Quantcast
Channel: Showbiz
Viewing all articles
Browse latest Browse all 248

Cristy Per Minute • Enero 16-31, 2013

$
0
0
Heart Evangelista
Heart Evangelista
Chiz Escudero
Senator Chiz Escudero
Kris Aquino, Vice Ganda & reigning comedy queen, Ai Ai Delas Alas
Kris Aquino, Vice Ganda & reigning comedy queen, Ai Ai Delas Alas
Pilita Corrales
Pilita Corrales
Cristine Reyes
Christine Reyes
Rayver Cruz
Rayver Cruz

cristy bylineEnero 16 – 31, 2013

Heart Evangelista – Bagay na bagay kay Sen. Chiz

Sa isang isla sa lalawigan ng Quezon magkasamang nagbakasyon kamakailan sina Senator Chiz Escudero at Heart Evangelista. Natural lang na naging aktibo ang mga usisero sa pagtutok sa magkarelasyon. Kinikilig pa nga ang iba sa kanila, bagay na bagay raw kasi sina Heart at Senator Chiz.

Dati nang nakikita ng aming mga impormante si Heart, pero sa mga pagkakataong iyon ay hindi namamansin ang dalaga. Kaya bagong Heart ang nakita nila nitong huli habang kasama ang senador na sinasabing kahawig ni Bamboo.

“Marunong na siyang bumati, saka maaliwalas na rin ang mukha niya. Hindi na siya simangutera. Malaki ang ipinagbago ni Heart ngayon. Makarelasyon ba naman niya ang isang senador na grabe ang PR, talagang sasabay siya!” komento ng aming kaibigan.

Marami nang pinagdaanang biyahe si Heart, pero walang nangyayari. Hindi gaanong tumatagal ang kaniyang pakikipagrelasyon. Sana nga, sa pagkakataong ito ay natagpuan na niya ang kalebel ng kaniyang utak at panlasa. Hindi na masasabi ngayon na ayaw ng kaniyang pamilya sa isang sikat at matalinong senador na magiging magandang impluwensiya kay Heart.

Ai Ai Delas Alas – Comedy queen talaga

Halos lahat ng nakakausap namin ay aliw na aliw sa Comedy Concert Queen sa Sisterakas. Nagkakaisa ang mga nakakausap namin na si Ai-Ai delas Alas talaga ang nagdala ng pelikula. Kinasabikan nila ang uri ng komedyang mayroon si Ai-Ai.

Siguro naman ay ramdam nina Kris Aquino at Vice Ganda ang sinasabi ng manonood. Oo, totoong mayroon din silang mga tagasuporta. Totoong may makapagsasabi rin na sila ang pinanood ng mga ito pero ang porsiyento noon ay maliit lang kumpara sa laki at lawak ng naaabot ni Ai-Ai.

Iyon ang marka ng magaling na komedyana na wala pang nakapaplakado hanggang ngayon. Nakalilimot ng problema ang kaniyang pagpapatawa. Isang tunay na katatawanan iyon at hindi pagkainis na tulad ng ipinakikita ng ibang komedyante.

Si Ai-Ai delas Alas pa rin ang may hawak ng korona. Sa ayaw at sa gusto ng iba diyan, siya pa rin ang minamahal at hinahangaan ng madlang pipol sa totoo lang.

Pilita Corrales – Ayos na ang relasyon kay Lotlot

Pagkatapos ng mahabang panahon ay nagkita na pala at nagkasundo ang dating magbiyenang Ms Pilita Corrales at Lotlot de Leon. Nag-ugat ang hindi nila pagkakaunawaan dahil sa mga isyung kinasangkutan nina Lotlot at Ramon Christopher Gutierrez dahil sa kanilang paghihiwalay.

Natural, ina ni Monching si Tita Pilita, alangan namang si Lotlot pa ang kaniyang kampihan. Humaba ang kontrobersiya na humantong pa sa pagpapalitan nila ng mga hindi kagandahang salita.

