kaniyang home network pero nailatag iyon ng magandang aktres sa paraang wala siyang sinusumbatan at inilalaglag.

Pagkatapos naming mabasa ang apela ni Liza Soberano ay naisip namin, ibang-iba talaga ang tabas ng dila at galaw ng utak ng taong ginagamit ang kaniyang pinag-aralan at sentido komon, nasisimulan at natatapos niya ang kaniyang litanya nang wala siyang sinasaktan.

Malalim ang pagpapahalaga ni Liza sa tulong at pag-aalaga sa kaniya ng ABS-CBN (bukod siyempre sa kaniyang manager na si Ogie Diaz). Ang ipinasarang istasyon ang nagtiwala sa kaniyang kapasidad bilang artista at lahat-lahat ng anumang mayroon siya ngayon ay napakalaking partisipasyon ang ginagampanan ng network.

Ang mahalaga, ayon pa kay Liza, ay ang pagkakaisa. Ganoon ang pinakamakabuluhang atake. Utak ang pinagagana at hindi ang emosyon.

Sa isang giyera ay si Liza Soberano dapat ang tagapamuno. Siya ang magbibigay ng senyal kung susugod na ba ang kaniyang tropa o hindi pa muna.

Siya ang Heneral. Tagasunod niya lang ang iba.

Catriona Gray – Sam Milby na ang boy friend ngayon

Sa napakaligayang pag-amin ni Sam Milby tungkol sa tunay na relasyon nila ni Catriona Gray ay ang dating boyfriend naman siguro ng beauty queen ang pinakamalungkot na lalaki sa mundo.

Matagal silang naging magkarelasyon ni Catriona, siya ang kasama-sama ng dalaga sa lahat ng laban nito matalo man o manalo, pero ngayon ay tapos na ang yugto ng kanilang pagmamahalan.

May iba nang mahal ang kaniyang dating reyna, maligaya na ito sa piling ni Sam Milby, walang makapipigil kay Clint Bondad sa paglalabas ng kaniyang saloobin ngayon sa social media.

Tumatawid ang kaniyang emosyon sa publiko, lalo na nang alalahanin niya ang mga panahong silang dalawa ang magkahawak-kamay sa hirap at ginhawa, pero ngayon ay tinatanaw niya na lang nang malayuan ang kaniyang dating girlfriend.

Walang paninira kay Catriona si Clint, panghihinayang lang.

Ganoon talaga ang buhay, walang forever, sabi nga. Maligaya na ngayon ang beauty queen kay Sam Milby, kaya talagang wala nang ibang magagawa si Clint Bondad kundi ang tanawin na lang nang malayuan ang babaeng nakasama niya sa kaligayahan nang maraming taon, nakapanghihinayang na relasyon.

Heart Evangelista – Dinadalaw rin pala ng kalungkutan at depresyon

Natutukan namin ang panayam ni Jessica Soho kay Heart Evangelista sa KMJS. Titingnan nating napakapabolosa ng aktres, nasa kaniya na yata ang lahat ng materyal na bagay sa mundo, pero dinadalaw pa rin pala siya ng kalungkutan at depresyon.

Halatadong may pinagdadaanan si Heart dahil sa isang tanong lang ng TV host ay para na siyang gripong binubuksan sa pagluha.

Ganoon ang taong nakapailalim sa depresyon, sa isang kalabit lang ay umiiyak na, naghahanap na ng saklay para siya makatayo.

Sabi ng kaibigan naming psychiatrist, “Loneliness comes from within. May nararamdaman kang lungkot na hindi mo naman masabi talaga kung saan nanggagaling.

“Kapag umaatake ang depression, all the more na kailangan tayong maging matatag, kasi, kapag nagpadala tayo, alam na natin kung saan iyon papunta,” sabi ng aming kaibigang doktor.

At kadalasan pala ay malalaking tao sa lipunan ang nagiging biktima ng depresyon, mga kilalang personalidad, dahil sensitibo ang kanilang posisyon.

Hindi masamang malungkot tayo, lalong hindi krimeng maituturing ang pagtanggap na paminsan-minsan ay natatalo tayo sa laban, pero iisa lang ang buhay.

Kapag nawala na ay tapos na rin ang biyahe natin sa mundo bilang turista.

Kris Aquino – Nananahimik na nga tungkol sa ABS-CBN, binabash pa rin

Mahirap din ang kalagayan ni Kris Aquino. Kapag nananahimik siya ay gustong marinig ng bayan ang kaniyang boses. Pero kapag nagsalita naman siya ay parang nabubuhayan ng loob ang mga bashers at troll sa paghagupit at pagkontra sa kaniya.

Saan nga ba naman siya lulugar?

Tuloy ay nakakatikim siya ngayon ng mga paghusgang wala namang basehan. Dahil sa kaniyang pananahimik lang ay naging sentro siya ng paksa tungkol sa kawalan ng utang na loob kaugnay ng pagpapasarado ng ABS-CBN.

Dapat daw, kahit pa hindi naging maganda ang paghihiwalay nila ng istasyon, kahit paano ay magparamdam naman siya ng saloobin bilang suporta sa network na nagtiwala sa kaniya.

Nakakaawa si Kris sa mga pinakahuling larawang inilabas niya sa social media. Magang-maga ang kaniyang mga mata dahil nagkamali raw siya ng ininom na gamot sa kaniyang allergy.

Napakasensitibo pa naman ng sistema ni Kris, makaamoy nga lang siya ng kung ano ay inaatake na siya ng allergy, hindi rin siya puwedeng magpunta sa garden dahil sa mga lumilipad na pollen na magpapahirap din sa kaniya.

Sa tagal na ng mga iniinom niyang gamot ay kailangang ingatan na ni Kris ang pagdampot ng kung ano ang kailangan niya. Wala kasi siyang kasamang yaya ngayon, siya lang ang nag-aasikaso sa kaniyang sarili, pati kina Josh at Bimby.

Kailangang maging handa siya sa mga pagkakatoang walang mamamahala sa mga pangangailangan niya. Kailangang maging independente na siya.

Kathryn Bernardo – Bina-bash dahil sa makasaysayang pagkasakang

Naging matinding mitsa ng giyera ng salitaan ang makasaysayang pagkasakang ni Kathryn Bernardo. Talagang literal siyang pinipintas-pintasan at nilalait-lait ng mga bashers sa social media.

Kung pikon ang dalagang aktres ay talagang papatulan niya nang walang patumangga ang mga namimintas sa kaniyang mga binti.

Para kasing isang malaking krimen ang pagiging sakang, para bang ang dami-dami niyang tinatapakan at sinasagasaang tao nang dahil sa pagiging sakang niya, parang ganoon ang upak ng mga bashers sa kaniya.

Pero hinarap ni Kathryn nang mahinahon ang kaniyang kapintasan. Hindi krimen ang pagkakaroon ng mga binting sakang ni Kathryn.

Hindi rin nag-iisip nang malaliman ang mga pumupuntirya sa mga sakang na binti ni Kathryn. Ang dapat nilang itanong sa kanilang mga sarili ay kung bakit sumikat ang dalaga ganoong mayroon siyang napakalinaw na kapintasan sa kaniyang katawan.

Maliwanag ang dahilan. May talento siya, magaling siyang umarte.

Ang dami-daming artistang hindi naman sakang, pero dinidinig ba ng kapalaran ang kanilang hiling?

Sakang man o hindi, nang ipanganak si Kathryn Bernardo ay nakaguhit na sa kaniyang palad na isang araw ay sisikat siya, walang makakokontra sa destinasyon ng kahit sino.

Kung si Daniel Padilla nga na boyfriend ni Kathryn ay tanggap na ang kaniyang kapintasan, sino ang mga bashers at trolls na ito para problemahin ang kung tutuusin ay hindi naman problema, inaagawan ba sila ng pagkain ni Kathryn sa hapag nila?

Inuulit namin, napakaraming nangangarap na personalidad na walang kapintasang panlabas, pero hanggang ngayon ay nakikipagsuntukan pa rin sa buwan para magtagumpay.

Pero dahil nagsikap, nangarap at nagsipag si Kathryn Bernardo, ang mga planeta ng kaniyang pangarap ay luminya nang maayos, kaya mayroon na siyang sariling upuan ngayon sa ituktok ng tatsulok.

Vice Ganda – “Bait-baitan” daw ngayon, hindi na siya nagtataray

Napansin ng aming mga kaibigan na ibang-iba na ang mga pananalita ngayon ni Vice Ganda sa kaniyang mga social media account.

Naging pino na ang kaniyang mga komento, sa terminong ginamit ng isang kausap namin ay “bait-baitan” daw ngayon ang komedyante, hindi na siya nagtataray.

Sensitibo si Vice bilang tao, alam niya na hindi ito ang mga oras na humihingi ng negatibong reaksiyon, hindi iyon napapanahon.

At kahit pa sabihing kung minsan ay lumalabis ang kaniyang dila sa pagsasalita ay alam niya ang kahinahunan ang kailangang gawin sa mga panahon ng paghamon at paghihirap ng buong mundo.

May mga nagkokomento nga na parang wala raw utang na loob si Vice Ganda dahil hindi siya palaban sa pagpapasarado sa kanilang istasyon.

Mabuti pa raw si Coco Martin at patay kung patay ang naging postura sa pagtatanggol sa kanilang network, pero si Vice ay suwabe lang, kahit sumasangga rin naman siya.

Magkakaiba ang atake sa paglaban ng iba-ibang tao. Kung nagpakabayani si Coco sa paglaban ay iba rin naman ang atake ni Vice Ganda.

ABS-CBN – Nakakapanibago pa rin ang pagkawala ng ABS-CBN sa ere

Marami kaming nakakuwentuhang mga dating katrabaho sa ABS-CBN. Kung ang matinding negatibong epekto lang ng ECQ ang iniintindi natin ay doble ang sa kanila.

Pagkatapos ng lockdown ay mayroon pang babalikan ang mga pinagbawalang magtrabaho, pero sila ay wala na, hanggang hindi nakakakuha ng bagong prangkisa ang kanilang network.

“Alangan namang sabihin ko sa mga anak ko na huwag na muna silang kumain. Saka na lang, kapag may franchise na uli ang pinagtatrabahuhan ko,” malungkot na sabi ng isa naming kaibigan.

Ang pinakamahirap sa buhay na ito ay iyong wala ka nang babalikan. Iyon ang nawawala na ngayon sa maraming nagtatrabaho sa istasyon, lalo na’t buhay na buhay pa sa kanilang isip ang sinabi noon ni PRRD na anuman ang mangyari ay hinding-hindi nito hahayaang makapagsahimpapawid pa ang network, parang punyal iyon na nakatarak sa puso at isip nila.

Sa kasalukuyang panahon ay pag-asa ang nawawala na sa mga empleyado at artista ng istasyon, matagal kasi ang kailangan nilang ipaghintay, kaya ang iniintindi nila ay kung paano ang kanilang gagawin sa pagitan ng kanilang paghihintay.

Masuwerte ang mga personalidad na nakapag-ipon habang kumikita sila nang milyones, wala silang iniintindi, kaya nga lang ay puro palabas ang pera nila at walang pumapasok.

Nakakapanibago ang pagkawala ng ABS-CBN sa himpapawid. Talagang anumang nakasanayan na ay hinahanap-hanap natin. Naliligaw pa rin paminsan-minsan ang aming mga daliri sa remote control.

Napipindot namin ang numero dos, kapag nakita na naming blangko ang screen ay saka kami magugulat, oo nga pala.

Hindi natin ikinatutuwa ang ganitong pangyayari, lalo na’t alam nating napakaraming apektado sa pagkawala ng network, buhayin natin sa ating mga puso ang pag-asa na isang umaga ay magigising na lang tayo na nandy’an na pala uli ang ABS-CBN.

Coco Martin – Endorsement contracts, maraming hindi nag-renew

Umiikot ang kuwento ngayon na dahil sa lantarang pagsasalita ni Coco Martin bilang pagdepensa sa ipinasarado nilang istasyon ay sa kaniya bumalik ang negatibong epekto ng kadulasan ng kaniyang galit na galit na dila.

Ilang buwan pa lang ang nakararaan ay parang nagkakatusak ang pag-eendorso niya ng iba-ibang produkto. Lahat na lang ay siya ang nagmomodelo.

Kasi nga ay sikat na sikat siya bilang bida ng kaniyang seryeng walang kamatayan, kasi nga ay epektibo siyang tagapag-endorso, pero dahil nga sa sobrang paglalabas niya ng saloobin sa pagpapasarado ng ABS-CBN ay sa kaniya nag-boomerang iyon.

Maraming ahensiyang hindi na raw nag-renew ng kaniyang kontrata bilang endorser, napakalaking negosyo ang nawala kay Coco, dahil hindi naman barya-barya lang ang kaniyang talent fee.

Natural, puwedeng mangyari talaga ang ganoon dahil sarado na nga ang kanilang istasyon, hindi na napapanood si Cardo Dalisay gabi-gabi sa kaniyang serye.

Iyon ang naglalagay sa kaniya sa itaas ng laban, iyon ang dahilan kaya siya kinukuhang tagapag-endorso ng mga produkto, pero ngayong wala na ang kanilang network sa himpapawid ay hihina na talaga ang puwersa ng action star.

Tama ang opinyon ng mas nakararami nating kababayan na masyadong ginasgas ng kaniyang istasyon si Coco, parang siya ang naging pambala sa kanyon, sa pag-asang magkakaroon ng mga positibong pagbabago kapag naglabas na ng saloobin ang malalaking artista ng network.

Take It, Per Minute. Me Ganoon – Babalik na sa ika-2 Martes ng June

Bago pa ipahayag ng ating pangulo na sasailalim na tayo sa GCQ ay napakarami nang nagtatanong sa amin kung kailan magbabalik sa ere ang Cristy Ferminute at ang Take It, Per Minute. Me Ganoon.

Iba kasi ang panghalina ng talk show. Sabi nga, habang naghihirap ang isang bansa ay lalong nalululong ang mamamayan sa entertainment, hinahanap natin ang nakasanayan na nating panoorin.

Nangilin kami. Hindi kasi napapanahon na mag-show kami at maghalakhakan habang dumudugo ang sugat ng buong mundo dahil sa corona virus.

Pero malapit na tayong magkita-kita, ilang tulog at gising na lang ay magkakabalitaan na tayo.

Mas mauunang umere ang Take It, Per Minute… Me Ganoon, sa ikalawang Martes ng June ay eere na kami, susundin namin nina Manay Lolit Solis at Mr. Fu ang social distancing at pagsusuot ng facemask.

Limitado lang muna ang puwedeng manood nang live sa Mga Obra Ni Nanay, ang aming prodyuser lang na si Salve Asis at ang aming mga cameraman ang nandoon, saka ang aming production designer na si Japs Gersin at ang aayudang sina Tina Roa, Richie at PJ Villarta.

Dahan-dahan lang muna ang mga galawan, pasasaan ba’t isang araw ay babalik na rin tayo sa normal, nakapaninibago lang pero kailangan nating tanggapin ang katotohanan na habang wala pang bakunang madidiskubre para panglunas sa COVID-19 ay mangangapa pa tayo sa isang mundong punumpuno ng pagbabago.

–CSF

Cristy Per Minute • Hunyo 16-30, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHunyo 16-30, 2020

      Janine Gutierrez
Janine Gutierrez
  Janine Gutierrez Instagram
 
Janine Gutierrez Instagram photos
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  Enrique Gil Liza Soberano
 
Enrique Gil & Liza Soberano
  Lito Lapid CocoMartin
 
Senator Lito Lapid & Coco Martin
  Alden Richards
 
Alden Richards
  EAT BULAGA DABARKADS
  EAT BULAGA
 
Eat Bulaga
  daddys gurl
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Nora Aunor
 
Nora Aunor
  Food delivery worker
 
Food delivery worker in Manila
  Manny Pacquiao

Pinoy online sellers ­– Kay liit na nga ng kita, pagbabayarin pa ng tax?

Nang magkaroon ng lockdown ay parang kabuteng nagsulputan ang mga online sellers. Lahat ng mga pangunahin nating pangangailangan ay hindi na natin kailangan pang bilhin sa labas. Sila na ang nagdedeliber.

Kailangan nilang gawin iyon dahil napakahirap ng buhay. Bawal lumabas ng bahay, wala silang pinagkakakitaan, kaya nakaisip sila ng paraan para kahit paano’y makaraos sila sa maghapon.

Karamihan sa mga online sellers ay mas piniling sumentro sa mga pagkain. Kung ano ang kailangan ng mga kababayan natin ay iyon ang kanilang ibinebenta.

Gamit ang kanilang kaisa-isang sandata sa laban, ang kanilang cellphone, ay nireretratuhan nila ang mga produkto at saka ipino-post.

At dumarating ang order sa tamang oras, maayos at masarap ang kanilang mga produkto, kundi nila iyon gagawin ay ano nga naman ang mangyayari sa buhay nila?

Alangan namang ngumanga na lang sila at maghintay ng ayuda ng gobyerno? Maganda ang negosyong pinasok nila, kahit paano’y tumutubo sila ng panggastos naman nila sa kanilang pamilya, hindi na nila inoobliga ang pamahalaan para bigyan sila ng pamatid-gutom.

Tama lang ang opinyon ni Jennylyn Mercado, iyong maliliit na online seller, pagbabayarin pa ng buwis?

Ang naitatabi nilang ilang libong piso na pinagulong lang nila para lumago ay hihingan pa ng tax? Bakit hindi habulin ng BIR ang malalaking negosyanteng hindi tapat sa pagbabayad ng kanilang buwis sa gobyerno?

Bakit ang maliliit na isda lang ang kanilang pinupuntirya, bakit ang mga kababayan lang nating marunong pumaraan ang kailangang kalampagin para magbayad ng buwis, napakahirap talagang maging mahirap sa mundong ito.

Palagi na lang walang pamimilian ang maliliit, palagi na lang walang karapatan ang mahihirap, kaya mayorya ang umaangal at nag-aaklas!

Coco Martin – Super-busy para sa pagsahimpapawid uli ng FPJ’s Ang Probinsyano

Sa hirap ng buhay ngayon ay payag na ang mga artista na bawasan ang kanilang talent fee. Mas maganda na nga naman iyon kesa sa wala silang kinikita.

Maganda lang sa tingin ang mga artista, pero hindi malayo ang kanilang sitwasyon ngayon sa mga kababayan nating manggagawa na nangangapa, dahil pinagbawalan silang magtrabaho mula noong ideklara ang lockdown.

Puwede na uli silang magtrabaho nang ipailalim na ang NCR sa GCQ, pero hindi naman ganoon kasimple ang lahat, mamumuhunan pa rin sila sa muling pagbabalik sa trabaho.

Ang talagang nahagip ng sitwasyon ngayon ang mga artista ng ABS-CBN, tapos na ang lockdown sa maraming lugar, pero wala naman silang babalikang istasyon.

Sino nga ba ang mag-aakala na maipapasarado pala ang kinikilalang higanteng network, may nag-iisip ba na dadaan pala sa ganito katinding indulto ang istasyon, dahil sa kawalan ng prangkisa para paandarin ang kanilang operasyon?

Mayroon na silang binuong bagong paraan para mapanood pa rin ang kanilang mga programa, ang Kapamilya Channel, pero hindi naman sa isang iglap lang ay sabay-sabay nang makapagtatrabaho ang kanilang mga artista.

Ang mga magsisimula na sa kanilang taping ay kailangan munang dumaan sa masusing proseso, ang mga pinaghihinalaang apektado ng virus ay hindi puwedeng magtrabaho, bukod doon ay naka-lock-in lang sila sa isang lugar sa loob nang isang buwan na walang uwian talaga hanggang hindi pa natatapos ang kanilang mga eksena.

Abalang-abala ngayon si Coco Martin para sa pagsahimpapawid uli ng kaniyang pinagbibidahang FPJ’s Ang Probinsyano, siya ang namamahala sa halos lahat ng anggulo ng taping, hindi nga naman ang pagpapasarado sa ABS-CBN ang magiging simula at wakas ng kanilang karera.

Liza Soberano – Postponed muna ang serye hanggat’t wala pang vaccine

Hindi na idinaan pa ni Liza Soberano sa kung anu-anong palusot ang dahilan kung bakit hindi na mapapanood ang serye nila ni Enrique Gil.

Mayroon kasing lumabas na kuwento na kaya raw hindi na iyon ibabalik pa ay dahil sa laki ng gastos ng produksiyon dahil sa laki rin ng casting ng serye.

Maraming tagasuporta nila ang malungkot, maganda nga naman ang kanilang serye, pero bakit sila pinabayaan ng kanilang network?

Hindi mahilig sa kung anu-anong mga palabok na salita ang magandang young actress, diretso siya kung diretsong magsalita, siya mismo ang malinaw na nagpaliwanag kung bakit.

Tinanong sila para sa pagpapatuloy ng kanilang serye, magsisimula na dapat sila bukas, June 13. Mahal na mahal ni Liza ang kaniyang trabaho, napakapropesyonal ng batang ito, pero mas mahal niya ang kaniyang sarili.

Kahit pa nakapailalim na tayo sa GCQ ay hindi naman iyon nangangahulugang ligtas na tayo sa mapamuksang COVID-19. Nandito pa rin ang salot, nakahandang sumalakay lalo na sa pagsasama-sama ng marami, iyon ang dahilan kung bakit hindi siya pumayag.

Nagpakatotoo lang si Liza, marami pang oportunidad na darating para sa kaniya, pero ang kaniyang buhay ay iisa lang. Malaki ang posibilidad ng pamemeligro hindi lang ng buhay niya kundi pati ang kanilang mga kasama ni Enrique sa location.

Wala pang nadidiskubreng bakuna para sa corona virus, pinagsusunugan pa ng kilay ng mga siyentipiko ang lunas sa salot, kapag mayroon na ay puwede na nga naman nating isugal ang buhay natin dahil may katapat nang gamot.

Parang AIDS lang iyon na noong unang ipanganak ay wala pang lunas, hindi sinuwerte sina Freddie Mercury at Rock Hudson, suwerte naman ng mga personalidad na kinapitan noong mga huling taon (Magic Johnson) dahil mayroon nang bakunang nakapagliligtas.

Kaligtasan ang dahilan ni Liza Soberano, ang pera nga naman ay kinikita pero ang buhay na nawala na ay hindi na maaaring ibalik pa.

Janine Gutierrez – Walang takot bumangga sa mga “trapo” sa gobyerno

Matapang si Janine Gutierrez. Sa hanay ng mga kabataang artista ngayon ay siya ang pinakalantad ang mga saloobin tungkol sa mga kaganapan sa ating bayan.

Kung ang iba’y pumoposisyon pa sa kung saan sila hindi maba-bash ay walang pakialam si Janine, talagang sinasabi niya ang kaniyang opinyon, bukas ang pintuan niya sa mga bashers at trolls.

Ibig sabihi’y mulat siya sa mga nangyayari, hindi hanggang pag-arte lang ang kaniyang alam, nakikilahok siya sa mga usaping pambayan.

At kapansin-pansin na ang kaniyang kinokontra ay malalaking personalidad lang. Una ay si Senador Bong Revilla kung saan siya kumakain ng pamba-bash mula umaga hanggang gabi.

Ngayon naman, kahit wala siyang binanggit na pangalan ay bigay na bigay na si Congresswoman Vilma Santos ang kaniyang tinutukoy sa may reserbasyong pagboto ng yes sa Anti-Terror Bill, may iba pa ba?

Sabi ng isang kaibigan namin, “Si Janine lang pala, ang apo ng kumare ni Congresswoman Vilma, ang katapat niya!

“Commendable si Janine, matapang, hindi siya natakot na banggain si Cong. Vilma na trapong-trapo na ang dating! Parang nawawala na ang paninindigan niya.

“Nasaan na si Sister Stella L at si Amanda Bartolome ng Dekada ‘70 na punumpuno ng paninindigan?” komento nito.

Sa restaurant lang daw kasi tanggap ang reservation, hindi sa pagdedesisyon, kung hindi isandaang porsiyento ang paniniwala ay huwag na lang bumoto.

Nora Aunor – Kahit kaunti lang ang pera, nagbibigay pa rin ng ayuda

Nakatutuwa naman ang kuwentong nakarating sa amin tungkol sa Superstar na si Nora Aunor. Alam naman natin na taghirap talaga ang mga artista ngayon dahil sa pagpapahinto sa taping at shooting.

Problemado ang mga personalidad dahil puro palabas ang pera sa kanilang bulsa ngayon, walang pumapasok, pero ibahin natin ang kagandahan ng puso ng Superstar.