Naiwan sa poder ni Monching ang kanilang mga anak ni Lotlot. Ang mag-ina ang nagpaaral sa mga bata, pero hindi naman ipinagdamot ni Monching ang pagkakataong makita ni Lotlot ang kanilang mga anak.

Diretsong magsalita si Tita Pilita, kapag tinatanong ito tungkol kay Lotlot ay natural lang na emosyonal ang kaniyang sagot. Nagbibigay rin naman ng kaniyang panig si Lotlot tungkol sa isyu.

Pero may paraan ang panahon para gumamot kahit ng malalalim na sugat. Noong nakaraang Pasko ay pinadalhan ng Christmas card ni Tita Pilita si Lotlot. Ginantihan naman iyon ng respeto ng aktres.

Nagpunta siya sa bahay ng kaniyang dating biyenan. Nagkasama-sama sila noong Pasko. Kumustahan lang ang namagitan sa kanila at kusa na nilang binura sa kanilang mga puso ang mga hindi kagandahang alaala ng nakaraan.

Ngayong nagkasundo na si Lotlot at ang ina ni Monching ay may kasunod pang katanungan iyon. Kailan naman daw kaya sila magkakasundo ng kaniyang ina. Idenay man ng aktres ang katotohanan ay maraming nakakaalam na may problema sa pagitan nila ng kaniyang inang Superstar. Susunod na raw kaya ang pangyayaring iyon?

Isang source ang nakapagsabi sa amin na hanggang ngayo’y may matinding tampo pa rin si Lotlot sa kaniyang ina. Si Matet daw ang malapit sa Superstar. Hiling nila na sana’y maging maayos na rin ang relasyon nina Lotlot de Leon at Nora Aunor.

Cristine Reyes – Break na sila ni Rayver, hanggang kailan daw?

Isa lang ang alam naming maligaya sa pakikipaghiwalay ni Rayver Cruz sa kaniyang may kabarubalang karelasyon na si Cristine Reyes, ang kaniyang pamilya mismo at wala nang iba pa.

Matagal nang kontra ang pamilya ng aktor sa kaniyang girlfriend, kaya lang ay hindi agad nagtagumpay ang mga ito na mabaklas siya kay Cristine, pag-ibig daw ang maitatawag doon.

Sabi ng aming source, “Nakararating kasi sa pamilya ni Rayver ang mga ginagawang pambabastos sa kaniya ni Cristine kahit sa harap ng maraming tao. Mabait lang talaga si Rayver kaya napalalampas niya iyon.”

At iyong tungkol naman sa kanila ni Derek Ramsay, matagal nang tugtugin iyon. Ilang beses na nilang pinag-awayan ni Rayver ang pagkabuking sa pakikipagkita nito nang palihim sa aktor nang ilang beses.

Pero mahirap tayaan ang kuwento ng paghihiwalay nina Rayver at Cristine. Para kasi silang panahon na pabagu-bago ang direksiyon, lalabas pa lang ang sinulat mo ay bati na naman sila.

Sa pansamantala nilang paghihiwalay (inuulit namin, pansamantala lang) ay siguradong masaya na ang ilang tao sa kampo ni Rayver dahil talagang ayaw ng mga ito kay Cristine.

Sabi ng ang aming impormante, “Sino ba naman kasi ang magkakagusto sa babaeng ganoon na pati ang mommy at mga kapatid niya, eh, inaaway at sinusumbatan? Kung kaya niyang gawin iyon sa mismong mga kadugo niya, di lalo na sa ibang tao?”

Ano kaya ang masasabi ngayon ni Ara Mina tungkol sa kuwento ng pakikipagrelasyon ng kaniyang kapatid? Kung kilala nga namin ang aktres ay isa lang ang gagawin nito. Titingala si Ara sa langit, kasunod ang matinding hugot ng buntong-hininga.

 

Have a comment on this article? Send us your feedback


Viewing all articles
Browse latest Browse all 248

Trending Articles