Noong kasagsagan ng lockdown ay marami siyang pinadalhan ng ayuda, wala na nga siyang trabaho ay inintindi niya pa rin ang mga taong walang pagkukunan, ibinahagi niya ang kung anumang mayroon siya na talaga namang isang napakagandang ehemplo.

Maraming nagsasabing wala na raw pera ang Superstar, naghihirap na raw siya ngayon, pero pinatutunayan ng marami niyang natulungan na hindi man milyunan ang mayroon siya ngayon ay may puso pa rin siyang tumulong.

“Iyon na nga. Maraming artista d’yan na milyonaryo, hindi sila apektado ng lockdown, pero naalala man lang ba nilang magpadala ng ayuda sa mga nangangailangan?

“Wala na raw pera si Guy, sabi ng iba d’yan, pero siya pang walang pera ang nakaalala,” madiing sabi ng aming source. Oo nga naman.

Kris Aquino – Malamang na pumasok sa mundo ng pulitika

Mukhang nabuhay ang esntusiyasmo ni Kris Aquino sa mundo ng pulitika na kinagisnan-kinalakihan niya. Hindi niya naman diretsong sinabi na may plano siyang tumakbo sa darating na eleksiyon pero iyon ang kutob ng ating mga kababayan.

Gusto niyang pag-ibayuhin ang pag-aaral, mayroon na siyang diploma sa kolehiyo pero gusto pa rin niyang magpakadalubhasa sa Political Science, doon nagkaroon ng konklusyon ang marami na may plano na siyang lumahok sa mundo ng pulitika sa 2022.

At bakit naman hindi? Una ay may karapatan si Kris na tumakbo dahil matalino siya, bukod pa sa alam na alam na niya ang likaw ng bituka ng pulitika, may maitatago pa ba naman sa kaniya?

Bahagya pa lang siyang umaangat sa lupa ay umaakyat na siya sa entablado de kampanya ng kaniyang ama nang kumandidatong senador.

Naging pangulo si Tita Cory, ganoon din ang kapatid niyang si Noynoy, nasa kaniyang dugo ang serbisyo-publiko.

Lantad na kay Kris ang usaping-pulitika, nasaksihan niya iyon mula sa kaniyang mga magulang at kapatid, at kung talagang nasa mga palad niya ang pagiging matagumpay na pulitiko ay wala nang makahaharang pa sa kaniyang plano.

Napakalaki ng papel na ginagampanan ng salitang destiny sa ating buhay. Sino ba ang mag-aakala na pamumunuan pala ng isang Black-American ang pinaghaharian ng mga Puti?

Sa simula pa lang ng kampanya ay winasak-minaliit na agad ang anak ng Kenyan na si Barrack Obama pero dahil nakadestino na itong magtagumpay ay may nagawa ba ang mga pangmemenos sa pagiging Black-American ng dating pangulo ng Amerika?

At mayroon din bang nag-akala na magiging pangulo pala natin ang dating mayor ng Davao na si PRRD? Na magiging pangulo rin ng Republika ng Pilipinas ang artistang si Joseph Estrada?

Sa pagkapanganak pa lang natin ay malinaw nang nakaguhit sa ating palad kung saan tayo pupunta at kung ano ang linyang pagtatagumpayan natin.

Nagtagumpay nang TV host si Kris Aquino, hawak niya ang korona sa naturang linya, pero paano kung nandoon din pala sa kaniyang mga palad ang bituin sa mundo ng pulitika?

Noong minsan ay sinabi sa amin ni Kris, “My mom told me never akong puwedeng mag-Senate because 23 people will want to kill me.”

Kung hindi pala siya puwede sa Senado ay ano kaya ang posisyong napipintong takbuhan ni Kris Aquino kapag talagang desidido na siya?

Dalawang posisyon lang ang mapagpipilian natin, ang pagiging pangulo o bise-presidente, alin kaya sa dalawang upuang iyon ang nakaguhit sa mga palad niya na mapapasakaniya?

Iyon ang kailangan nating abangan.

Eat…Bulaga! – Balik na sa GMA-TV! It’s Showtime – balik na rin, di ba?

Pagkatapos ng 83-araw ay nagbalik na sa himpapawid ang Eat…Bulaga! noong nakaraang Lunes (June 8) nang tanghali. Nagsabog na naman sila ng isang libo’t isang tuwa sa ating mga kababayan.

Si Vic Sotto ay work from home lang, pero ang tropa nina Alden Richards, Jose Manalo, Wally Bayola at marami pang iba nilang mga kasamahan ay nagtrabaho na sa kanilang studio.

Naka-facemask ang mga hosts, sinusunod nila ang physical distancing, may nakahanda rin silang pang-spray sa palibot ng studio para sa kanilang kaligtasan.

Nanibago lang sila pero naitawid ng tropa nang maayos ang programa. Tuwang-tuwa ang mga hosts dahil mahirap nga naman ang walang trabaho, walang pumapasok sa kanilang kaban, tapos na ang kanilang pagtitiis ngayon sa paghihintay.

Ang tanong ng ating mga kababayan, kailan daw naman kaya babalik ang katapat nilang It’s Showtime? Nakakalungkot lang na kahit gustung-gusto nang magpasaya ng mga hosts ng noontime show ay wala naman silang babalikang istasyon dahil sa pagkakasarado nga ng ABS-CBN.

Pero kumpleto naman sa gadgets ang network, gamit na gamit nga nila ang Zoom, baka isang araw ay magbalik na rin sa ere ang tropa ni Vice Ganda.

Matindi talaga ang epekto sa mga artista ng Dos ang kawalan ng regular na trabaho. Ang mga magaling pumaraan ay nakakaraket sa You Tube, Twitter at iba pang account, pero ang mga walang gaanong alam ay naghihintay na lang sa muling pagbabalik ng istasyon.

May mga personalidad mula sa ABS-CBN na ayon sa aming source ay nagbebenta na ng mga nabili nilang properties. Sa panahon nga naman ngayon na walang kasiguruhan kung mabibigyan agad ng prangkisa ang kanilang network ay kailangan nilang mag-isip ng paraan para hindi sila kapusin.

Suwerte ang mga artista ng istasyon na nakapag-ipon, magtagal man ang usapin ng prangkisa ay hindi sila magugutom, pero paano ang mas nakararami na sa ABS-CBN lang talaga umaasa?

Alden Richards – Interesadong maging reservist ng Philippine Air Force

Nagpahayag na ng interes si Alden Richards na maging reservist ng Philippine Air Force. Hinihintay niya na lang ang desisyon ng GMA Artist Center kung kailan siya puwedeng magsimula sa matinding training.

Mahirap na nga namang sumagot siya, pero napakarami niya naman palang trabahong kailangang gampanan, hindi magiging tuluy-tuloy ang kaniyang training sa PAF.

Sa pagkakaalam namin ay mapapalaban nang husto ang Pambansang Bae sa masusing training, ganoon din ang pinagdaanan ng ibang mga personalidad na pumasok sa pagiging reservist, pero handa naman si Alden anumang oras na kailangan na siyang sumailalim sa matindihang preparasyon kapag naiayos na nila ng Artist Center ang kaniyang schedule.

“Para sa bayan,” sabi ni Alden Richards na kilalang-kilala sa pagiging matulungin pero hindi lang niya iyon ipinagmamakaingay.

Daddy’s Girl ­– Vic Sotto at Maine, tinapos nang maayos ang kanilang sitcom

Pinanood namin ang Daddy’s Girl noong isang gabi. Sa pamamagitan ng Zoom ay itinawid nina Vic Sotto at Maine Mendoza ang kanilang sitcom.

Malinaw ang kanilang eksena, nabigyan ng kani-kaniyang moment ang buong cast, kaya nga lang ay limitado ang kanilang mga galaw.

Hindi sila puwedeng humiwalay sa maliit na kuwadro ng Zoom, wala ring mga ekenang magkakasama sila bilang obserbasyon sa physical distancing, pero nairaos nila ang programa.

Positibo ang pagsasara nila sa sitcom, sabay-sabay silang nagdasal para sa kaligtasan ng lahat sa COVID-19, ang gandang panoorin ng lahat ng cast sa kani-kanilang maliit na kuwadro na nagsabi ng Amen.

Manny Pacquiao – Hindi totoong kakandidato sa pagiging pangulo sa 2022

Mabilis na binawi ni Senador Manny Pacquiao ang pinakalat na impormasyon ng promoter ng Top Rank na si Bob Arum na kakandidato siya sa pagiging pangulo sa 2022.

Malinaw ang sinabi ng kaniyang promoter, sinabi raw sa kaniya ng Pambansang Kamao ang kaniyang planong pagsabak sa panguluhan sa susunod na eleksiyon, desidido na raw ang senador.

At lumundag na agad si Pacman sa kaniyang tagumpay, ayon pa sa promoter, dahil iniimbitahan na diumano ito ng Pambansang Kamao sa kaniyang inagurasyon.

Ayon sa boksingero ay wala raw silang napag-usapan tungkol sa mundo ng pulitika ng kaniyang promoter, umikot lang daw sa boxing ang kanilang paksa, wala raw siya sinabing sasabak na siya sa panguluhan sa 2022.

Umaksiyon agad ang senador para linawin ang sinabi ng Top Rank promoter dahil hindi naging maganda ang resulta ng inilabas nitong impormasyon.

Puro negatibong reaksiyon ang tinanggap ng Pambansang Kamao, lalo na tungkol sa diumano’y imbitasyon niya sa promoter sa kaniyang inagurasyon, napakasyumero raw naman ng palabang boksingero sa papasukin niyang laban sa pagiging pangulo.

Ang unang-unang naglabas ng saloobin ay ang kaniyang mga empleyado sa MPBL, ang kaniyang sariling propesyonal na paliga sa basketball na iba-ibang probinsiya ang naglalaban-laban, may 50 empleyado niya ang mag-aapat na buwan na ngayong hindi sumusuweldo.

Ang masaklap pa, ayon sa grupo ay dumaan ang pinakamatinding hamon sa kanilang buhay, ang lockdown, pero kahit kaunting ayuda man lang ay walang ibinigay sa kanila ang senador.

Sabi pa ng aming source, “Kaya kapag napapanood nila si Pacman na namimigay ng tulong sa mga kababayan natin, e, sumasama ang loob nila. Kapag may mga camera raw, e, mabilis siyang mamahagi ng ayuda, samantalang silang mga nagtatrabaho sa MPBL, e, nagugutom ang mga pamilya!” madiing reaksiyon ng aming kausap.

Sino kaya sa kanila ng kaniyang boxing promoter ang nagsisinungaling at nagsasabi ng totoo? Kung walang kinumpirma si Senador Pacquiao kay Bob Arum ay napakatsismoso naman pala ng boxing promoter na ito?

Maselan ang isyung inilabas nito, mapaghahandaan na agad ng kaniyang mga makakatunggali sa posisyon ang kampeong boksingero, saka hindi maganda sa pandinig na ngayon pa lang ay siguradung-sigurado na ang senador sa kaniyang tagumpay sa panguluhan.

Agad-agad? Parang wala lang? Na nakaamba na palang maging First Lady si Jinkee Pacquaio?

Angel Locsin – Walang sawa ang pagtulong pero bakit may mga bashers pa?

Sa kabila ng magagandang ginagawa ni Angel Locsin ay kung anu-ano pang pangalan ang ikinakapit sa kaniya ngayon.

Mula’t mula raw naman ay pro-NPA na ang aktres, may tumatawag din sa kaniya ng terorista, ganoon pa ba naman ang matatanggap na premyo ni Angel sa kabila ng kaliwa’t kanang pagtulong sa mga kababayan natin ang ipinamamalas niya?

Nakakalungkot lang ang ganoon dahil hindi naman lahat ng mga personalidad ay mulat sa pag-ayuda sa mga nangangailangan. Bibihira lang ang ganoon at isa si Angel Locsin sa mga artistang hindi nagsasayang ng panahon at pagkakataong makatulong siya.

Kung saan-saang lugar ng bansa siya nakararating para sa pamamahagi ng tulong, sarili niyang pera at halagang ipinagkakatiwala sa kaniya ng mga pangunahing produktong kailangan ng mga nabibiktima ng kalamidad, hindi naman ipinanganganak palagi ang tulad ng aktres na may magandang puso.

Nakakalungkot ding isipin na sa bansang ito, kapag pinuna mo ang kakapusan ng ating pamahalaan, ay babansagan ka nang terorista at komunista.

Kalaban na agad ang turing sa iyo samantalang ginagamit mo lang naman ang iyong karapatang magpahayag bilang isang Pilipino. Para naman sa mas nakararami ang kaniyang pamununa at hindi naman siya nang-eengganyo ng mga kababayan natin para lumaban sa gobyerno.

Kamag-anak kasi ni Angel Locsin ang pulitikong palaging pumupuna sa ating gobyerno, si Party List Congressman Neri Colmenares, iyon siguro ang dahilan ng pagtawag sa kaniya bilang tagasuporta ng NPA mula pa noon.

Kung para naman sa mayorya ang pagkilos ay walang masama, kailan pa naging krimen ang pagtulong sa mga nangangailangan, nakaposisyon man sa pamahalaan o hindi ang tumutulong sa ating mga kababayan ay isang dakilang aksiyon. – CSF

Cristy Per Minute • Hulyo 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 1-15, 2020

      Angel Locsin
Angel Locsin
   Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Sharon Cuneta & KC Concepcion
 
Sharon Cuneta & KC Concepcion
  BB Gandanghari
 
BB Gandanghari
  Vice Ganda
 
Vice Ganda
  Lorna Tolentino
 
Lorna Tolentino
  Alden Richards1
  Alden Richards2
 
Alden Richards
  Eat Bulaga
 
Eat...Bulaga! Balik na ang live show sa kanilang studio
  Nora Aunor
 
Nora Aunor

Kris Aquino – Magbabalik na sa TV! Hindi producer si Willie

Tahasan nang sinabi ni Willie Revillame na wala siyang kuneksiyon sa unang napabalita na siya ang magiging producer ni Kris Aquino sa pagbabalik-telebisyon nito.

Galing na sa Reliance network ang staff ni Kris, inikot ng mga ito ang mga studios ng TV5, dahil magiging blocktimer pala ang kaniyang programa na ibig sabihi’y bibili sila ng oras sa istasyon.

“Nagulat nga ako noong makarating sa akin ang balita na ako raw ang producer ni Kris. Walang katotohanan iyon. Nakatutok lang ako sa Tutok To Win,” paglilinaw pa ni Willie Revillame.

Pahayag ni Willie, “Wala akong alam tungkol doon. Wala kaming pinag-uusapan tungkol sa show na gagawin niya. Hindi naman kami regular na nagkakausap ni Kris, e!”

“Magandang makabalik na talaga si Kris, ang tagal na niyang wala sa circulation, it’s about time na mag-TV na uli siya.

“Pero hindi ko alam ang mga nangyayari, hindi ko alam iyon, hindi ako ang producer ni Kris,” paglilinaw ng aktor-TV host.

Totoong tinutulungan niya si Kris noong una para sana magkaroon ito ng programa sa GMA-7, pero hindi naman siya ang may-ari ng istasyon, talent lang din siya ng network.

Gaano man niya kagustong tulungan ang kaniyang kaibigan para makabalik na sa gitna ng aksiyon ay hanggang sa pagrerekomenda lang naman ang kaniyang magagawa.

Lahat ng paraan ay ginawa na ni Willie, lahat ng tulong na alam niya ay ibinahagi na niya kay Kris, pero tama siya na hanggang doon lang talaga ang kaniyang magagawa.

Malinaw, hindi si Willie Revillame ang prodyuser ng pagbabalik-TV-talk show ni Kris Aquino, wala siyang alam tungkol doon.

Sharon Cuneta – Kakasuhan at tuturuan ng leksyon ang mga naninira

Maraming nagtatanungan kung itutuloy pa ba ni Sharon Cuneta ang pagdedemanda ng libelo sa reporter na nanira sa kanilang pamilya.

Sino raw ba ang uunahin ng Megastar, ang nasabing reporter na sinagot niya nang punto por punto ang mga bira sa kanilang pamilya, o, ang nagbantang mangre-rape sa kaniyang anak na si Frankie Pangilinan na nasa ibang bansa man ngayon ay tinatrabaho pa rin ng DOJ at NBI?

Sabi ng isang taong malapit kay Sharon, “Humingi na ng tawad sa kaniya si Ronald Carballo, napakabilis nga ng ginawa niyang pagso-sorry kay Shawie. Kung gaano siya katapang noon sa pagsusulat ng kasiraan ng pamilya ni Sharon, e, tiklop-tuhod siya sa panghihingi ng tawag ngayon.

“Para sa aming close kay Sharon, e, questionable iyong panghihingi niya ng sorry. Parang ang bilis-bilis kasi ng realization niya. Kinabukasan lang, nauntog na agad-agad siya sa katotohanan?

“Siyempre, alam niya na tototohanin ni Sharon ang pagbibigay ng leksiyon sa kaniya, kaya the best escape na naisip niya, e, unahan agad ng pagso-sorry ang legal action na gagawin ng siniraan niya!

“Pero bago ang forgiveness, e, kailangan munang mag-heal ni Sharon. Kung para sa taong iyon, e, napakadaling manghingi ng tawad, sincere man siya o hindi, kailangan munang mag-heal ni Sharon!

“Ganoon na lang ba naman kadaling kalimutan ni Shawie ang lahat ng mga paninira sa kaniya na pinintasan siya at tinawag siya sa iba-ibang pangalan?

“Tinawag na unggoy ang husband niya, sinabihang certified maniac si KC, pinagbintangan pa silang mag-ina na nagbibilang ng mga lalaki?

“Healing before forgiving, siyempre. Saka mapatawad man siya ni Sharon, e, hindi doon matatapos ang scenariong ito.

“May kailangang matuto ng leksiyon, may kailangang maganap na aksiyon para hindi na niya ulitin pa sa iba ang mga ginawa niyang betrayal of trust kay Sharon na hindi na siya itinuring na iba!” napakadiing pagtatapos ng aming source.

Siguradong-sigurado na si Sharon sa kaniyang aksiyon na kasuhan at turuan ng leksiyon ang kababayan nating nagpalutang ng rape threat sa kaniyang anak na si Frankie Pangilinan.

Hindi ningas-kugon lang ang sobrang galit ng Megastar, nagsadya na siya sa opisina ng DOJ para kausapin ang kaniyang dating abogadong si Justice Secretary Menardo Guevarra para ipahanap si Sonny Alcos, ang nambaboy sa kaniyang anak sa social media.

Sa ginagawang imbestigasyon ng mga inatasan ng DOJ ay lumalabas na nasa United Kingdom pala ang Sonny Alcos na ito, doon nagtatrabaho, at hindi totoong na-hack lang ang kaniyang account tulad ng madalas ikadahilan ng mga nagpapalutang ng mga bastos na mensahe o post.

Inaasahan na ang ganitong aksiyon ni Sharon, hindi siya makapapayag na bastusin ng kahit sino ang kaniyang mga anak, madalas niyang sabihin na ibang usapan na kapag ang mga mahal niya sa buhay ang isinasangkot sa isyu.

Dahil nasa ibang bansa ang nambastos kay Frankie ay maraming nag-aalala na baka basta na lang nito malusutan ang pagbabanta ng rape sa anak nina Sharon at Senador Kiko Pangilinan.

Nilinaw ng DOJ na kahit nasa ibang bansa pa ang nagkasala ay puwede pa ring kasuhan, may kalayaan din ang ating mga otoridad na pauwiin ang sinumang may pagkakasala sa batas, kaya hintayin na lang nating ang maaaring haraping kaso ng Sonny Alcos na ito.

Tingnan natin kung anong dahilan ang ibibigay nito sa kaniyang post na kung bata-bata pa lang ito ay siguradong gagahasain si Frankie nang hindi ito makukulong.

BB Gandanghari – Bakit ina-away si Vice Ganda? Matindi ang problema

Dededmahin lang ni Carmina Villaroel ang mga pinagsasasabi ngayon ng dating Rustom Padilla sa social media.

Ewan naman kung anong kalungkutan ang lumulukob ngayon kay BB Gandanghari para muling sariwain ang kanilang relasyon ng aktres.

Kung noon ngang naghiwalay sila at pumasok sa eksena si Zoren Legaspi ay wala tayong anumang narinig mula kay Carmina, ngayon pa ba naman siya magsasalita, ngayong halos kalimutan na nga ng kasaysayan ang kanilang nakaraan?

Ngayon pa ba magkukuwento si Mina, ngayong nagpapanggap nang babae ang kaniyang dating asawa, ngayong parang magkamukha na nga silang dalawa?

Hindi lang epekto ng lockdown ang kalungkutang nararamdaman ngayon ni BB Gandanghari, mas malalim pa doon ang dahilan, kaya kung anu-ano ang ipino-post nito ngayon.

Nananahimik na si Carmina, maligaya na siya sa piling ni Zoren at sa kanilang kambal, huwag na sana silang guluhin ng mga alaalang pinagsasasabi ng dating Rustom Padilla.

Si BB Gandanghari na rin naman ang nagdiin na patay na si Rustom Padilla, si BB Gandanghari na ang nasa mundo ngayon, kaya bakit pa nito binabalik-balikan ang kanilang nakaraan ni Carmina?

Mas magandang manahimik na lang si BB Gandanghari, lalong hindi magugustuhan ng kaniyang pamilya ang mga nagagnaap ngayon, mabibigo lang ang kaniyang pag-asang susuportahan na ng kaniyang ina at mga kapatid ang bagong mundong mayroon ito ngayon.

At tama bang away-awayin nito si Vice Ganda? Siyempre, hindi rin naman papatol sa kaniya ang sikat na komedyante, deadmatology lang ang Viceral dahil bakit nga naman ito magsasayang ng panahon sa kaniyang mga kuda?

Hindi galit o inggit ang nakikita namin ngayon sa mga pananalita ni BB Gandanghari laban kay Vice Ganda. Sa kaniyang paglilitanya sa You Tube ay tumodo na ang dating si Rustom Padilla laban kay Vice.

Hindi raw nababagay kay Vice Ganda ang kaniyang pangalan dahil walang maganda sa kaniya. Mas may edad daw siya kesa kay Vice, malaki ang agwat ng kanilang edad, pero kapag nagharapan daw sila ay siguradong makikita ang ebidensiya na mas mukha siyang bata kesa sa sikat na komedyante.

Basta parehas lang daw ang laban - walang suot na wig si Vice, walang concealer, tabla lang ang laban.

Marami pang ibang bira si BB Gandanghari laban kay Vice na una raw kasing kumuwestiyon sa kaniyang pangalan. Bakit daw BB Gandanghari, bakit hindi raw BB Gandangreyna, kung ang gusto niyang ipalutang sa buong mundo ay babae na nga siya?

Kaya ang sabi ni BB Gandanghari sa kaniyang mga kakampi, ang kaniyang BBnation, mula raw ngayon ay may bago nang pangalan si Vice Ganda -Vice Tanda.

Hindi raw kasi umaayos sa edad ni Vice ang kaniyang itsura, di hamak daw namang mas mukha siyang bata kesa kay Vice Ganda, pagdidiin pa ni BB Gandanghari.

Lorna Tolentino – Nireklamo ang lockdown accommodations sa Ang Probinsyano

Nakakaloka ang naganap sa Take It, Per Minute. Me Ganoon noong Martes nang tanghali. Ikinukuwento ni Manay Lolit Solis ang mga kuwento sa kaniya ni Lorna Tolentino na naka-lock-in ngayon para sa taping ng Ang Probinsyano.

Dusa raw talaga, sabi ni LT, dahil hindi naman hotel ang tinitirhan ng buong cast kundi isang motel. Kinunan pa nito ng picture ang nakapaskel sa motel. 299 pesos ang short time.

Hala, kuwento nang kuwento si Manay Lolit sa show, halakhakan naman kami nang halakhakan ni Mr. Fu nang mag-ring ang kaniyang telepono.

Habang nakaere pa kami ay sinagot niya ang tawag, si Dagang pala ang nasa kabilang linya, ang production manager ng serye ni Coco Martin.

Ang sabi raw sa kaniya ni Dagang, “Manay, bakit mo pa sinabi sa show ang tungkol sa tinitirhan ng cast? Puwede naman nating pag-usapan iyon?”

Tawa kami nang tawa dahil para lang siyang nakikipagkuwentuhan sa kusina, parang hindi kami nakaere, nang ibaba niya ang telepono ay sinabi ni Manay Lolit ang sinabi sa kaniya ni Dagang.

“Ililipat na raw nila ng hotel si LT, pero promise ko kay Dagang, hindi pupunta sa Congress si Lorna para magreklamo habang umiiyak!” humahalakhak na sabi ni Manay Lolit.

Napakabilis ng reaksiyon ng produksiyon ng Ang Probinsyano, hindi pa natatapos sa pagkukuwento si Manay Lolit ay mayroon na agad tumawag, nakakaaliw talaga ang kaibigan-kasamahan naming ito!

Dagdag na kuwento pa niya ay ubos na ang baon-baong pera ni LT sa kapapadeliber ng pagkain pero ang pinakamalaki niyang problema ay kung paano niya sasabihin kay LT na ang talent fee pala nito sa serye ay babawasan nang malaking halaga.

Angel Locsin – Target ng mga bashers dahil sa kaniyang timbang na nadagdagan

Kaisa namin ang aming mga kaibigan sa pagdedepensa kay Angel Locsin sa pagbira sa aktres ng mga bashers at trolls sa kaniyang timbang na nadagdagan.

Nakakalungkot lang na ginagawang malaking isyu at kapintasan kay Angel ang kaniyang katawan ngayon. Panglabas na anyo lang ang kanilang nakikita, hindi nila pinahahalagahan ang kagandahan ng puso ng aktres na hindi na kailangan pang katukin sa pagtulong sa mga kababayan nating nagdarahop, hindi parehas ang laban.

Aanhin naman natin ang seksing katawan na wala namang pakinabang? Papalakpakan natin ang isang taong hindi na kailangan pang kalampagin para lang magbigay ng ayuda, iyon si Angel Locsin, na tinatalo pa ang mga nakaupong pulitiko ngayon sa pagtulong sa ating mga kababayan.

Isang bukas na reyalisasyon para sa atin na hindi ang kurbada ng kaniyang katawan ang prayoridad ni Angel, mas mahalaga para sa kaniya ang kung anong mabuting bagay ang maihahandog niya sa ating mga kababayang walang pagkukunan, at sa sukatan ng Diyos at ng tao ay iyon ang pinakaimportante.

Bakit ba kasi masyadong ginagawang problema ng ibang mata ang pagdadagdag ng timbang ni Angel Locsin? Kung siya nga mismo ay hindi namomroblema sa kaniyang katawan ay sino naman tayo para humusga?

Puso ang kailangan nating tinitingnan. Ang kabutihan ng kalooban ang dapat nating sinusukat at hindi ang vital statistics ng tao.

Alden Richards – Busy na ulit. Balik na sa ere ang Eat… Bulaga!

Maaksiyon na uli ang buhay ng Pambansang Bae. Kung dati’y nakakulong lang siya sa bahay at lumalabas lang para asikasuhin ang mga pangangailangan ng kanilang pamilya ay balik-trabaho na siya ngayon.

Nagbalik na sa ere ang Eat..Bulaga! Araw-araw na uli silang nagtatawid ng isang libo’t isang tuwa sa buong bansa. Hindi maaaring kalimutan ni Alden Richards ang noontime show na gumawa ng milagro sa kaniyang career dahil sa tambalan nila ng Dubsmash Queen.

Pero binulabog na naman ng guwapong aktor ang buong bayan dahil sa ipinost niyang larawan ng kaniyang katawan. Ngayon ay maliwanag na ang retrato, nakaharap na rin siya, kaya kitang-kita na kung ilang packs na ang resulta ng kaniyang seryosong pagdyi-gym.

Pagdating sa disiplina ay nangunguna si Alden Richards. Iyon ang dahilan kung bakit sinasaluduhan ng kaniyang mga katrabaho ang pagiging professional niya.

Mahusay siyang magsalansan ng mga prayoridad niya sa buhay. Ang kaniyang pamilya, ang kaniyang karera, ang pakikisama niya sa kapuwa na hindi niya kinalilimutan ganyan man kalaki ang kaniyang pangalan.

Magtatagal pa nang maraming-maraming taon sa kaniyang propesyon si Alden Richards. Hindi sa lahat ng panahon ay ipinanganganak ang sikat na artistang hindi feeling-artista.

Hindi lahat ng binibiyayaan ng pagkakataong sumikat ay marunong makaalala sa kanilang pinanggalingan, sa mga dati nilang kaibigan, iilan lang ang maituturing nating hindi nalulunod sa popularidad na hinahawakan nila.

Sa iilang personalidad na iyon ay kabilang si Alden Richards.

Nora Aunor – Senior na at hindi lumalabas ng bahay pero patuloy ang pagtulong

Mula noong itakda ang lockdown ay hindi na lumabas ng kaniyang bahay si Nora Aunor. Dobleng pag-iingat ang kaniyang ginagawa dahil senior citizen na siya.

Pero sa kabila ng lahat ay nakagawa pa rin siya ng paraan para makatulong sa ating mga kababayan. Wala siyang malaking kayamanan, pero mayaman ang kaniyang puso sa pagtulong, ipinamahala ng Superstar ang pagtulong sa mga tagahanga niya.

Ang sinentruhan ng ayuda ni Nora ay ang mga stranded na OFW na gustung-gusto nang makapiling ang kanilang mga mahal sa buhay sa probinsiya pero hindi makauwi dahil sa kakapusan.

Karamihan sa kanila ay nasa palibot ng NAIA, mayroon ding mga kinupkop ng militar, marami ring binigyan ng pagkalinga ang mga pari sa Baclaran church.

Kuwento ng aming kausap, “Napanood ni Guy ang nakakalungkot nilang kalagayan. Lalo na iyong may mga anak pang kasama, dumurog sa puso niya ang ganoon.

“Tinawagan niya ang mga taong pinagkakatiwalaan niya, iyon ang mga fans niya na talagang very loyal sa kaniya through the years. Sila ang in-assign ni Guy para mamili, magluto ng pagkain at mag-distribute sa mga stranded OFW.

“Hindi siya sumasama sa pamimigay ng ayuda, hindi mo siya mapalalabas ngayon, dahil nirerespeto niya ang mga protocol.

“Pero sa kaniya nanggaling ang pang-ayuda, siya mismo ang namamahala sa pamimigay ng tulong. Nagtse-check siya, inaalam niyang mabuti kung nakararating ba sa mga kababayan natin ang mga pagkain.

“Nakakatuwa talaga, dahil hindi naman siya mayaman, kumikita lang siya nang sakto sa mga pangangailangan niya, pero ginusto pa rin niyang makatulong,” kuwento ng aming source.

– CSF

Cristy Per Minute • Hulyo 16-31, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminHulyo 16-31, 2020

      Angel Locsin
Angel Locsin
  Vice Ganda
 
Vice Ganda
  Jinkee Pacquiao
 
Jinkee Pacquiao
  Jinkees designer bikes
 
Jinkee's designer bikes
  Jinkee Pacquaio KARITON daughters Mary and Queenie
 
Jinkee Pacquaio rides kariton with daughters Mary and Queenie - surrounded by bodyguards
  Regine Velasquez
 
Regine Velasquez
  Gerald Sibayan &  Ai Ai delas Alas
 
Gerald Sibayan & Ai Ai delas Alas
Willie Revillame
 
Willie Revillame
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Super Tekla
 
Super Tekla

Angel Locsin – Sinabi lang na walang iwanan, komunista na agad siya?

Kung daang libong kababayan natin ang hanggang ngayo’y nagdarahop pa rin dahil sa negatibong epekto ng salot na COVID-19 ay maraming artista rin ang hindi mapakali ngayon dahil sa pagkawala ng kanilang trabaho sa pagpapasarado ng ABS-CBN.

Dobleng bigwas ang nararamdaman ngayon ng mga personalidad ng network, una ay ang pagkawala ng kanilang trabaho dahil sa ECQ, pero maging normal man pala ang kapaligiran ay wala na rin silang babalikan.

Naturingang number one network ang nakasasakop sa kanila, pero may nag-isip bang maipapasarado pala ang istasyon, kahit hindi naman Martial Law ngayon?

Maganda ang punto ng mensahe ni Angel Locsin na ngayon sila dapat magkaisa, walang iwanan, kailangang magkakasama sila sa pagkilos para maipaglaban pa rin ang karapatang makapagsahimpapawid ang kanilang network.

Dahil doon ay umalsa na naman ang kaniyang mga bashers, talaga raw palang makakaliwa si Angel, linya raw kasi ng mga komunista ang kaniyang binibitiwan.

Lagot, may mga nagsabi pa, dahil baka sa kagaganyan ni Angel Locsin ay bigla na lang siyang sampolan sa kapapasa pa lang na Anti-Terror Bill.

Napakalayong paglundag sa panghuhusga. Sinabi lang ni Angel na magsama-sama sila, na hindi sila dapat mag-iwanan, komunista na agad siya?

Pero sinisigurado namin na marami nang artista ng Dos ang gumagawa ng pagkilos ngayon para sa kanilang karera at kabuhayan. Hindi sila puwedeng basta maghintay lang ng kanilang kapalaran.

Mayroon nang mga nakikipag-usap sa ibang istasyon para sila magkatrabaho. Kanaturalan iyon ng tao, ang maghanap ng kaniyang ikabubuhay, ang humanap ng paraan para may maihaing pagkain sa mesa para sa kaniyang pamilya.

Labas na ang usapin ng loyalty sa kanilang sitwasyon ngayon, alam nilang hindi sila pakakainin ng loyalty sa kanilang ipinasaradong istasyon, ang kanilang katapatan ngayon ay nasa magbibigay sa kanila ng pagkakakitaan para hindi sila magutom.

Vice Ganda – Kayang-kaya nang mabuhay nang masagana

Maraming natatanong sa amin kung may posibilidad bang lumipat sa Eat…Bulaga! si Vice Ganda ngayong nahihirapang makalusot sa Kamara ang ABS-CBN sa pagkuha ng prangkisa.

Ipinasarado ang ABS-CBN, pati ang ibang channel kung saan maaaring ipalabas ang mga programa ng Dos ay hinarangan na rin, wala na halos natitirang venue para sa trabaho ng mga artista ng ABS-CBN.

Natural, apektado ang lahat ng mga kontratadong artista ng network, paano na ang kanilang hanapbuhay at mga pamilyang sa kanila lang umaasa?

Balitang palalayain na ng network ang kanilang mga artista, kaya ang tanong ng bayan, lumipat kaya si Vice Ganda sa programang kalaban ng It’s Showtime sa pananghalian?

Kung kilala nga namin si Vice Ganda ay ang paglipat sa Eat…Bulaga! ang pinakahuling panaginip sa kaniyang utak ngayon. Hinding-hindi niya iyon gagawin anuman ang mangyari.

Kahit pa sinasabing hindi lang naman laway ang nilulunok kundi pati ang pride ay mas naniniwala kaming mas matatanggap ng sikat na komedyanteng wala na lang siyang programa kesa sa maging bahagi siya ng programang ilang taon niyang nakalaban sa ere.

Kumpara sa maraming artista ng ABS-CBN na nawalan ng trabaho dahil sa pagpapasarado sa network ay maganda ang posisyon ni Vice Ganda.

Unang-una ay kayang-kaya nang mabuhay nang masagana ni Vice Ganda sa bilyones na mayroon siya ngayon. Kayang-kaya na niyang kumain at matulog na lang at kapag naiinip siya ay kaya niyang bumiyahe sa ibang bansa para magpalamig.

Bastante na ang kaniyang buhay, hindi niya na gugustuhin pang lumipat sa ibang programa, lalo na sa nakatunggali niya sa labanan ng rating.

Iyon ay kung kilala nga namin si Vice Ganda.

Jinkee Pacquaio – Bina-bash dahil sa paglalantad ng mga branded na kagamitan

Magaling sa damage control si Jinkee Pacquaio. Dahil bina-bash siya ngayon sa social media dahil sa paglalantad niya ng kaniyang mga branded na kagamitan ay naisip niyang gumawa ng kakaiba.

Maraming naiinis sa misis ni Senator Manny Pacquiao ang banderada ay si Agot Isidro, na pumansin sa ginagawa niyang pagmamayabang nang wala sa tamang tiyempo.

Aba, nakaisip ng ibang paraan si Jinkee para doon mabaling ang atensiyon ng publiko, sumakay siya sa kariton na kasama ang kanilang mga anak na babae.

Napakasimple ni Jinkee, hindi niya na ipinakita kung anong brand ng tsinelas ang kaniyang suot, hindi tulad nang dati na pati ang mga mamahalin niyang tsinelas ay ipinaparada niya sa kaniyang IG Stories.

Komento ni prop na nakakita rin sa mga ipinost na retrato ni Jinkee, “O, di ba naman? Sumakay siya sa kariton, napakasimple niya, pero mayroon siyang nakalimutan sa ginawa niya!

“Hindi pa rin siya nagtagumpay sa gusto niyang palabasin ng isa siyang commoner! Marami siyang kasamang bodyguard!” tawa nang tawang pagpansin ni prop.

Hanggang ngayon ay paksa pa rin ang paglalabas-pagpo-post ni Jinkee Pacquiao sa mga branded na bisiklitang inorder niya mula sa Paris.

Wala naman sanang problema doon, pera namang pinaghirapan ng Pambansang Kamao ang ipinambili niya ng mga branded na bisiklita, hindi naman iyon nanggaling sa bulsa ng iba.

Kinapos lang sa tiyempo ang misis ni Senador Manny Pacquiao, naging insensitibo siya sa kasalukuyang panahon, hindi nga naman maganda sa panlasa na habang nagdarahop ang buong bayan dahil sa COVID-19 ay saka pa niya inilabas ang retrato ng branded na bisikletang nagkakahalaga nang daang libo.

Sana’y naisip man lang ni Jinkee na hindi ito ang tamang panahon para ipaalam niya sa publiko na mayroon silang branded bicycle.

Hindi iyon matatanggap ng mga kababayan natin, lalo na ang mga manggagawang nawalan ng trabaho, ng mga nagsarado na ng kanilang mga negosyo dahil sa epekto ng salot.

Marami pa namang ibang pagkakataon para niya maipagmalaki ang bisikletang branded na gawa sa Paris, kapag uminam-inam na ang takbo ng kabuhayan natin ay napakalawak ng espasyo para maipagmalaki niya iyon, pero hindi ngayon.

Pinakasensitibong panahon ang pinagdadaanan hindi lang ng Pilipinas kundi ng buong mundo. Hindi ito ang panahon ng pagmamalaki ng kung anumang mayroon ang bukod na pinagpala.

Sabi nga ni Rein Cortez ng Dimples Ricecrackers, “Sana, iba ang bisikletang binili pa niya sa Paris. Sana lumilipad iyon at hindi nakasayad din ang dalawang gulong sa lupa!”

Regine Velasquez ­– Unfair na sabihing siya ang naghatid ng malas sa ABS-CBN

Naging malaking isyu ang paglipat ni Regine Velasquez sa ABS-CBN pagkatapos niyang magserbisyo nang maraming taon sa GMA-7.

Nadagdagan pa ang kontrobersiya dahil sa mga pinakawalang pahayag ng Asia’s Songbird na sa wakas, nasa bakuran na raw siya ng number one network, kaya kaliwa’t kanang pamba-bash ang inabot niya.

Pero isang kaibigan namin ang nagpaalala, sabi nito, “Sinabi rin kasi noon ni Regine na dream niyang mag-retire sa pinakamalaking network.

“Ayan tuloy, nag-retire siya nang wala sa oras. Minsan kasi, hindi nila nababantayan ang emotion nila when they’re on top of the world,” komento ng aming kausap.

Pero mahalagang nakikita rin sana natin ang mga pinakakawalang pahayag ni Regine mula nang ipasara ng NTC ang kanilang network.

Halos araw-araw siyang nagdarasal at humihingi ng pagkakataong mapalawak pa sana ang pagsahimpapawid ng ABS-CBN. Hindi nga niya isinasali ang kaniyang sarili, ang mga empleyado ng istasyon ang kaniyang prayoridad, ang mga mawawalan ng trabaho kapag ipinasarado na nang tuluyan ang network.

Kaya nga hindi maganda sa panlasa ang sabihing siya ang may hatid na malas sa ABS-CBN. Lumipat man o hindi si Regine ay mangyayari pa rin ang senaryo.

Kung hindi natin nakikita ang COVID-19 na limilipol nang milyon-milyon sa buong mundo ay ganoon din ang naganap sa ABS-CBN.

Hindi rin nila nakita kung sino ang tunay nilang kalaban.

AiAi, Willie at Kris – Ano raw ang damdamin sa pagpapasarado ng ABS-CBN?

Maraming nagtatanong sa amin kung ano ang damdamin ngayon nina Willie Revillame at AiAi delas Alas sa pagpapasarado sa ABS-CBN?

Matagal na panahong nagserbisyo sa network sina Willie at AiAi, pero isang araw ay bigla na lang silang nawala, mas matindi ang naganap kay Willie dahil literal itong sinipa ng pamunuan ng network.

Iba naman ang kaso ni AiAi, miniting siya ng mga ehekutibo ng network, akala niya ay bagong proyekto ang kanilang uupuan pero hindi pala.

“Pinagso-sorry siya ng executive kay Kris Aquino. Hindi pumayag si AiAi. Feeling niya, e, bakit siya magso-sorry kay Kris, samantalang siya na nga ang sinaktan?” kuwento ng aming source.

Fast forward tayo. Lumipat si AiAi sa GMA-7, naging maayos ang takbo ng kaniyang career sa kalabang istasyon ng kaniyang pinanggalingan, napanatili niya ang kaniyang korona bilang Comedy Concert Queen.

Pero ilang taon lang pagkatapos, ang kinampihan ng mga ehekutibong si Kris Aquino ay pinagsaraduhan ng pintuan ng istasyon, masalimuot ang kuwento ng hindi na pagre-renew ng kontrata ng aktres-TV host.

Nabasag ang kapaniwalaan sa network na mawawala ang lahat ng mga artista ng istasyon, pero hinding-hindi si Kris Aquino, dahil sa panahon ng kaniyang inang dating pangulo nabawi ng mga Lopez ang kanilang broadcasting company na ipinasarado ng rehimeng Marcos.

Sharon Cuneta – Nasa kundisyon talaga sa pagpatol sa mga bashers

Galit na galit ang mga tagahanga ni Sharon Cuneta sa mga nambabastos sa kanilang idolo. Nang ipakita kasi ng Megastar na may suot siyang Rolex watch ay maraming nagkomento na parang pata raw ng baboy ang kaniyang braso.

Pagkatapos noon ay may naglabas naman ng picture ng isang baboy na nakasuot ng relo, patama sa singer-actress, kaya nagwawarla ang kaniyang mga tagahanga.

Ibang-iba na talaga ang panahon ngayon dahil sa social media. Parang lahat na lang ay may karapatan nang umupak ng kahit sino, parang may kalayaan nang mambastos ng mga personalidad, kaya kapag nasasagad na sila sa sobrang pambabastos sa kanilang pagkatao ay pumapatol na rin sila.

Ang pinakasolusyon na lang sa ganoon ay huwag na kasing mag-post, para walang ibato pabalik sa kanila, para hindi na rin maputol ang pisi ng kanilang pasensiya.

Nasa kundisyon talaga si Sharon Cuneta sa pagpatol sa mga bashers. Kumbaga sa isang boksingero ay nag-ensayo siya nang mabahang panahon, nagpalakas siya, para mapatumba niya ang mga kalaban.

Komento ng ibang tagasuporta ni Sharon Cuneta ay mukhang hindi na siya umaalis sa harapan ng kaniyang mga gadget. Napakaaktibo niya sa pagpatol sa mga bashers na walang nakikitang positibo tungkol sa kaniya.

Matagal na ipinanahimik lang ng Megastar ang mga pananakit-panlalait sa kaniya ng mga bashers, wala siyang panahon, pero ngayon ay lumalabas na ang kaniyang mga pangil sa pagsagot.

Sabi ng isang nakakuwentuhan naming female personality, “Isa sa pinakamasakit na salitang nakapananakit talaga sa mga artisang tulad namin, e, ang sabihan kang laos.

“Sobrang sakit noon! Para bang walang kasaysay-saysay ang mga effort na ginawa namin nang maraming dekada! Ramdam ko nang malayuan ang napi-feel ngayon ni Shawie. Ang sabihan kang laos na, talagang nanununtok iyon!” sabi ng kausap naming babaeng personalidad.

Kahit pa sinasabi ng iba na positibo pa rin para kay Sharon ang nasabihang laos siya dahil hindi naman puwedeng sabihan ng laos ang hindi sumikat ay nangangagat pa rin ang salitang iyon sa kaniya.

May mga nagkokomentong nakakaumay na ang mga litanya ni Sharon, sana raw ay rendahan niya ang kaniyang mga daliri sa pagpo-post, ang minsan-makalawa ay ayos lang pero kapag palagi na lang siyang nakikipag-away ay kalabisan na.

Pero tinututukan pa rin naman nila ang mga posts ng Megastar, pinagpipistahan nila iyon, parang bagong ulam na tinitikman nila ngayon.

Dumarating talaga tayo sa sangandaan ng buhay. Kakanan ba tayo o kakaliwa? O gigitna na lang? Kailangan nating manindigan.

Mahirap lang ang sitwasyon ng mga artista dahil kumanan man sila o kumaliwa ay may masasabi pa rin laban sa kanila. Kapag gumitna naman sila ay sigurado ang kanilang pagkasagasa.

Sa pananaw naman ng iba ay tama lang ang ginagawa ngayon ni Sharon, kailangan niyang maglabas ng kaniyang galit, dahil baka siya magkasakit sa puso.

Isa kasi ang galit na hindi nailalabas sa mga dahilan kung bakit inaatake tayo. Mahirap magkimkim ng galit at tampo. Pinakakawalan dapat iyon.

Willie Revillame ­– Buong puso ang pagtulong sa dating co-host na si Super Tekla

Umiikot talaga ang gulong ng buhay. Minsan tayong nasa ibabaw, minsang nasa ilalim, pero ang mahalaga ay tumatakbo pa rin ang sasakyan.

Dating co-host ni Willie Revillame sa Wowowin si Super Tekla. Magaling na komedyante, natural ang kaniyang atake, inalagaan siya ni Willie.

Dahil sa Wowowin ay nagkaroon ng mga shows sa iba-ibang bansa si Super Tekla. Niyakap ng publiko ang pinanggalingan niyang kahirapan na binago ni Willie.

Pero isang araw ay nahuli siyang natutulog ng staff habang nagte-taping sila. Bigla na lang siyang umalis sa programa. Hindi siya pormal na nagpaalam kay Willie. At mula noon ay hindi na sila nagkaroon ng komunikasyon.

Nasa gitna nang matinding problema ngayon si Super Tekla. Ipinanganak si Angelo na walang butas ang puwet. Kailangan itong maoperahan. Malaki ang aabutin ng proseso.

Wala siyang trabaho ngayon, puro replay ang show nila ni Boobay, nagsarado pa ang mga comedy bar. “Kung tulad lang nang dati ito, isang sampa ko lang sa entablado, tapos na ang problema,” lumuluhang pahayag ng komedyante.

Tumawag siya kay Donita Nose, co-host ngayon ni Willie sa Tutok To Win, humihingi ng tulong kay Willie ang problemadong komedyante.

Hindi siya pinagdamutan ng kaniyang kuya, kinalimutan na nito ang naganap sa pag-alis niya sa Wowowin, bukas ang puso ng TV host sa pagbibigay ng tulong sa kaniya.

“Nakasama ko siya sa show, tutulungan ko siya. Ito ang panahon ng pagdadamayan, ng pagbibigay ng tulong, wala na sa akin ang nangyari noong bigla siyang umalis sa Wowowin,” sinserong pahayag ni Willie.

Ganoon kung magbiro ang kapalaran. Hindi tayo dapat nagpuputol ng tulay na isang araw ay tatawiran din natin. – CSF

 

Cristy Per Minute • Agosto 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 1-15, 2020

      Kris Aquino
Kris Aquino
  Donita Nose
 
Donita Nose
  Willie Revillame & Donita Nose
 
Willie Revillame & Donita Nose
  Angel Locsin
 
Angel Locsin
  John Regala 1
  John Regala
 
John Regala 
  Pokwang Pauleen Ria Atayde
 
Ria Atayde, Pauleen Luna, Pokwang
& MJ Marfori
  Pokwang Lee OBrian
 
Pokwang & Lee O'Brian

Kris Aquino – Lovelife With Kris simula na sa August 15 sa TV5

Isang katangian ni Kris Aquino na nakatutuwa ay ang hindi niya pagiging maramot sa pagbibigay ng komplimento sa kaniyang kapuwa. Mabilis siyang pumuri kung paanong mabilis din siyang magpakataklesa.

Sa unang pagtatagpo pa lang nila ng sikat at magaling na news anchor na si Raffy Tulfo ay pinaliguan na niya agad ito ng mga papuri.

Talagang puro mga superlatibong salita ang itinawid niya sa news anchor na may pagkamahiyain. Sa kanilang magkakapatid daw ay si Kuya Raffy ang pinakasikat at gentleman.

Tinawag niyang king ng TV5 si Kuya Raffy, na totoo naman, dahil ito ang pinipiling pagsumbungan ngayon ng mga problemado nating kababayan.

Gustong makasama ni Kris sa isang talk show ang magaling na news anchor, hindi rin siya nakapagpigil na pansinin ang mga rubber shoes ni Kuya Raffy, hindi raw ito nag-uulit. Pero may kasunod pang tanong iyon, binibili raw ba ng news anchor ang kaniyang mga sneakers, o ibinibigay iyon ng mga fans?

Mas maloloka siguro si Kris kung malalaman niya na kapag nangingibang-bansa ang pamilya ni Kuya Raffy ay male-maletang branded stuff ang pinamimili nila ni Congresswoman Jocelyn Tulfo.

Mula ulo hanggang paa ay branded ang isinusuot ng news anchor at hindi ito maramot, namimigay ng kaniyang mga kagamitan si Kuya Raffy sa kaniyang production staff, kaya palaging panalo ang mga taong nagtatrabaho sa kaniya.

Tuloy na tuloy na ang pagbabalik-programa ni Kris Aquino, sa August 15 ang kaniyang unang sultada, Lovelife With Kris ang titulo nito na ngayon pa lang ay pinaghahandaan nang tutukan ng ating mga kababayan pagkatapos niyang mawala sa gitna ng aksiyon nang halos apat na taon.

Nag-photo shoot na siya noong nakaraang Martes sa TV5, wala nang urungan ang muling pagbabalik ng Queen Of Talk, at sa pagitan ng kaniyang photo shoot ay nakiusap siyang makilala nang personal ang sikat na news anchor na si Raffy Tulfo.

Narito ang kabuuan ng kanilang pagkukumustahan:

Kris Aquino (KA): Hello! I’m a fan!

Raffy Tulfo (RT): Hi, I’m a fan too!

KA: It’s a pleasure to meet the King Of TV5!

RT: You’re the Queen Of All Media! Magandang-maganda ka pala in person!

KA: Yeah, true! Ha! Ha! Ha! Ha! You’re on my wish list, gustung-gusto ko talagang magka-talk show with you. Sana mangyari.

RT: Wow! Let’s see.

KA: Sana in the future, kasi, parang I like the way you stand up for women.

RT: Oh, thank you!

KA: Kasi talagang ano, kinakampihan mo iyong mga babae, pinagsasabihan mo iyong mga lalaki to behave! I’m really watching.

RT: Thank you! Kailangang iyong mga bastos sa mga babae ang mga binabanatan natin. Mayroon ka bang kaaway d’yan? Uupakan ko na!

KA: Ibulong ko na lang sa ‘yo! Ha! Ha! Ha! Ha!

RT: Wala ka namang bashers, eh! Nababasa ko naman ang mga log mo sa Facebook, once in a while.

KA: You know what I like? You’ll know I’m really a fan. Ang ganda ng collections mo ng sneakers! Parang hindi ka nag-uulit ng rubber shoes, napansin ko iyon talaga! Ikaw talaga, grabe! And thank you for lending the conference room.

RT: Oh, anytime! Ang sabi ko nga sa kanila, basta ikaw, anytime. Is there anything more that I can do for you?

KA: Thank you so much! Sabi ko nga, eh, mami-meet kita talaga. Kasi sabi ko, and TV5 has acknowledged, ang hari talaga, ikaw!

RT: Thank you! If you can give us the time, iyong date ng show mo, para ma-advertise ko sa radio.

KA: Thank you! Saturday, August 15.

RT: Sige, i-advertise ko.

KA: Thank you, ha? Thank you very much!

RT: What’s the title of the show?

KA: Lovelife With Kris. Wala ako noon, kaya maghahanap pa lang. Thank you, ha? And thank you to all!

I think pareng Ogie (Diaz) is your manager? For your endorsements? Inaanak ko iyong panganay niya. He’s really a good man.

RT: Yeah! Bising-bisi siya ngayon, eh.

KA: And I like what you said. Because I saw that episode when you said, ang bakla, di ba, puwedeng magkaroon ng pamilya at puwedeng faithful sa asawa, pero it doesn’t mean na babaguhin niya ang pagkatao niya. You’re being true to yourself. See, I really watch!

RT: I believe that! Actually noong nasa ibang channel ka pa, that time I was still a reporter, pinanonood na kita.

KA: Yeah! But I think you’re ano… no offense to your brothers, pero ikaw talaga ang pinaka-gentleman. But I like your kuya kasi ilang times na siyang nag-guest sa akin.

RT: Si Mon?

KA: Yes, your Kuya Mon. Even if he hated Noy, he’s always nice to me.

RT: Well, hindi sila pumapatol sa babae, ha?

KA: Oo, friends kami talaga. Pero among all of them, it’s weird na ikaw na ang pinakasikat!

RT: Naku, I’m really flattered!

KA: I’m really curious about that, nag-iba ba iyong dynamics sa family?

RT: I don’t know. Kasi siguro habang tumatanda ang tao, siguro kailangang magbago. Kailangan na ang mga dating hindi magandang gawain tulad ng palagi akong nagmumura at nagsisigaw, tinanggal ko na iyon.

KA: Yes nga, eh! It helped because you became the most family friendly? Iyon yata iyon, eh! That’s what the country needs now!

RT: Exactly! Tahimik ka na lang, huwag na puro away. Pangit iyong puro away, ‘no?

KA: Yes! See you again and thank you so much!

RT: Thank you!

KA: Ang ganda, most of your staff are women?

RT: Yes!

KA: That’s why na-balance ang point of view!

RT: Kasi kung puro lalaki ‘to, baka hanggang ngayon, nagmumura pa rin ako.

KA: Yeah! So that’s why, sorry kayo, kailangang kumuha pala ako ng lalaki! Kinakabahan sila! Ha! Ha! Ha! Ha!

Okey, bye, thank you!

Willie Revillame – Nagpa-test ang buong team nang nag-positive si Donita Nose

Nang makarating kay Willie Revillame ang pagiging positibo ni Donita Nose sa COVID-19 ay una muna niyang kinumusta ang komedyante kung sino ang nag-aasikaso dito.

Ang ikalawang hakbang na ginawa ng TV host ay ang tanungin ang kaniyang production staff kung kailan ang huling araw ni Donita Nose sa Tutok To Win bago humalili sa kaniya si Hipon Girl.

Ang ikatlong mahalagang ginawa ni Willie ay ang ipa-disinfect ang 42nd floor ng kaniyang Wil Tower kung saan ginaganap ang Tutok To Win.

At ang pinakaimpormante, kasama ang kaniyang buong staff ay nagpa-rapid test agad sila na sinundan pa ng swab test. Awa ng Diyos ay negatibo naman ang resulta ng mga pinagdaanan nilang health protocol.

Napakaingat pa naman ni Willie, mula noong mag-lockdown ay ang pagbibigay lang ng ayuda sa mga taga-Puerto Galera ang naging dahilan ng kaniyang paglabas. Pero armado siya ng face shield, masunurin siya sa ipinapayo ng DOH, para makaiwas siya sa peligro.

Winasak ng COVID-19 ang kasabihan na kapag pera na raw ang nagsalita, lahat ay nakikinig, may mga prinsipyong isinusuko at paninindigang kinalilimutan na dahil sa pera.

Pero bulag, pipi at bingi ang salot na nagpapahirap ngayon sa buong mundo. Walang pinipiling antas sa buhay ang corona virus, walang mahirap at mayaman, mayroon mang maipanggastos ang kinapitan ng COVID-19 ay wala pa ring kasiguruhan ang kaniyang buhay.

Walang dapat ipag-alala ang mga tagasuporta ni Willie Revillame, inagapan niya agad ang mga hakbang para wala silang kinatatakutan, sinusuportahan din niya si Donita Nose sa masaklap na kalagayang mayroon ngayon ang komedyante.

Angel Locsin ­– Ipinagtanggol ng mga fans nang may nagsabing “lumobo” ang aktres

Bina-bash ngayon ng mga tagasuporta ni Angel Locsin ang magaling na manananggol na si Attorney Ferdinand Topacio. Nagkomento kasi ang abogado na lumobo ngayon ang aktres.

Iyon lang ang sinabi niya, pero umalsa agad ang mga tagahanga ni Angel, body shaming daw ang ginawa ni Attorney Ferdie.

Wala kaming nakikitang hindi maganda sa salitang lumobo. Mas maayos pa ngang pakinggan ang ganoong termino kesa sa tumaba.

At hindi naman nagsisinungaling si Attorney Ferdie, totoo namang nadagdagan ang timbang ni Angel, halatang-halata ang kaniyang paglusog.

Puwedeng magkaroon ng dahilan para i-bash ng mga tagasuporta ni Angel si Attorney Topacio kung idinetalye niya ang kaniyang paglalarawan.

Kung sana’y sinabi ng abogado na kasing-lapad na si Angel ng aparador. Puwede riin nilang i-bash ang abogado kung ipinahahanap na niya kay Angel ang leeg ng aktres.

Pero wala namang ganoon, lumobo lang ang sinabi niya, na kahit sino naman ay nagsasabi. Sa mga retrato nga ni Angel na lumalabas ay ganoon din ang komento ng mga kababayan natin.

May meme pa ngang lumabas na dati’y Darna si Angel, pero ngayon ay Barna na, dahil nga sa nadagdag nitong timbang.

Siguro nga ay masyado lang sensitibo ngayon ang mga tagahanga ni Angel dahil sa pandemya. Para silang pigsa na masagi lang ay pumuputok na.

Saka kahit naman lumobo pa nang mas matindi ang katawan ni Angel ay bagay pa rin iyon sa kaniya, maganda ang aktres, kering-carry nito ang laki ng kaniyang katawan ngayon.

Kung ganoon naman kaganda ang babae kapag tumaba ay gugustuhin na siguro ng bawat babae ang maging kasingkatawan ni Angel Locsin.

Ang dami-daming salitang puwedeng gamitin sa pagdadagdag ng timbang ng isang babae, simple pa nga ang ginamit na termino ni Attorney Ferdie Topacio, lumobo lang ang aktres.

Walang body shaming doon, nagsasabi lang ng katotohanan ang abogado, mayroon bang makapagsasabi ngayon na ang payat-payat ni Angel Locsin?

John Regala – Sayang, nasira ang buhay dahil nalulong sa droga at sugal

Totoo palang itiniwalag ng INC (Iglesia Ni Cristo) si John Regala. Iyon ang mga panahong nalulong siya sa droga at pagsusugal.

Mahigpit sa kanilang mga miyembro ang INC, inuupuan ng mga tagapamuno ng relihiyon ang mga impormasyong nakararating sa kanila, kapag napatunayan nilang totoo ang pangyayari ay itinitiwalag nila ang kanilang miyembro.

Pero paglilinaw ng aming kausap na miyembro ng INC, “Pero nagbalik-loob si John. Tinalikuran niya ang mga bisyo niya, nagpakadiretso na siya, kaya muli siyang binigyan ng pagkakataon ng INC.”

Nakakalungkot ang kinauwian ng buhay ng isa sa pinakamahuhusay na kontrabida ng ating industriya. Nawindang ang kaniyang mundo.

Una ay ang pagpanaw ng kaniyang ina sa Amerika, hindi na niya nakita ang bangkay ni Tita Ruby Regala, masyado niyang dinamdam ang pangyayari.

Pero ang pinakanakakaalarma ay ang paghihiwalay nila ng kaniyang asawa dahil wala na siyang pera. Si John mismo ang nagsabi na ganoon pala ang buhay, kapag wala ka nang pera ay binabalewala ka na lang, patungkol sa kaniyang misis at mga anak ang kaniyang pahayag.

Maaaring malaking aspeto ng relasyon ang pampinansiyal na problema, pero kung matibay ang pundasyon ng kanilang pagsasama ay pareho nilang isasalba iyon, siguradong aalma ang mag-iina ni John sa kaniyang sinabi.

Napakasakit noon kung totoo nga. Habang may pera pa siya ay nand’yan lang ang kaniyang pamilya, pero nang masaid na ang kaniyang bulsa, pinabayaan na lang siya.

Isang malaking leksiyon para sa mga artista ang nangyari kay John Regala. Wala talagang magagawang mabuti sa kahit sino ang pagbibisyo.

Sabi nga ni James Taylor sa kaniyang dokumentaryo ay masarap lang ang droga sa una pero kapag nagpakalulong ka na ay ikaw mismo ang gumagawa ng kahon ng buhay mo para ka makulong.

At may kasunod pa iyon, “You need to be the person you want your kids to be.” Kung nakikita nga naman ng mga anak ang pagbibisyo ng kanilang magulang ay nakawawala iyon ng respeto at pagmamahal.

Harinawang makabawi si John Regala sa mga nasayang na panahon ng kaniyang buhay. Makapagtrabaho sana siya uli, huwag na niyang sayangin ang mga nalalabi pa niyang panahon sa mundo, laban lang!

Pokwang – May show sa TV5 kasama sila Pauleen Luna, Jose, Wally, at Paolo

Dalawang programa agad ang pinagkakabalahan ngayon ni Pokwang sa TV5. Isang morning show nila ni Pauleen Luna, ang Rise And Shine, at isang programang magkakasama sila nina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Balleteros.

Ang TAPE, Incorporated ni Mr. Tony Tuviera ang prodyuser ng mga shows, blocktimer ang produksiyon sa TV5, marami pang ibang shows ang mapapanood mula sa TAPE, Incorporated na ipalalabas sa TV5.

Dumaan sa marespetong proseso ang pagtatrabaho ng komedyana sa TAPE, Inc., nagpaalam siya sa Star Magic na matagal na namahala sa kaniyang career, hindi siya basta lumundag na lang palabas ng ABS-CBN nang walang pagpaparamdam sa mga ehekutibo ng dati niyang network.

Isa lang si Pokwang sa daan-daang artista ng ipinasaradong istasyon na nangangailangan ng trabaho. Kung ang karamihan sa kanila ay namamana pa sa dilim kung saan sila pupunta ay naging masuwerte lang si Pokwang dahil agaran siyang nakakuha ng pagkakaabahalan.

Kailangan niyang magtrabaho, hindi na sarili lang niya ang iniintindi ngayon ni Pokwang, may mga anak na siyang kailangang bigyan ng magandang kinabukasan katuwang ang kaniyang mister.

Suwertihan lang ‘yan. Pana-panahon lang. Kinasihan lang siya ng kapalaran sa mabilis na panahon kesa sa kaniyang mga kasamahan.

Hindi dapat ibato laban sa kaniya ang pagkakaroon agad ng trabaho, hindi siya nakalilimot tumanaw ng utang na loob sa ABS-CBN, may bitbit siyang talento sa pagtitiwalang ibinigay sa kaniya ng produksiyon ni Mr. Tony Tuviera.

– CSF


Cristy Per Minute • Agosto 16-31, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminAgosto 16-31, 2020

  KC Concepcion
 
KC Concepcion
      Matteo Guidicelli Sarah Geronimo
Matteo Guidicelli & Sarah Geronimo
  Kris Aquino
 
Kris Aquino
  Anjo Yllana Alden Richards
 
Anjo Yllana & Alden Richards
  Ethel Booba
 
Ethel Booba
  Gabby & KC, Mom Lourdes Concepcion
 
Gabby & KC, Mom Lourdes Concepcion

KC Concepcion – “I am not perfect…”

Pinaglaanan talaga namin ng oras ang unang sultada ng Usapang Real Life ng hepe ng News 5 na si Ms. Luchi Cruz Valdes.

Nasa Probe Team pa lang ang news anchor ay inagaw niya na ang aming atensiyon. Malinaw siyang magtawid ng mga impormasyon at itatago mo sa iyong puso ang kaniyang mga dokumentaryo.

Ang Usapang Real Life ay isang klase ng programang uumpisahan mo at tatapusin mo. Hindi mo iiwanan ang panonood kahit pa nagrereklamo na ang pantog mo para dyuminggel ka.

Turn the table ang unang segment, si Luchi ang kinapanayam ng kaniyang kasamahan at kaibigang si Karen Davila, nakasalampak lang sila nang napakakaswal sa isang puting sofa.

Binuklat ni Luchi ang libro ng kaniyang tunay na buhay sa publiko. Mula sa kaniyang pagkabata hanggang sa magtrabaho na siya bilang reporter. Mula sa pagpanaw ng kaniyang mister na si Kuya Lito hanggang sa siya na mismo ang tatlong buwang nagkasakit at namalagi sa ICU.

Siya ang unang nagbukas ng tunay niyang buhay sa manonood. May karapatan na siyang buklatin ang tunay na buhay ng kaniyang mga panauhin.

Masustansiya ang kaniyang panayam kay KC Concepcion bilang buwena-mano sa kaniyang programa. Maraming impormasyong tumawid sa publiko tulad ng pananahimik lang ng dalaga nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion pero napakarami palang natutulungang mga kababayan natin.

Lumuha si KC sa puntong ang pagiging anak niya na ang naging paksa. May kani-kaniyang pamilya na ang kaniyang mga magulang, mayroon siyang mga kapatid sa ama at ina, pero hindi niya naman kasama.

Ang konsepto ng isang pamilya para kay KC ay buo, isang katotohanang wala siya, iyon ang kulang sa kaniya na hanggang ngayo’y hinahanap pa rin niya.

Pero gusto niyang ipagmalaki siya ng kaniyang mga magulang sa kaniyang pag-iisa, lalo na ni Sharon, na aminado si KC na number one fan siya.

Naging napakahirap para kay KC ang ilang buwan na lockdown na mag-isa lang siya sa kaniyang condo. Ginamit niya ang panahon sa pagluluto sa tulong ng kaniyang mga kaibigan.

Ikinuwento rin ni KC ang madalas niyang pagyakap sa isang puno ng mangga, kapag nag-wish ka raw kasi ay matutupad iyon, gusto na niyang magkaroon ng anak.

Marami pang ikinuwento ang dalaga pero sa pagtatapos ng panayam ay sinabi niya, “I am not perfect, but I’m willing to learn.”

Aabangan uli namin sa susunod na Sabado nang gabi sa TV5 ang Usapang Real Life ni Ms. Luchi Cruz Valdes.

Kapag masarap na sa una ang natikman mo ay siguradong mas masarap ang mga susunod pa.

Sarah Geronimo – Laging may trabaho, bukas ang pintuan ng GMA-7 at TV5

Problemado talaga ngayon ang mga artista ng ABS-CBN. Walang katiyakan ang kanilang trabaho, iilan lang sa kanila ang nabibigyan ng proyekto, isang maliit na piraso lang ng karne kumbaga ang kanilang pinaghahati-hatian.

May trabaho man sila ay hindi na tulad nang dati ang kanilang talent fee, halos kalahati ang kaltas, na intindido naman ng mga artista dahil sa pagpapasarado sa kanilang network.

Maganda ang posisyon ni Sarah Geronimo, bukas ang pintuan ng GMA-7 at TV5 para sa singer-actress, depende na lang kay Boss Vic del Rosario kung saang network siya ibibigay.

Saang istasyon man magtrabaho si Sarah ay malaking kadagdagan siya, malawak at aktibo ang kaniyang Popsters, matindi na rin ang napatunayan niya sa takilya.

Walang katalu-talo si Sarah, nakakatulog siya nang mahimbing habang kayakap si Matteo Guidicelli, may kapayapaan siya ng kalooban dahil alam niyang mayroon siyang maaasahan at pupuntahan.

Kapag nagkukuwentuhan nga raw sa phone ang mga artista ng ABS-CBN na walang trabaho ay hindi nila maiwasan ang magkaiyakan. Marami silang iniintindi.

May mga kumuha ng hulugang sasakyan dahil may buwanan naman silang kinikita sa network, puwede na nga namang ipangutang iyon, may naglakas-loob ding kumuha ng house and lot.

Pero sino nga ba ang mag-aakalang sa isang iglap ay ganito na ang sitwasyon ng ABS-CBN, wala man tayong nakikitang mga padlock ay ipinasarado ang network, matindi ang epekto siyempre noon sa kanilang mga nasasakupan.

Sino ang dadalawin ng antok kapag ganoon ang sitwasyon? Lumolobo ang bills ng mga artista at empleyado na kailangang bayaran pero wala na silang buslong pagkukunan?

Lantad ang emosyon ni Gerald Anderson, wala na itong trabaho ay sarado pa ang kaniyang negosyong gym na malaki ang naitutulong sa kaniya, nangangapa rin sa dilim ngayon ang aktor.

Suwerte ang mga nakapag-ipon, may nadudukot pa sila ngayon kahit walang pumapasok sa kanilang kaban, madilim naman ang mundo ngayon ng mga personalidad na hindi nakapaghanda para sa kanilang kinabukasan.

Kris Aquino – Sana’y siya na lang magprodyus ng sarili niyang programa

Tahimik ang mundo ngayon ni Kris Aquino. Walang anumang pahayag na nanggagaling mula sa kaniya tungkol sa pagkaudlot ng kaniyang pagbabalik-TV pagkatapos nang halos apat na taon.

Ayon sa isang source ay may dalawang dahilan para manahimik si Kris. Una ay wala siyang dapat ipaliwanag, maayos ang lahat, kaya bakit siya magsasalita?

Ang ikalawa ay totoong may problema, ayaw lang niyang magbigay ng komento, dahil lalo pang makagulo. Kaya habang nagpipista ang lahat ay tahimik lang si Kris. NR siya.

Suhestiyon ng marami, tutal naman ay idolo niya si Oprah Winfrey na may sariling network, ay bakit kasi hindi na lang siya ang magprodyus ng sarili niyang programa?

Kapag kaniya ang network ay masusunod ang lahat ng gusto niya, wala siyang kailangang kausapin, siya na mismo ang magdedesisyon. Wala siyang makakaaway na prodyuser, wala siyang makakasamaan ng loob, dahil siya ang reyna ng network.

At kayang-kaya niya namang isakatuparan iyon dahil kayang-kaya niyang mamuhunan, kaya niyang kumuha ng magagaling na production people na makakasama niya, malaya pa siyang makapagdedesisyon.

May mga nagkokomento na baka raw may kasamang mabibigat na tao sa kaniyang paligid ngayon si Kris. Tinatalo raw ng negative vibes ang kaniyang mga plano.

Nakakahiya naman iyon sa mga taong tumutulong ngayon kay Kris para sa kaniyang pagbabalik. Ginagawa naman nila ang lahat para ipaglaban ang kaniyang programa na noong una’y tinanggihan na nga ng TV5 pero napagtagumpayan nilang makakuha ng airtime.

Sayang na sayang na oportunidad, nakaabang na ang mga kababayan natin sa dapat ay paglulunsad ng kaniyang programa sa August 15, pero nabulilyaso pa.

Tuwang-tuwa na sana ang kaniyang mga tagasuporta, pagkatapos nga naman nang halos apat na taon ay mapapanood na uli ang Queen Of All Media, pero biglang may naganap.

Nakaplantilya na ang show, kasado na, pero nagkaroon pa rin ng problema. Totoong-totoo na habang hindi pa gumigiling ang mga camera at literal na nating napapanood ang proyekto ay wala pa ring kasiguruhan ang mga plano.

Alden Richards – Masuwerte. Hindi nawalan ng trabaho ang Pambansang Bae

Napakasuwerte talaga ni Alden Richards. Sa isang panahon na nawalan ng exposure ang napakaraming artistang nawalan ng trabaho ay isang buong linggo namang napapanood ang Pambansang Bae.

Mula Lunes hanggang Sabado ay nasa Eat…Bulaga siya, may musical variety show siya tuwing Linggo, ipalalabas pa uli mula bukas ang seryeng pinagbibidahan nila ni Louise delos Reyes kung saan nag-ugat ang tawag sa kaniyang Tisoy.

Isa si Alden sa mga artistang nakakatulog nang mahimbing, may kapayapaan ng kalooban, dahil hindi siya napabilang sa mga personalidad na walang trabaho.

Siya na ang sumusuko sa marami pa sanang plano para sa kaniya ng GMA-7, alagang-alaga siya ng network, idagdag pa ang mga bagong TVC na ginawa niya na ipinalalabas na ngayon.

Wala nang mahihiling pa si Alden, puro pasasalamat sa Diyos na lang ang ginagawa niya, dahil kahit sa panahon ng pandemya ay hindi siya problemado dahil nakapag-ipon siya.

Napaghandaan niya na ang kinabukasan ng kaniyang pamilya, may nakatabi na siyang magagamit sa panahon ng indulto, mayroon din siyang nakalaang halaga para sa pagtulong niya sa mga nangangailangan.

At tama ang obserbasyon ng kaibigan naming propesor, sabi nito, “Si Alden ang barometro ng kaguwapuhan ngayon. Dati, si Piolo Pascual iyon. Dati, kapag sinasabing guwapo, si Piolo ang comparison.

“Pero ngayon, e, si Alden na. Kapag sinasabing guwapo ang isang guy, ang sasabihin agad, e, mala-Alden Richards ang itsura.

“Mabait kasi si Alden, kaya palagi siyang binibiyayaan. Kahit sa malayuan, kahit hindi mo pa siya kilala nang personal, alam mong mabait talaga siya,” papuri ni prop sa Pambansang Bae.

Anjo Yllana – Matapos ang dalawang dekada, nagpaalam na sa Eat…Bulaga

Magiging masakit talaga para kay Anjo Yllana ang pagpapaalam sa Eat…Bulaga. Dalawang dekada siyang naging bahagi ng pinakamatagal na noontime show sa balat ng Pilipinas, araw-araw iyon, Linggo lang sila hindi nagkikita-kita ng kaniyang mga kasama.

Napakalalim na ng kanilang samahan, sa noontime show na siya nagbinata, nag-asawa at naging pulitiko.

Nagbitiw na sa programa si Anjo Yllana, ang tanging sinabi niya ay mabigat na desisyon ang kaniyang ginawa, pero wala naman siyang nabanggit na dahilan kung bakit.

Noong una ay kasama si Anjo sa main studio, marami silang nagho-host, pinakabida siyempre ang Tito, Vic and Joey.

Pero nitong mga huling panahon ay nasa labas na siya ng studio, inilipat siya sa Sugod-Bahay segment, na ang lutang na lutang naman ay sina Jose Manalo, Wally Bayola at Paolo Balleteros (Jowapao).

Naramdaman kaya ng aktor-pulitiko na paliit na nang paliit ang kaniyang mundo sa noontime show? Dati’y malaki ang kaniyang partisipasyon, hanggang sa isang segment na lang ang kaniyang ginagawa, iyon kaya ang dahilan ng kaniyang pagbibitiw?

Para sa ibang kababayan natin ay hindi masamang bumitiw lalo na kung hindi na siya masaya. Lalo na ngayon, walang Sugod-Bahay ang pangtanghaling programa, nasa studio lang ang mga hosts at magkakalayo pa.

Pero nang lumutang ang balitang may gagawin pala silang programa ni Kitkat na katapat pa ng Eat…Bulaga ay nagbago ang timplada ng reaksiyon ng ating mga kababayan.

Sana raw ay nagpalipas muna nang mahaba-habang panahon si Anjo bago siya nagdesisyong tumanggap ng programang katapat pa mismo ng show na kaniyang pinanggalingan.

Respeto at delicadeza ang tawag doon. Punto naman ng kaibigan naming propesor, “Sinumang hindi kalabisan ay hindi kawalan.”

Willie Revillame – Nagbigay na ng 5M pesos tulong sa mga jeepney drivers, napintasan pa

Napakahirap ng sitwasyon ng mga personalidad na tumutulong sa mga kababayan nating nasa gitna ng pagdarahop ngayon. Tumutulong na nga sila ay pinipintasan pa at kinukuwestiyon.

Hindi biro ang limang milyong pisong tulong na ibinigay ni Willie Revillame sa mga kababayan nating jeepney drivers na dahil hindi makapamasada ay napilitan nang mamalimos sa kalye para may maipakain sa kani-kanilang pamilya.

Pero may mga namintas pa sa aktor-TV host, bakit pa raw siya nagpa-interview kay Presidential Spokesman Harry Roque, bakit daw hindi na lang siya ang direktang namahagi ng tulong sa mga jeepney drivers?

May maipintas lang, may masabi lang, may maipanira lang. Unang-una ay hindi naman alam ni Willie ang mga samahan ng mga jeepney drivers. Napakalaking trabaho para sa kaniya ang alamin kung anu-anong organisasyon ng mga motorista ang kinasasaniban nila kaya ang pinakamagandang puwedeng gawin ay ipadaan sa DSWD ang kaniyang donasyon.

Kung si Willie mismo ang magsasadya sa lugar kung saan may mga namamalimos na jeepney drivers ay ano ang kahihinatnan noon? Magkakagulo, nakakatakot ang magiging scenario, sa halip na mapabuti ang kaniyang intensiyon ay baka mabaligtad pa kapag nagkaroon ng pagsasakitan sa hanay ng mga nagmamaneho ng pampublikong sasakyan.

Kapag tumutulong ang tao nang bukal sa puso ay huwag na sana nating kinukuwestiyon pa ang intensiyon. Hindi siya nagpa-interview para magyabang, kinailangan lang niyang padaanin kay Attorney Harry Roque ang tulong, para maiendorso naman iyon sa DSWD.

May suntok sa puso ang pahayag ni Willie Revillame sa Tutok To Win; ang sinsero niyang sabi, “Alam ko po kung ano ang pinagdadaanan n’yo. Ramdam na ramdam ko po kayo.

“Nagtrabaho rin po akong barker noon sa Caloocan. Naglinis din ako ng mga jeep na kabibiyahe lang na barya-barya lang ang tinatanggap ko.

“Alam na alam ko po ang buhay na pinagdadaanan n’yo ngayon. Napakahirap,” pagbabalik-alaala ni Willie Revillame sa payak niyang nakaraan.

At hindi lang naman ngayon ginawa ng TV host ang pagtulong, noong salantahin ng Yolanda ang mga kababayan natin sa Leyte at mga katabing probinsiya ay nagbigay rin siya ng donasyong sampung milyong piso, walang halong kulay ng pulitika ang pagbubukas ng kaniyang puso sa maliliit nating kababayan.

Kahit sino pa ang pangulong nakaupo, tutulong at tutulong pa rin si Willie Revillame, dahil iyon ang ibinubulong ng kaniyang puso.

Hindi lahat ng taong may sobra-sobrang tinatanggap na biyaya ay magkakaroon ng puso para ibahagi iyon sa mga walang-wala lalo na sa panahon ngayon ng pandemya.

Ethel Booba – Na-bash dahil ginawang biro ang matinding isyu ng suicide

Sa panahong ito ng pandemya ay ipinapayo ng mga doktor na huwag tayong magpapa-stress. Kung wala pang natutuklasang bakuna para sa COVID-19 ay wala pa ring gamot na makapagpapagaling sa stress na kadalasan ay nauuwi sa depresyon.

Palaging sinasabi ng mga psychiatrist na ang happy hormones ay mabisang pananggalang sa kalungkutan at seryosohang pag-aalala, kailangan chillax lang tayo sa kabila ng pandemya, makatutulong iyon sa matinding pinagdadaanan ng buong mundo ngayon.

Pag-asa ang kailangan ng buong bayan ngayon. Na isang araw ay matatagpusan din natin ang paghamon ng corona virus. Hindi tayo dapat bumibitiw sa pananampalataya at pag-asa na gigising na lang tayo isang umaga na may tuldok na ang ating paghihirap.

Pero may isang luka-lukang personalidad na buong-ningning na nag-post na kung nai-stress na tayo ay mayroon siyang ibinebentang lubid na mura lang ang halaga.

Ginawang biro ni Ethel Booba ang matinding isyu ng pagsu-suicide o pagpapakamatay. Sa isang iglap lang ay inupakan sa social media ang komedyanang hindi muna nag-iisip bago mag-click na nakangiti pa.

Sa inis sa kaniya ng mga kababayan nating tagapagpalaganap ng pag-asa ay hinamon siya, “Kung sino ang nag-isip na tama ‘yan, siya ang mauna!”

Nakakalungkot nga naman na may mga tulad ni Ethel Booba na sa halip na magbigay ng lakas ng loob sa social media ay nagtuturo pa ng maling proseso para tapusin ang depresyon, ang pagpapakamatay, na maling-mali.

Pero anong respeto ba ang maaasahan natin sa isang tulad ni Ethel Booba na minsan ay ipinagbuyangyangan sa publiko ang pinakakatagu-tagong hiyas ng babae?

Malinaw, naka-close-up pa, na ipinakita ng bastos na komedyanang ito ang kaniyang ari na parang wala lang. Sarili nga niya ay hindi nirerespeto ni Ethel Booba, sino pa ang kaya niyang respetuhin, mayroon ba?

Seryosong usapin ang depresyon. Lalo na ang suicide. Binubura iyon sa ating isip. Hindi pagtatali ng lubid sa leeg na mura lang ang solusyon sa problema.

Kasalanan iyon sa Diyos. Kung sino ang nagbigay ay siya lang ang may karapatang bumawi sa ating buhay.

Gabby Concepcion – Malungkot. Pumanaw ang ina na may problema pa silang dalawa

Dobleng kalungkutan ang nararamdaman ni Gabby Concepcion sa pagpanaw ng kaniyang ina. Literal na nakalulungkot ang mawalan ng magulang. Sugat iyon na walang paggaling.

Pero masakit ang katotohanan na pumanaw si Mommy Baby na may problema sila ni Gabby. Nagkasuhan sila dahil sa isang property sa San Juan na ayon sa mga kapatid ng aktor ay sinolo niya.

Sa mga lumabas na balita, na umabot na nga sa husgado, ay pineke ni Gabby ang pirma ng kaniyang ina para maibenta niya ang propyedad. Mismong mga kapatid niya ang nagpapatunay na walang alam ang kanilang ina sa bentahan.

Harinawang bago nawala si Mommy Baby ay naiayos na ng pamilya ang problema. Sa kasabihang Pinoy, kapag pumanaw ang magulang na may matinding sama ng loob sa anak, ay hindi magiging maganda ang takbo ng kaniyang buhay.

Sana naman. –CSF

Cristy Per Minute • Setyembre 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminSetyembre 1-15, 2020

      LOTLOT NORA
Nora Aunor & Lotlot
  Alden Richards
 
Alden Richards
  Johnny Manahan
 
Johnny Manahan
  Pauleen Luna Sotto Tali
 
Vic, Pauleen & Talitha Sotto
  KC Concepcion and mom
 
Sharon Cuneta & KC Concepcion
  Gabby Concepcion
 
Gabby Concepcion
  POKWANGS
 
Pokwang & Lee O’Brian
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

Nora Aunor at Lotlot de Leon – Mukhang mabubuwag na ang pader

Pinakamagaling talagang doktor ang panahon. Lahat ng klase ng problema ay kusang nagkakaroon ng solusyon nang hindi pilit.

Alam naman ng buong bayan na nagkaroon ng hidwaan sa pagitan ng Superstar at ng kaniyang mga anak. Kung tutuusin ay hindi naman si Nora Aunor ang ugat ng problema, ibang tao, na hindi matanggap ng mga anak niya.

Pinakamalalim ang agwat na namagitan sa kanila ni Lotlot de Leon. Mayroon din sila ng kaniyang tunay na anak na si Ian. Si Matet ang alam naming hindi nakalilimot sa kaniyang Nanay.

Sina Kiko at Kenneth ay parang mga dahon lang na palutang-lutang, kung nasaan ang kanilang mga kapatid, doon na rin ang dalawa.

Tuwang-tuwa ang mga kaibigan naming minsan isang panahon ay nagtrabaho kay Nora Aunor. Nakita kasi nila ang ipinost na retrato ni Lotlot sa kaniyang IG account, magkasama silang mag-ina, pagkaganda-gandang bata ni Balot.

Nagbubunyi ang mga Noranians, sana raw ay ito na ang simula ng pagkakasundo ng mag-iina, sana raw ay muling mabuo ang dati nilang magandang samahan.

Kahit saang anggulo tingnan ay ang mga anak talaga ang kailangang magpakumbaba sa kanilang ina. Anuman ang maging barometro ay dakila pa rin ang kanilang Nanay sa buung-pusong pagkupkop sa mga batang ni gapatak na dugo ay walang kuneksiyon ang Superstar.

Positibo ang pagpo-post ng retrato ni Lotlot. Ibig sabihi’y mayroon nang pader na nabuwag sa kanilang pagitan at tulay na ang pumalit.

Magputukan man ang lahat ng bulkan sa buong mundo, matuyo man ang dagat, ay dakila pa ring maituturing si Nora Aunor.

Si Ian de Leon ay dugo at laman ni Nora Aunor, totoo ang kaniyang sinabi na anuman ang mangyayari ay ipaglalaban ng anak ang kaniyang ina, sa anumang paraan at dahilan.

Nagkakaedad na ang Superstar. Ang pagkabuo nilang mag-iina ang pinakamagandang regalong maaaring kumumpleto ng buhay niya.

Alden Richards – Nominado sa URIAN at buena mano sa TV5

Parang kay Alden Richards lang nakatutok ang mga mata ng mundo ngayon. Sunud-sunod na suwerte ang dumarating sa kaniyang buhay at career.

Sa panahon ng pandemya na namamana sa dilim ang maraming artista dahil sa lockdown na mas tumindi pa dahil sa pagpapasarado sa ABS-CBN ay kapansin-pansin na parang ang Pambansang Bae lang ang kinakambalan ng suwerte.

May mga shows pa rin siya, may mga ginawa pa siyang TVC at naging tagapag-endorso ng mga napapanahong proyekto ng ating pamahalaan, talagang parang kay Alden lang nakatitig ngayon ang kapalaran.

At nominado pa siya sa URIAN, binigyang-halaga ng mga bumubuo ng nagbibigay ng parangal ang markadong papel na ginampanan niya sa Hello, Love, Goodbye, may mahihiling pa ba si Alden Richards sa magagandang nagaganap sa kaniyang karera?

Anumang oras ay magsisimula na rin siya sa lock-in taping para sa mini-serye ng GMA-7, ang I Can See You, siya ang buwena-manong handog ng network sa muling paggiling ng kanilang mga camera ngayong pandemya.

Hindi na dapat pang pagtakahan at maging diskurso ang mga positibong nangyayari sa buhay at career ni Alden Richards. Akmang-akma sa kaniyang pagkatao ang kasabihang kung ano ang itinanim mo ay iyon din ang aanihin mo.

Mapagtanim siya ng kabutihan, kaya balik noon sa kaniya ay maganda rin, higit pa nga sa kaniyang inaasahan kung tutuusin.

Mapagkumbaba, mapagmahal sa kaniyang propesyon, marunong lumingon sa kaniyang pinanggalingan. Anong bunga pa ba ang inaasahan natin sa kaniyang mga angking katangian?

Natural na puro matamis lang.

Direk Johnny Manahan – Kinuhang creative consultant sa 2 TV5 shows

Nakarating sa amin ang impormasyon na si Direk Johnny Manahan ang kinuhang creative consultant ni Congressman Albie Benitez sa produksiyon nito.

Kalat na ang balitang papasok sa TV5 ang kumpanya ng kongresista para magprodyus ng mga TV shows. Kung totoo iyon ay napakalaking tulong ang maibibigay ni Mr. M sa kakariring negosyo ng bilyonaryong pulitiko.

At magandang balita rin ito para sa mga artista ng ABS-CBN na namamana sa dilim ngayon dahil sa kawalan ng trabaho. Suspindido na ang kanilang mga kontrata at malaya na silang makapagtrabaho sa ibang network.

Alam na alam ni Mr. M kung sinu-sinong artista ng nagsaradong istasyon ang magiging kapaki-pakinabang para bigyan ng trabaho. Nakilatis na niya ang kapasidad ng mga artista ng ABS-CBN, sa kaniyang mga kamay lumaki ang pangalan ng mga personalidad ng network, kaya siya ang nakakaalam kung sinu-sino ang puwedeng sugalan ng produksiyon ni Congressman Benitez.

Iyon nga siguro ang hinihintay ng mga artistang hindi pa lumilipat ng network ngayon, hinihintay nila ang magiging aksiyon ni Mr. M, masuwerte ang mga personalidad na mayroon nang napatunayan sa pag-arte at pagiging bankable.

Naging matibay na poste ng ABS-CBN si Direk Johnny Manahan, pinamahalaan niya ang Star Magic nang ilang dekada, nagbitiw na nga siya sa istasyon ay kinuha pa rin siya uli para hawakan ang mahahalagang programa ng network.

Maraming magkakaroon ng pangalawang buhay sa pamamahala ni Mr. M, alam na alam na ng direktor kung sinu-sinong artista ang dapat niyang bigyan ng panibagong pagkakataon, siya ang tunay na nakakaalam pati sa ugali ng mga artista ng ipinasaradong network.

Pauleen Luna-Sotto – Dapat sampahan ng kaso ang bastos na basher

Saktan mo na ang magulag, huwag lang ang anak, dahil siguradong magkakaroon ng giyera mundial. Bakit ba umaabot sa sukdulan ang pasensiya ni Sharon Cuneta?

Kinakaya ng Megastar ang lahat ng mga upak at pintas, pero huwag na huwag pakikialaman ang kaniyang mga anak, dahil siguradong magmimistulang kapapanganak na tigre sa katapangan ang aktres.

Ganoon din ang pinagdadaanan ngayon ni Pauleen Luna-Sotto. Ang walang kamuwang-muwang na anak nila ni Bossing Vic na si Talitha, buong-ningning na sinabihang pangit ng isang bastos na basher, nanugat iyon ng puso ng dakilang ina.

Menor de edad si Tali, malaking krimen ang saktan ang isang batang hindi makakayang ipagtanggol ang kaniyang sarili, kaya maraming nagpapayo kay Poleng na sampahan ng kaso ang bastos na basher.

Nang makatunog ito na idedemanda at nang pupugin na ito ng mga tagasuporta ng mag-asawang Vic at Pauleen ay parang maamong tupang humingi ng dispensa ang basher.

Pero nakapanakit na ito, pinadugo na ng basher ang puso ng mga magulang ng batang pinintasan nito ang pisikal na itsura, ano pa ang magiging saysay ng kaniyang pagsosori?

Ang bawat bata, anuman ang itsura, ay pinakamaganda sa paningin ng kaniyang mga magulang. Walang makakukuwestiyon doon, walang puwedeng kumontra, dahil mula sa sinapupunan ng ina ang batang pinipintasan.

At hindi pangit si Tali, sa mga retratong inilalabas ni Poleng ay napaka-cute ng bata, hinati ang kaniyang itsura sa kaniyang mga magulang.

Ang mga nakakausap naming mga magulang na ngayon ay nagpapahatid ng kanilang suporta kay Poleng. Kasabay noon ang pagpapayo na dapat talaga niyang kasuhan ng cyber bullying ang bastos na basher para matuto ng leksiyon.

Masyado na nga namang nagagamit ng mga taong walang magawa sa buhay ang social media. Sa halip na mapadali ang komunikasyon sa pamamagitan ng teknolohiya ay ginagamit iyon ng iba sa kabastusan.

Sharon Cuneta – Naglunsad ng Sharon Cuneta Network sa YouTube

Interesanteng panoorin ang show ni Sharon Cuneta sa kaniyang sariling network. Malaman ang kabuuan ng show, Sharon na Sharon ang atake dahil sa bigla niyang pagbungisngis kaag may ikinukuwento siyang karanasan na nakakatawa, iyon ang isa sa mga katangiang minahal ng publiko sa Megastar.

Tungkol sa kaniyang buhay ang kadalasan niyang tinututukan sa kaniyang vlog, maraming impormasyong inilalabas si Sharon na kahit nga siguro ang kaniyang mga Sharonians ay nabibigla, makulay ang buhay ng singer-actress.

Iyon ang hinahanap kay Sharon ng mga kababayan natin. Isang Sharon na masayahin, nakahahawa ang halakhak, chillax na chillax lang sa kaniyang pagkukuwento.

Maganda ang kaniyang litanya bilang sagot sa mga bashers na nagkokomentong mahilig siyang magyabang ng kung anumang mayroon siya sa buhay tulad ng inilabas niyang mga relo na milyunan ang halaga.

Simple lang ang kaniyang mensahe, kung gusto niyang magyabang ay mayroon naman siyang kapasidad na gawin iyon bilang isang bilyonarya, pero hindi niya iyon ginagawa.

Emosyonal lang siya noong panahong i-post niya ang mga mamahalain niyang relo, na ihiningi niya ng paumanhin sa mga hindi nagkagusto, minsan daw kasi ay para pa rin siyang bata na sige na lang nang sige at hindi na masyadong nag-iisip kung anu-ano ang ipino-post niya.

Masarap tunghayan ang isang napakasikat nang artista na marunong magpakumbaba. Umaamin siya sa kaniyang mga kalabisan at kakulangan.

Hindi naman lahat ng artista ay marunong kumompronta sa katotohanan na tulad ni Sharon. Maganda ang kaniyang set, pinaghandaan ng Megastar ang kaniyang studio, para masundan ang kaniyang programa sa Sharon Cuneta Network ay ganito lang ang dapat gawin.

Mag-subscribe lang sa Sharon Cuneta Network sa YouTube, huwag kalimutang i-click ang notification bell para alerto sa mga bagong video ng Megastar. At para maging updated sa mga kaganapan kay Sharon Cuneta, paki-sundan din ang kaniyang SharonCunetaNet (Twitter), SharonCunetaNetwrok (Instagram) at SharonCunetaNet (Facebook).

KC Concepcion – Pinalaki ni Sharon nang mag-isa

Iyong pinakahuling post ni Sharon Cuneta na kung tawagin ng mas nakararami ay emotera time ay para kay KC Concepcion. Ganoon ang basa namin sa kabuuan ng kaniyang post.

Sinimulan ni Sharon ang kuwento na noong gawin niya ang pelikulang Pasan Ko Ang Daigdig ay literal niya talagang pinasan ang mundo dahil sa paghihiwalay nila ni Gabby Concepcion.

Iyon ang mga panahong hindi siya makakain dahil wala siyang panlasa. Hindi siya makatulog dahil napakasakit ng nangyari sa kanilang relasyon ng aktor na sinubukan nilang isalba nang maraming beses.

Idiniin ni Sharon na ang tanging pinaghuhugutan niya noon ng inspirasyon ay ang kaniyang anak na si KC. Inabala niya ang kaniyang sarili, nagtrabaho siyang parang kalabaw, para sa mga pangangailangan ng kaniyang anak na si KC.

Kinukuha na raw siya ng kaniyang mga magulang noon, pero hindi siya pumayag, ipinaramdam niya sa kaniyang anak na hindi ang pagiging palaasa na lang sa ibang tao ang pinakamagandang solusyon sa pag-iisa.

At nagtagumpay naman si Sharon na palakihin si KC nang mag-isa. Pinakamagandang eskuwelahan, mga pagbiyahe na bata pa lang si KC ay nakasanayan na nito, lahat-lahat ay para kay KC ayon kay Sharon.

Hanggang sa pagpapakasal niya kay Senator Kiko ay si KC pa rin ang kaniyang inisip. Puro para kay KC ang mga hakbang na ginawa niya sa kaniyang personal na buhay.

Patagilid na sagot ni Sharon sa kalungkutan ni KC bilang anak ang kaniyang litanya. Hindi nag-iisa si KC, mahal na mahal niya ang kaniyang panganay, ang lahat ng pagsasakripisyong ginawa niya noon ay para kay KC.

Maraming naiinis kay KC Concepcion. Post daw kasi nang post ang dalaga ng kung anu-anong bahagi ng kaniyang katawan sa social media samantalang hindi naman perpekto ang kaniyang kurbada.

Wala raw sigurong pinagkakaabalahan ang anak nina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion kaya kung anu-ano na lang ang kaniyang tinututukan.

May retrato kasi siyang nakadapa sa kama na nakalilis ang kaniyang suot na halos nagpapasilip na sa kaniyang puwet. Mayroon din siyang pasilip sa kaniyang boobs at ang pinakahuli ay ang larawan niya kung saan kitang-kita ang kaniyang mga bilbil.

Bina-bash si KC sa kaniyang mga posts, ihanda raw muna sana niya ang kaniyang katawan bago siya maglabas ng mga retrato kung saan siya napipintasan.

Kung napanood ng mga bashers ang panayam ni Luchi Cruz Valdes kay KC sa unang buhos ng programang Usapang Real Life ay mababawasan ang pagkainis nila sa dalagang aktres.

Aminado si KC sa nararamdaman niyang kalungkutan sa kaniyang pag-iisa. Mayroon nang kani-kaniyang pamilya ang kaniyang mga magulang, siya nga ang panganay, pero wala naman siyang kasama sa buhay.

Sa panahon ng pandemya ay siya lang ang mag-isa sa kaniyang condo, dalawang alagang aso lang ang kaniyang kasama, siguro nga kapag ganoon ang araw-araw nating rutina sa loob nang ilang buwan ng lockdown ay aatakihin din tayo ng pagkaburyong.

Pero nakatutuwang malaman na sa kaniyang pananahimik ay maraming kababayan pala nating nagdarahop ang kaniyang tinutulungan.

Walang press release, walang sabi-sabi, pero nagpapasalamat kay KC Concepcion ang mga kababayan nating natulungan niya sa panahon ng pandemya.

Gabby Concepcion – Mas lumalim pa pala ang hidwaang namamagitan sa pamilya

Sa halip na maresolbahan ay mas lumalim pa pala ang hidwaang namamagitan kay Gabby Concepcion at sa kaniyang pamilya. Matindi ang saloobin ng mga kapatid ng aktor dahil sa pinaglalabanan nila sa husgadong propyedad na nagbigay ng depresyon sa kanilang ina.

Ang lumabas na pagpanaw ng kanilang inang si Mommy Baby ay may kinalaman sa COVID-19, pero kung ang kapatid ni Gabby na si Mike ang tatanungin ay hindi, chronic depression ang nakikitang dahilan ng magkakapatid.

Matinding depresyon diumano ang ibinigay ni Gabby kay Mommy Baby dahil natuklasan nga ng pamilya ang pag-angkin niya sa lupa na dapat ay hahatiin sa kanilang magkakapatid.

Ipinaglalaban din ng mga kapatid ni Gabby na hindi pirma ng kanilang ina ang nasa ibinentang proyedad ng aktor at pineke lang.

Masamang-masama ang loob ng kaniyang mga kapatid dahil mula nang magkasakit si Mommy Baby hanggang sa pumanaw ay hindi man lang sinilip ni Gabby ang kaniyang ina.

Sa halip, ilang oras pa lang pagkatapos pumanaw ng kanilang ina ay nagpadala raw si Gabby ng truck ng mga armadong Coast Guard para hakutin ang kaniyang mga kagamitan sa bahay nila sa P. Guevarra, San Juan, tulad din ng ginawa niya noong mamatay ang kanilang amang si Daddy Rolly.

Damdamin ng kaniyang mga kapatid, bilang respeto man lang sana sa pumanaw nilang ina ay ipinagpaliban na muna ni Gabby ang paghahakot, pero hindi na siya nakapaghintay ng disenteng pagkakataon.

Tuloy pa rin ang pinaglalabanan nilang asunto sa korte, nagkawatak-watak ang dating magkakalapit na magkakapatid, pumanaw si Mommy Baby na bitbit ang matinding sama ng loob kay Gabby.

Ayon kay kapatid na Jobert Sucaldito sa pakikipag-usap nito kay Mike na kapatid ni Gabby, nitong mga huling panahon ay nag-hunger strike na si Mommy Baby, hindi na rin nito iniinom ang kaniyang mga gamot lalo na sa kumplikasyon ng diabetes hanggang sa manghina na nang tuluyan at pumanaw.

Siguradong may boses si Gabby Concepcion na gusto rin niyang marinig bilang paglilinaw sa kaniyang panig sa problemang pampamilyang ito.

Kung kailan siya magsasalita ay hintayin na lang natin dahil palaging may dalawang panig ang anumang isyu.

Pokwang – Maparaan. Kasama ang asawa, naglunsad ng Pok-Lee Food Products

Marunong sa buhay si Pokwang. Maparaan siya. Para siyang talbos ng kamote na kahit saan mo ihagis ay siguradong mabubuhay siya.

Sinuwerte siyang magkaroon ng dalawang programa sa TV5 sa pamamagitan ng produksiyon ng mga Tuviera. Isa siya sa mga puwedeng magsuot ng t-shirt na ang nakaletra ay I survived sa pagsasarado ng ABS-CBN.

Mayroon na siyang Cheka Besh tuwing umaga kasama sina Ria Atayde at Pauleen Luna ay sila pa rin ni Jose Manalo ang hosts ng game show na Fill In The Bank.

Pero hindi doon nagtatapos ang pagtatrabaho ng magaling na komedyana-host, may iba pa siyang pinagkakaabalahan, ang negosyo nila ng kaniyang mister na si Lee O’Brian na pagkakasarap na produkto.

Ganoon kasipag si Pokwang, wala siyang sinasayang na panahon, maraming umaasa sa kaniya kaya lahat ng paraan kung saan siya puwedeng kumita ay ginagawa niya.

Pok-Lee ang brand name ng kanilang mga produkto. Maganda ang kanilang logo, nandoon sila ni Lee na kunwari’y nasa kabukiran, tampok ang kanilang mga produkto.

Nakalilimot ng pangalan sa sarap ang kanilang ginataang laing, panalung-panalo ang produkto nilang suka na tamang-tama ang timpla bilang sawsawan at puwede ring inumin bilang panglinis ng bituka, mayroon din silang gourmet tuyo at tinapa, chili at chili-garlic aligue, pineapple at strawberry jams.

Kapag natikman mo na ang mga produkto ng Pok-Lee ay isa lang ang posibleng gagawin mo, ang tumawag sa kanila para umorder uli (0927-4085209), dahil walang katapun-tapon sa masasarap nilang produkto.

Tama ang ginagawa ni Pokwang, walang kasiguruhan ang pag-aartista, kailangang mayroon pang ibang negosyong maaasahan ang mga personalidad para hindi sila nganga.

Willie Revillame – Masyadong nalungkot, kailangang mag-unwind

Si Willie Revillame na ang mag-isang nagpapalipad ng kaniyang sariling helicopter. Dalawang security na lang at ilang staff ng Tutok To Win ang kaniyang kasama sa pagbiyahe.

Lisensiyado na siyang magpalipad nang mag-isa, noong Sabado nang umaga ay bumiyahe sila papunta sa kaniyang beach house sa Puerto Galera, kailangan niyang bisitahin ang kaniyang bahay-bakasyunan.

Nagpalipas lang sila nang ilang oras at lumipad na agad sila papunta sa Tagaytay, nasa Iruhin ang kaniyang mansiyon at mga ipinagawang villa, Sabado at Linggo lang niya naiikutan ang kaniyang mga propyedad.

Sabi ni Willie, “Saka kailangan ko ring mag-unwind. Sunud-sunod ang malulungkot na isyung pinagdaanan ko this week sa show.

“Iyong mga jeepney drivers na napilitan na lang mamalimos sa kawalan ng kinikita, nakita ko na sila noong ibigay namin ang five million na ayuda para sa kanila.

“Masarap sa kalooban na tanggapin ang pasasalamat nila, iyon ang walang katumbas na kahit magkano, masasaya silang umuwi dahil mayroon na silang ayudang cash, may pa-jacket at pabigas pa kami para sa kanila,” pahayag ng mapusong TV host.

Noong nakaraang Biyernes naman, tapos na ang Tutok To Win, ay apektado pa rin si Willie ng kaniyang pakikipag-usap sa mga pamilya ng mga pumanaw nating kababayang OFW sa naganap na pagsabog sa Lebanon.

“Iyon ang hindi ko kinakaya. Kapag naririnig ko na ang paghagulgol ng isang Nanay, wasak na ako. Napakasakit naman talaga noon. Umalis ang kanilang anak na buung-buo, tapos, noong umuwi, e, abo na lang.

“Kaya kailangan ko ring maglibang kapag medyo maluwag ang oras ko. Parang pagbabanlaw ko ito sa isang buong linggong lungkot na pinagdaanan ko.

“Para maiba naman ang lugar. Makakita naman ako ng mga bundok at dagat. Malaking tulong sa akin ang ganito,” pabuntong-hininga pang pahayag ni Willie Revillame. Tama. –CSF

Cristy Per Minute • Setyembre 16-30, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminSetyembre 16-30, 2020

     liza soberano
 
Liza Soberano
  Lotlot
 
Lotlot de Leon
  TED FAILON
 
Ted Failon
  darren
 
Darren Espanto
  Rustom Padilla
 
Rustom Padilla
  Kris Aquino
  Kris Aquino IG post
 
Kris Aquino at kaniyang IG post
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Jim Paredes
 
Jim Paredes

Liza Soberano – Sobrang iniingatan ng Kapamilya network

Totoong-totoo na kinukuha ng GMA-7 at TV5 ang serbisyo ni Liza Soberano. Nakausap na ng mga emisaryo ng dalawang istasyon ang kaniyang manager na si Ogie Diaz.

Sa pagpapakandado sa ABS-CBN ay walang ibang hinahanap ngayon ang mga artista ng network kundi trabaho. Ang iba ay mayroon na, pero mas maraming wala pa, kaya maraming personalidad na pumapailalim ngayon sa depresyon.

Pero iba ang kaso ng napakagandang young actress, siya ang nilalapitan ng oportunidad, hindi siya ang naghahanap. Pero maingat sila ng kaniyang manager sa pagkilos, hindi sila agad-agad naghahangad ng pagkakakitaan, naghihintay pa sila ng hinog na pagkakataon.

Isa si Liza Soberano sa mga iniingatan ng Kapamilya network. Hanggang maaari, hanggang kaya pa naman nila ng kaniyang manager, ay huwag muna silang lumundag ng bakod.

Nakalinya na ang pelikulang gagawin nila ng kaniyang boyfriend na si Enrique Gil, malaki na ang napatunayan ng kanilang loveteam sa takilya, mahirap nga namang basta pakawalan ang mga talentong tulad nila.

Lotlot de Leon – Tinatawag na maldita at walang utang na loob ng mga Noranians

Komento ng isang kaibigan namin ay hindi rin natin masisisi ang mga namba-bash kay Lotlot de Leon kung bakit siya tinatawag na maldita at walang utang na loob.

Nagkumpara ang mga kumokontra kay Lotlot, hindi rin kasi maganda ang relasyon nila ng kaniyang dating biyenang si Pilita Corales, dahil sa kaniyang kamalditahan.

Dagdag na impormasyon pa ng aming kausap, “Wala namang kasundo si Lotlot, di ba? Ang dati niyang biyenan, ang mommy niyang si Nora Aunor, alangan namang parehong mali ang mga mas nakatatanda sa kaniya?

“Maldita kasi siya, daldal nang daldal, sarcastic pa siya. Walang pinakamaganda kundi ang manahimik na lang siya!” pahayag nito.

Anuman ang pinagdaanan ng mag-ina noong bata pa si Lotlot ay tanging sila lang naman ang nakakaalam. Wala namang nakasaksi kung paano siya tinrato ng taong umampon sa kaniya.

May suntok sa puso ang kuwento ni Balot na noong bata pa sila ni Ian de Leon ay wala siyang karapatang makatikim ng mga de-lata sa kanilang cabinet. Ang sabi raw kasi ng yaya ni Ian ay para lang iyon sa kaniyang kapatid na itinuturing.

De-lata pa lang iyon. Paano pa ang mas malalaking kuwentong nakagarahe lang sa utak at puso ni Lotlot? Alam ba iyon ng mga humuhusga at bumibira sa kaniya ngayon?

Inuulit namin, maglabas man ng mga kuwento si Lotlot tungkol sa malungkot niyang pagkabata sa poder ni Nora Aunor ay siya pa rin ang mapapasama.

Magiging dakila pa rin ang Superstar sa mata ng publiko dahil hindi lahat ay magkakaroon ng pusong kumupkop, magmahal, magpalaki at kumandili sa mga sanggol na ni gapatak na dugo ay walang kuneksiyon sa kaniya.

Sa totoong-totoo lang.

Ted Failon – Selyado na ang kontratang pinirmahan sa TV5

Selyado na ang kontratang pinirmahan ng magaling na broadcaster na si Ted Failon at ng mga ehekutibo ng TV5. Wala nang urungan ito.

Plantsado na ang programang gagawin niya sa Radyo Singko, 92.3 News FM, kasama ang matagal na niyang kabig na si DJ Chacha. Apat na oras tuwing umaga ang nakaplantilyang oras ng kanilang programa sa Radyo Singko.

Natural lang na kapag may bagong personalidad na papasok ay magkaroon ng mga pagbabago sa programming. Ang tanong ng marami, kani-kaninong programa kaya ang mawawala o mauurong ng oras, para maibigay kay Kuyang Ted.

Isang napakalaking karagdagan sa Radyo Singko ang pagdating ni Ted Failon dahil matindi na ang kaniyang napatunayan sa tatlong dekadang paglilingkod niya nang tapat sa DZMM ng ABS-CBN.

Nanatili siyang nakikipaglaban para sa kaniyang paninindigan, isang dating pangulo pa nga ang nagtangkang ipatanggal siya sa puwesto dahil sa mga opinyong pinakakawalan niya sa kaniyang programa, pero hindi ito nagtagumpay.

Hindi natinag si Ted Failon sa kaniyang paniniwala, inilalantad niya ang mga katiwaliang nagaganap, palaging ang kapakanan ng ating mga kababayan ang una para sa kaniya.

Tabi-tabi na lang sa mga tiwaling pulitiko, sorry na lang sa mga opisyal ng pamahalaan na ginagamit ang kanilang kapangyarihan sa pangungurakot ng pera ng bayan, nandito na uli si Ted Failon!

Maraming kaibigan ang tumatawag sa amin, winewelkam nila sa Radyo Singko ang magaling na broadcaster, hindi na raw sila maglilipat ng istasyon ngayong Kapatid na si Ted Failon.

Aba, may Raffy Tulfo na ang Radyo Singko na matagumpay, kakambalan pa ito ng isang Ted Failon na wala ring inuurungan, saan pa nga naman tayo?

Siguradong tumatayo na ang mga balahibo ngayon ng mga pulitikong hindi tapat sa sinumpaan nilang tungkulin. Babalahibuhan sila ni Ted, ilalantad niya ang mga katiwaliang suportado ng mga ebidensiya, kaya wala silang lusot!

Iniingatan ni Ted Failon ang kaniyang propesyon, hindi niya ibinebenta ang kaniyang mga atake, kung gaano siya katinding bumira sa mga tiwali ay ganoon din kabukas ang kaniyang bibig sa pagpuri sa mga taong-pamahalaan kapag wasto ang kanilang ginagawa para sa ating bayan.

Darren Espanto – “Straight ako!”

Buong-ningning na isinigaw ni Darren Espanto, “Straight ako!” Napapanahon ang matapang na komento ng magaling na singer na straight siya, iyon kasi ang gustong isubo ng isang beking namamalimos ng awa mula sa isang male personality, pero hindi naman ito pinapansin.

Matagal na nga namang pinagdududahan ang kaniyang gender, noong nasa The Voice Teens pa lang siya ay may alimuom na tungkol doon, dahil lang sa ang mga piyesang kinakanta niya ay pambabae.

Mataas pa kasi ang boses noon ni Darren dahil binatilyo pa lang ang kaniyang edad, naaabot niya ang pinakamatataas na nota, pero ngayong binata na siya ay mahihirapan na siyang bumirit.

Sa mga huling episodes ng ASAP Natin ‘To ay napanood namin si Darren, nasa Calgary, Canada siya noon, via Zoom ang kaniyang performance.

Ibang-iba na ang kaniyang boses, bumaba na ang kaniyang pitch, napakasuwabe niyang kumanta na sinasabayan pa niya ng pagsayaw na mahirap gawin.

Ang isyu tungkol sa kaniyang gender ang sumira sa pagkakaibigan nila ni JK Labajo na kapareho niyang produkto ng TVT, humantong pa nga iyon sa husgado, tahimik ang magkabilang panig tungkol sa issue.

Sabi ng kaibigan naming professor, “Nakakaawa ang mga personalities na hinuhusgahan nang dahil lang sa mga songs na pinipili nilang kantahin.

“Porke ba pambabae ang kanta, e, bading na ang singer? Porke ba bumibirit, e, bakla na? Huwag naman sanang ganoon. Secure na secure si Darren sa masculinity niya.

“Kaya niyang ipagsigawan na straight siya dahil kilalang-kilala niya ang sarili niya. Nice one!” sabi pa ni prop.

Rustom Padilla – Sino ba talaga ang ‘Ilusyunada?”

Naglagutukan ang mga buto sa buong katawan ni Rustom Padilla sa hindi niya inaasahang pagngangalit ng publiko lalo na ng mga miyembro ng LGBTQ na humusga, kumuwestiyon at tumawag sa kaniyang ilusyunada dahil sa mga rebelasyon niya tungkol kay Piolo Pascual.

Akala siguro ni Rustom ay makakaya niyang paniwalain ang lahat ng tao sa lahat ng pagkakataon. Pero sumpa ng mga sumpa! Sa kaniyang mukha mismo bumalandra ang kaniyang mga kadramahang siya lang naman ang naniniwala.

Umurong na sa laban si Rustom. Ipagpapatuloy pa rin daw niya ang kaniyang mga rebelasyon sa You Tube, pero hindi na iyon para sa lahat, eksklusibo na ang gagawin niyang atake. Pero may bayad.

May membership fee na ang pagtutok sa kaniyang You Tube vlog, humihingi siya ng tulong ngayon sa kaniyang mga tagasuporta na ipagpatuloy ang pagtutok sa kaniya, pero may kailangan silang bayaran para maging regular silang viewer ng mga kadramahan ni Rustom Padilla.

Pinabulaanan niya ang komento ng mas nakararami na kaya lang daw niya isinasangkot sa kaniyang vlog ang mga sikat na personalidad ay para tumaas ang kaniyang views. Wala raw katotohanan iyon.

Kaya para patunayan niyang walang katotohanan iyon ay hindi na para sa malayang publiko ang magiging paraan niya, by membership na lang daw, kailangang magbayad ang tututok sa kaniya nang 199-299$.

Umaaringking pa hanggang ngayon ang katawan ng dating aktor na transgender na ngayon dahil sa masasakit na salitang ikinukulapol sa kaniya sa social media.

Iyon ang dahilan kung bakit may exclusivity na ang pagtutok sa kaniya. Sa mga panahong ito nga naman ng pandemya ay para-paraan lang ang kailangan.

Tawa kami nang tawa nina Manay Lolit Solis at Ogie Diaz dahil pati kaming tatlo ay isinali na rin ni Rustom Padilla a.k.a. BB Gandanghari sa kaniyang mga kalokahan.

Bakit daw namin siya sinasabihang ilusyunada? Nandoon daw ba kami sa hotel noong may mangyari sa kanila ng male personality na itinago niya sa pangalang Jonathan?

Ha! Ha! Ha! Ha!

Mga sinungaling daw kami, mga tsismosoa, wala raw naman kaming alam tungkol sa tunay na namagitan sa kanila ni Jonathan na paminsan-minsan ay natatawag niyang Piolo sa kaniyang vlog.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Baril nang baril si Rustom nang walang direksiyon, pinakikialaman niya pati ang opinyon at komento ng mga kumokontra sa kaniya, ang gusto niya ay maniwala rin kaming tatlo sa kaniyang mga ilusyon.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Sabi pa ni Rustom ay mas malaswa raw ang ginagawa ng mga kloseta, ng mga pamintang durog na sa dilim ginagawa ang kanilang mga kababalaghan, iyon daw ang dapat naming kalampagin at hindi siya na nagsisiwalat lang naman ng katotohanan tungkol sa naganap sa kanila ni Jonathan.

Ha! Ha! Ha! Ha!

At dati raw ay kami pa ang nagba-blind item kay Piolo, tumitigil lang daw kami kapag binigyan na kami ng pera ng aktor, mas matindi ang ilusyong iyon ni Rustom.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Pati si AiAi delas Alas na nagpayo lang naman sa kaniya na tantanan na niya ang nananahimik na si Piolo ay tinawag pa niyang plastic, ipokrita at kaibigang putik.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ang gusto kasi ni Rustom Padilla, ang lahat ng isinusubo niyang impormasyon sa kaniyang vlog ay kailangang paniwalaan ng buong mundo, kahit pa alam niya naman sa kaniyang sarili na kathang-isip lang ang mga pinagsasasabi niya.

Ha! Ha! Ha! Ha!

Ilusyunada!

Kris Aquino ­– May mas “more viable” daw na ipinalit sa kaniya ang TV5

Pinagpipistahan na ang balita na si Korina Sanchez ang ipinalit kay Kris Aquino sa isang programang plantsado na sanang eere sa TV5.

Si Korina pala ang tinutukoy ni Kris na “more viable” sa kaniyang IG post. Diretsong inanunsiyo ni Kris na wala na siyang gagawing programa sa network dahil pinalitan na siya ng mga prodyuser.

Nagtatakang tanong ni SOS na hindi napag-iiwanan sa mga nagaganap sa showbiz, “Iyon po ang sabi ni Kris sa IG post niya. Kaya raw hindi na tuloy ang show niya sa TV5, e, dahil pinalitan na siya ng producer ng isang mas viable kesa sa kaniya.

“Iyon daw ang truth from her. Ang tanong lang po namin, e, sino naman kaya ang mas viable na ipinampalit sa kaniya? May mas viable pa ba kay Kris when it comes to TV hosting?

“Bukod sa talent niya, e, marami pa siyang kilala at connection sa endorsements. Kris Aquino is Kris Aquino po. A bratinella is always a bratinella.

“Iyon na po talaga ang core niya. Ang naturalesa niya. Sayang lang talaga, makababalik na sana siya after almost four years of absence, pero nagka-falling out pa sila ng producer niya.

“A great talent without the right attitude is useless,” konklusyon ni SOS. Maraming salamat sa opinyon.

Pero sa impormasyong nakarating sa amin ay ibang producer na ang maghahatid sa publiko ng magazine show ni Korina Sanchez sa TV5. Ang malakas na ugong ay si Congressman Albee Benitez ang mamumuhunan sa bagong show ni Ate Koring na iba-blocktime sa TV5.

So, magkaibang producers ang tinutukoy sa kuwento, pero napakaraming nanghihinayang sa dapat sana’y pagbabalik-TV na ng Queen Of All Media.

Napakatagal siyang hinintay ng kaniyang mga tagahanga, ng mga kababayan nating naaaliw sa sarili niyang atake sa pagho-host, pero nabulilyaso pa.

May nagkomento sa IG account ni Kris na nasa kaniya ang problema at wala sa TV5, sinagot naman iyon ni Kris na oo nga, nasa kaniya ang problema, “Hindi kasi nila ako bet.”

Mayroon pang ganoong komento? Hindi raw siya bet ng network? Ano naman ang kinalaman ng mga tagapamuno ng TV5 sa hindi pagkatuloy ng kaniyang programa samantalang hindi naman iyon station produced?

Ang mismong prodyuser niya ang nakasamaan niya ng loob kaya umurong na, hindi naman ang mga ehekutibo ng network, kaya bakit mayroon pa siyang kataklesang komentong hindi kasi siya bet ng TV5?

Sharon Cuneta – Tumutulong nang tahimik, walang “press release”

Ang dami-dami palang kuwento tungkol kay Sharon Cuneta na hindi lumalabas. Puro magagandang kuwento iyon na hindi nanggagaling sa Megastar kundi mula sa mga taong tinulungan niya nang walang press release.

Si Daddie Wowie Rojas, manager ni Mayor Isko Moreno at marami pang ibang personalidad, ay may hindi makakalimutang karanasan kay Sharon.

“Dancer pa ako ng Blackgold noon, nag-rehearse kami sa show ni Sharon, nawala ang wallet ko, kaya ako na lang ang naiiwang dancer sa studio. Tinanong niya ako kung bakit.

“Sinabi ko sa kaniya na nawala ang wallet ko, hindi ako makauwi, wala kasi akong pamasahe. Agad-agad, inabutan niya ako ng pera, three hundred pesos!

“Malaking halaga noon ang three hundred, magtatagal sa bulsa mo ang amount na iyon! Saka hindi naman lahat ng mga artista, e, tulad ni Sharon na tutulong sa iyo,” pag-alala ni Daddie Wowie Rojas.

May kuwento rin tungkol sa isang kilalang personalidad na pumanaw na hindi mailabas-labas sa ICU dahil walang pera ang pamilya nito. Ang Megastar din ang nagpadala nang milyon bilang pagtanaw ng utang na loob sa pumanaw.

Isang composer ang pumanaw na wala sa bansa ang Megastar, pero sa kabila noon, may pinag-asikaso siyang staff para ayusin ang lamay at libing ng composer. Siya ang sumagot sa lahat-lahat ng gastusin, mula sa puso ang kaniyang pagtulong, hindi na iyon malilimutan pa magpakailanman ng pamilya ni Mr. Willy Cruz.

Ang dami-dami pang kuwento ng pagmamagandang-loob sa kaniyang kapuwa ng Megastar ang nakarating sa amin. Wala siyang pinipiling estado sa buhay, basta nalaman niya ang sitwasyon ay agad siyang tumutulong, hindi niya iyon ipinagmamakaingay.

Tama ang mga linya sa isa niyang piyesa na anuman ang maganap sa kaniyang buhay ay itatayo siya ng panahon. Hindi siya nawawala sa gitna ng aksiyon.

Jim Paredes – Umariba na naman ang sawsawerong laos

Umariba na naman ang sawsawerong laos na si Jim Paredes. Pansamantalang tumigil ang pag-iingay ng singer na ito pagkatapos pandirihan ng publiko ang kaniyang sex video.

Pero buhay na naman siya sa pagpapalaganap ng kaniyang kasarkastikuhan at pagbibigay ng mga opinyong kinokontra naman ng mga netizens.

Dilawan si Jim Paredes, inaaway niya ang mga pulitkong kaalyado ni PRRD, inuupakan din niya ang mga DDS. At dahil kadalasan ay nagiging kritiko ng mga Dilawan ang magaling na broadcaster na si Ted Failon ay tinawag niyang “spreader of fake news” ang walang inuurungang news anchor.

Ayun, dahil sa kaniyang pahayag ay umani si Jim Paredes ng bashing, binalikan ng mga kababayan natin ang kahalayang ginawa niya habang nilalaru-laro ang kaniyang sariling ari.

Mema lang. Makakontra lang. May maiopinyon lang. Anong fake news naman kaya ang ibinibintang ng singer na ito kay Ted Failon?

Sino kaya ang panay-panay ang paglalabas ng mga kuwentong puro kababalaghan lang naman? Sino ba ang madalas mabuking ng bayan na nag-iimbento ng mga senaryong puro kathang-isip lang naman.

Siya iyon. Si Jim Paredes iyon at hindi si Ted Failon. Hindi na nahiya ang huklubang singer na ito sa pambabato ng mga bintang na kapos naman sa ebidensiya at malayo sa katotohanan.

Pagkatapos kumalat ang kaniyang sex video na pinagpistahan ng buong bayan habang napapa-yuck ay heto na naman si Jim Paredes, nanggugulo na naman, kung anu-anong paghusga na naman ang pinalulutang niya laban sa mga broadcaster at personalidad na sa kaniyang isip ay hindi nila kakampi.

Ano kaya ang nararamdaman ngayon ng kaniyang mga kasamahang sina Danny Javier at Buboy Garovillo sa mga pinaggagagawa ni Jim Paredes?

Nakakahiya! – CSF

Cristy Per Minute • Oktubre 1-15, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminOktubre 1-15, 2020

      Nadine Lustre & Alden Richards
Nadine Lustre & Alden Richards
  Liza Soberano
 
Liza Soberano
  Julia Barretto
 
Julia Barretto
  Gerald Anderson & Julia Barretto
 
Gerald Anderson & Julia Barretto
  Alex Gonzaga
 
Alex Gonzaga
  James Reid
 
James Reid
  Korina Sanchez,  Pepe & Pilar
 
Korina Sanchez, Pepe & Pilar
  Regine Velasquez
 
Regine Velasquez
  DJ Chacha
 
DJ Chacha
  Ted Failon
 
Ted Failon
  Rafffy Tulfo
 
Rafffy Tulfo
  Sharon Cuneta
 
Rolex ni Sharon Cuneta
  Willie Revillame
 
Willie Revillame

Ted Failon – Handang-handa na ang programa sa Radyo Singko

Handang-handa na ang magaling na broadcaster na si Ted Failon sa kaniyang bagong programang mapapanood sa Radyo Singko (92.3 News FM) ng TV5.

Sa Linggo (Oct. 4) nang umaga ay magda-dry run na si Ted kasama ang kaniyang partner na si DJ Chacha, pinaghandaang mabuti ni Ted Failon ang kaniyang pagsalang, siguradong susundan siya ng kaniyang mga tagasuporta noon sa DZMM.

Ayon sa kuwentong nakarating sa amin ay magkahalong pagkokomentaryo at musika ang magiging takbo ng kaniyang programa. Balanseng-balanse ang atake ni Kuyang Ted, matatalim na opinyon at komentaryo ang kaniyang pakakawalan, pero may sahog na musika iyon na matagal na niyang pangarap.

“Perfectionist pala si Sir Ted,” komento ng isang staff ng Radyo Singko. Totoo, napaka-hands-on niya, kaya naman pulido ang mga nakaraan niyang programa.

Sa October 5 na, alas sais nang umaga, magsisimula ang kanilang programa ni DJ Chacha sa Radyo Singko at One PH Cignal Channel 1.

Nadine Lustre – Pinagtitripan ngayon sa social media ang mahiwagang ilong

Pinagtitripan ngayon sa social media ang mahiwagang ilong ni Nadine Lustre. Nag-aaway-away sila, marami kasing nagkokomento na sumailalim sa nose enhancement ang young actress, galit naman ang kaniyang mga tagahanga dahil wala raw katotohanan iyon.

Nag-ugat ang argumento sa pinagsamahang TVC nina Nadine at Alden Richards para sa isang kilalang produktong de-lata. Pansin na pansin daw ang biglang pagtangos ng ilong ni Nadine.

Kung totoo ngang sumailalim sa proseso ng nose enhancement si Nadine ay karapatan niya iyon. Namumuhunan ang mga artista, kailangang maganda at sexy sila sa paningin ng publiko, isa iyon sa mga puhunan nila sa pag-aartista.

Ano naman ang krimen kung sakali, ang mga Korean stars nga, bago sumalang sa harap ng mga camera ay kailangang pulido na ang kanilang itsura.

Namumuhunan sila, halos lahat ng parte ng kanilang mukha at katawan ay dumadaan sa heringgilya, mayroon pa nga silang iniinom na kung ano para mapanatili ang kinis ng kanilang kutis na kung tutuusi’y dati nang maganda.

Hanggang hindi inaabala ni Nadine ang ibang tao para pagbayarin sa kaniyang pagpapaganda ay walang problema. Hanggang nababayaran niya ang mga doktor na gumagawa sa kaniya ay lalong wala tayong dapat problemahin sa pagpapabago niya sa itsura.

Isa si Nadine Lustre sa biniyayaan ng magandang katawan, kinakambalan pa niya iyon ng husay niya sa projection sa mga pictorial, sa totoo lang.

Regine Velasquez – Walang pinagsisisihan sa paglipat sa nagsarang ABS-CBN

Positibo ang pananaw ni Regine Velasquez sa ginawa niyang paglipat sa ABS-CBN mula sa GMA-7 na dekada rin niyang itinuring na tahanan. Wala siyang pinagsisisihan.

Na dapat lang talaga dahil desisyon niya iyon, wala namang pumilit sa kaniya, gusto niyang matikman ang mamuhay sa ibang istasyon.

Nagkataon naman na sa kaniyang paglipat, dalawang taon pagkatapos, ay saka nagsarado ang ABS-CBN. Maraming humusga kay Regine, siguro raw ay sising-alipin siya ngayon dahil wala siyang mainstream na trabaho, kundi raw siya lumundag ng bakod ay siya pa rin sana ang reyna ng mga musical shows ng GMA-7.

At ang pinakamasakit na salitang ipinakain sa kaniya ay siya raw ang may hatid na malas sa ipinsaradong network. Napakamaling paghusga dahil wala namang kasalanan si Regine sa bintang na hindi nagbabayad ng buwis at maraming trabahador na pinahihirapan ang kumpanya.

Pagtanggap lang ang pinakamahalaga sa buhay na ito, panindigan na lang natin ang desisyong tayo lang ang nagkagusto, para walang pagsisisi.

Liza Soberano – Sinampahan ng kasong cybercrime ang isang staff ng Converge

Tinuluyan ni Liza Soberano na sampahan ng kasong cybercrime ang isang staff ng Converge na nag-post ng malisyosong banta laban sa kaniya.

Isyung rape na naman ang pinag-ugatan ng demandang ito na tulad ng nangyari sa anak nina Sharon Cuneta at Senador Kiko Pangilinan.

“Sarap ipa-rape sa… ewan!” post ng empleyado ng telecommunications company. Humingi na ng dispensa ang staff, inilabas din nito ang kanilang kumpanya sa kaniyang ginawa, pero hindi iyon nakapigil sa magandang aktres para kasuhan ito.

Ginagawang biro ng ibang tao ang kasong rape. Parang wala silang kamalayan tungkol sa krimen ng panggagahasa. Tanging kayamanan ng babae ang puri na inilulugso.

Kasingseryoso ng ganoong kaso ang pagsasabing may bomba sa bagahe ng pasahero ng eroplano. Marami nang naparusahan tungkol sa ganoong biro, marami nang nabigyan ng leksiyon, dahil buhay ng maraming tao ang nalalagay sa peligro sa ganoong biro.

Panahon na talaga para bigyan ng leksiyon ang mga taong hindi muna nag-iisip nang maraming beses bago mag-click. Seryoso ang rape, krimen ang pagbabanta ng panghahalay sa mga kababaihan, tama lang ang desisyon ni Liza Soberano na seryosohin ang bagay na ito.

Siguradong sising-alipin ngayon ang empleyado ng telecommunications company na nag-post ng pagbabanta kay Liza Soberano, hindi ito kinunsinti ng kumpanya, dahil personal na FB account ng babae ang ginamit sa pagbabanta sa aktres.

James Reid – Bagong Food Security Ambassador ng Department of Agriculture

Si James Reid ang napisil ng Department of Agriculture (DA) bilang Food Security Ambassador ng departamento. Dalawa na sila ni Alden Richards na nag-eendorso ngayon ng mga sangay ng ating pamahalaan.

Pero mukhang sablay ang DA sa pagkuha sa guwapong aktor, simpleng tanong lang kung anong gulay ang paborito niya ay nahirapang sumagot si James, nauwi iyon sa kangkong na kinakain niya raw sa sinigang.

Dapat sana’y ipinakabisa muna kay James ang Bahay-Kubo, nasa piyesang iyon ang mga pangalan ng gulay, para hindi siya nangangapa ng isasagot.

Paano naman natin maaasahan si James na maglitanya ng iba’t ibang klase ng gulay samantalang hindi naman siya dito lumaki? Sa Australia siya nanggaling, natural lang na puro steak ang kinakain nila doon, kaya paano siya magiging pamilyar sa mga gulay na kinakain natin dito sa Pilipinas?

Kangkong lang ang naisagot niya, na idinikta pa nga sa kaniya, hindi niya kasi alam ang talong, ampalaya, sigarilyas, saluyot, kalabasa at iba pang klase ng mga gulay.

Mahirap isalang ang isang personalidad sa isang trabahong hindi muna niya pinag-aralan. Talagang mag-aapuhap siya ng isasagot tungkol sa mga paborito niyang gulay dahil hindi naman siya kumakain noon.

Ang sakop pa naman ng pagiging ambassador niya ng DA ay ang mga magsasaka at mangingisda. Baka kapag tinanong siya kung anong klase naman ng isda ang paborito niyang kainin ay mangapa na naman siya ng isasagot?

Kailangang maipakilala na agad kay James ang bangus, tilapya, galunggong, hito, kapak, pompano, liwalo, dalag at iba pang mga klase ng isda na mabenta dito sa atin.

Pero kung kaguwapuhan ang pag-uusapan ay panalung-panalo naman ang ambassador ng DA, siguradong pagpipistahan si James Reid sa mga probinsiyang pupuntahan nila ng mga tagapamuno ng ahensiya.

Sa presensiya pa lang ng guwapong aktor ay hindi na siguro mapapansin ng mga kababayan natin na kangkong lang na ihinahalo sa sinigang ang alam niyang gulay.

Pero siguro naman ay kabisado ni James Reid ang sibuyas, kamatis, bawang at luya, dahil pangsangkap din naman ang mga nabanggit sa pagluluto nila ng mga nakasanayan niyang kaining putahe sa Australia.

Raffy Tulfo at Willie Revillame – Maraming lumiligaw para tumakbo sa Election 2022

Dalawang sikat at mapusong personalidad ang nakakatanggap na ng mga alok na tumakbo sa susunod na halalan. Pinatatakbo sila bilang senador para mas lumawak pa ang kasalukuyang pagtulong nila sa ating mga kababayan.

Sina Raffy Tulfo at Willie Revillame ang ngayon pa lang ay “nililigawan” nang makilahok sa mundo ng pulitika sa 2022. May mga lumalapit nang emisaryo ng iba-ibang partido sa kanila.

Ayon sa aming kausap ay idinaan daw sa survey ang paglitaw ng mga pangalan nina Raffy Tulfo at Willie Revillame. Sila ang nangunguna sa listahan dahil sa ginagawa nilang pagtulong sa mga kababayan natin lalo na ngayong panahon ng pandemya.

Kung pag-ayuda sa mga kababayan natin ang pag-uusapan ay saksi naman ang publiko sa kagandahan ng puso ng dalawang TV personalities.

Sa kaniyang mga programang Idol In Action at Wanted Sa Radyo ng TV5 ay libu-libo nang mga lumalapit kay Raffy Tulfo ang binabahaginan niya ng suportang pampinansiyal.

Sa kaniya rin lumalapit ang mga kababayan nating gustong magsumbong tungkol sa mga personal nilang problema. Mabilis kasing nasosolusyunan ng palabang news anchor-komentarista ang mga inilalapit sa kaniya.

Bukas na bukas naman ang palad ni Willie Revillame sa kaniyang programang Tutok To Win, hindi na nga game show ang Wowowin ngayon, parang naging public service program na sa dami ng kaniyang natutulungan.

Wala siyang anumang posisyon sa ating pamahalaan, pero anim na milyong piso ang ibinigay niyang ayuda sa mga nawalan ng trabahong jeepney drivers, bukod pa iyon sa mga araw-araw niyang pinepremyuhan sa Tutok To Win.

Ang limang milyong pisong ayuda niya para sa mga jeepney drivers ay dinagdagan pa niya ng isang milyon.

Nakarating kasi sa kaniya ang impormasyon na hindi nabigyang lahat ang mga miyembro ng iba-ibang asosasyon ng mga jeepney drivers.

Bukod sa pinansiyal na ayuda ay namigay rin ng bigas si Willie, may pa-jacket pa ang grupo, kung umuwing maligaya ang mga kababayan nating nawalan ng trabaho ay mas maligaya ang aktor-TV host.

Tama ang resulta ng survey, kung pagtulong sa mga nangangailangan ang pag-uusapan ay karapat-dapat ngang pumasok sa mundo ng pulitika sina Raffy Tulfo at Willie Revillame, pero nakahanda na ba ang kanilang kalooban?

Pareho namin silang regular na nakakausap, sa timpla namin sa kanilang pananalita ay parehong malayo ang kanilang bituka sa mundo ng pulitika, mas gusto nilang tumulong nang wala silang upuan sa gobyerno.

Wala silang hinihintay na kapalit sa kabutihang ginagawa nila, hindi sila tumutulong para lang maging mabango ang kanilang pangalan sa publiko, kusang-loob iyon at dikta ng kanilang puso na hindi na kailangang pang katukin para lang magbukas.

Julia Barretto – Kinasuhan ang King of Fake News na si si Jay Sonza

Si Julia Barretto ang nakatapat ng tinguriang King of Fake News sa social media na si Jay Sonza. Marami nang kuryenteng kuwentong inilabas ang beteranong broadcaster sa kaniyang FB account pero walang naghain ng asunto laban sa kaniya.

Sinaktan na ni G. Sonza si Kris Aquino sa lantarang pagkutya kay Bimby bilang becki. Binigyan din niya ng ibang interpretasyon ang pamamaril sa van ni Kim Chiu.

Siya rin ang “naka-scoop” na nagpakasal na raw sina Alden Richards at Maine Mendoza at mayroon na silang anak na lalaki na Theo ang pangalan.

Kung tutuusin ay latak na lang ang kaniyang kuwentong nagdadalantao si Julia Barretto kortesiya raw ni Gerald Anderson, marami nang naunang kuryenteng kuwentong inilabas si Mang Jay, pero dito pa sa huli siya naasunto.

Nagsadya sa NBI ang magandang aktres kasama ang kaniyang inang si Marjorie Barretto at ang kanilang abogado, sa Cybercrime Division ng ahensiya sila naghain ng kaso laban sa beteranong broadcaster, naglabas ng emosyon si Julia tungkol sa fake news.

Kauna-unawa ang kaniyang pahayag na dahil sa maling balitang inilabas sa FB ni Jay Sonza ay naapektuhan ito nang todo, pati ang kaniyang pamilya ay nasaktan, kasama na rin ang mga taong matagal nang nagtitiwala at sumusuporta sa kaniya.

Pagkatapos ilabas ni Mr. Sonza ang kaniyang kuwentong siguradung-siguradong nagdadalantao si Julia, pagkatapos maglabas ng ebidensiya ang aktres na walang katotohanan ang kaniyang impormasyon, ay humingi ng dispensa si Mang Jay sa kaniyang fake news, pero hindi iyo pinakinggan ng pamilya ni Julia. Paglabas na paglabas pa lang ng kuwento na pinagpistahan ng buong bayan ay nakikipag-usap na pala ang pamilya sa kanilang abogado, buung-buo na ang kanilang desisyon na kasuhan ang tinaguriang King Of Fake News sa social media ngayon.

Korina Sanchez – Okey na sa kaniya ang Rated Korina sa TV5

Bukod sa kaniyang dating programa sa ABS-CBN na bitbit ni Korina Sanchez sa kaniyang paglipat sa TV5 ay mayroon pa sanang ibang shows na iniaalok sa kaniya.

Isang primetime news program pa sana ang gagawin niya kasama ang kumpirmado na ring nasa TV5 na si Ted Failon pero tinanggihan na ni Korina.

Okey na sa kaniya ang Rated Korina, iyon na lang ang kaniyang pagkakaabalahan, ayaw na niyang tumanggap pa ng trabahong pang-araw-araw.

Kuwento ng aming source, na malapit sa magaling na news anchor, “Ayaw na niyang magpa-make-up araw-araw. Imagine nga naman, kapag daily ang show, e, araw-araw rin siyang magpapa-make-up at talagang paghahandaan niya ang programa, di ba?

“Siguro, sa ilang dekada na rin niyang pagpapa-make-up daily, e, nagsawa na rin siya! Alangan namang humarap siya sa mga camera nang walang kaayus-ayos?

“Siguradong maba-bash siya! Kung iyong naghahanda na nga ang mga personalities sa show nila, e, may nasasabi pa rin ang mga bashers, ang hindi pa kaya pag-aayos ang palalampasin nila?” natatawang pahayag ng aming source.

Pryoridad ni Korina ngayon ang kanilang mga anak ni Kuyang Mar Roxas na sina Pepe at Pilar. Mga kamay niya talaga ang nagpapala sa kambal.

“Sobrang hands-on mom si Koring. Hanggang maaari, e, siya talaga ang nag-aalaga sa kambal, kaya ayaw na niyang tumanggap ng daily show. Tama na ang isang programa para sa kaniya.

“Ang kambal ang mundo ngayon ni Korina, kung malapit siya sa mga pamangkin niya, e, di lalo na sa mga anak niya?” pagtatapos ng aming source.

Alex Gonzaga – Makasama nga kaya sa cast ng TV5’s Lunch Out Loud?

Urong-sulong ang balita tungkol sa partisipasyon ni Alex Gonzaga sa bagong bubuksang noontime show ng TV5 sa pamamagitan ng Brightlights Productions na si Direk Johnny Manahan ang mamamahala.

Sa simula pa lang ay kasama na ang pangalan ni Alex Gonzaga sa mga magiging hosts ng pangtanghaling programa, pero biglang nawala ang kaniyang pangalan sa listahan, hindi na pala siya kasama.

Pagkatapos nang ilang araw ay lumutang ang balitang kasali na siya, kasama sina Billy Crawford, Bayani Agbayani at iba pa, aling bersiyon kaya ng balita ang totoo?

Matagal na nagtrabaho sa TV5 si Alex, matagal namin siyang nakasama sa talk show na Juicy, nagbida rin siya sa maraming proyekto ng network.

Maraming nagulat nang bigla siyang lumundag sa ABS-CBN, mayroon daw kasing isang ehekutibo ng network na sadya siyang pababagsakin, kaya naunahan ng takot ang aktres.

“May lihim na galit daw ang TV executive kay Toni noon pa, kaya kay Alex bubuwelta iyong tao, pinaniwalaan naman agad ng family ni Alex ang kuwento,” pag-alala ng aming source.

Umikot ang gulong ng buhay, ipinasarado ang ABS-CBN, maraming personalidad ng istasyon ang naglipatan na sa TV5.

Sa October 19 na magsisimula ang Lunch Out Loud, maraming nagtatanong kung kasama si Alex sa mga magiging hosts ng show, dahil urong-sulong nga ang balita.

Sharon Cuneta – Inilantad sa mga bashers ang multi-milyong Rolex collection

Sinoplak nang malakas ng Megastar ang kaniyang mga bashers sa paglalantad ng kaniyang mga koleksiyon ng relo na milyunan ang halaga.

Aminado naman si Sharon Cuneta na para sa mga bashers ang desisyon niyang idetalye ang mga multi-milyong halaga ng kaniyang mga relo. At para sa mga Sharonians na rin na matagal nang hinihiling na ilabas niya ang kaniyang mga koleksiyon.

Nang ilabas kasi ni Mega ang kaniyang Rolex Daytona ay may mga bashers na nagkomentong ang yabang-yabang niya naman. Para dadalawang Rolex lang daw naman ang mayroon siya pero ganoon na lang ang kaniyang pagmamalaki.

Ayan tuloy, kinagat ni Sharon ang hamon, hindi lang pala dalawang Rolex ang mayroon siya kundi pagkarami-rami. May solid gold, may platinum, may two-tone, na ang kabuuang halaga ay puwede nang ipagpatayo ng isang mansiyon.

Bukod sa mga relong iniregalo ng kaniyang ama, ang pumanaw na si Mayor Pablo Cuneta sa kaniyang inang si Mommy Elaine, ay kumpleto siya ng iba-ibang disenyo ng Rolex.

At may matinding karapatan at kakayahan naman siyang bumili noon anumang oras niyang gusto dahil bilyonarya siya. Iyon ang pinakapremyo ni Sharon sa kaniyang sarili sa ilang dekada na niyang pagtatrabaho.

Suutan man ng Rolex ni Sharon kahit ang kaniyang mga paa ay puwede niyang gawin dahil ang ipinambili niya naman doon ay perang kinita at pinaghirapan niya at hindi naman salapi ng bayan.

Siguradong may maikokomento pa rin ang mga bashers sa kaniyang ginawa, pero isa lang ang mahalaga, walang kahit sinong makapanunumbat-makapagtatanong sa Megastar kung saan nanggaling ang kaniyang kayamanan.

Alden Richards –Panahon ng pandemya pero siya ang nilalapitan ng suwerte

Pinakamasuwerteng personalidad sa balat ng showbiz ngayon si Alden Richards. Sa panahon ng pandemya na trabaho ang hinahanap ng kaniyang mga kapuwa artista ay siya ang nilalapitan ng suwerte.

Habang inip na inip na at nabuburyong ang maraming personalidad sa kawalan ng trabaho ay heto naman ang Pambansang Bae, halos wala nang pahinga, dahil sa kaliwa’t kanang oportunidad na dumarating sa kaniya.

May ginagawa siyang serye, may musical show, may araw-araw na hosting sa Eat… Bulaga at siya ang paboritong kuning tagapag-endorso ng mga proyekto ng gobyerno.

Idagdag pa ang mga ginagawa niyang TVC, tapos na ang iba at ipalalabas pa lang ang mas marami pa, napakabukod na pinagpalang artista nga naman ni Alden Richards.

Hindi dumating sa guwapong aktor ang tagumpay na ito nang magdamagan lang. Mahabang panahon ang kaniyang hinintay. Magsasampung taon na si Alden sa mahal niyang propesyon.

Markado ang pahayag ng kaibigan naming propesor, “Lahat ng magagandang nangyayari kay Alden ngayon, e, matagal nang para sa kaniya. Nakasalansan na ang mga oportunidad na ito para sa kaniya talaga.

“Walang aksidente, kapalaran ang nagbibigay sa kaniya ng lahat, dahil maganda ang puso niya. Marunong siyang rumespeto at makisama sa mga co-stars niya, wala siyang kayabang-yabang, marunong siyang lumingon sa pinagmulan niya.

“Napakabuti niyang anak, kapatid at apo, bakit pa natin kukuwestiyunin ang magagandang nagaganap sa buhay at career niya ngayon? Premyo ‘yan ni Alden Richards sa kabutihan ng puso niya.

“Matagal nang nakabalot ang mga regalo para sa kaniya ng kapalaran, ngayon lang iniabot sa kaniya,” makabuluhang opinyon ni prop.

At nang tanggapin ni Alden Richards ang mga premyo sa kaniyang kabutihan ay nagkasabay-sabay, halos wala na siyang paglagyan, punumpuno na ang kaniyang kaban.

Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria – Sila na ba ngayon?

Maraming nasorpresa sa paglabas ng balita na may namamagitang romansa kina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria. Pareho kasi silang tahimik lang.

Ang pagkakaalam ng marami ay si AC Legarda pa rin ang karelasyon ng action star pero matagal na pala silang hiwalay. Si Raymart ang balitang nakipaghiwalay sa pinsan ni dating Senador Loren Legarda.

Sa mahabang panahon ay tahimik lang si Jodi tungkol sa paghihiwalay nila ni Vice-Governor Jolo Revilla. Nanatiling tikom ang bibig ng aktres, wala siyang pinakawalang pahayag kung bakit at ano ang dahilan ng pagkakani-kaniya nila ng landas, hanggang sa magpakasal na nga ang aktor-pulitiko sa isang beauty queen.

Kung totoo ngang nagkakamabutihan na sina Raymart at Jodi ay magandang balita ito. Pareho silang libreng magmahal, at may karapatan silang lumigaya, maraming magiging masaya para sa kanila.

Responsableng ama naman si Raymart sa dalawang anak nila ni Claudine Barretto, mapag-alaga at mapagmahal na ina si Jodi sa kaniyang anak na si Thirdy, hanggang hindi sila nagpapabaya sa kanilang responsibilidad bilang mga magulang ay nasaan ang problema kung sila na nga ngayon?

Pero hindi pa siguro kukumpirmahin nina Raymart at Jodi ang kanilang relasyon kung totoo nga, pareho silang maingat sa pagsasalita, titimplahin muna siguro nila ang sitwasyon bago sila magbukas ng puso tungkol sa magandang pagtitinginang mayroon sila ngayon.

Dadaanin lang muna ni Raymart Santiago sa pagngiti ang mga tanong ngayon, ganoon din si Jodi na marespeto sa pagsagot, maghihintay pa tayo nang ilang panahon bago natin marinig kung paano, saan at kailan nagsimula ang kanilang pagmamahalan.

Vice-Ganda – Ina-atake ng depression dahil sa pandemic

Hindi naging maganda ang kinalabasan ng pagpapakatotoo ni Vice Ganda tungkol sa nararamdaman niyang depresyon nang dahil sa pandemya. Inamin ng sikat na komedyante-TV host na sobra siyang nalulungkot ngayon, inaatake ng depresyon, ngayon lang daw niya naramdaman ang ganito.

May mga nakakaunawa sa kaniya, pero mas marami ang bumato sa kaniya at nagbalik sa nakaraan, hinusgahan ang nalulungkot na komedyante.

Binalikan ng marami ang kaniyang nakaraan bilang stand-up comedian. Marami siyang kasamahan na ni hindi man lang niya nakukumusta, kaya ipinalagay ng mga ito na tumabang na siya, pinagbago na siya ng kasikatan.

Mayroon ding mga hindi nagkakagusto sa kaniyang tatak ng pagkokomedya, isinumbat kay Vice ang lantarang pamamahiya na ginagawa niya sa mga kalahok sa It’s Showtime, wala raw siyang respeto.

Komento ng isang source, “Ang tawag namin sa kaniya, e, hindi Vice Ganda kundi hindi magandang bisyo dahil may mga panahong nambabastos na siya.

“Sumosobra na ang katabilan niya sa ere, ginagawa niyang comedy bar ang show, hindi man lang niya maisip na napapahiya ang taong nililibak niya,” sabi nito.

Walang forever, sabi naman ng iba, pana-panahon lang ‘yan. Wala siyang pelikula ngayon, napapanood man siya ay wala naman sa free TV ang kanilang programa, kaya siguro siya inaatake ng depresyon.

Komento ng isang source, “Pero masuwerte pa rin si Vice dahil mapera siya. Malaki ang naipon niya, mayroon siyang pambayad sa doktor kung magpapa-check-up siya sa depression na napi-feel niya ngayon.

“Mayroon siyang gagastusin, samantalang ang dami-daming nade-depress ngayon na hindi makapunta sa doktor dahil wala silang pera,” komento ng impormante.

Sinabi rin ni Vice sa kaniyang post na hindi niya na alam kung sinu-sino ang mga tunay niyang kaibigan ngayon. Doon siya mas hinusgahan.

“Kundi niya kinalimutan ang mga kaibigan at kasamahan niya noon, e, di sana, hindi niya mararamdaman ang ganyan ngayon? Nakalimot kasi siya sa mga taong totoong nagmamahal at nagmamalasakit sa kaniya,” sabi ng isang source na nakatrabaho niya dati sa comedy bar. –CSF

Cristy Per Minute • Oktubre 16-31, 2020

$
0
0

Cristy Per Minute ni Cristy FerminOktubre 16-31, 2020

      Sarah & Pia Wurtzbach
 
Sarah & Pia Wurtzbach
  Sharon Cuneta
 
Sharon Cuneta
  Jodi Sta Maria
 
Jodi Sta Maria
  Raymart Santiago
 
Raymart Santiago
  Angel Locsin noon
 
Angel Locsin noon
  Angel Locsin ngayon
 
Angel Locsin ngayon
  Korina Sanchez
 
Korina Sanchez
  DJ Chacha & Ted Failon
 
DJ Chacha & Ted Failon
  Vice Ganda
 
Vice Ganda

Pia at Sarah Wurtzbach – May junior na raw ang Barretto sisters

Nagkakaisang komento ng marami ay may junior na raw ang Barretto sisters kina Pia at Sarah Wurtzbach. Batuhan ng baho sa publiko noon ang pinagkaabalahan nina Gretchen, Claudine at Marjorie.

Talagang nagpista ang taumbayan sa pakikinig at pagbabasa sa mga negatibo nilang komento laban sa bawat isa. Pero namahinga muna ang magkakapatid. Kung kailan uli mabubuhay ang kanilang pagbabangayan na kasali ang publiko dahil sa social media ay sila lang ang taning nakakaalam.

Biglang umentra ang kapatid ng kinoronahang Miss Universe, binulabog niya ang buong mundo sa pagbabando ng mga salitang pagkasakit-sakit laban sa kaniyang kapatid, nagulantang ang buong bayan sa mga negatibong pananalita ni Sarah.

Pati ang kanilang ina ay minura niya, ang mga bagay-bagay na dapat nilang inuupuan lang ay ipinarating niya sa publiko, nagmistulang palengke tuloy ang personal nilang buhay.

May kaugnayan din sa pera ang mga inilantad na kuwento ni Sarah, sa pagiging mapang-unawa nito sa kaniyang kapatid, pero sa bandang huli ay ito pa raw ang masama.

Pero pagkatapos niyang wasakin ang imahe ng kaniyang kapatid ay biglang kumambiyo si Sarah. Nakikiusap siya ngayon sa ating mga kababayan na huwag magalit sa kaniyang kapatid na si Pia.

Teka lang naman muna. Sino ba ang nagbukas ng pintuan ng kanilang personal na buhay sa publiko? Sapilitan bang winasak iyon ng ibang tao para makialam sa kanila?

Siya itong naglitanya tungkol sa pagkatao ni Pia, siya itong nagmura sa kanilang nanay, siya itong nagbihadhad ng mga hindi kagandahang ugali ng kaniyang kapatid.

Pagkatapos ngayon ay sisisihin pa niya ang mga nakikisawsaw sa problemang siya ang nagpasimuno? Huwag daw magalit kay Pia, huwag daw laitin ang kaniyang kapatid, ang dami-dami niyang pakiusap ngayon dahil sa sunog na siya ang pinagmulan.

Kailangang maligo sa pulot ngayon si Sarah para mahimasmasan siya. Kailangan siyang pabendisyunan para malaman niya kung gaano kalaking gulo ang ginawa niya sa kanilang pamilya.

Ganito ang kinahihinatnan ng mga taong hindi muna nag-iisip nang maraming beses bago magklik. Ganitung-ganito ang kauuwian ng mga taong nagkikimkim ng galit sa kanilang puso at nagpapadala sa inggit.

Sharon Cuneta – Magre-retire na? Na-shock ang mga Sharonians!

Masyadong dinamdam ng mga loyalista ni Sharon Cuneta ang makahulugang post niya noong isang araw, “On my way to retirement.”

Kung edad ang pag-uusapan ay nasa kasibulan pa ang Megastar, hindi pa siya matanda na marami nang kakaibang nararamdaman sa katawan, kayang-kaya pa niyang magtrabaho at makipaglaban sa puyatan.

Pero siguro nga ay dumarating ang artista sa puntong gusto niya nang bigyan nang sapat na panahon ang kaniyang sarili at pamilya. Ang personal niya namang buhay ang gusto niyang asikasuhin dahil dekada nang naging pampubliko ang kaniyang buhay.

Lalo na sa estado ngayon ni Sharon Cuneta na kahit hindi pa siya magtrabaho ay makapamumuhay na siya at ang kaniyang pamilya nang sobra-sobra pa sa sapat dahil malalim ang balon ng kaniyang kayamanan.

Kung minsan, gustuhin mang magretiro na ng ibang artista ay hindi nila iyon magawa, mayroon pa silang mga pangarap, matindi pa ang kanilang pangangailangan, iyon ang pumipigil sa kanila.

Ibang-iba ang posisyon ni Sharon na hindi lang basta milyonarya na, napakarami na niyang naitayong negosyo na puwede niyang asahan kung hihinto siya sa pagharap sa mga camera, sigurado na ang kanilang kinabukasan ngayon pa lang.

Pero napakaaga pa, madiing pagkontra ng mga Sharonians, napakaaga pa para magretiro na ang isang Sharon Cuneta.

Magpreno na lang muna siya sa pagtanggap ng mga proyekto, balansehin na lang niya ang kaniyang panahon, pero alisin niya sa kaniyang bokabularyo ang pagreretiro.

ABS-CBN shows – Panoorin sa A2Z Channel 11 ni Brother Eddie

Para kaming nasabik sa paborito naming ulam na matagal naming hindi natikman, kaya noong nakaraang Sabado ay tumutok kami sa weekend teleserye marathon ng ABS-CBN, na napapanood na ngayon sa A2Z Channel 11.

Tatlong sunud-sunod na serye iyon, ang FPJ’s Ang Probinsiyano, Ang Sa Iyo Ay Akin at ang Walang Hanggang Paalam. Nahuli kami sa biyahe dahil hindi naman namin napapanood ang mga seryeng iyon sa digital channel ng nagsaradong network.

Tatak-Direk FM Reyes talaga ang seryeng pinagsasamahan nina Iza Calzado, Jodi Sta. Maria, Sam Milby at Maricel Soriano.

Walang kupas ang pagganap nina Iza at Jodi, kaya pati ang pinag-aagawan nilang lalaki na si Sam Milby ay nakasabay sa kanilang pag-arte, panalung-panalo ang kanilang mga eksena.

Kung gaano kamapagpatawad ang karakter ni Iza ay pailalim naman ang mga plano ni Jodi, sasadyain niya talagang angkinin ang lahat ng mayroon si Iza, maraming galit sa karakter nila ni Sam Milby.

Para namang foreign movie ang maangas na pagsisimula ng Walang Hanggang Paalam, matikas ang datingan nina Jake Cuenca at Paolo Avelino, wala kang itatapong eksena sa unang pagbubukas ng serye.

Labas ang mga personal na isyung kinasasangkutan ni Paolo Avelino, bilang aktor ay lutang na lutang ang kaniyang talento, sayang na sayang iyon kung hindi siya mabibigyan ng mga seryeng mas susukat pa sa husay niyang gumanap.

Wala nang kuwestiyon ang mga atake ni Angelica Panganiban, ganoon din ni Zanjo Marudo, habang nang-iimbita naman ng pagkainis ang karakter ni Cherry Pie Picache bilang paimbabaw na doktora.

Marathon talaga ang palabas, literal na dyinggel lang ang pahinga, pero hindi ka makakaramdam ng pagkainip dahil nasabik kang panoorin uli ang mga serye ng ABS-CBN.

Pagkatapos ng Walang Hanggang Paalam ay biglang sumunod agad ang programa ng Jesus Is Lord, pasigaw na sinabi ni Brother Eddie Villanueva, “Jesus is alive!” Buhay na buhay ang Diyos!”

Napapitlag kami, oo nga pala, hindi na ABS-CBN ang istasyong pinanonood namin, dahil nakikisukob sila ngayon sa A2Z Channel 11.

Raymart at Jodi – Apektado ba ng subpoena mula kay Claudine?

Nilinaw sa amin ni Attorney Ferdinand Topacio na walang kinalaman sa relasyon nina Raymart Santiago at Jodi Sta. Maria ang tinanggap na subpoena ng action star ilang lingo na ang nakararaan.

Ayon sa abogado ni Claudine Barretto ay noong nakaraang April pa dapat ang pagdinig sa piskalya ng kasong isinampa ng kaniyang kliyente (R.A. 9262) pero napag-abutan iyon ng lockdown.

“Walang kinalaman ang kaso sa relasyon nina Raymart at Jodi, labas iyon sa asunto, ang pinagkasunduan nilang sustento sa mga anak nila ang laman ng kaso.

“Ayos na sana ang lahat sa kanila kung tumupad lang si Raymart sa one hundred thousand na sustento para kina Sabina at Santino, pero hindi niya naman iyon tinupad,” unang paliwanag ni Attorney Topacio.

Sa pagkakaalam namin ay hindi nagkukulang si Raymart sa kanilang mga anak, dinadalaw rin nito ang mga bata kapag may libre itong panahon, pero ayon sa abogado ni Claudine ay hindi naman iyon sapat.

“Obligasyon niya talagang puntahan ang mga bata as a father. Hindi dapat mawala ang communication nila. Tama iyon. Pero dapat, e, tumupad siya sa pinagkasunduan nilang sustento.

“Pabigay-bigay lang kasi si Raymart, paabut-abot lang, hindi sufficient ang ibinibigay niya para kina Sabina at Santino. Kung mula noong magkasundo sila sa korte, e, tinupad na niya iyon, wala na sana silang problema ngayon,” mahinahong komento ng abogado ni Claudine.

Nakatakda na ang pagdinig ng kaso, harinawang magkasundo na ang magkabilang panig, kahit para man lang sa kapakanan ng kanilang mga anak.

Angel Locsin – Sikat pa rin siya kaya pinakikialaman pa rin ng publiko

Na-shock ang mga kaibigan naming direktor nang sipatin nilang mabuti ang lumabas na pinakabagong retrato ni Angel Locsin dito sa PSN kahapon.

Buung-buo kasi ang pagkakalatag ng larawan ni Angel, mula ulo hanggang paa, kaya bawat detalye ay kitang-kita.

Tanong ng anak-anakan naming doktor, “Hindi kaya photo-shop lang ito? Parang napakalaki naman niya bigla? Alam kong may spinal problem siya, umiinom daw siya ng steroids, kailangang bantayan niya ang health niya,” punto de vista ng isang doktor.

Malaki ang kinalaman ng ating timbang sa ating kalusugan. Payat at mataba ay kailangang masidhing inoobserbahan. Malapit sa pagkakasakit ang lumolobong timbang.

Isang kaibigan naman namin ang nagkomento, “Kaya ganyan ang itsura niya, e, malaki rin kasi ang boobs niya. Pantay na nga ang boobs niya at ang bilbil niya. Kailangan niyang mag-exercise, bata pa naman siya, mahahabol pa rin niya ang dati niyang weight.”

Sa hanay ng mga artistang pangkasalukuyan ay nakilala kasi si Angel Locsin na pinakaseksing Darna. Napakaganda ng hugis ng kaniyang katawan, halos perpekto nga siyang Darna, kaya maraming nawiwindang sa kaniyang laki ngayon.

Pinagpipistahan ang kaniyang retrato, nakakatikim na naman ng mga salitang hindi maganda sa pandinig ang aktres, may mga humuhusga sa kaniya.

Malaking usapin ngayon ang paglobo ng katawan ni Angel Locsin, para bang kapag agaran siyang pumayat ay babagsak na ang presyo ng bigas, para bang madidiskubre na ang bakunang makalulutas sa pandemya.

Isa lang ang ibig sabihin noon, nasa gitna pa rin ng entablado at aksiyon si Angel Locsin, sikat pa rin siya kaya bahagi siya ng kamalayan at pakikialam ng publiko sa kaniyang lumobong katawan.

Mga ex-ABS CBN – Nagkaipun-ipon ngayon sa TV5 at Radyo Singko

Hindi lang ang mundo ng entertainment ang tinututukan ngayon ng ating mga kababayan. Pati ang balwarte ng mga news anchors ay interesanteng paksa rin para sa mga Pinoy.

Matagumpay nang nakapagsimula sa Radyo Singko 92.3 News FM ang tambalan nina Ted Failon at DJ Chacha. Napapanood din sila sa TV5 at One PH Cignal Channel 1.

Nakalipat na sa DZRH sina Anthony Taberna at Gerry Baja. Ang inaabangan ngayon ng mga kababayan natin ay ang paglipat ni Korina Sanchez sa TV5 sa pamamagitan ng kaniyang programang Rated Korina.

Kumpirmado na ang paglipat ni Ate Koring sa kaniyang bagong home studio, ang Brightlight Productions ni Congressman Albee Benetiz ang kaniyang prodyuser, pero may gustong linawin ang kampo ng magaling na news anchor bago magsimula ang kaniyang magazine show sa TV5.

Hindi siya ang ipinalit kay Kris Aquino sa naunsiyami nitong show, magkaiba ang kanilang mga prodyuser, si Korina Sanchez ang unang choice ng Brightlight Productions.

Kinabog na naman daw ni Korina ang dati niyang kasama sa ABS-CBN na si Karen Davila, opinyon ng marami, pero ayon sa isang malapit sa newscaster ay gusto munang tutukan ni Karen ang kaniyang pamilya ngayon kaya ayaw muna nitong tumanggap ng programa.

Nalalabnawan naman ang mga nakausap namin kay Henry Omaga Diaz bilang kapalit ni Kuyang Ted sa TV Patrol, kulang daw sa angas sa pagbabalita si Henry, at palagi siyang bumabakel.

“Kahit nga sa news break lang noon ng ABS-CBN, e, kulang na kulang na si Henry, parang wala siyang tiwala sa capacity niya, sa TV Patrol pa kaya?” pagpansin ng kaibigan naming propesor.

Nagririgodon ngayon ang mga news personalities pero nakauna na si Ted Failon na inaabangan na ngayon ng mga kababayan natin tuwing alas sais nang umaga sa Radyo Singko.

Dalawa na silang poste ngayon ni Raffy Tulfo sa bulwagang pambalitaan ng TV5, parehong walang inuurungan, parehong may paninindigan.

Ang buhay nga naman. Sa isang iglap lang ay nagkaipun-ipon ngayon sa TV5 at Radyo Singko ang malalaking personalidad ng news at entertainment.

Wala talagang mayhawak ng bukas. Diyos lang ang nakakaalam kung saan tayo dadalhin ng kapalaran.

Vice Ganda – Umaariba na naman! Daming kuwento!

Sabi ng mga kaibigan namin, “Umaariba na naman si Vice Ganda! Nasaksakan lang ng dextrose, umaarya na naman siya!”

Ang kuwento ay nag-ugat sa hindi nila nagustuhang biro ni Vice noong isang araw sa It’s Showtime. Hindi namin iyon napanood kaya sila ang pinagkuwento namin.

Sabi ng isang nagbalita sa amin, “Mayroon kasi siyang sinabi sa ere na kung makakausap lang daw niya si Gat Andres Bonifacio, e, tatanungin niya kung ano ba ang isinigaw niya sa rebolusyon?

“Sugod mga kapatid daw ba o sugod, mga kapamilya? Nagtawanan naman siyempre ang mga co-hosts niya! Natural, double bladed ang komento niyang iyon, umani ng reaction,” sabi ng aming kausap.

Ang komento ni Vice ay may pailalim na parinig, maraming nagpapatunay, sa mga kasamahan nila sa ABS-CBN na naglundagan na sa TV5.

Noong kasagsagan ng emosyon ng mga taga-ABS-CBN dahil sa pagpapasarado sa kanilang network ay panay-panay ang post ni Vice tungkol sa mga kasamahan nilang nawalan ng trabaho.

Napakalungkot niya, paano na raw ang mga kapamilya niyang mawawalan ng trabaho, paano na raw ang mga magugutom nilang pamilya?

Sabi uli ng kausap naming, “Ngayong nasa TV5 na ang marami nilang kapamilya dahil si Mr. M (Direk Johnny Manahan) ang namahala sa pagpili, e, heto na naman si Vice. Umaariba na naman ang matabil niyang dila!

“Dapat, e, maging masaya siya dahil may trabaho na ang mga kasamahan nila sa TV5! Bakit, kaya ba niyang ibigay ang mga pangangailangan ng mga artistang lumipat sa TV5 para magkatrabaho?

“Tantanan na niya ang mga ganyang salita! Lungkut-lungkutan siya noon, pero ngayong nasaksakan na naman siya ng suwero dahil nasa free TV na sila, e, nagpa-power trip na naman siya!” negang komento pa ng aming kausap.

Korek na korek!

Eto pa…

Mukhang may namumuong argumento sa pagitan ng dalawang relihiyon dahil kay Vice Ganda. Ang sektang pinamumunuan ng dati nang nakabangga ng komedyante na si Pastor Apollo Quiboloy at ang lider naman ng Jesus Is Lord (JIL) na si Brother Eddie Villanueva.

Nagsimula na sa free TV ang It’s Showtime na tinatampukan ni Vice Ganda sa pamamagitan ng A2Z Channel 11 na pag-aari ng pamilya ni Brother Eddie.

Kung si Pastor Quiboloy ang may-ari ng istasyon, ayon sa kaniya, ay hindi nito papayagang umere ang isang Christian station ang isang tulad ni Vice.

Para raw kasing kinukunsinti pa ang kabaklaan ni Vice, samantalang iisa lang naman ang paninindigan ng bawat relihiyon na lalaki at babae lang ang dalawang klase ng kasariang nilalang ng Diyos, walang bakla.

Kailangan daw bang kunsintihin ang isang tulad ni Vice Ganda na ipinaglalantaran ang kaniyang kabaklaan sa himpapawid? Pero sabi nga ni Pastor Quiboloy ay hindi naman kaniya ang A2Z Channel 11 kaya ang dapat tanungin tungkol doon ay si Brother Eddie.

Nagkaroon ng pagpapalitan ng argumento noon sa pagitan nina Pastor Quiboloy at Vice Ganda. Nagsabi ang pastor na baka isang araw ay hindi lang ang programa ng komedyante ang mawala sa ere kundi pati ang buong network.

At naganap nga ang markadong pahayag ni Pastor Apollo Quiboloy. Naipasarado nga ang ABS-CBN.

Eto pa isang kuwento…

May lumulutang na kuwento na araw-araw nang bumibiyahe si Ion Perez mula Maynila pauwi sa Tarlac. Parang lumalabas sa isyu na hindi na siya nakatira sa bahay ng karelasyon niyang si Vice Ganda.

Anyare, tanong ng marami, lumalamig na ba ang kanilang relasyon? Tumatabang na ba ang timplada ng kanilang pagmamahalan? Saan nanggaling ang kuwentong uwian na lang ngayon si Ion sa kanilang probinsiya pagkatapos ng kaniyang trabaho sa Manila?

Iyon daw kasi ang hinihiling ng ina ni Ion Perez, sa Tarlac na siya umuwi, dahil masyadong nasabik ang kaniyang pamilya sa tagal ng hindi nila pagkikita dahil sa lockdown.

Mababaw na dahilan iyon para sa mga dudero at dudera, napakababaw, dahil alam naman ng pamilya ni Ion na nasa Maynila ang kaniyang trabaho at napakahirap bumiyahe nang ganoon kalayo.

Pero mukhang ang kuwentong kumakalat ang malabnaw at hindi ang relasyon nina Vice at Ion. Sila pa rin, mainit na mainit pa rin ang kanilang relasyon, isang malapit kay Vice ang nagsabi sa amin.

Sabi ng aming source, “Hindi na bago ang mga ganyang kuwento, puro fake news lang naman ang lumalabas about them.

“Sa ipinagagawang house ni Vice, e, nandoon ang gym para kay Ion, mayroon ba namang nagkakatabangan nang ganoon? Part pa rin si Ion ng mga plano ni Vice! Hindi totoo iyon!” madiin pang paliwanag ng aming kausap. – CSF

Viewing all 250 articles
Browse latest View live